𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛...

By aprilannaaaa

55.1K 2.4K 37

Kuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi... More

FRONT MATTER
AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
CHAPTER FIFTY-FOUR
CHAPTER FIFTY FIVE
CHAPTER FIFTY-SIX
CHAPTER FIFTY-SEVEN
CHAPTER FIFTY-EIGHT
CHAPTER FIFTY-NINE
CHAPTER SIXTY
CHAPTER SIXTY-ONE
CHAPTER SIXTY-TWO
CHAPTER SIXTY-THREE
CHAPTER SIXTY-FOUR
EPILOGUE
💙
ABOUT FINDING MR. RIGHT

CHAPTER THIRTY-FIVE

403 27 0
By aprilannaaaa

Taliyah Point of view

PABABA na kami ni Aubrey ng makatanggap ako ng text message galing kay Joaquin na nang aaya magpunta sa mall kaya naman sinabi ko agad 'to kay Aubrey.

"Nang aaya mag mall sama ka ba?" Tanong ko kay Aubrey.

"Tamang tama cous, papunta rin daw si Blake roon maaga ang dismissal kaya go ako riyan."

"Haist... Sige na nga tara na baka naghihintay na sila."

Nagsimula na kami pababa, papunta na kami sa may parking lot ng mapansin kung kami na lang pala ang hinihintay nila kaya naman pagkalapit namin sa parking lot ay sumakay na kami sa kotse para makapunta na agad sa mall.

Nandito na kami ngayon sa Mall at ang ganap ay kaniya kaniya yung mga kaibigan ko si Paula at Aubrey kaya ang ending ako si Jasmine, Joaquin at Bailey ang kasama ko sa rito sa fountain sa labas ng mall.

"Masaya ako para roon sa dalawa bess, nakahap din sila sa wakas." Sabi ni Jasmine.

"Masaya rin naman yung sa 'yo, may Joaquin ka rin naman na nagpapasaya sa 'yo." Biro ko rito.

Bigla na lang natawa si Joaquin habang si Jasmine ay tahimik lang.

"Tigilan mo ako, sapakin kita riyan." sabi ni Jasmine na halatang pikon.

Pikunin talaga kahit kailan.

Natawa na lang kami sa kaniya.

"Parang kailan lang nung nagkakilala tayo, noon na pare pareho tayong iniwan at sinaktan tapos ngayon masaya na tayo." Bigla na lang nasabi ni Bailey.

"Panahon na hirap pa tayo ma-kapag-move on pero dahil may tao na nag-pa-realize sa 'tin ay nagbago ang lahat." Sabi naman ni Joaquin.

"Thank you sa'yo Iya, simula ng makilala kita ang daming bagay na nagbago sa 'kin, ang dami panahon na na-realize ko na dapat pala hindi iniiyakan yung mga babae na hindi mo deserve salamat sa'yo." Sabi ni Bailey sa 'kin.

"Ikaw rin Jasmine, thank you tinuruan mo ulit ako na magmahal, tinuruan mo ako bumangon, tinuruan mo akong magkaroon ulit ng panibagong liwanag." Sabi naman ni Joaquin.

"Alam niyo kasi dumadating naman yung panahon na ganyan yung tipong masaya tayo, malungkot tayo, kasi ayan ang patunay na matatag tayo siguro tadhana ang nagtagpo sa 'tin para pare pareho tayong magsama at tulungan ang bawat isa na matutong magmahal ulit." Sabi ko.

"Kapag dumating ang panahon na mahanap natin ang nakalaan sa 'tin siguro panahon na para naman maging masaya tayo hanggang sa huli di ba? Kasi naniniwala ako sa happy ending." Sabi naman ni Jasmine.

Bigla na lang kami natawa dahil sa bigla na lang kaming naging ma-drama, akala mo naman ending na ng story namin ito pa lang ang umpisa ng story namin na magkakaibigan pero dahil sa marami pa kaming pagsubok na haharapin ay malalagpasan din namin dahil sa mga matatag kami na haharapin 'to ng magkakasama.

Makalipas lang rin ang ilang minuto ay napagdesisyonan namin ang kumain bahala na yung dalawa may kasama naman sila, si James kasama ni Paula si Blake kasama ni Aubrey kaya alam ko safe sila.

Kapag talaga may nangyari sa kanilang masama mananapak talaga ako kahit hindi ko gawain yun, promise ayokong inaaway mga kaibigan ko.

Nandito kaming apat sa may KFC, ito na lang ang malapit dito sa may fountain since nakakatamad na maghanap pareho lang din naman sila ang mahalaga makakain at ang purpose namin ay may kanin.

"Ilan na lang ang ite-take mo bukas cous?" Tanong ni Jasmine.

"Lima pa, baka mga 4 na kami matapos kayo ba?" Tanong ko rin sa kaniya.

"Tatlo na lang, puro morning na lang siya tapos okay na 'ko. Kayong dalawa ba ilan pa?" Tanong ni Jasmine sa dalawang boys.

"Lima rin, kasabay namin si Iya sa uwi." Sagot ni Joaquin.

"Ah, so... kami pala mauuna sa inyo." Sabi na lang din ni Jasmine.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain habang nag uusap yung dalawa dahil magkatabi sila samantalang si Bailey ay tinanong ako about sa exam ko bukas.

"Ano mga tinake mo kanina na exam?" Tanong niya sa akin.

"Tatlong Business, tapos yung isang major ko kakaloka nga nakakaalog ng utak." Sagot ko.

"Pareho lang tayo, pero syempre laban lang." Sabi naman niya.

"Tama, ga-graduate tayo tandaan mo yan." Sabi ko naman.

Natawa na lang siya sa 'kin nag usap na lang kaming dalawa sa ibang mga bagay at hindi na muna nag usap tungkol sa mga school activities at baka lalo lang kami ma-stress.

Pabalik na kami ngayon sa parking lot dahil pagabi na rin delikado na rin at isa pa may gagawin pa ako ngayon sa bahay balak ko pa mag-review, habang pabalik kami ay may lumapit sa amin na mga bakla na kinagulat namin.

"Hello po, couple po ba kayo?" Tanong nung mataba na bakla.

"Hindi po, bakit po?" Sabi ko.

"Naghahanap po kasi kami ng couple, may palaro po kasi ang ganda po ng price niya." Sabi naman nung payat.

"Ano po ba yun?" Tanong ni Jasmine.

"Isa po siyang stuff toy atsaka po mga case din po na couple limited po kasi siya." Sabi ulit nila.

"Sayang po, nagmamadali po kasi kami pasensiya na po talaga. Thank you rin po sa alok." Sabi ko sabay ngiti ko.

Saka sila hinila palayo dahil wala na akong time na sumali pa, anong oras na rin at for sure nandoon na ang mga kapatid ko sila na 'tong gumawa ng gawaing bahay.

Panigurado hindi na nagreklamo yung tatlo nag-text na rin ako roon sa dalawa na mauuna na kami at nag-text naman sila na ayos na raw kasi ihahatid sila nag-reply na lang ako na mag-text sila sa 'kin kapag nakauwi na sila para alam ko kung safe sila nakarating sa mga bahay nila.

Nandito ako sa kuwarto habang nagpapahinga, samantalang yung kambal naman ay may tinatapos na project kaya naman hindi ko na inistorbo pa samantalang si mama busy kasi nagbibilang na naman marami rin kasi kami babayaran ngayon katulad ng ilaw, bahay at kuryente tapos tuition pa nung kambal next month kaya kailangan kumayod sakto naman na rin kasi tatlo naman silang nagtatrabaho kaya pa naman kami tustusan atsaka isa pa malapit na rin ako matapos sa pag aaral ko.

Sa wakas naman din makakatulong na ako sa pagpapaaral sa kambal.

Busy ako sa pagbabasa ng notes ko ng mag-ring ang cellphone ko, hindi ko na tiningnan ang caller kasi busy ako sa pagbabasa at isa pa inaantok na rin ako.

Hello.

Nandito ako sa may labas niyo may dala ako para sa 'yo.

What!? Anong ginagawa mo rito gabi na ha!? Delikado na sa labas.

Basta hintayin kita rito sa labas niyo, bilisan mo nauubos na ako ng mga lamok dito.

Sige, papunta na ako riyan.

Sige hintayin kita.

Binaba ko na yung tawag niya at dali dali ako sa paglakad pababa, naabutan ko pa si mama sa may sala pero nakita niya ako palabas.

"Gabi na nak, ano pa bang gagawin mo sa labas ng dis oras ng gabi?"

"Si Bailey po nasa labas mama, puntahan ko lang po."

"Bakit hindi nag-doorbell para napapasok ko siya,"

"Wag na po sandali lang naman po siya, sige na po labas po muna ako mama."

"Sige sige,"

Pagkasabi ni mama ay lumabas agad ako pagkabukas ko sa gate nakita ko siya na nakasuot ng jacket kaya nagmadali ako kasi akala ko naman ay walang panangga sa lamig at lamok ang kupal.

"Ano ba yun? Gabing gabi pumunta ka pa talaga rito. Effortless talaga Bailey." Sabi ko.

"Pinapabigay ni ate sa 'yo, mabisa raw yan na pagkain sa pag-re-review mo." Sabi niya.

May iniabot siya sa 'kin na isang paper bag, pagkatingin ko sa laman may laman na chocolate, mani at mga gatas.

So... kailangan kainin ko yan puro matamis baka naman langgamin ako mamaya.

"Sige, thank you. Atsaka pakisabi rin sa ate mo na thank you rito." Sabi ko.

"Makakarating sa kaniya, sana makatulong yan."

"Sige sige, makakatulong yan,"

"Sige, mauuna na ako bukas na lang tayo magkita ulit."

"Oo sige, thank you mag iingat ka text mo 'ko kapag nakauwi ka na sa inyo para alam kung safe ka nakauwi."

"Oo sige,"

Pumasok na ako ng makita ko pinaandar niya yung motor niya kaya naman
nag-lock na ako wala na rin sa sala si mama kaya dumeretsyo na 'ko sa kuwarto at nag umpisa na ulit sa pag-re-review kasama yung bigay ni Bailey para sa akin.

"Salamat dito at gaganahan ako mag-review, the best talaga siya kahit kailan hindi siya pumapalya na i-suprise ako araw araw, laging may pasabog sarap lang jowain charot."

"Puro ka katarantaduhan self, mag-review ka Taliyah Agustin." Sabi ko sa isip ko kaya nagsimula na ulit ako mag-review.

Continue Reading

You'll Also Like

17.9K 296 7
Si Shan Gonzales ay isa sa mga babaeng naniniwala sa happy ending at happy ever after at umaasang mararanasan n'ya rin ito. Si Daine Rodriguez, isa s...
7.7K 50 6
Genre: Oneshot/Short story/Adventure All Rights Reserved 2018 Written by: kuyacris
8.5K 1K 46
[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron...
173K 7.8K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...