Chapter 84:
Bigla akong hinigit ni Ezen nang mas malakas dahilan para mabitawan ako ni Zero. Pagkatapos non hinarap niya si Zero kaya magkatapat na sila ngayon. "You are my only body guard. You don't have rights to face me. You understand?" Hindi sumagot si Zero pero magkatitigan pa rin sila tapos non bigla nalang siyang napalihis ng tingin at wala nang nagawa pa. "Umalis na tayo rito." Utos ni Ezen kaya tuluyan na nga kaming umalis ng resto. Naiwanan ko ron si Zero nang mag-isa.
Mabilis naman naming narating 'yong bahay nila, 'yon nga lang hindi pa rin ako umiimik katulad kanina sa kotse. Hindi lang naman kasi ako makapaniwala na nagawa ni Ezen sa akin 'yon kanina. Nang makababa kami ng kotse naglalakad na ako ngayon papasok ng bahay nila. Nasa likuran ko lang siya at nakasunod siya sa akin.
Hindi ko kasi alam ang gagawin kung lilingunin ko ba siya o tatanungin kung bakit sinundo niya ako ron pero sa naaalala ko, "Please, don't do it again. I won't forgive myself if there's anything happen to you."
Hindi ko alam kung anong pahiwatig niya ron. Bubuksan ko na sana 'yong pituan nang bigla niya akong unahan. Napatitig nalang ako sa kanya tapos sinundan ko lang siya ng tingin habang tinutungo ang sala.
"Oh, anak nandito na pala kayo. May nangyari ba? Okay lang ba kayo ni Ezen?" Tanong ni Nanay sa akin habang kasama niya si Tatay at Ate Ashily na mukhang hinihintay ang pagdating namin dito. Pero imbes na sagutin ko si Nanay kay Ezen ako tumingin, sinundan ko pa rin kasi siya ng tingin habang papunta ng kuwarto niya sabay lalim ko sa paghinga.
"Nay, wala naman pong nangyari. Okay naman po kami, magpapahinga na po ako, sige po." Tumalikod na kaagad ako sa kanila kahit alam kong sinundan din nila ako ng tingin pero pinagpatuloy ko na talaga ang pag-akyat ko sa kuwarto ko.
----
"Hays," Nakapangalumbaba ako ngayon. Nandito ako sa classroom at panibagong umagang monday na naman. Nakatingin lang ako sa bintana at kung minsan sa kinauupuan ni Ezen. Sa totoo lang matapos ang nangyari sa amin kagabi hindi na ulit kami nagpansinan.
Kasama niya ang Trio ngayon at nagdadaldalan sila. Kung minsan pa nga humahagalpak sila ng tawa. Ewan ko ba, hindi mawala sa akin 'yong ginawa ni Ezen sa akin kagabi. "Hays," Saka nasaan pala si Gizel ngayon? Mukhang absent. Kaya naman pala may oras ngayon si Kulot sa dalawang kaibigan niya.
Lumipas ang oras, lunch time na. Sobrang bilis talaga ng oras ilang subject kaagad ang lumipas. At dahil nagmamadali ako kanina, nakalimutan ko 'yong baon kong niluto ni Nanay kanina para sa akin. Nandito tuloy ako sa canteen ngayon. Nakakawindang lang dahil ang mamahal ng ulam at kanin. Akala mo ginto sa presyo. Five hundred pesos, lunch lang. Grabe! Tila hindi pa ako makapaniwala kung kakainin ko ba 'to o hindi.
"What I know about food is to eat it, not to stare it."
Nang bigla akong mapatingin sa lalaking nagsalita sa harapan ko, si Zero. May dala siyang tray na naglalaman ng mga pagkain, sa tingin ko rito rin siya manananghalian. Bigla akong napangiti. "Pasensiya na, hindi lang kasi talaga ako makapaniwala sa presyo nito e. Parang apat na katao na ang kakain sa ganitong halaga kung sa jollibee ako kakain."
Bahagya siyang napatawa sabay kamot ko naman sa ulunan, "Your so funny." Aniya kasabay ng paggulo sa buhok ko. "You may eat." Aniya kaya tumango ako. Nakangiti kami sa isa't isa habang nilalasahan ang masasarap na pagkain sa harapan.
Nang biglang may tumabi sa harapan namin. Binagsak niya ng bahagya 'yong tray niya na may lamang pagkain kaya nagulat kaming dalawa ni Zero pero itong si Zero patuloy pa rin siyang kumakain at hindi pinapansin itong padabog na pagdating ni Ezen. Nangtingnan ko naman si Ezen nakatitig siya nang nakamamatay kay Zero, samantala si Zero nakatitig naman sa akin habang ngumunguya. Samantala ako, salitan ang pagtingin ko sa kanilang dalawa.
Hindi na ako tuluyang nakakain, basta salitan lang ang pagtitig ko sa kanila. Katulad kasi kagabi parang gusto nang lamunin ni Ezen nang buo itong si Zero habang tinititigan niya. Napalunok ako ng bahagya dahil sa totoo lang hindi ko alam kung bakit nagkakaganon si Ezen kaya para iwas gulo tumayo ako para iwanan sila.
Pero pinigilan nilang dalawa 'yon. Nagkasabay silang dalawa sa paghawak sa braso ko at sabay ding napatayo. Muling nagsalubong ang titigan nila habang ako naguguluhan na naman. Pero sana naman huwag silang mag-away dalawa rito. Nahiya tuloy ako bigla dahil halos lahat ng estudyante sa amin nakatingin ngayon.
At dahil awkward na, nang maramdaman kong lumuwag ang paghawak nila sa braso ko napagdesisyunan kong ipagpatuloy nalang ang pagkain dito. Umupo ulit ako kasabay ng tray na hawak ko at hindi sila pinansing dalawa. Kumain nalang ako nang kumain na para bang walang dalawang lalaki rito sa harapan ko at walang mga taong nakatingin sa akin ngayon.
Bahala sila riyan. Basta ako kakain 'yan nalang ang sinasabi ko sa isipin ko habang nilalantakan ang pagkain at invisible ang mga taong nasa harapan ko ngayon.
-----
Ibinagsak ko ang puwetan ko sa upuan. Tinungo ko ang desk ko at nag-akmang ipikit ang mga mata. Nakakahiya 'yong mga pangyayari kanina. Feeling ko mag-aaway talaga sila nang dahil sa akin pero sa anong dahilan? "Hays,"
"Hi Lyka," Nang bigla akong makarinig ng boses nang isang babae kaya nilingon ko ito. "Mahilig ka sa BTS?" Aniya. Kinilanlan ko na muna ang mukha niya. Hindi ko siya kilala at hindi ko rin siya kaklase. Sa palagay ko taga ibang section siya pero pareho kami ng year dahil kulay blue din kasi ang I.d lace niya kapareho ng sa akin.
"Ah, oo. Sino ka pala?" Umayos ako ng upo tapos siya naman tumabi rito sa bakanteng upuan. Wala pa naman kasi ang mga kaklase ko dahil lahat nasa baba pa kaya ako lang ang mag-isa rito.
"Sino Bias mo? Alam mo ba gustong guto ko ron si Jungkook dahil ang lamig kasi ng boses niya." Tila kilig na kilig siya habang sinasabi niya 'yon kaya natuwa ako. Ang saya ko ngayon hindi ko expected na may kakausap ulit sa aking estudyante rito tapos patungkol pa sa BTS kaya ang saya saya ko talaga.
"HaHaHa si ilong ba? Grabe, nakita mo ba 'yong abs niya sa Fake love? Hays, grabe talaga si Kokiee, hindi ko nga expected na maglalabas siya roon ng abs niya e. Si chimchim lang naman kasi ang gumagawa non madalas sa kanila 'di ba?"
"HaHaHa! Oo, pero alam mo napapatili talaga ako like kyaaah ang laki ng abs niya grabe," At sa tagal ng kuwentuhan namin halos hindi ko na namalayang nagbell na pala kaya pareho kaming napahinto sa daldalan. Naging close kaagad kami. "Ah, Lyka sumama ka sa akin mamaya, gusto mo?" Tumayo na siya.
"Huh, saan naman?"
"Mamaya kasi may pupuntahan ako. May alam akong bilihan ng mga stickers, posters, notebooks, pamaypay, t-shirt, bag, basta 'yong mga printed ay BTS. Wala kasi akong kasama, gusto ko kasi sanang bumili."
"Talaga ba?" Natuwa ako sa sinabi niya. Mga printed ba naman ng BTS gusto ko talagang bumili non.
"Oo, ano sasama ka ba?" Tanong niya ulit.
Mas nagalak ako. May pera pa naman kasi akong natitira e. Tumango kaagad ako sa kanya."Sige ba! Saan pala tayo magkikita?"
"After nalang ng class, sa canteen. Sige, bye!"
"Bye!" Tumakbo na siya papalabas kasabay naman ng pagpasok ng mga kaklase ko rito sa loob ng classroom. Ang saya saya ko. Gusto kong bumili ng bag na ang printed ay si Alien.
"Who's that girl?" Nang bigla akong lapitan ni Ezen. Ang seryoso ng mukha niya. Ewan ko ba rito pero hindi ko nalang pinansin. Gusto ko ng makapunta ron agad mamaya.
"Sinabi kong sino 'yon?!" Tumaas ng konti 'yong tono niya dahilan para tignan kami ng mga katabi ko. Naging bato tuloy ulit ako. Akala ko naman kasi aalis na siya sa harapan ko. Mapilit siya e ano bang pakialam niya?
"May pupuntahan lang kami. Wala namang masama ron 'di ba?"
"Anong walang masama? Hindi ka aalis." Matapos niyang sabihin 'yon tinalikuran na niya ako tapos pumunta na siya sa upuan niya na akala ko uupo na siya roon pero 'yon pala kinuha niya lang 'yong bag niya tapos bumalik ulit siya rito. Tinitigan niya ng masama 'yong katabi ko na parang sinasabing umalis ka riyan kung ayaw mong masaktan. Mabilis tuloy umalis 'yong katabi ko. Halos magkandarapa pa nga eh. Tinitigan ko naman siya sabay ngisi. Ang yabang e.
"Baka puwedeng dito rin kami umupo?" Bigla ring sabi ni Key nang sumunod siya rito kay Ezen kasama rin si Seven. Itong mga katabi ko kusa ng umalis bago pa man magsalita ang dalawa. Tapos non nasa gitna nila ako. Pinaggitnaan nila ako pero nakakabadtrip lang dahil ang lakas nilang magkuwentuhan, mga bwisit.
"Okay class, good afternoon, please get one in a half sheet of paper." Biglang sabi nung science teacher namin pagkapasok na pagkapasok niya. Halos hindi na nga kami bumati. Sa tingin ko may quiz kami kaya naman tumahimik na ang lahat at mabuti naman dahil ang iingay nitong mga katabi ko.
(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES
Votes | Comments | are highly appreciated
Thank you so much, JOVinians
— Miss Jov 💕
TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.