***Marco's POV***
Mag-isang oras na akong nandito sa loob ng kotse pero wala pa ding dumadating na tao galing sa site. Baka nga mahirap ang biyahe sa lugar na ito. Si Luis ay tinawagan ko na rin at sinabihang nahanap ko na ang sasakyan ni May. Pinauwi ko na rin ito kahit nagpumilit na sundan ako dito. Masyado ng delikado.
Maya-maya ay namataan ko na ang tatlong tao galing sa site.
"Magandang gabi, boss!"
"Magandang gabi. Wala ba kayong nabalitaan kanina na babaeng dumaan dito?"
"Wala po boss. Bakit po?"
"Papunta dito kanina iyong isang boss niyo, si Architect Entrata para sana siya ang magsite inspection. Pero ayun iyong kotse niya sa tabi. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Sino sainyo ang nakakaalam ng lugar na ito?"
"Kami, boss. Ang pinakamalapit na bayan dito ay Real. Baka hindi kinaya ng sasakyan niya at napagpasyahang maglakad na lang. Kung galing kasi kayo ng Maynila dapat sa bandang Rizal kayo dumaan, sa may Marikina. Mas malayo kung sa Laguna at ibang bayan ng Quezon kayo dumaan."
"First time ko rin kasing makarating dito. Hindi ko masyado natutukan noong in-approve ko ang project ma ito. Si Engr Rivas ang in-assign ko rito."
"Magtanong-tanong na lang ho tayo sa mga malalapit na istasyon ng pulisya. Baka may alam sila. Gabi na ho, boss. Delikado na rin dumaan dito... May mangilan-ngilang rebeldeng grupo pang nagagawi dito minsan."
Kinabahan ako sa sinabi ng isang tauhan ko.
"Sige samahan niyo na lang ako sa pinakalamapit na istasyon ng pulisya. Bukas ko na lang ipapakuha tong mga sasakyan namin ni May."
"Buti pa nga ho."
***Third Person's POV***
Ang ganda naman ng babaeng ito. Simula ng dalhin ko siya kahapon dito sa aking clinic ay hindi pa rin siya nagigising. Nabigyan ko na siya ng paunang lunas at ngayon ay naka-dextrose na lamang ito.
Galing ako sa isang pasyente kahapon nang madaanan ko siyang nakahandusay sa daan at walang malay. Unang hinala ko agad ay dinugo ito at nahimatay dahil sa dugong umagos sa mga binti nito. Sa tantiya ko ay ilang minuto pa lang ang lumipas nang mahimatay ito.
Kagabi ko lang din napagtanto na wala man lang ito kahit isang identification sa katawan.
Isa akong OB-Gyne dito sa bayan ng Marikina. May sarili kaming malaking hospital pero mas pinili kong dalhin siya sa clinic na kadikit lang ng bahay ko. Mas mamomonitor ko siya dito keysa sa hospital. Kompleto naman din sa gamit ang clinic.
Akala ko nga ay nakunan na siya. Buti na lamang at mild spotting lang ang nangyari sa kanya at di niya na rin kinailangan ng blood tranfusion.
Hindi ko mapigilang humanga sa itsura nito lalo na sa katawan nitong hindi mo aakalaing buntis. Nilinis ko siya kahapon kaya nakita at napagmasdan ko ang katawan nito. Natural na sa akin bilang doktor ang makakita ng katawan ng babae pero kakaiba ang awra nito.
Ang swerte naman ng asawa niya. Alam ko ring kasal na siya base sa suot niyang singsing. Sayang, sana noon ko pa siya nakilala.
I decided to take a nap. Kakauwi lang din ng assistant kong si Sylvia. Hihintayin ko na lang ang pasyente na 'tong gumising.
Maya-maya ay nagising ako sa tunog ng kama kung saan siya nakahiga.
Nakita kong gising na ito at inililibot ang kanyang paningin. Hangang sa magtama ang tingin namin.
"N-asaan a-ko?"
"Hi. You're awake! Nandito ka ngayon sa clinic ko. Natagpuan kita sa daan sa Quezon kahapon."
Pumikit ito at tila inaalala ang nangyayari. At bigla na lamang itong dumilat at takot ang nakita ko sa mga mata niya...
"Anong nangyari sa akin?.. K-ahapon.... naalala ko na... may... may dugo..." at tila naiiyak na ito.
"Calm down... Your baby is fine..."
"Huh?! B-aby?"
"So you're not aware. You're four weeks pregnant, Mrs."
Napaawang ang labi nito at tuluyan ng napaluha.
"Really? Oh my God!"
"Don't worry both of you are fine... Malakas ang kapit ng baby mo.... Sobrang stress mo lang siguro..."
Nakita kong hinaplos niya ang tiyan niya habang lumuluha. It was a very sweet and touching gesture of her. Lalo siyang gumanda sa paningin ko. Sana ako na lang ang asawa niya. I could stare at her like this forever.
"Thank you po..., doc?"
"Dr. Lopez. Or better call me Sean."
"Ako naman po si May. Mary Dale po. Maraming salamat, doc. Kailan pa po ako nandito?"
"Please remove the formalities... Magkasing-edad lang naman yata tayo.. You look familiar, too. Anyway, kahapon ng magtatanghali kita nakita sa daan so more than 24 hrs ka pa lamang nandito."
"Mahigit 24 hours? OMG malamang hinahanap na nila ako... Ah Doc Sean, pwede po bang makigamit ng telepono?"
"Sure... here.."
"Sa landline po sana... Di ko kasi memorize mga cp numbers nila..."
"It's fine... Dial mo na lang diyan ang landline number mo... Office mo ba o sa bahay niyo..."
"Sa office po..."
Nagdial naman ito ng numero...
"K-yla... "
"Nandito ako ngayon sa----" at tinignan niya ako...
"Marikina." sagot ko.
"Sa Marikina... pa-forward naman dito iyong number ni Marco please... Yeah, I'm fine. Wag na kayong mag-alala. Pasensya na sa abala... Di na ako umabot sa site eh... Thanks Kyla."
At pinutol niya na ang tawag. Maya't maya ay nareceive nito ang hininging number. Malamang ito ang asawa niya.
"Marco... I'm fine... Sorry na... Di ko din alam... Marco, muntik na kaming mapahamak ng baby ko..." at nakita kong umiyak ito.
"Oo dito ako sa isang clinic sa Marikina... Pag okay na uuwi na ako... I'm fine wag ka na mag-alala... Sorry na nga.. Okay...., sige... wait lang---"
"Ahm, doc, pakibigay naman po ng address dito sa kanya..."
Inabot nito sa akin ang cp ko at pinakausap ako sa kausap niya. Ibinigay ko lang ang address at ibinalik sa kanya ang phone.
"Okay... pakidala na rin ng phone ko please... Yung kotse ko pala..,, Ah okay... salamat... Opo! Oo na!"
Tinapos na nito ang tawag.
"Your husband?"
Umiling lang siya.
Pinag-usapan pa namin ang sitwasyon niya at ang mga dapat niyang gawin. Sinabi ko rin na kailangan niya pa ring magpalipas dito ng mga ilang araw. Tumango lang ito.
Lumipas pa ang ilang oras at dumating na ang kanyang hinihintay.
Nagulat ako nang mapagbuksan ko ito ng pintuan.
"M-arco?"
"S-ean? Bro! Kaw nga! Musta ka na? Dadalawin ko sana si---"
"Oh! Sabi ko na nga ba't kilala ko siya... Si Mary Dale nga. How could I even forget?"
"Oo bro, si Mary Dale, si May. Iyong valedictorian natin noon. Wait... 'kaw ba ang nakakita sa kanya?"
"Yup. Galing ako sa isang pasyente ko kahapon... maya na nga ang kwento... lika na. Kanina ka pa niya hinihintay."
***May's POV***
"Marco! Huhuhu!"
Hindi ko napigilang lumuha ng makita ko ito. Ngayon lang bumalik ang takot sa dibdib ko. Muntik ng mawala ang baby ko dahil sa kagagawan ko.
"May! Diyosko akala namin kung napaano ka na? Okay ka lang ba? Wala na bang masakit saiyo? Tahan na. Nandito na ako."
Niyakap ako nito.
"Sorry na sa katigasan ng ulo ko. Gusto lang naman kitang tulungan."
"Oo na okay na. Alam ko naman. Sa susunod 'wag mo ng gagawin iyon ha. Hindi ka nagsasabi kung saan ka pupunta. Tapos, ayan... malalaman ko pa na....."
"Aren't you happy for me, Marco? Mommy na ako! Magiging nanay na ako!"
"Syempre masaya at the same time kinakabahan. Alam kong first time mo iyan... Mahirap magbuntis sabi noon ni mommy. Congrats! Tito Ninong na agad ako... Tindi rin ni Edward eh no!"
Binatukan ko ito.
"Grabe ka kay Edward."
"Ehem!" si doc.
"Uy May, di mo ba nakikilala ang taong nakakita saiyo? Si Sean iyan... tropa namin noon sa basketball ni Edward..."
"Sean? Oo nga... Naalala ko na... Sean, pasensiya na... and thank you talaga.."
"Okay lang. Sino nga ulit napangasawa mo?"
"S-i Edward."
"Wow... tindi ni Edward ah! Kala ko si Lizzy ang nakatuluyan niya... Asan na nga pala ang mokong na iyon?"
"Nasa Germany pa siya may inaasikaso." Medyo nalungkot ako sa sinabi nito.
Natahimik din si Marco nang mabangit si Lizzy.
(Author's Note: Last 3-4 chapters to go na lang guys!!! Thank you so much sa support ❤️❤️❤️)