Hearts Unlocked

Por BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... Más

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

37 - Love is Patient, Love is Kind

564 9 1
Por BlueRigel

Chapter 37

Love is Patient,  Love is Kind

Ang taong nagpapatindig ng mga balahibo ko ngayon ay ang aking pinagmulan – ama ko ang matipunong lalaking ito. Parang pinagbiyak na bunga ang hugis ng aming mga mukha tulad nga ng sabi ni mama. Sa pagtitig ko sa kanyang mga mata’y tila nakaharap ako sa isang salamin. Mahahaba rin ang pilik mata niya.

Sa bawat pagpansin ko sa aming pagkakatulad ay binisita ako ng una naming pagkikita.

April 2013

Manila, Philippines

Ayos lang po ba kayo, tatay?” pag-aalala ko. Mabuti na lamang at nasalo ko kaagad siya.

Salamat, iha.” nginitian niya ako. Hindi ko maaninag ang mga mata niya dahil nakatago iyon sa kanyang shades. “Inatake na naman ata ako ng vertigo ko.

Sa itsura niya’y hindi siya nababagay na tawagin ‘tatay’. Kahit simple lang ang kanyang polo shirt ay nagniningning naman ang berdeng brand nito. Leather ang sinuturon niya at halatang mamahaling tela ang kulay itim niyang pangbaba. Mas makintab pa sa buhok ko ang sapatos niya. Grabe lang, ilang KFC unli gravy moment na sana ang buong halaga ng outfit ni tatang.

May baon po ba kayong gamot diyan?” tanong ko kay tatay. Madalas akong atakihin ng vertigo dati dahil sa madalas akong mapuyat kaka-wattpad este kakaaral. Hanggang ngayon ay may nakahandang tableta ng gamot dito sa aking medicine kit sakaling sumpungin ako sa gitna ng daan. “Nahihilo pa rin po ba kayo?

Oo, iha. Nandito sa pocket bag ko. Makisuyo naman, anak.” Ang lambing ng tunog ng kanyang boses. Agad ko namang binuksan ang bag niya. ‘Wow! LV ang bag ng lolo mo!’ nalaglag ang panga ko sa reaksyon kong iyon. Naaninag ko rin ‘yung puting mansanas niyang laptop. Grabe, milyonaryo siguro ang taong ito? “Nandiyan lang sa gilid.

Nakapikit siya kung magsalita. Nanggigigil din ang kanyang kamay sa pagtungkod nito sa aming inuupuan. Mahirap talaga kapag inaatake niyan, pakiramdam mo nasa rocking chair ka o sa anchor’s away. Pasalamat na lang talaga ako sa Taas dahil ilang buwan na rin akong hindi dinadalaw ni V. Sana’y tuluyan na nga siyang nagsawa sa akin.

Inilarawan niya sa akin kung anong itsura ng kanyang lalagyan ng gamot. Wala nga lang siyang dalang tubig. Mabuti na lamang at may naglalako ng mga pagkain at mineral water sa ‘di kalayuan.

Patakbo akong pumunta kay kuya habang maya’t maya kong nililingon si tatay.

Ipinagdasal kong makatulong sa kagalingan ni tatay ang tubig na hawak ko ngayon. Kahit pasimpleng lay hands sa tubig ay baka marinig ni Lord. Nawa’y lagyan Niya ito ng vitamins at minerals na higit pa sa kayang ibigay nito para naman maging normal na ulit ang paningin ni tatay.

Ito na po, ‘tay. Inumin niyo na po.” abot ko sa kanya ng tableta at tubig. Mabuti na lang at wala akong hinahabol na oras. Pwede ko na muna bantayan si tatay habang ‘di pa siya maayos.

Salamat iha. Napakabuti mo namang anak, I’m pretty sure your parents are so lucky to have you.” nangiti ako sa sinabi niya. Grabe ang tono ng pagsasalita niya, halatang pang-businessman ang peg.

Walang anuman po. Salamat din po. Wala po ba kayong kasama? Nasaan po ang kotse niyo?” napahawak ako sa bibig ko nang bigla kong sabihin ‘yun. ‘Ano ka ba naman Cee!? Preno naman o!

Hay, grabe. Ang simple na nga ng outfit ko pero nahalata mo pa rin.” Hala, bakit ganoon ang pagsasalita niya? Natawa pa nga siya ng kaunti. “William Salvador, always obvious. Tsk. Tsk.

Hindi naman pamilyar sa akin ang pangalan niya. May tama ata ‘tong si tatay?

Nakakapagtaka lang dahil sa pagbagsak niya ng kanyang biro ay parang matagal na kaming magkakilala na nagbibiruan na lamang. Kahit na dapat ay natatakot na ako sa kinikilos niya ay wala naman akong maramdaman na kahit anong bahid ng kaba.

Sino po?” tanong ko.

I’m William Salvador, did I ring a bell?” tumayo siya at iniabot ang kanang kamay sa akin upang makipag-hand shake. Masyado siyang pormal, halatang milyonaryo nga si tatang Will.

Iniabot ko na lang ang kamay ko at sumagot, “Hindi po e. Mukhang okay naman na po kayo. May maitutulong pa bo ba ako sa inyo?

If it will not bother your schedule, will you walk me to that restaurant?” itinuro niya ang isang antigong restaurant sa kabilang kalsada. “Please?

Sure po.” Wala nga si Nickoy, nakatagpo naman ako ng Inglisyerong thunder-yamaners.

Hiningi niya ang pangalan ko at ibinigay ko naman. Hindi naman na kami magkikita matapos nito at hindi ko rin naman ibinigay ang apilido ko kaya ayos lang ‘yun.

Pagkatawid namin ay napatalon ang puso ko sa kanyang sinabi, “Kain tayo, anak.

Po?” Kung makayaya naman si tatay, akala mo may pinagsamahan na kami. “Busog pa po ako e. Thank you na lang po.

I insist.” Juice colored! ‘I resist po.’

Grabe naman, ‘tay! Close po tayo?’ Inangkla niya ang kamay ko sa kanyang braso.

Pero kahit ganito ang ginagawa niya ay hindi naman nag-react ang katawan ko na alisin ang aking kamay sa kanya. Bakit ba parang kinompel ako ng taong ‘to? Taga-Mystic Falls kaya siya, bampira, lolo ni Damon?

Pagkapasok namin ay may staff na nagtanong sa amin kung may reservation ba raw. Sumagot lang si tatang Willl at itinuro kami sa kaliwang bahagi nitong mamahaling restaurant. Grabe, ang awkward naman ng suot ko. Sana cotton candy na lang nilibre sa akin ni tatang.

Take anything you want. This is just a little compare on how you saved me a while ago.” ngumiti lang siya at itinuon na ang kanyang mga mata sa menu.

Binawian ko lang siya ng ngiti at bigla namang nawala iyon ng kumunot ang aking noo sa presyong nakikita ko ngayon. Ano raw, alimasag lang na pang-isang tao, tatlong daan na? ‘Yung totoo po?

Okay na po sa akin ang iced tea.” Iyon ang pinakamura, eighty pesos pa nga e.

Are you kidding me?

Masaya na po ako doon, bottomless naman po e.” natawa siya sa sinabi ko.

Tinawag niya ang waiter at umorder ng dalawang magkaibang dish kasama ‘yung iced tea ko. Sagad mula appetizer hanggang dessert. Ang takaw naman ni tatang. Maubos niya kaya ‘yun lahat?

Ako na ang nagsimula ng tanungan dahil kung hindi ako ang gagawa nito ay makakarami siya ng sagot mula sa akin. Businessman nga siya at dire-diretso raw ang schedule ng mga meeting niya pagkatapos nitong lunch namin.

Naranasan na raw niyang sumpungin ng vertigo sa kalsada at napaupo siya nang walang umalalay kaya nama’y ganoon na lamang ang pagpapasalamat niya sa akin.

Sa totoo lang, magaan na agad ang loob ko sa kanya kaya nama’y hindi ko na tinanggihan ang in-order niya. Shonga ko lang, dalawang set of dish nga e, siyempre pangdalawang tao.

Ang dami kong nalaman sa corporate world. Sinimulan naman niya doon sa kung paano siya nagsimula magtrabaho kaya medyo naabot naman iyon ng imagination ko. Ayaw raw niyang ikwento ‘yung trabaho niya ngayon dahil masyado raw malawak.

Nakwento ko na lang sa kanya kung anong course ang kinukuha ko at ilang oras ng tulog lang ang nakukuha ko.

Joker pala itong si tito Will. Madalas kaming magtawanan. Ang galing niya magbiro, sobrang napapatawa talaga ako kaya natatawa pa lalo kami dahil hindi bagay sa ambiance ng restaurant ang pagtawa namin.

Kaya pala ganoon na lamang kagaan ang loob ko sa kanya. Iyon na pala ang tinatawag na lukso ng dugo. Wala akong kamalay-malay na ama ko ang kinatutuwa kong makilala at makausap noong araw na iyon. Hanggang sa bago ako matulog nang gabing iyon ay naalala ko pa ang jokes niya at nakangiti pa nga akong nakatulog.

The day we first met…noon pa man, simula pa lang, alam mo na po?” nangingig kong pagkakasabi at tumango naman siya. Ano bang dapat kong maramdaman? Matuwa, mainis, magalit, alin sa mga ito? “Bakit ‘di mo po sinabi? Bakit kinailangang humantong sa ganito?

Hindi mapakali ang brain cells ko, kahit sila’y hindi alam kung ano ba dapat ang piliing emosyon sa nangyayari ngayon. Oo, nasasaktan ako pero hindi kasi at this moment I know that he is my father and he’s standing right in front of me. Gusto ko siyang yakapin but at the same time gusto ko siyang itaboy sa mga ginawa niyang plano sa buhay ko.

I knew you’ll pass at that place on that time of the day. I knew you didn’t have any schedule on that day kaya sinamantala kong yayain kang kumain. I came up with that act because I was already impatient of photos of you growing up and looking at you from a distance whenever I’m here in the Philippines.” Sinubaybayan niya ang paglaki ko? Paano? Bakit alam niya at hindi alam ni mama? “Marie didn’t know. When you were born, I made sure I’ll get us a DNA test. I did my best to talk to Marie but Robert won’t let me step a foot into your house. He also didn’t have any idea what news I was about to tell them.

Never akong nagkaroon ng pagkakataong makausap ang mama mo.” he bit his lower lip at nagtubig ang kanyang mga mata. “I hired someone to place hidden cameras in your room. I have videos of you when you were little. Mapanood lang kitang matulog ng mahimbing ay buo na kaagad ang araw ko. Buwan-buwan umuuwi ako ng Pilipinas just to see you bond with them on a Sunday afternoon. Seeing you laugh like there’s no tomorrow takes away all the stress in a snap.

Kusang tumulo ang luha ko. Ramdam ko ang pangungulila niya sa akin noon. Ipinaloob ko ang aking mga labi at tsaka kinagat ito. I can feel his pain. Hindi sinasadyang ipinagkait ako nila mama sa tunay kong ama. He was there all the time.

I’m sorry I went too busy when I became CEO. I was not able to fly home for 2 years. Twice, I missed your birthday but I made sure my gift will reach you. You enjoyed winning an iPhone on a setup website and,” tumawa siya at nahinto ang aking pag-iyak sa gulat ko sa sumunod niyang regalo,“Kate had her scholarship.

Ikaw ang sponsor ni Kate?” makalaglag-panga kong pagtatanong sa kanya. Yumuko siya at itinaas ang kanyang kilay.

I honestly didn’t know about you and Dominick until Michael asked me a huge amount of money for his little brother’s birthday. Nang malaman kong isa ka sa barkada ni Dominick ay ibinigay ko na lamang lahat kay Michael. When I learned that you and my son are dating, I was crashed to dust. I had to think of a plan and I came up with one. Hinabol ko si Michael para ibili rin ng ticket ang lahat ng kaibigan mo. Siniguro kong may Kate kang kasama sa London.

Inamin niya lahat. Walang salungat sa mga kinwento ni kuya Mike ang sinasabi ngayon ni…ni… Gusto kong sabihing ‘tatay’ o ‘dad’ pero may kung anong tali ang humihila sa akin para kainisan siya sa mga planong ginawa niya. Kinontrol niya ang mga pangyayari sa buhay ko and that is not right. Hindi siya Diyos para planuhin ang mangyayari sa buhay ko!

All I wanted was to break you up before you learn about the truth.

Minahal mo ba si mama?” nagulat siya sa tanong ko at hindi man lang nakasagot. Halos pasigaw na akong nagsasalita sa harapan niya. “Because if you did, malalaman mo kung gaano kasakit ang mawalay sa mahal mo.

Alam kong mali ang hindi pagrespeto sa kanya pero nirespeto ba niya ‘yung nararamdaman ko? Akala kasi nila ‘honor your father and your mother’ lang, hindi nila alam na may kasunod na ‘do not make your children angry by the way you treat them’ iyon.

Alam mo dad, dapat alam mo ‘yun e! Dapat alam mo ‘yun dahil iyon dapat ang nararamdaman mo sa bawat araw na lumalaki akong malayo sa’yo.” napalunok siya sa sinabi ko. Nanginginig ang kanyang panga at dalawa na kaming nagtatalo sa pag-agos ng kanya-kanya naming luha. “Alam mo dapat ‘yun.

I’m sorry, anak.” pagsusumamo niya sa akin. Sa totoo lang, wala naman siyang kasalanan na magkapatid kami. Mas masakit kasi wala akong masisi at ayaw kong sisihin ang Diyos dahil wala naman akong karapatan. But Lord, bakit ganito kasakit? Ano ba ang paparating at inihahanda mo masyado ang puso ko sa ganito kasakit na bagay? “Your smile is my treasure, your happiness is my joy. Hinding-hindi kakayanin ng isang ama ang pagkaitan ng kaligayahan ang anak niya.” At this moment, I know my father loves me. I can feel his love all over me but he just can’t do anything about it neither do I. “Kung kaya ko lang baliktarin ang mundo para hindi ka na masaktan, ginawa ko na, anak. You’re the most precious thing that ever happened in my life and I won’t be able to breathe if you’ll send me away.

Dad, ni wala sa isip ko na ipagtabuyan ka. Sa lahat ng sinabi mo’y nabawi mo na ang labing-walong taon nating dalawa.” Niyakap ko siya dahil sa totoo lang, kalahati lang ang nabawi niya at ang yakap na ito ang kayang bumawi ng siyam na taon pa.

Nangingiti ako sa katotohanang yakap ko ngayon ang ama ko. Ang tatay kong nawalay sa akin ng maraming taon. Yapos ko ngayon ang taong nagmahal sa akin kahit hindi man lang niya mahaplos ang aking pisngi noong mga panahong siya dapat ang nasa piling ko.

But what about him?

I can see him stopping his brother as they approaches us.

What about the man I am about to spend the rest of my life with?

Ganito ba talaga dapat matapos ang lahat sa amin? Na kailangan ko na lang tanggapin ‘yung katotohanan at kalimutan na lang ang lahat. What’s wounding my heart is the truth that we are so in love and yet we share the same blood.

Umalis ako sa pagkakayakap ko kay dad and I started “Dad,” then I shouted, crying “Mahal na mahal ko si Nick, dad! Umiibig ako sa kapatid ko!

Hindi na ako makahinga. Naharangan na ang hingahan ko. Masyadong maraming luha na ang tumulo at patuloy pa ring may lumulusob na kamao sa aking dibdib. Masyado ng mabagal ang pagtibok ng aking puso, naninikip na ang aking dibdib, parang gusto na nitong sumuko, masyado na akong napapagod kakatangis.

Kahit mahirap na, ginugusto ko pa ring patuloy na labanan ang kirot na dinudulot ng mga salitang ‘kapatid kita’. Will this grief end soon enough for me to breathe again? Or will I stay in agony until my very last breath?

I tried my best not to think of it pero kinukulit ako ng aking konsensya. Alam kong mali ang umibig sa aking kapatid. I’m a daughter of God, and I know I should not continue giving in to sin.

And I am feeling so small

It was over my head

I know nothing at all

This is not God’s will. This is not right. Maling-mali ito. Gusto kong manindigan sa pagsunod ko sa Kanya pero alam kong malakas ang hila ng aking sariling kagustuhan na ipagpatuloy ang lahat. Nanghihinayang ako sa kung anong mayroon kami.

And I will stumble and fall

I'm still learning to love

Just starting to crawl

Oo, pareho kaming lumalaban pero batid kong mali ang labanan ang Diyos.

Patawarin Mo po ako, lubos kong iniibig ang kapatid na Iyong ibiniyaya sa akin. Tell me what to do, I beg You, Father. Pagod  na po ako, Lord. Be my strength, oh God. Let me hold on to Your promises. Tell me, there’s light in the darkness.

 

Say something, I'm giving up on you

And I'm sorry that I couldn't get to you

And anywhere I would've followed you

Say something, I'm giving up on you

Akala ko’y nagbibiro lamang ang hangin sa akin. Mabilis na sinagot ng Panginoon ang aking dalangin. Sabay-sabay huminto ang oras naming lahat sa musikang giniliw ng aking pandinig, “He’s not your brother.

Seguir leyendo

También te gustarán

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...