𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛...

By aprilannaaaa

55.1K 2.4K 37

Kuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi... More

FRONT MATTER
AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
CHAPTER FIFTY-FOUR
CHAPTER FIFTY FIVE
CHAPTER FIFTY-SIX
CHAPTER FIFTY-SEVEN
CHAPTER FIFTY-EIGHT
CHAPTER FIFTY-NINE
CHAPTER SIXTY
CHAPTER SIXTY-ONE
CHAPTER SIXTY-THREE
CHAPTER SIXTY-FOUR
EPILOGUE
💙
ABOUT FINDING MR. RIGHT

CHAPTER SIXTY-TWO

403 23 0
By aprilannaaaa

Jasmine Point of view

DALAWANG linggo na lang kami magpa-practice para sa graduation namin nandito kaming lahat na students sa court malaki naman siya kaya kasya naman kami pati mga magulang namin unang practice namin ngayon dalawang linggo na lang wala na kami rito, ang bilis talaga ng araw parang kailan lang nung unang klase namin andami naming pinagdaanan sa buhay namin tapos ngayon tapos na ang paghihirap namin nakakamiss din.

Kaiyak.

Makalipas lang ang ilang minuto ay natapos na kami kinanta namin yung sa patuloy ang pangarap, tapos yung the climb, atsaka yung do I make you proud at last yung you raise me up at yung kanta para sa paaralan at habang nagpa-practice kami ay naiiyak ang karamihan sa amin kasi tapos na kami mami-miss namin ang bawat isa pero wala pa rin magbabago sa sinimulan ng barkada namin sa huli.

Nagsisimula na kami sa pagpa-practice per course ang ganap tapos alphabetically sa bawat course ang ganap namin andami rin kasi namin na students kaya nasa last na ako feel ko hindi naman mainit kasi ventelated (correct me if mali siya besh.) naman kami kaya keribels na kaso sa dami namin feeling ko ilang oras kami magpa-practice lahatan na kasi kumbaga walang first batch at second isang bagsakan lang siya dahil siguro sa may honorable at hindi sa  pagmamayabang si Taliyah ang summa cum laude, ako ang magna cum laude tapos si Aubrey ang cum laude habang si Bailey at Joaquin ang first honorable tapos si Bailey ang MVP of Basketball tapos sa iba na yung iba hindi naka-honor si Paula kasi mas madami ang mas mataas sa kaniya pero ang grade niya ay line of 9 din pero sa room ay may top si Paula top 3 siya sa amin kaso dalawa lang kami nung president namin ang aakyat sa stage si Aubrey naman ay may dagdag na award na matatanggap for leadership dahil sa president siya ng campus.

Dito kasi lahat ay aakyat basta line of 9 ang average mo kami kasi ni Taliyah ay mataas mga 99 na siya point lang pagitan namin tapos si Aubrey 98 tapos si Joaquin at Bailey naman ay 97 naman tapos yung iba naman 97 to 96 lang tapos 95 pababa naman yung iba, OA lang nung nga grade minsan magugulat ka na lang kasi may ilan na chill pero matatas grade.

Halimaw sila sa grade. Don't judge a book by it's cover sabi nga nila.

Isang oras na kami ngayon pero dalawang course pa lang ang natatapos nakakaloka na ito kaya naman hanggang ngayon nasa may upuan pa rin kami nakapag-martsa na kami kakaloka dalawang oras kami nagma-martsa tapos naman ngayon peste naman tawagan baka naman abutin kami ng 12 hours sa graduation lima ang kakantahin namin tapos speech pa hindi naman mahaba yun, tapos mga award kakaloka naman talaga pero para sa araw ng pagtatapos laban natin.

Iyong sampung buwan nga nahintay ko oras pa kaya di ba siya nga nahintay ko oras pa kaya charot lang.

After 123456789 years natapos na kami nakatatlong beses kami sa pagpa-practice at 12 hours kaming nandito sa school tapos wala pa kaming kain kaya heto kaming anim papunta sa may mang inasal para naman may may pa unli rice kami.

Nakakagutom.

Nandito na kami ngayon sa  mang inasal naka-order na rin kami at nagsisimula na kumain habang nag uusap kami.

"Kakaloka naman yun, paano pa kaya sa graduation natin ilang oras kaya bago matapos." Sabi ko.

"Okay lang yan, 10 months nga natiis natin oras pa kaya." Sabi ni Paula.

"Si Joaquin nga ang tiyaga maghintay sa matamis na oo mo." Sabi ni Taliyah.

"Tsee! akala mo sila mga wala rin manliligaw," sabi ko.

Inaasar lang nila ako pero deadma na lang ang ginawa ko.

"Anyway may speech ka na ba cous?" Tanong naman ni Aubrey.

"Wala pa, hindi pa tapos madami kasi ako sasabihin sa speech ko." Sagot ni Taliyah.

"Baka balak mo gawing talambuhay mo yun," sabi ko.

"Kung puwede rin naman bakit hindi di ba," biro ni Taliyah.

"Ay kabog ihahanda ko na yung tissue ko," sabi ko pa.

Natawa na lang sila pero nag usap usap na lang ulit kami about sa graduation namin na magaganap.

Pauwi na kami ngayon hinatid na rin ako ni Joaquin hindi ko alam bakit hinatid pa niya ako.

Alas otso na ng makarating kami, nandito kami ngayon sa gate.

"Okay na makakauwi ka na at delikado na sa daan atsaka gabi na rin." Sabi ko sa kaniya.

"Sige, mauuna na 'ko."

"Salamat sa paghatid mag iingat ka,"

"Sige,"

"I-text mo na lang ako kapag nakauwi ka na,"

"Oo sige pumasok ka na sa inyo, alis na ako."

Nag-wave na lang ako sa kaniya at nagpaalam na rin, pagkapasok ko wala akong naabutan wala naman talaga akong aabutan dito pagpasok ko nakita ko yung mga achievements na natanggap ko mga medal pati yung mga sa modelling ko napangiti na lang ako.

Ang sarap sa eyes malaman na may mga achievements ako natanggap alam ko naman proud si mommy at daddy sa 'kin syempre gusto ko naman talaga na maging proud sila sa akin para sa kanila lahat ng natatanggap ko.

Ilang minuto lang din ay naglakad na ako paakyat sa kuwarto ko magpapalit na muna ako bago ako magpahinga dahil panibagong araw na naman para sa aming practice, ilalapag ko na dapat ang cellphone ko ng tumunog siya pagtingin ko si Joaquin

From:Joaquin Gwapo

Kakarating ko lang, kumain ka na riyan at magpahinga.

To:Joaquin Gwapo

Yes naman, ikaw rin diyan wag papalipas ng gutom.

Pagka-send ko sa kaniya ay naghugas na ako at nagsimula na sa pagbibihis tapos ay humiga sa kama at nagce-cellphone habang hindi pa ako inaantok.

Mamaya na rin ako kakain kasi papahinga na muna ako sandali tapos kakain na na lang kapag nagutom na lang sa ngayon kasi ay hindi pa ako nagugutom pagod lang talaga ako ngayon kailangan ko pahinga.

Pababa na dapat ako para kumain ng mag-ring ang cellphone ko, pagkatingin ko ay si mommy tumatawag pala kaya agad agad ko naman 'tong sinagot.

"Yes po?"

"Where are you baby?"

'House po mommy, why po?"

"Nothing I miss you so much,"

"I miss you to mommy and also daddy. How are you po?"

"Fine don't worry about us,"

"Okay mom, I will end the call na mommy to take you rest po."

"Okay baby you should always take care yourself more baby see you soon,"

"Okay mommy,"

"Okay bye,"

"Sige po,"

Pinatay ko na yung tawag niya at nagsimula na bumaba para kumain, makalipas lang din ang ilang minuto ay natapos na ako kaya naman nag-toothbrush ako at umakyat na ulit sa taas para matulog.

♡♡♡♡

Joaquin Point of view

DAHIL hindi pa kami nag uumpisa sa practice ay naisipan muna namin mag foodtrip, nandito kami sa may labas ng campus habang nag uusap kung saan namin balak kumain.

"Nag-crave ako bigla sa streetfood," sabi ni Jasmine.

"Kain tayong fishball at kikiam o kaya fries o kahit sana mga pagkain na makikita natin sa kalsada." Suggestion ni Iya.

"Tara na bigla ako nagutom sa mga suggestion niyo," sabi ni Aubrey.

Naglakad na sila kaya naman wala na kaming nagawa ni Bailey kung hindi ang sumunod sa kanila papunta sa sinasabi nila, ito ang mga klase ng babae na walang arte sa mga pagkain ibang klase talaga kahit saan mo yayain ay automatic payag sosyal o kahit pagkain sa kalye pa yan ayos lang, dahil nasa hulian kami ni Bailey ay nag uusap kami.

"Pre ang suwerte natin sa kanila kapag nagkataon," sabi ko.

"Oo tingnan mo walang arte sa pagkain masaya na sila kahit turo turo lang kainin nila." Sabi niya pa.

"Nakaka-amaze sila, ibang iba sila sa mga babae na nakilala ko."

"Tama sana sila na hanggang sa huli,"

"Kung iingatan ba naman natin sila magtatagal pre tiwala lang,"

"Kung mamahalin natin sila magtatagal at happy ending,"

Natawa na lang kaming dalawa, nag usap na lang kami tungkol sa ibang bagay hindi namin namalayan na nandito na pala kami sa bilihan ng mga fishball, kikiam at iba pa.

"Ayaw niyo ba? masarap naman siya mura pa." Pagyaya ni Iya habang kumakain.

"Kaya nga don't tell me hindi pa kayo nakakain ng ganitong klaseng pagkain, hindi kayo tao atsaka pagkaing pinoy kaya 'to" Sabi naman ni Jasmine.

"Nakakain kami niyan," sabay na sagot namin ni Bailey.

"Bumili na kayo, akala ko hindi pa." Sabi ni Jasmine.

Tumalikod na siya para naman kumuha ulit ng fishball kaya naman kumuha kami ng cup at naglagay rin naman sa amin ang totoo kasi talaga niyan first time namin kumain ni Bailey ng ganito kasi maarte sila mommy, ewan namin masyado kami inalagaan tapos ayaw kami pakainin sa mga ganitong klase pero dahil mahal namin ni Bailey ang dalawang babae na nasa harapan namin kung ano ang trip nila trip na rin namin ayaw namin maging dahilan yun para ayawan nila kami di ba? kaya kahit first time namin kumain ay go with the flow na lang kami.

Pabalik na kami ngayon kasi nag-chat na yung kasama nila Aubrey kaya naman bumalik na kami, habang papunta kami ay nag uusap usap kami sa mga gagawin namin after ng graduation mga plano namin at mga gusto namin gawin pa namin mga gustong matupad at sa marami pang iba.

Pagdating namin sa school magsisimula na kaya naman pumunta na kami sa mga kaniya kaniyang pila namin at ilang sandali nagpatuloy kami.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na kami pinapauwi na kami dahil kailangan pa mag-meeting ng mga teacher kaya 4pm pa lang na dapat ay 6pm or 7pm pa ang tapos namin ay napaaga pabor naman sa 'min yun kasi makakapagpahinga na kami palabas na kami ngayon habang magkakasama kaming ani habang nag uusap kami sa kung anong mga gagawin namin pagkauwi at sa iba pang bagay.

"Uuwi na ba agad kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Ako oo , aalis sila mama walang tao sa bahay namin maglilinis ako tapos maglalaba na rin isang linggo na kaming walang laba." Sabi ni Iya.

"Ako wala naman talaga ako kasama sa bahay, ano ba may magagalaan ba tayo?" Sabi ni Jasmine.

"Past ako mayroon kaming family dinner ng 7pm at bawal ang hindi kami kumpleto." Sabi naman ni Aubrey.

"Ako rin, may bisita sa bahay at kailangan nandoon ako ng 5pm." Sabi ni Paula

"So ikaw lang ang free ngayon Jasmine." Sabi ko.

"Mag-date na lang kayo, kayo lang pala ang free bawal ako ngayon kasi sasamahan ko si mama sorry next time na lang tayo." Sabi ni Iyah.

"Settled na tayong lahat, so paano mauuna na ako sa inyo, nag-text na si mama bukas na lang ulit bye." Paalam ni Iya.

"Kaya niyo na yan guys, I have to go also see you tomorrow." Sabi pa ni Aubrey.

Nagpaalam na yung dalawa si Aubrey at Paula

"Pre una na ako sa inyo, enjoy kayo bukas na lang ulit." pagpapaalam ni Bailey.

Kaming dalawa na lang ni Jasmine ang naiwan ngayon.

"So... saan tayo?" Tanong niya.

"Ikaw bahala,"

"May alam akong lugar may kotse ka ba na dala?"

"Oo,"

"Sige turo ko na lang sa'yo ang daan pero bili muna tayo ng food para may makain tayo." Sabi niya pa

"Sige,"

"Let's go,"

Naglakad na siya kaya naman sumunod na ako sa kaniya, alam naman niya ang kotse ko kaya for sure hindi siya maliligaw ng papasukan na kotse makalipas ang ilang minuto ay nakasakay na kaming dalawa at pinaandar ko na siya.

Nakarating kami sa isang bay na sobrang ganda ng tanawin.

As in literal na maganda. Parang siya.

Habang nakaupo kami at walang nagsasalita sa amin tanging tubig lang ang naririg namin ilang sandali lang ang nakalipas ay nagsalita siya.

"Ito ulit ang unang beses na pumunta ako rito," sabi niya.

"Bakit?"

"Kasi simula ng kalimutan ko yung ex ko kinalimutan ko na ang nagsilbing alala rito, sorry na offend ka ba?" Sabi niya pa na napatingin sa akin.

"No, okay lang yun natural naman yun okay ka na ba ngayon?"

"Syempre salamat sa'yo, siguro binigay ka ni God para mas maging matapang ako tapos hindi lang yun para turuan natin ang isa't isa."

"Pinagtagpo tayo dahil may dahilan," nakangiti kung sabi.

"Lahat ng taong pinagtatagpo may dahilan, baka may dahilan kaya tayo pinagtagpo." Nakangiti nito na sabi.

Continue Reading

You'll Also Like

17.9K 296 7
Si Shan Gonzales ay isa sa mga babaeng naniniwala sa happy ending at happy ever after at umaasang mararanasan n'ya rin ito. Si Daine Rodriguez, isa s...
3.2K 168 40
Akala ni Kate ay siya lang. Pero akala niya lang yun,simula ng malaman niya ang malaking pagkakamali. Nagkakakilala ang dalawa dahil sa isang app. A...
17.9K 1.1K 42
[ AVAILABLE!!! | COMPLETED ] Crush na crush ni Cass si Ansel, ang unsociable na kakambal ng best friend niyang si Greta. Kahit kulang ito ng kabutiha...
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞