𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛...

By aprilannaaaa

55.1K 2.4K 37

Kuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi... More

FRONT MATTER
AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
CHAPTER FIFTY-FOUR
CHAPTER FIFTY FIVE
CHAPTER FIFTY-SIX
CHAPTER FIFTY-SEVEN
CHAPTER FIFTY-EIGHT
CHAPTER FIFTY-NINE
CHAPTER SIXTY
CHAPTER SIXTY-ONE
CHAPTER SIXTY-TWO
CHAPTER SIXTY-THREE
CHAPTER SIXTY-FOUR
EPILOGUE
💙
ABOUT FINDING MR. RIGHT

CHAPTER THIRTY-SEVEN

389 24 0
By aprilannaaaa

ANG buong akala ko ay hindi alam ng mga kapatid kung nakauwi na 'ko tapos malalaman kung alam pala nila na hinatid ako ni Bailey, kaya heto at hindi ako tinitigilan sa pang aasar.

Well hindi naman ako napipikon.

"Ano na level niyo ate ni kuya Bailey?" Tanong ni Nathalia.

"Level 0 na sis, atsaka level kayo riyan friends lang kami.." Sagot ko.

"Sa pagmamahalan din ang bagsak niyan panigurado," sabi naman ni Nathalie.

Natawa na lang ako sa kanila, ewan ko ba bakit ganyan ang tingin nila sa amin ni Bailey aminin ko crush ko siya pero bukod dun wala na mabait kasi siya at talagang boyfriend material. Kumbaga wala ka na mahahanap na katulad niya, tipong limited edition lang sila at suwerte mo kapag nagtagpo kayo ng landas isa ka na ata sa masuwerteng babae.

Hindi na kami nag usap pa kasi kakain na raw, itong dalawa kasi ay tapos na mag-exam kaya petiks na lang sila kuhahan na lang nila ng grades. Habang kami pagtapos pa ng sem keribels lang naman eh.

Habang nasa may hapag kainan ay tahimik lang kami, nabalitaan ko rin ang pag uwi ni kuya at papa sa graduation namin.

Ilang years na rin sila nandoon, ano na kaya mga itsura nila nagbago kaya. glow up ba? Glow up for sure kasi alagang ibang bansa.

Kakatapos lang namin kumain kaya nandito na ako para maghugas ng pinggan since toka ko yun, habang nag uumpisa ako sa paghuhugas ay biglang umupo sa may upuan yung kambal na hindi ko na lang binigyan ng pansin.

"Ate? Busy ka after mo riyan maghugas?" Tanong ni Nathalia.

"Hindi naman bakit?" Tanong ko sa kanila.

"Patulong kami ate, punta ka na lang sa may kuwarto pagkatapos mo riyan." Sabi ni Nathalia

"Sige tapusin ko lang 'to," nakangiting kung sabi habang nakatingin sa kanila pero sandali lang dahil bumalik agad ako sa paghuhugas.

Hindi na ako umimik pa dahil umalis na rin sila.

Nandito ako sa kuwarto ng kambal at hindi ko alam paano ako mag-re-react sa project nila about love.

Gulat ako eh.

"What is love? Iba iba kasi ang love sis. Para sa akin, love is master key that is capable of opening a gate of happiness or sadness." Sagot ko.

"Siguro ate minsan talaga sa buhay natin makakatagpo tayo ng tao na temporary lang to teach us lesson." Sabi ni Nathalia.

"True, kaya dapat matulog na kayo at sa kay mareng google na lang kayo maghingi ng sagot dahil inaantok na 'ko." Sabi ko.

"Sige ate, thank you po." Magkasabay na sabi nito.

Nagpaalam na ako sa kanilang aalis na kaya naman naglakad na ako papunta sa kuwarto ko.

♡♡♡♡

Jasmine Point of view

Ang bilis ng panahon sabado na ngayon kaya naisipan namin pumunta sa Pampanga para bumisita kay Lola, patay na kasi siya samantalang bata pa kami nung huli ko siyang makita tapos ngayon patay na siya.

Nakakainis lang na hindi ko man lang siya nakita sa huling araw niya pero okay lang ang mahalaga naman nakapunta ako sa araw ng lamay niya, but surely I will miss my lola.

Nakapuwesto ako sa may lamesa malapit sa kabaong kasama yung dalawang pinsan kung babae.

"Buti nakapunta ka rito ngayon, balita ko famous ka raw?" Sabi ni Alena.

"Ay, famous ba? Hindi ko alam ang alam ko lang kasi ay ordinaryong tao lang ako mga cous." Sagot ko.

"Kilala ka ng mga tao rito Jas, ang ganda mo raw at ang talino." Sabi naman ni Alma.

"Tigilan niyo nga ako cous, kumain na lang tayo at gutom na 'ko." Sabi ko kaya naman tumayo na 'ko.

Pumasok kami sa loob para roon na kumain, hindi ko na lang pinansin yung mga taong nakatingin sa akin.

Well yung mga kamag anak ko kinakausap ko naman kahit papaano, syempre nakakahiya naman kung snobber ako di ba feeling famous lang at artista.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kami kaya bumalik ulit kami sa labas para naman magbantay sa mga bisita, next sabado na ang libing ni lola dahil isang linggo lang ang lamay.

Habang naglalaro ako ay nag-ring ang cellphone ko pagkatingin ko sa caller ay si Joaquin pala.

Ano kaya ang kailangan nito sa 'kin?

Ilang araw na rin kami hindi nagkikita ni Joaquin, paano ba naman kapag recess wala akong naaabutan na Joaquin at Bailey siguro busy kaya keribels na yun.

Sinagot ko ng tawag niya sa 'kin saka tumayo sabay layo sa lamay namin ayoko naman doon makipag usap.

Yes? Hello

Saan ka ngayon? Atsaka yung about sa mga nakaraan araw wala ako busy lang.

Wala ako sa Montalban ngayon nasa pampanga ako sa lamay ni lola, atsaka yung about sa sinabi mo okay lang yun naiintindihan ko naman yun.

Uy, condolence sa'yo.

Sige, magkita na lang tayo sa lunes. Sige na bye.

Sige sige.

Pinatay ko na yung tawag niya sa' kin at bumalik na ulit sa lamay.

Gusto ko rin sana gumala kaso mas kailangan ako rito mas pipiliin ko pa rin sila kaysa sa kagustuhan ko marami pa namang next time eh.

Hindi ko na iniisip pa yung about kay Joaquin at nag umpisa na ulit ako sa pag-ce-cellphone, atsaka isa pa magkikita naman din kami kaya sulitin ko na yung time na nandito ako kasama mga kamag anak ko.

Minsan lang 'tong grand reunion kaya ilaan ko na yung buong week kasama sila.

Nakakalungkot isipin na nabuo kami nung may nawala.

♡♡♡♡♡

Joaquin Point of view

Mag isa ako ngayon na nagpunta sa Mall, gusto ko kasi bilihan sana ng stuff toys si Jasmine kaso wala pala siya ngayon dito nasa Pampanga dahil may patay pala sa kanila.

Nandito ako sa National Book Store ng may mahawakan akong kamay kaya nagkatingin kami sa isa't isa at nagulat ako ng makita na si Aubrey pala 'to bigla niyang tinanggal ang kamay niya kaya ganoon din ako. Halatang parehas kami nagulat dahil sa reaksyon namin.

"Sorry," sabi ko.

"Okay lang, sinong kasama mo?" Tanong niya sa 'kin.

"Wala ikaw ba?"

"Solo Flight ako ngayon, tara magsama na lang tayo."

"Sige, hmm... may favor din sana ako sa'yo. If it's okay with you." Nahihiya kung sabi kaya natawa siya.

Awkward.

"No problem, sure. Later na lang muna at bibili muna ako ng books tapos pagkatapos do'n mo na sabihin yung favor mo." Sabi nito sa akin saka ako tinalikuran.

"Sige, samahan na kita."  Sabi ko saka nakasunod sa kaniya.

Ngumiti na lang siya sa 'kin at naghanap na siya ng libro na bibilihin niya, habang ako naman ay nakasunod lang sa kaniya.

Natawa na lang ako kasi mahilig pala siya sa book.

Same sa pinsan niya na si Taliyah.

Pagkatapos niya maghanap ng book ay pumunta na kami sa counter para naman magbayad at gano'n ang pagkagulat ko sa dami ng binili nito. Hindi ko alam kung bakit ganyan ka rami sila bumili ng libro.

Kaya ba nila yan agad matapos ng weeks, siguro kasi adik sila kaya basic na lang para sa kanila matapos agad yan.

Nandito kaming dalawa ngayon sa Mang Inasal dahil gutom na si Aubrey hindi ko rin alam bakit ang bilis niya magutom pero hindi naman siya gano'n kataba,

Baka dahil immune na siya sa ganyang klase ng katawan sana lahat.

Habang kumakain ay nag uusap kami at balak ko na rin sabihin yung favor ko sa kaniya.

"Gusto ko sana bilihan ng stuff toys si Jasmine ang problema kasi hindi ko alam anong bibilihin ko sa kaniya." Sabi ko sa kaniya.

"Sa gamit lahat naman tinanggap niya, basta pinaghirapan mo yun pero mas matutuwa siya kapag color pink yan o Hello Kitty kasi wala pa siyang stuff toys na Hello Kitty."

"Talaga!? Samahan mo ako bilihan siya ng Hello Kitty stuff toys." Halos natutuwa kung sabi.

"Sige sige, pagkatapos natin dito sasamahan kita basta hatid mo ako pauwi."

"Sige,"

Nag usap na lang kami habang kumain at katulad nga ng napag usapan ay pumunta kami sa bilihan ng stuff toys para maghanap ng sinasabi niya tinulungan niya ako sa pagpili ng design at habang namimili ay napagkamalan kaming couple, since we're friends ay close kami kaya siguro pinagkamalan dahil nakakapit siya sa braso ko.

Natawa lang kami pareho dahil alam naman namin malabo 'yon. Hindi na lang namin 'to pinansin kaya nag umpisa na lang kami sa paghahanap ng mabibili.

"Loyal ata ako kay Jasmine," bulong ko sa sarili ko.

"I know Joaquin, bawal talo talo sa tropa." Sabi ni Aubrey saka ako hinila papunta sa counter.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7K 50 6
Genre: Oneshot/Short story/Adventure All Rights Reserved 2018 Written by: kuyacris
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
168K 3.7K 64
hello. this book is dedicated to my bestfriend, true to life to. -------------------------------------------------- paano nga ba kung gusto , ma...
6.6K 435 51
[UNDER REVISION] Una sa lahat, bakit ka aasa at maniniwala kung hindi naman sinabing 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘈𝘒𝘖? Itong si Akira Dawn Oreza, naghahanap ng kalandi...