She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 45

5.3K 169 22
By ShuperShimmer

© Shupershimmer

Two days after my recovery, saka nila sinabi sakin ang investigation ng mga pulis sa aksidente. Matagal ko na silang pinipilit kung ano na’ng resulta pero ayaw nilang sabihin. Hanggang sa nangailangan ang investigator—namely Mr. Maximo—ng interview sakin.

Nakasuot siya ng black jacket at namumuti na ang buhok niya. He doesn't look like investigator--but I think he's doing great.

That’s the time I discovered it was Mike. That’s the time I discovered he meant to do it. Oo, galit ako—sobra—pero ano’ng magagawa ng nakasaklay? Isa pa, nagtatago na siya. Hindi siya mahagilap ng mga pulis.

“Magkaaway ba kayo ni Mike?” tanong ni Sir Maximo.

Kaming dalawa lang ang nasa loob ng kwarto, at nakahiga ako sa kama. Medyo inaantok na kasi ako sa gamot na pinainom sakin.

“We were schoolmates.”

“Magkaaway nga kayo?”

I coughed. “Sa tingin ko.”

The investigator inhaled sharply and wrote something on his small notebook. He looked up again when he’s finished.

“So, pwede mo bang idetalye ang dahilan ng away?”

Hindi ko alam pero biglang uminit ang ulo ko, at nagsalubong nang kusa ang dalawang kilay ko. Pakiramdam ko nga nagbuhol-buhol na ang lamang loob ko dahil sa naalala ko. “Sir, nag-attempt siyang rape-in ang girlfriend ko. Sino bang matutuwa do’n?”

Bumuntong-hininga na lang ako. Siya naman, parang nagulat pa sa binanggit ko dahil nag-hang sa ere ang bibig niya pero hindi naman siya nagsalita. Nag-take down note ulit siya at nag-isip ng tanong.

“Kelan ‘to nangyari? Ano’ng nangyari?”

Dinetalye ko ang nangyare noon—kahit medyo nakakagalit ikwento sa iba—at siya naman, sinulat lahat ng importante. Pagkatapos ng disclosure ko, napaisip siya kaya tahimik ang kwarto ko.

“So… obviously, he was eyeing on you.”

“Hindi na ko magtataka,” sagot ko. “Pero ba’t niya kailangang idamay yung girlfriend ko? Ako ang bumugbog sakanya, e! Away lang namin ‘yon!”

He pressed his lips. “Well, sir Legazpi, pinapaalam ko lang sa’yo na may tatlong letter threats sa wallet ni Darla—wala ka bang ideya do’n? Isa pa, hindi ikaw ang target niya. Yung girlfriend mo.”

Napanganga ako nang bahagya sa sinabi niya. Ano? Letter threats? Walang nababanggit si Darla sakin na gano’n kahit nang bago pa mangyari yung accident. Wala siyang sinabi ni isa.

“Ano’ng threats?” nakakunot yung noo ko sakanya na parang hindi ko siya maintindihan.

“Unknown threats,” he toyed the pen with his fingers. “Hindi pa alam kung sino ang nagbigay, dahil walang pangalan. But it might be Mike himself.”

“Bakit niya naman gagawin ‘yon kay Darla?”

“Because she’s your girlfriend,” simpleng sagot niya. “Maraming kaso ang kamukha nang sa inyo. Pag gumanti ang suspect, hindi niya titirahin ang kaaway niya, kundi yung iba na mas makakasakit sa kagalit niya. As my theory, binalak niyang patayin ang girlfriend mo… nang kasama ka. Nang ikaw ang witness sa lahat.”

It took me a couple of hours to become stable again. Pagkaalis kasi ng investigator, bumilis ang paghinga ko at ilang oras na nakakuyom ang kamay ko. Hindi rin ako makausap nila mama dahil ayoko nang kausap.

Sinubukan ko na lang ipikit ang mata ko para mawala kahit paano yung stress sa katawan ko.

***

I’m not sure if this is what they call nightmare. Why? Partly, it looks and feels so real, but partly, it seems so impossible. Nakita ko si Darla na nakaupo sa gilid ng hospital bed na hinihigaan ko, at naka-dangle ang dalawang binti niya na parang see-saw. Gusto ko siyang tawagin para lumingon siya pero hindi ako makapagsalita.

“Lawrence,” sabi niya habang nakatingin siya sa tsinelas na suot niya. Ako naman nakahiga sa kama, at naka-hospital gown.

Hindi ko alam kung paano siya nakapasok. Basta nakita ko na lang siya sa tabi ko.

“Lawrence, mahal mo ba ako?” tanong niya. I smiled, nodding. “Kung gano’n sasamahan mo ‘ko?”

Unable to speak a word, I reached for her hand and gently squeezed it. She’s damn cold. My forehead creased, wondering why she’s so cold and firm.

“Lawrence, matatakot ka ba pag nawala ako?” hindi ko alam kung bakit siya nagtatanong nang ganyan pero doon ko lang naramdaman ang matinding heartbeat ko. “…pag iniwan kita?”

Napalunok ako nang laway—hindi ko nga alam kung may nalunok ba kong laway, e—at hinigpitan lalo ang kapit sa kamay niya. Hanggang sa naramdaman kong kusang lumuwag, at narealize kong nakabitaw na ‘ko sa kanya.

Tahimik ulit siya sa loob ng isang minuto, at gano’n din ako. Maya-maya, hinubad niya yung tsinelas niya at humiga sa tabi ko. Ginamit niya pang unan ang braso ko, at nakapatong ang isang kamay niya sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko parin na malamig siya, kaya yumakap ako.

“I’m glad you made it,” bulong niya. “Pero hindi ko na kasi… kaya.”

Inalis ko yung pagkakayakap ko at tumingin sa mukha niya. Nanlaki na yata ang mga mata ko at gumulong pababa sa kama nang makita kong bulok na yung mukha nang katabi ko—may uod sa bibig at tuyot na ang mata niya. Hindi siya si Darla. Imposible.

Pagkabagsak ko sa sahig, bigla akong nagising at napahangos. Narinig ko pa nga na medyo sumigaw ako.

“Bakit?” tanong ni Papa. “Ano’ng nangyare? May masakit ba sayo?”

“Natutulog ba ‘ko?” yun ang initial respond ko.

“Oo, kanina. Bakit?”

Inabot ko ang saklay sa gilid ng kama ko, at bumaba sa kama. Nagtanong pa si Papa kung ano’ng gagawin ko dahil hatinggabi na—doon ko lang nalamang hatinggabi na pala—pero sinabi kong pupuntahan ko sa kwarto si Darla. Pagbukas ko ng pinto, tahimik. Walang naglalakad.

“Sigurado ka bang kaya mo?” tanong niya habang nasa likod ko. “Sasama na ako, baka ano pang mangyari sa’yo.”

We went to her room, and it took me ten knocks before someone opened the door. Kuya niya ang nagbukas at halatang puyat pa, at galing sa tulog.

“Kailangan kong makausap si Darla.”

“I’m sorry, pero sa nakikita mo, hindi pa siya gising. Mag-wa-one week na. Malabong magkausap kayo.”

“Napanaginipan ko siya,” I said, and I immediately regret saying it. It sounded so dramatic. “H-hindi ko alam… basta gusto ko lang siyang makita.”

Bumuntong hininga ang kuya niya saka kami pinapasok ni Papa sa kwarto. Nakaupo lang silang dalawa sa couch sa sulok, habang ako ang nasa gilid ng kama ni Darla. Kung ano ang itsura niya no’ng unang punta ko, gano’n parin siya ngayon.

I traced my fingertips from her shoulder down to her wrist. I reached for her hand and clasped it.

“Sinabi sakin ng investigator na inamin mong nag-away kayo ni Mike dahil sa… sa ginawa niya sa kapatid ko,” sabi ng kuya niy, pero di ako lumingon. “I should say belated thanks for saving her.”

Kung niligtas ko siya, bakit siya nandito?

“I’m sorry, nadamay siya sa nangyari.”

Bibitawan ko na sana ang kamay ni Darla pero naiwan sa kamay niya ang pinky finger ko. Pagtingin ko, saka ko lang napansing naka-grip ang thumb at index finger niya sa daliri ko. My heart skipped a beat, and quickly looked at her eyes.

I thought she’ll open them. I thought.

Hindi ko naramdaman ang paggalaw ng kamay niya, pero sigurado akong hawak niya—niya—ang dulong daliri ko. Ayaw niyang bitawan ko siya.

“Nakita niyo ba ‘yon?!” napalingon ako sa dalawang nakaupo sa likod ko. “Gumalaw ang daliri niya. Gumalaw siya!”

Wala akong paki kung masyadong malakas ang sigaw ko, pero di ko naman sinasadya na lalabas yun sa bibig ko. Kinwento ko agad ang nangyari at pinindot ng kuya niya ang intercom para tumawag ng nurse. Habang ginagawa niya yon, nakahawak ako sa kamay ni Darla at tinatawag ang pangalan niya. I’m hoping any minute, she’ll open her eyes. She’ll see me.

Pero pagdating ng nurse at doctor, nakapikit pa rin siya. At hindi niya na ulit nagalaw ang mga daliri niya.

Sinabi ng doctor na ‘good news’ ang nangyari dahil ‘yon ang first body movement na ginawa ni Darla after the accident. Parang nakahinga ako nang maluwag dahil ako ang nakaramdam—o pwedeng naging dahilan—ng slight movement na ‘yon.

I’m not sure if I’m almost in tears, but I’m sure my eyes went warm. Barely.

“Just check her always, to see if she does it again,” sabi ng doctor samin. “And besides, though not scientifically, nakakatulong sa pasyente kung palaging may kasama, o may kumakausap sa kanya. Like what he did.”—he nodded toward me—“It helps the patient to gradually recover. Talk to her as a normal person. Talk to her as if she didn’t almost die.

“I don’t know but I believe there is something about human relationship—or contact—that science couldn’t explain.”

Pagkasabi niya no’n, nakatingin ako kay Darla. Hindi ko na narinig yung ibang sinabi niya dahil sa napansin ko. Naningkit ang mata ko dahil malayo-layo siya sa kinatatayuan ko, at nagtaka ako sa labi niya. Hindi ko yun napansin kanina pero sigurado akong naka-ngiti siya ngayon.

Hindi halata, pero ramdam ko.

Continue Reading

You'll Also Like

892K 19.1K 49
[Completed] Gabriel Vargas. Bully, talented, good looking, rich and certified heartbreaker. Mamahalin ko ba ang isang mala-demonyong heartbreaker na...
13.1M 126K 61
Meet Azalea Elle Lopez, an almost bride na tinakbuhan ng kanyang groom sa hindi malamang dahilan. Paano na niya haharapin ang buhay niya lalo na't ma...
2.7M 46.1K 50
#26 in ROMANCE (05-29-17) #4 in Doctor #9 in heartaches #4 in operation Ryanalene Finch is a very happy person. Pero may isang bagay na hindi nya kay...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...