Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

35 - Runaway

555 8 2
By BlueRigel

Chapter 35

Runaway

Ang sarap talaga nung ginataang mais ng mama ni Kate. Nakalimutan ko tuloy na P.A. lang ako, ilang ulit kong pinabalik si bes para ikuha pa ako. Tuwang-tuwa naman siya kaya na-enjoy ko ng mga twenty minutes ang pagka-prinsesa ko.

Ay, kabayo!” Kabayo naman talaga ang bumulaga sa pintuan ng kwarto namin kaya napasigaw ako. “Kuya dan! A-ju-ju-ju! You’re here! Our pet is here, akalain mo ‘yun, bes?

End your drama, Cee. Change outfit na kayo. Hindi pwede ‘yang boots mo sa perya.” Halatang naiilang siya sa yakap ko, gusto niya na kumalas. Ngayon ko lang ata nayakap si kuya Dan. Madalang ako mang-yakap ng lalaki kahit close ko pa. “Dali na!

Yes, chief!” sumaludo ako sa kanya.

Ang tunay na chief ng outfit ko nama’y nakapaghanda na ng isusuot ko. dinala niya pala ‘yung black and white baseball tee ko, “Ilang sapatos ko ang dinala mo, bes?” Dala  niya rin kasi ‘yung white All Star sneakers ko, ternong-terno doon sa jeans na napili niya. “Ang galing mo talaga, bes! Fashion princess!

Sa tagal mo ba naman sa banyo kanina plus kabisado ko na mga damit mo, e mahihirapan pa ba ako?” may point nga naman siya.

Isang tingin lang namin kay kuya Dan at lumabas na siya. Nagmadali naman kami sa pagbibihis.

Just enjoy the whole night, it’s yours.” she said and I hugged her. Medyo nakakailang lang kasi naka-undies kami pareho kaya nagkatinginan kami. She’s just so smart to turn the awkward air into a funny one. “Oy, hindi ‘yan ang hanap ko noh!

Abs nga pala ni Matt, szaphat na,” jejemon kong pang-aasar sa kanya. Namula naman ang pisngi ni bes, ang cute niyang tignan.

Anong petsa na?” tahol ng aso namin sa labas ng pinto. “Double time!

Pinapasok na muna namin siya dahil humiling ako ng tirintas kay bes. Katniss Everdeen ‘yung request ko. Inabot lang ng mga fifteen minutes ang pagbubuhol niya sa buhok ko.

Si kuya ang nagmamaneho, nasa passenger seat naman si bes para hindi magmukhang driver si doggie.

Ang gandang tignan ng kalangitan. Nakakaakit sa mga mata ‘yung mamula-mula niyang anyo. Nakatago na ‘yung araw sa likod ng bulubundukin sa may gawing kanan nitong provincial highway. Parang may highlight pen doon sa tip ng mga bundok. Ang ganda talagang tignan.

Kinakamanghaan ko pa ‘yung likha ni Lord nang bigla namang magbukas ng radyo itong si kuya, “Kanta tayo, dali!

Nakakatawa lang at ‘Stupid Love’ pa ‘yung nag-play sa radyo. Hala’t sigawan kami sa pagkanta, “Stupid!! Looooove, soft as an easy chair – STUPID!

Ang sarap tumawa. Naka-stapler na ‘yung magkabilang labi ko. We’re singing at the top of our lungs. May nag-overtake pa nga sa amin at sinaway kami kasi nakatodo ang volume ng radyo at bukas ang mga bintana namin. Ang saya namin.

Humawak ako sa magkabilang sandalan nilang dalawa at inikot-ikot ko pa ‘yung ulo ko, nawagayway tuloy ‘yung buntot ng tinirintas kong buhok. Nagtaas pa nga ng kamay si kuya Dan, katangahan lang at tumama sa bubong, haba kasi ng reach niya.

I just love these two. Non-stop na ang pagkapos ng hininga namin kakasabay sa rap ng kanta.

Stupid. Love, I found in you. Saan nga ba hahantong ang tagpong ito? Minahal kita pero ako'y ginago mo...” naubusan akong ng hangin matapos hugutin ‘yun sa kung saan.

Napasandal ako at gumilid sa sulok. Napahinto tuloy ‘yung dalawa kaya pilit pa rin akong kumanta kahit na napapapigil ako kapag sumisinghot. Nilipat ni kuya ‘yung istasyon, halos lahat ay mga love song kaya hindi niya maihinto ng paglilipat nito.

Ang hirap pala kahit pa isang basket na ng kamatis ‘yung naibato ko kanina. May natitira pa ring maliliit na buto rito sa puso ko. Kusa ko na lang itong bumabangga sa pader ng puso ko kaya lalo pa akong nahirapan sa paghabol ng aking hininga.

Ang sakit pa rin.

Nakakatampo naman. Naghihintay ‘yung mga kapatid ko sa carousel tapos nakasimangot ka pagdating doon?” sabi ni kuya Dan. Alam ko namang ‘yung mga kabayo ang tinutukoy niya pero madamot pa rin ang ngiti sa aking mga labi.

Just enjoy the whole night, it’s yours.’ naaalala kong sabi ni bes sa akin kanina. Regalo nila sa akin ang gabing ito. Pinupuno nila ito ng saya pero heto at inilalayo ko sa kanila iyon.

Huminga ako ng malalim. Mga isang hinlalaki ang layo sa aking mukha ay idinulas ko ang palad ko mula sa taas pababa. ‘Have fun, you’re with the best of friends in the world.’ bulong ko sa aking isipan.

Successfully updated! Stronger, better – fighter!” sabi ko sa kanila nang nakangiti. “Malayo pa ba?

Mabuti na lamang at malapit naman na pala kami kaya hindi na naging awkward pa ang paligid.

Carousel agad ang bumungad sa amin at nalungkot namang nagbiro si kuya, “Grabe naman, nakanganga na ‘yung isa. Uhaw na uhaw na siguro si pinsan.

E ‘di palitan mo nang makita ka naman namin sa tunay mong anyo.” sakay ni bes.

Off ako tonight, ‘wag kang panira ng bonding.” kahit pa seryoso mag-joke si kuya, hindi ko mapigilang tumawa. “Mas okay kapag nakangiti ka, Cee.” Panigurong namula ako sa sinabi ni kuya. Na-touch naman ako sa sinabi niya. Concern talaga sila sa akin, nakakatuwa na may ganito akong mga kaibigan. “Doon na nga tayo sa color game, nasasaktan ang puso ko rito.

Mabilis na lumipas ang oras. Napapahikab na rin ako sa antok at pagod. Bukod sa pagkawili namin doon sa color game ay marami pa kaming sinakyan. Lahat ata ng rides ay nasakyan namin.

Joy ride kami pauwi dahil pinagtatawanan namin ‘yung nangyari sa ferris wheel. Nadiskubre naming may takot pala si kuya sa ganoong pangyayari. Aksidenteng nauga ni Kate ‘yung sinasakyan namin kaya napatili si kuya. Nakakatawa talaga kaya lalo pa naming inuga. Heto at bina-browse namin ang stolen pics ni kuya.

Grabe, lumabas ‘yung pagka-unggoy ko diyan.” malungkot na sabi ni kuya with matching puta lips niya sa picture niyang matindi ang pagkakakapit sa poste ng sinasakyan namin.

We’re looking forward na makita pa ang ibang anyo mo kuya.” bulalas ko na may halong malakas na pagtawa.

Ang sarap talaga nilang kasama. Ang sarap magliwaliw kung ganitong mga baliw ang kasama mo. Makakalimutan mong malapit na palang mag-hatinggabi. Todo laban ako sa aking antok dahil mas gusto ko ng gising na lang. Mas gusto kong manatili sa masayang katotohanan ng buhay ko ngayon kaysa managinip.

Hindi ka pa matutulog? Wagas makangiti a.” Alam ko sa sarili kong maganda ang ngiting nakikita ni bes sa aking ngayon. Hinding-hindi ko talaga ipagpapalit sa kung anumang bagay ang pangyayaring ito. “I love you, bes. To the moon and back.

Moon lang? I love you hanggang sa mapuntahan mo ang dulo ng universe.” totoo naman ang sinabi ko. Si bes na ata ‘yung taong minahal ko ng ganito. Siyempre exempted ang parents ko. I will never ask for a better friend, nasa tabi ko naman na kasi ‘yung best. “Mauna ka na matulog, bes. Magmumuni-muni muna ako.

I brought your diary. Check mo na lang doon sa ilalim ng mga damit sa drawer.” binigyan ko naman siya ng pinakanasurpresang jawdrop facial reaction. “Sinong best friend ang forever ready?

Katherine Santiago,” oh how I love you bes. You won a hug. Ikaw na talaga! “Slash dyosa ng mga dyosa! Thanks bes!

Good night bes.” nag-pout siya ng lips pagkasabi non at pumikit na.

Sinagot ko rin naman siya at winish ng Matt dreams. Madali akong tumayo at hinalungkat ang drawer. Nandito nga ang diary ko.

Ay, bes. Pakinggan mo nga pala ‘to, playing na. Auto-repeat one mo lang ha. Ge, nae-explain ko na, love you.” inilapag niya ‘yung phone niya doon sa may nightstand at nagtakip na ng kumot.

Naisip kong hindi nga pala nakakatulog si bes ng may ilaw habang si kuya naman ay kanina pa nag-sosolo concert sa paghilik sa kabilang kama. Pinatay ko na lang ang ilaw sa nightstand at doon na lang ako sa may labas magsusulat.

Pakwadrado ang hugis ng two-storey building na ito. Nasa gitna ang parang maliit nilang amusement park. Gusto ko sana doon sa may swing pero dito na lang ako sa paanan ng slide para nakaharap ako sa pinto ng kwarto namin. Kinandado ko naman ang pinto at nasa akin ang susi pero maigi na ‘yung sigurado.

Isinandal ko muna ang likod ko. Sakto lang ang pagkaka-incline nito dahil kitang-kita ko ang mga bituin sa langit. Matagal na rin noong huling nag-star gazing ako.

Inilagay ko na ang earphones ni bes sa aking magkabilang tenga. ‘Unknown.mp3’ lang ang nakalagay sa title. Ang haba naman nito, ten minutes talaga?

The time goes on now

Don't ask me how

I don't know

We'll be home tomorrow

But a thousand miles too far away

Ito talaga, bes?” sabi ko sa aking sarili.

Umupo na ako at nagsimulang magsulat. Sumagi sa mata ko ang malaking pagkakasulat ko ng “She was ‘then’, you are my ‘now and forever.’” Noong gabi ng masquerade ball pa pala ang huling entry ko rito.

Itim man ‘yung design ng pen pero pula pala ang ink nito. Ito lang ang nahagilap ko sa drawer, kung ano na lang siguro ang nahagip ni bes sa study table ko.

Pasulat pa lamang ako ng  petsa ay napansin kong wala naman ng tumutugtog na kanta. Tinanggal ko saglit ang isang earphone at tinanggal ‘yung cord sa pagkakakabit sa phone, wala talagang tunog.

Red ink talaga? You must have hate me so much…” nanindig ang aking mga balahibo sa narinig ko. Parang may malamig na kung anuman ang nanghimasok sa pores ng balat ko. “Luv?

Siya nga.

Hindi ba pwedeng ito lang ‘yung available?” I stood up freezing.

Hindi ba pwedeng ayaw akong mag-explain sa phone dahil gusto ko ay in person?

I can’t face him. Whatever he’s wearing, I’ll notice how good it looks on him. However long or short his hair is, I’ll bite my lip. When I see his eyes, I’ll melt. And when I see his lips, I’ll crave for it. I won’t stand a chance to fight if I turn around.

Those were just lies. None of it were true.” huminto siya saglit at naririnig kong papalapit siya sa akin kaya naglakad naman ako palayo. “No engagement, no wedding, no ‘us’ is between me and Michelle. Everything was just for the media’s pleasure. At inilayo kita sa doon dahil ayaw kong makita mo ang mga nangyayari.

Naabutan niya ang braso ko at lalo pang nanlamig ang buong katawan ko. He’s now in front of me at madali kong iniwas ang aking mga mata. Pumikit ako at tumingin sa sahig. He’s wearing a black boat shoes, at nakatiklop ang jeans niya hanggang sa kalahati ng kanyang binti. My eyes are crawling upward. Pumikit ako.

Labanan mo, Cee. Ang babae, hinahabol. Kailangan niyang magpaliwanag. Lumaban ka.’ sabi ko sa konsensya ko.

Peke man ang lahat, I can imagine how it would feel when you see it. Dahil kung ako ‘yun, mababasag at mababasag ang puso ko. I wouldn’t be able to breath if I see you holding hands with another guy. I wouldn’t be able to live if I see you wearing a ring not from me.” sapat na bang paliwanag ‘yan?

I’m sorry I made it too complicated. I’m sorry I had to let you through it again. I had a very foolish plan. I wasn’t seeing all the angles, I was so damn insane not to think this could happen. Seeing you in misery makes my heart suffer thrice the pain you’re having. My conscience is deeply wounding me inside knowing that you are hurting because of myself – again.

Knowing all of these makes me want to put down my defenses. Kuntento na akong malaman na ako pa rin ang nasa puso niya. Muli akong nabuo nang kanyang sabihin na ginawa naman niya ‘yun para rin sa amin – na may ‘amin’ pa kaming matatawag.

What I did is unforgiveable. Excuses won’t save me, it can’t buy me another chance, I have hurt you already. But I badly don’t want an ending.

I don't wanna fall out

But we're all out of time

I don’t want an ending

Umasa at naniwala akong hindi totoo ang lahat. I stayed faithful and this is what I get – I have fought the good fight of faith.  “I never stopped hoping, I never stopped praying for an ending na kasama ka. But everything is against us, magkapatid tayo Nick! Hindi mo ba makuha ‘yun?? ‘Yun ang katotohanang hindi natin mapipigilan at doon nadudurog ang puso ko dahil wala akong mahugot na pag-asa sa katotohanang ‘yun.” I saw a tear fell on his cheek.

Luv, tell me how to hope, tell me how to live…brother.

Ibinilog niya ang kanyang kamao, pumikit, at kinagat ang kanyang labi. Muli niyang minulat ang malatsokalate niyang mga mata. “I don’t care if we share the same blood. All I care now is my growing love for this beautiful angel in front of me. All I want is to breathe next to you. All I want is to spend the rest of my life with you. Nothing else matters more than the most passionate and most zealous thing I’ve ever felt – loving you.

At least tonight

It's just you and me and honestly

That's everything I need

I am completely yours, Caroline. Luv, would you live and run away with me?

Continue Reading

You'll Also Like

392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
55.9M 987K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
27.1M 718K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...