Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

34 - Team Permanent

635 9 2
By BlueRigel

Chapter 34

Team Permanent

Nasa kalagitnaan pa ako ng isang tunay na bangungot nang may biglang malakas na pwersa ang nagpabuka ng aking pinto at dali-daling tumungo sa aparador ko.

Something na parang namatayan pero hindi naman pala. Hmm… Masyadong daring ‘yung red, masyadong ovaltine ‘yung orange, madamo ‘yung green. Pants nga muna. Nasaan ba ‘yung maroon pants mo, bes?” tanong niya.

Todo halungkat siya sa closet ko at binuksan pa ‘yung kabila. Sabagay, room ko extends room niya, kung ano ang damit ko, damit niya na rin kaya wala ng bago sa akin ‘yung ganitong eksena.

I almost forgot, nasa kabila nga pala ‘yung pants mo.” Ilang halungkat pa niya at puno ng excitement niyang in-announce, “This—perfect!

Initsa niya ‘yung pants sa kama ko at isinara ‘yung isang aparador. Bumalik siya doon sa isa pa para ipagpatuloy ang paghahanap ng damit. E kung lahat naman ng kulay ay may comment siya, baka makapili siya?

Light color dapat, super light is white. Okay na ‘to.” Sabay fly away ng nerdy panda white tee ko sa aking mukha.

Mangheheram ka, bes?” tanong ko.

Pakiramdam ko, ang sosyal ng bangungot ko, may commercial kasi ng isang diyosa.

Gaga!” batok  niya sa akin. “Oo, mangheheram ako tapos babalik ulit ako sa Bora. Paheram nga ng swimsuit.

Nandoon sa dulo, sa may kanan,” itinuro ko sa kanya.

Siomai sharsfin naman o!” Pinadyak niya ang paa niya sabay sabunot sa sarli niyang buhok. “Bes, update-update din ng firmware ‘pag may time.

Nakanganga na ako sa mga sinasabi niya. Nababaliw na ata ‘tong si bes. Maghahanap lang ng swimsuit, dito pa tapos babalik din sa Bora, yamaners sa pamasahe o medyo shonga?

Katherine Santiago, Caroline’s best friend, available twenty-four, seven!” at tsaka ko lang nakuha ang lahat matapos niyang mag-bow sa harap ko pagkasabi non. “Congratz, Caroline Reyes! Na-gets mo rin. Ah, tita, pa-open po kaya ng Wifi, may natauhang mag-upgrade na android dito.

Naman e! Kainis ka.” I smiled realizing how beautiful she is inside and out. Ako na ata ang pinakamaswerteng PA ng isang diyosang itey.

Doon ka na mag-mega cry-cry sa banyo at nangangamoy ka na ‘te. Masyadong maalat ang singaw ng luha’t uhog mo diyan sa damit mo.” Hinatak niya ako k aya napatayo naman ako.

Kinuha ko ‘yung towel at underwears ko. Umupo naman siya doon sa upuan sa may harap ng study table. Dumekwatro pa siya at nag-cross arms pa, “Facunda, hindi pinaghihintay ang diyosa. Mag-milk bath ka na, nasa tabi ng banyo ang kokokrunch. Madali!

Si, senyora santibanyo…” seryoso kong sabi na may halong nakakalokong ngiti. Hinabol ako ng lumilipad na suklay ngunit nakalabas at naisara ko naman agad ‘yung pinto. I’m so flexible talaga.

Inaasahan kong sasabayan ako ng aking mga luha sa pagtulo ng tubig sa aking katawan pero mahirap pala mag-emote kung tabo technique ang peg mo sa bayo. Bakit ngayon pa kasi nasira ‘yung shower? Ang sarap mag-moment e.

Sa pagmasahe ko ng conditioner sa aking buhok ay naalala ko kung paano nga ba pinagtagpo ang mundo ng diyosa at ng Palamunin niyang Alalay. Hinampas niya ako ng plastic baseball bat noong mga nasa anim na taong gulang palang kami. Hindi ko raw kasi siya pinapansin. Bagong dating lang kasi sila noon sa lugar namin at tinitigan ko lang siya, ni hindi ko man lang kasi siya nginitian. Wala akong kamalay-malay na ‘yung taong sinaktan ako sa una naming pagkikita ay ngayo’y mahal na mahal ko na. Sa kanya ko nakuha ang nakapagbigay sa akin ng tunay na kahulugan ng pagkakaibigan.

Naalala ko rin ‘yung mga kulitan namin noon. Mga panahong sini-seen zone niya ako kapag nagkukwento ako ng kilig moments ko sa mga crush ko. ‘Yung want to sawa naming pang-aasar ng kabayo at kung anu-ano pang kahayupan kay kuya Dan. At ‘yung uso pa ang ‘Warm Bodies’ noon, pinagplanuhan naming kainin ‘yung utak ni Andy at baka tumalino kami sa programming.

Pwede ko rin palang ngitian ‘yung sa amin ni bes. Puro Nick na lang kasi ako lately. Para pala akong nakulong sa kahon niya na tila sa tuwing sisilip ako sa maliit na butas nito’y siya pa rin ang aking nakikita. At dahil doon ay siya pa rin ang pumapasok ang naiipon sa loob ng kahon. Ganoon nga siguro ang nangyari sa akin kaya laging siya na lamang ang pinagkukuhanan ko ng aking mga ngiti.

Para sa akin pala ‘yung pinipili niyang outfit kanina.  Masyado naman akong lutang sa lungkot, ‘di ko agad na-gets ang mga pangyayari.

Saan ba tayo pupunta?” tanong ko habang nagsusuot ng pants.

Sa London, gusto mo?” nagningning ang mga mata ko nang marinig iyon. Then bigla kong naalala…magkapatid kami. “Joke lang. Feeling mo kaya tayo ng eroplanong papel?

Pinunasan niya ang luha ko, hindi ko na naman kasi napigilan. Inunat naman niya ang pisngi ko, “Ngiti, bes. Nagmumukha kang Godzilla. Ganito dapat – ngiting Barney! I love you, you love me…” Kinantahan niya pa ako kaya nama’y napahagis ako sa kanya ng yakap habang pinipigilan ang aking pagtawa.

I love you, bes.” matamis kong sabi.

Kumalas siya sa yakap ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Diretsong tingin din sa aking mga mata ang sunod niyang sinabi, “Show it, smile for me, bes. Hindi kinakaya ng pantog kong nagkakaganyan ka. Pa-CR nga muna.

Sinampal ko naman siya ng very light at nagtawanan kaming dalawa.

Mas maganda ka pa sa akin kapag nakangiti ka.” nangiti naman ako doon. “O, ‘wag mo lubusin, expired na…valid for five seconds lang ‘yun. Ako pa rin ang diyosa!

Si bes lang ang nakakapagpatawa sa akin kapag nage-emotional break down ako. Kahit pa anong bigat ng problema ko, kayang-kaya niya akong patawanin.

I am more than special. Sa best friend ko pa lang ay dama ko na ‘yun. Sadyang magaling magbigay ng tunay na kaibigan si Lord, she’s so perfect for me. Sa lahat ng bagay, award-winning talaga siya sa pagiging best friend. I am so blessed sa life ni Kate.

Pagkalabas ni bes ay siyang pasok naman ni mama. Nagpasalamat ako sa kanila dahil mabilis nilang napapunta agad si bes. Mukha ngang straight from Bora si bes dahil short shorts pa ang suot.

May maleta talaga?” napanguso naman ako doon sa maletang nasa kama ko.

3 days and 2 nights…” sabi ni papa.

And I am in charge!” sigaw ni bes na mukhang tuwang-tuwa’t nabigyan ng authority over my deadly body.

Well, mas mature si bes sa akin sa mga oras na wala ako sa sarili ko. Salitan naman kami. Iyon ang maganda sa samahan namin, heart heart talaga kasi kayang-kaya naming punan ang pagkukulang ng isa’t isa and that makes us perfect.

Pinatulog ako ni bes pagkasakay namin. Namamaga na raw kasi ‘yung mata at kailangan daw ng beautiful eyes kapag nagliliwaliw, sumunod naman ako.

Kasing bilis ng pagpatak ng metro ng taxi ang pagtaas ng bill ko kay bes. Kanina pa niya ako pinapangiti at talaga naman nakakalimot ako. Mas nae-enjoy ko ‘yung kaming dalawa ngayon kaysa lunurin ko ang sarili ko sa mga hindi magandang bagay.

Dito na lang po kuya.” inabot niya ‘yung bayad kay manong. Ngayon ko lang nakitaan ng buong isang libong bill si bes. “Nganga pa, bes. Baka gusto mong ibaba ‘yung gamit natin, ‘te?

Sabi ko nga.” Dali-dali naman akong bumaba at binuksan ‘yung compartment.

Ang sarap ng simoy ng hangin dulot ng maraming puno sa paligid. I wonder kung gaano kami kalayo sa Maynila pero wala akong balak itanong kung nasaan na kami. I’d rather have this escape nameless. Masaya na akong makalabas man lang sa kahon ng Marikina at London.

Matapos naming iayos ang mga gamit namin doon sa motel ay dito kami pumunta sa likod ng isang lumang factory. Iniwan ako saglit ni bes at may kukunin lang daw siya.

Medyo nangungulay gray na rin ‘yung pader sa kalumaan, maitim pa rin naman ang pinta sa karamihan ng parte nito. Ano kayang binabalak ni bes at dito pa niya ata balak mag-moment kami. Pwede na rin naman kasi libreng-libreng umiyak at sumigaw rito dahil wala akong naaaninag na tao kahit isa.

O, game!” pilit niyang isinigaw, mukhang nahihirapan siya doon sa dala-dala niyang basket.

Ano  ‘yan bes?

Tumakbo naman ako para tulungan siya pero pinigilan niya ako, “Diyan ka lang! Pumikit ka na rin.

Okay.” at napapikit naman ako. Nakakatakot kasi ‘yung boses niya, masyadong seryoso, pasigaw pa.

Tinanong ko siya kung matagal pa, saglit na lang daw. Hinihintay ko na lang na tanggalin niya ‘tong bandana sa ulo ko. Masyado talagang masurpresang tao itong si Kate. Siya ‘yung tipo ng taong hindi mo mamamalayang may inihanda na palang birthday surprise sa’yo dahil halos buong angkan mo at buong section, e kinasabwat niya na.

Madilim pa ng kaunti ‘yung paningin ko. Pinangpunas ko sa aking salamin ‘yung bandana, medyo nadaplisan ng pawis ‘yung lens.

Matapos kong isuot ang itim kong eyeglasses ay muli ko itong tinanggal. Hindi ko nagustuhan ang nakita ko sa pader. Nahulog ko pa nga ang aking salamin kaya pinulot naman agad ‘yun ni Kate.

Ngayong blurred ang paningin ko, gusto kong lumapit doon pero pinigilan ako ni bes. Umiling-iling siya sa akin at iniabot ang salamin ko, “Mas makabubuting hindi ka magbulag-bulagan sa mga nangyayari. Suotin mo na ‘to, baka maliwanagan ka, bes.

Lalo akong naiyak sa sinabi niya. Sadya bang pamunas ng luha ang gamit nitong malaking panyo?

Siya na mismo ang nagsuot ng salamin sa mukha ko. Iniharap niya ako sa pader ng mga litrato namin ni Nick. Samu’t saring selfie namin ang naroon. May mga solo rin si Nick. “For what?” I asked.

It’s up to you. Puso mo ‘yan, ikaw lang makakaramdam ng dapat mong maramdaman. Labas ako sa kung anumang mayroon kayo, bes. I just want you to feel what you needed to feel. Hindi mo kailangang magsuot ng maskara para ipakita mo sa aking okay ka lang kasi hindi ka naman talaga okay.” tama si bes. Kanina pa ako nagpapanggap, kanina pa ako nagpipigil ng luha pero ang gusto ko lang naman ay ilabas itong nararamdaman ko.

Let it out.” tinanggal niya ‘yung takip ng basket. “’Yang puso mo ngayon, katulad nito, parang kamatis. Punong-puno ng maliliit na buto sa loob. Hindi mo malalamang nararapat na tanggalin ‘yung mga buto hangga’t hindi mo hinahati ito bago kainin.

Bes, it’s okay to feel broken. It’s okay to admit that you are broken. Hindi forever na may supply ka ng super glue pangkabit ng mga piraso niyan. Paano kung ibang brand na pala ang hinahanap ng mga tagpi-tagping ‘yan? Paano mo malalaman kung ayaw mong aminin sa sarili mo na nadudurog ka na at kailangan mo ng panibagong simula?

It will be hard for me to see you in pain but it will be harder if I’ll let you stay in pain.” niyakap niya ako at umagos na naman ang luha ko sa balikat ng best friend ko. “Huwag mong ipunin ang hindi dapat iniipon. Gaga ka lang talaga e. Ang sabi, blessing ang sinasalo kapag umuulan. Sinabi bang ‘wag kang magpayong kapag bumabagyo ng problema? Bawas-bawas din ng katangahan ‘pag may time.” mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya kahit paulit-ulit niya pang sinasabing tanga ako. Deserve ko naman masabihan non.

Namili pa talaga ako ng malalaking kamatis para mas feel mo ‘yung pagbato nito. Gora na.” Kumalas siya sa yakap ko at iniabot sa akin ‘yung kamatis. “Cry, shout, be mad, hate the world, ilabas mo lahat. Huwag na huwag kang magtitira!

Then I started crying out phrases…

I hate you Dominick Alcantara Salvador!” inumpisahan ko sa topic sentence. “Hindi mo man lang ako tinawagan, hindi mo man lang ako tinext! And then malalaman kong ikakasal ka na sa iba.

Then became insanely dramatic with my words, “Asan ‘yung mga pangako mo?! Bwisit ka!!

Nahulog na ako, masaya ka na?” tinarget ko ‘yung picture namin sa room noong isinayaw niya ako’t nagtanong siya kung pwede manligaw. At isinunod ko ‘yung nasa Who Wants To Be A Millionaire kami. ”Last beat of your heart?? Bakit, ‘di ka na ba humihinga’t iba na hinahanap ng heartbeat mo ngayon?

Exclusively reserved para sa akin, nagkamali ka ata ng reservation, koya?” Puro pait ang nilalabas ng puso ko ngayon.

Gustung-gusto kong magalit sa kanya dahil hindi man lang niya magawang ipaglaban ‘yung sa amin. Ang labo na rin nung tinatawag kong ‘amin’. Ni wala man lang siyang binigay na paliwanag sa akin. “Bes, para akong nangangapa sa dilim.

Hindi ka naman biniyayaan ng mata para ipikit lang. Sige lang, ipagpatuloy mo ang pagkapa mo diyan hanggang sa ma-realize mo na wala naman palang saysay ang mangapa sa dilim.” tama si bes. Bakit nga ba nasa dilim ako kung maaari ko namang piliin ‘yung lugar na maliwanag? “God gave us free will to stay in the right direction or not. Kailan mo pa balak imulat ang mga mata mo, bes? Decide, live in the beauty of light or stay in pain of darkness?

Nick, nasaan ‘yung ‘now and forever’ kung ‘yung now mo ay ang saktan ako??” I broke down. Nakasandal ako kay bes, yakap-yakap  niya ako at patuloy naman ako sa paghagulgol sa sakit. “Sa’yo naman ako pero bakit parang hindi ka na sa akin? Ang layo-layo mo na. Hindi kita maabot.

Gusto ko ng sumuko, bes. Parang hindi ko na kaya pero gusto ko pa ring umasa. Maraming bagay ang pumipigil sa akin at tinutulak akong umasa na ‘mayroon’ pa.” Punong-puno ako ng pag-asa pero sa mga nangyayari ngayon, unti-unti silang nalalagas kaya mas lalo akong nasasaktan.

Gusto mong sukuan pero hindi mo naman nilalabanan, hindi mapanindigan ang desisyon mong sumuko na. Nasaan ang paglaban? Nasaan ang pagharap? Wala naman. Hindi mo kasi nilalabanan dahil puro pagtakas ang nasa isip mo. Umaasa ka doon sa mga bagay na ‘nagkaroon’ kayo pero isinasantabi mo ‘yung mga nangyayari sa inyo ngayon.

Patuloy pa rin ako sa paghagulgol kay bes. Nasasaktan ako kasi tama ang mga sinasabi niya sa akin. Hindi ako lumalaban, hindi ko hinaharap, patuloy ko lang pinipili ang umasa at masaktan dahil gusto kong maniwala kahit malabo na ang lahat sa amin. “Magkapatid kami, bes.

Ano ba talaga ang gusto mo? Do you want to clear the pain and move on? Or do you want to stay in faith with what you had, what you have and what you will have?” Sa mga naunang sinabi ni bes, akala ko’y gusto niya ng kalimutan ko si Nick pero bakit pinapapili niya ako ngayon?

Ayaw kong nakikita kang nasasaktan, bes Cee. Kung saan ka sasaya, kung saan gusto ng puso mo, doon na rin ako. Kasi magkadugtong ang puso natin. Kayo man ni Nick hanggang dulo or not, nandito ako para sumoporta sa’yo. You’re my best friend. Forever unli ang pagmamahal ko sa’yo, bes. Permanenteng unli ang pagmamahal ng team natin.” Paano na lamang ako kung walang best friend na gaya mo, Kate? Alam mo kung paano pahihintuin ang rumaragasang luha ko. Alam mo lagi kung anong nakakapagpagaan ng loob ko. Alam mo kung paano ako mabubuo muli.

Lord, my life wouldn’t be as perfect as this if You didn’t include Kate in Your cast list.

Team heart heart is team permanent.” nakangiti rin ako sa wakas. “Ikaw lang, sapat na, umaapaw pa.

----

Sa tunay na Kate ng buhay ko… Ms. Frappiness, this is all for you. I love you, bes. <3

Love is where this begins

Thank you for letting me in

I’ve never had to pretend

You’ve always known who I am

And I know my life is better

Because you’re a part of it

I know without you by my side

That I would be different

 

Thank you for all of your trust

Thank you for not giving up

Thank you for holding my hand

I’ve always known where you stand

‘Cause I feel my life is better

So is the world we’re living in

I’m thankful for the time I spent

 

With my best friend

 

Thank you for calling me out

Thank you for waking me up

Thank you for breaking it down

Thank you for choosing us

Thank you for all you’re about

Thank you for lifting me up

Thank you for keeping me grounded

And being here now

 

My life is better,

Because you’re a part of it

‘Cause I know without you by my side

That I would be different

Yes I feel my life is better

And so is the world we’re livin’ in

I’m thankful for the time I spent

With my best friend

 

You’re my best friend.

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
83.6K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...