Mark My Words (Book 3)

By MsjovjovdPanda

952K 25.4K 1.7K

(Book 3) of Campus Prince Meets Gangster Princess. This is the 3rd generation. 2017 by MsjovjovdPanda. Ezen K... More

Mark My Words
The Generation
Trailer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
New Characters Profile
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Special Chapter One #ChaiZen
Special Chapter Two #ChaiZen
Special Chapter Three #ChaiZen
Special Chapter Four #ChaiZen
Pasasalamat ng ating mga bida:
Achievement
BOOK 4 is up!

Chapter 85

5.1K 149 0
By MsjovjovdPanda

Chapter 85:

Quiz nga namin ngayon. Ibinaba ko 'yong ballpen ko nang matapos ko ito. Umunat pa ako habang nakangiti. Pagkatingin ko sa mga katabi ko nakatingin pala sila sa akin. Parang nagtatanong na tapos ka na sabi nina Key at Seven. Pero hindi ko sila pinansin.



Pagkatingin ko naman kay Ezen natutulog siya. Masyado namang genius 'tong katabi ko. Pero nasagutan na nga ba niya 'yong mga questions?



Sinilip ko ng kaonti 'yong papel niya pero wala namang sagot. I'm sure babagsak siya kung hindi niya 'yon sasagutan.



Pasimple ko siyang kunyari na dali habang nag-uunat, baka sakali kasing magising siya, makakahabol pa siya kung mag-uumpisa na siya ngayon. Pero pagkaunat ko na-out balance 'yong braso ko dahil bigla lang naman niyang iniangat 'yong ulo niya sabay tingin sa akin. "Hey, ano bang ginagawa mo ha?" Aniya. Halos mamikit-mikit pa 'yong mga mata niya kaya napatitig ako sa kanya.



"Ano bang sinasabi mo riyan? Nag-uunat lang ako e." Pakunwari ko tapos nag-unat ulit ako. "Nga pala, bakit parang wala ka pang sagot?" Aniko.



"Bakit? Concern ka?" Pamimilosopo niya.



"Oy, wala akong paki sa 'yo."



"Ah, talaga? Ba't mo tinatanong kung ganon?"



Wala na, talo na ako. Tumigil nalang ako at inirapan nalang siya.



"Okay, past your paper and class dismiss." Pinasa ko kaagad 'yong papel ko sa unahan. Tinitignan ko rin kung ipapasa ba ni Ezen 'yong blangko niyang papel pero nagkamali ako, may sagot pala 'yon may doble lang na isa pang papel.



"Anong tinitingin-tingin mo?" Pagsusuplado niya kaya nginisian ko nalang siya.



"Uy, pre mauna na kami. May pupuntahan pa kami ni Seven." Sabi ni Key tapos nagkakamayan silang tatlo habang ako nag-aayos pa ng mga gamit ko. Pinapasok ko pa 'yong mga gamit ko sa loob ng bag ko.



"Sige, mag-ingat kayo. I'm sure sa susunod makakasama n'yo na ako." Sagot ni Ezen.



"Pre, baka may balita ka na kay Yena, contact-in mo kaagad ako ha?" Mahina niyang sabi kay Kulot. Namiss ko rin tuloy si Yena.



"Sige, bukas nalang." Tuluyan nang lumabas 'yong dalawa at naiwan kami ni Ezen dito. Pero bago ko pa makalimutan ang lahat, magkikita nga pala kami ngayon ng new friend ko na nakausap ko kanina. Hindi ko nga lang alam kung ano ang pangalan niya. Sinakbit ko kaagad 'yong bag ko tapos nag-akma na akong lumabas nang bigla akong hinila ni Ezen pabalik.



"At san ka pupunta?"



Napanguso ako. "Eh, ano bang pakialam mo kung saan ako pupunta? Isa pa, kasama ko naman si Zero 'no. Wala ka ng pake." Hinawi ko siya tapos tumakbo kaagad ako pababa papunta sa canteen. Tapos nakita ko na nga 'yong tatagpuin ko rito.



"Pasensya na kanina ka pa ba naghihintay sa akin dito? Ngayon lang kami pinalabas." Sabi ko sa kanya.



"Okay lang ano ka ba." Tumayo na siya bitbit 'yong bag niya saka kami naglakad palabas.



"Ano nga palang pangalan mo?" Tinignan ko 'yong I.d niya tapos ngumiti siya.



"Kate." Napakaganda ng pangalan niya. Nakikipagkamay siya kaya tumugon ako ron. "New friends na tayo huh puwede ba?" Tumango kaagad ako.



"Oo naman, pero puwede bang doon tayo sa kabila dumaan? Baka kasi makita ako ng bantay ko. Hindi ko siya isasama kasi lalaki e, baka mainip kapag matagalan akong pumili ng items na bibilhin ko." Si Zero 'yong tinutukoy ko.



"Sure, nagtatago ka ba? Ito jacket ko suotin mo para hindi ka makita." Iniabot niya 'yong jacket niya sa akin. Napalawak ang mga ngiti ko ron dahil printed picture ng BTS. Muntikan na akong mapasigaw dahil sa gusto ko ng ganitong klase ng jacket.

"S-Sigurado ka ipapahiram mo sa akin 'to?" Nahiya pa ako.



"Oo naman friends na tayo e. Tara na, baka maunahan tayo ron. Marami kasing namimili ron baka hindi na tayo makaabot."



Pagkasuot ko ng jacket niya nagmadali kaming tumakbo papalabas ng gate. Nagtagumpay naman ako, natakasan ko si Zero. Nagsinungaling ako kay Ezen na isasama ko si Zero pero ang totoo hindi naman. Nakakahiya naman kasi talaga kung isasama ko pa roon si Zero e baka matagalan ako sa pamimili ng mga items na gusto kong bilhin.



Sa tingin ko naman walang mangyayaring masama sa akin doon dahil mabait naman 'tong si Kate at mapagkakatiwalaan sa mukha palang.







Shimi's Point of View: (Ezen's Mother)

"Hubby, look at this." Iniabot ko sa kanya 'yong mga pictures na ibinigay sa akin ni Ashily kaninang umaga. Nandito kami ngayon sa bahay sa sala at kakadating lang niya.



"Ano ang mga 'to?" Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko nalang siya mismo ang makakita ng mga nasa pictures. "Si Gizel 'to hindi ba?"



"Oo, Hubby pero ang nakakapagtaka sa pictures na 'yan, ay kausap niya si Carlos Olivia."



"Carlos Olivia?" Nagulat siya. "Yung isa sa mga kumidnap kina Ezen at Lyka?"



"Oo, at si Ezen mismo ang nakakilala sa kanya sabi ni Ashily nang ipakita niya kay Ezen itong mga litrato."



"Sandali wifey, sino ang kumuha ng mga pictures na 'to? Saan 'to nang galing? At bakit kausap ni Gizel si Carlos?" Naguguluhan niyang tanong.



"Ibinigay ni Ashily sa akin kaninang umaga 'yan. Pinasundan ni Ashily kay Zero si Gizel nung sunday dahil kakaiba raw 'yong kutob niya sa batang 'yon. Nung nasa acquaintance party sila nakita ni Ashily na pinagtutulungan nila at ng dalawa pa nitong kaibigan si Lyka sa CR doon. Dahil don sa tingin ni Ashily may itinatago ang batang 'yon, lalo na nang makita pa nila ang mga pictures na 'to. Malamang may sabwatan ditong nagaganap ng hindi natin nalalaman."



"Anong ibig mong sabihin?"



Tinitigan ko siya ng seryoso. "Kailangan nating bantayan ang pamilya ng mga France, lalo na si Gizel dahil hawak niya si Ezen dahil mag-girlfriend at boyfriend na silang dalawa."



"What? How did he do this? Mas inuna pa ni Ezen ang pakikipag-girlfriend kaysa sa F.O.L?" Napasapo siya sa noo niya dahil sa pagkadismaya.



"Hubby, nung una 'yan din ang nasabi ko pero sabi sa akin ni Ashily, sa tingin niya raw ginagamit niya lang si Ezen, kaya hindi dapat natin mapayagang mas lumalim ang relasyon nila. Mapapahamak si Ezen. Hindi natin alam ang plinaplano ng mga kaaway. Paano natin maipapaliwanag ang picture na 'to na magkausap itong dalawa?"



"May naiisip na ako, tatawagan ko si Chloe ngayon, mapapapuntahan ko kaagad sa kanila ni Jenrick ang bahay ng mga France. Kailangan kaagad natin 'tong maaksyunan bago pa mahuli ang lahat. Tawagan mo sina Damon at Zero, kailangan makauwi na ngayon dito sa bahay ang mga bata at 'wag hayaang makalabas."



Tumango agad ako sa mga sinabi niya. Tinawagan ko kaagad ang mga bodyguards nila Ezen at Lyka pero mukhang may panibago na namang problema.




(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.

Continue Reading

You'll Also Like

177K 4.6K 41
A simple mission that can make the person's life change, A simple mission that can make the story more complicated, Will they succeed? Or not?
2.1K 1K 50
[ Stray Kids Fanfiction ] -Epistolary- "Sana naalala nya pa rin" - Ellyn Memories and secrets from the past will be revealed as they walk down to me...
59.6K 1.5K 32
Isang academy na maraming guild ang nabuo. Kung saan, pinaglalaruan sila ni DeviL. Sa devil's game, kung saan wala kang kawala, kailangan mong tapusi...
2.7M 17.9K 7
There this one Girl, a gangster, who will be transferred to a private school. She feels oblige to follow her parents desires. Then she thought, "I wi...