Hearts Unlocked

Por BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... Más

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

33 - Catching Pains

539 9 1
Por BlueRigel

Chapter 33

Catching Pains

I never felt this good. So positive, so joyful, so in love. Scratch that, what’s up is now down.

RT: I still remember how we started talking, I trusted you with things I would of never trusted anyone else with, and then you left.

Another a round of applause for another awesome show. Come on, take a bow! #AbaMatinde

it's killing me to see you go after all this time… And I can’t breathe… Feelin' like I just lost a friend.

Sometimes I wish I could read your mind to find out how you feel about me – if it’s another lie. <//3

Explain and I’ll understand… That’s how much I love you… #DontLetItFade -__-

Crazy or in love – I’ll hear you out but hear me cry out first. #LadiesFirst :P

GRRRRR!!! #StabInTheBox #MagicPaMore :P

Eight tweets, all favorited by my best friend, eight replies, and twenty tweets from her too. May mga shinare pa siya sa timeline ko, ang lupit lang talaga ni bes. Wagas maka-comfort. Award winning na best friend talaga siya. Kapag may load ang broadband niya, nasa kanya ang korona ng social networking sites. Tss, nag-load pa talaga siya. Dapat ine-enjoy niya ang Bora ngayon e.

Biglang bumukas nang bahagya ang pinto ng kwarto ko, “Ma?

Pumasok si mama at naupo sa gilid ng kama ko, “Nakatulog ka agad. Naabutan ko pang nangingislap ‘yung pilikmata mo. Ganoon din ang pisngi mo, binabaha. Buti na lang wala sa bibig mo.” Nagawa pa talagang mag-joke ni mama.

The who?” tanong ni mama. Kasunod non ay sakto namang paglabas ng picture ni Nick sa phone ko. Kanina pa siya tumatawag, hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin or not. “Hindi mo ba sasagutin ‘yan, nak?

Iniwas ko lang ang tingin ko sa phone ko at tinitigan ang kisame. Pilit kong dinidilat ang mga mata ko para pigilan ito pero kusa na lamang silang gumapang sa aking pisngi.

Kung anuman ‘yan, maiging mapag-usapan niyo ‘yan. Ang problema, hindi dapat pinapatagal.” Batid ko namang may ideya na si mama sa kung ano ang problema naming dalawa. Nakakanood naman sila ng news kapag wala ako sa bahay. “Sigurado akong may dahilan naman si Dominick. Let him explain. Malay mo, nak, peke lang pala ‘yun at world surprise ang pagkakapalit ng bride sa mismong wedding day?

Ang creative naman mag-isip ng mama ko. Napangiti tuloy ako. “Thanks, ma.

O siya, lalabas na muna ako, ayusin niyo na ‘yan. Balikan na lang kita kapag nakangiti ka na ha? ‘Di ko ma-keribells ang lungkot mo, nak. Nadudungisan ang beauty natin.” nangiti naman ako sa sinabi ni mama. Tumango ako at lumabas naman siya.

Matamlay kong kinuha ang aking headset sa study table at tsaka ikinabit ito sa magkabilang tenga ko.

Isang “Hello?” lang niya at parang napawi agad ang uhaw ko. Ilang araw ko na bang hindi narinig ang tinig mo? Ilang araw mo na ba akong pinagtataguan ng mga lihim?

Uhm.” wala naman akong maisip na sabihin kung hindi iyon.

I’m sorry, luv.” Love? Mahal mo pa ba ako? Ikakasal ka na, garden wedding pa. Sabi mo beach wedding tayo, bitch pala ang nasa isip mo. “I’m sorry.

Sige lang, ulitin mo pa ang ‘sorry’ mo. Care to give an explanation?

Caroline, I’m really sorry.

Tokwa, unli ka koya? Puro ‘sorry’…baka may balak kang mag-explain?

Sorry.

Kung nag-jojoke ka, sorry rin pero it’s not funny at all. Nick, ilang araw kong sinunod ‘yung bilin mo. Hindi ako nag-online, hindi rin ako nanood ng news, nilayo ko ang sarili ko sa media tulad ng sinabi mo. Kinailangan ko lang magbukas ng messenger for an important reason.” Importante nga ba ‘yun? Baka naman ako rin ang may kulang. Hindi ko sinunod ang sinabi niya, nakain ako ng tukso na mag-internet. Ano ba ‘tong pumapasok sa isip ko? Kahit papaano’y umaasa akong may dahilan naman siya kung bakit ganito ang nangyayari, kung bakit ganoon ang binilin niya sa akin. Malay ko ba kung kunwari lang ‘yun tulad ng sinabi ni mama. Bakit ba ako umaasa? Nasaan ang paliwanag mo, Nick. Magsalita ka, parang awa mo na. Ayaw kong bumitiw sa kung anong mayroon tayo. “Ano bang nangyayari, Nick?

It’s too much to explain, luv.” Tokwa! Eh ‘di simulan mo na.

 “I’ll be with you as soon as I can. Trust me, luv. Some more patience for a few days.” Tila may mga lubid na bumibigkis sa aking dibdib. Ang sakit, gusto kong sumigaw sa sakit. Patuloy na tumulo na naman ang aking mga luha sa magkabila kong pisngi, siguro’y basa na ngayon ang earphones ko.

Nick, paliwanag mo lang naman ang hinihintay ko. Bakit hindi mo pa maibigay? Kahit naman English ulit ‘yung explanation mo, iintindihin ko naman eh. May Google translate naman diyan. Please, magpaliwanag ka na.

Nanatili lamang siyang tahimik sa kabilang linya at patuloy ang pagbuntong-hininga. Narindi na ang tenga ko kaya ako na mismo ang bumasag sa katahimikan naming dalawa.

I’ve been patient. I’ve been waiting for your calls or messasges but there was nothing. I stayed faithful in your words. Lagi kong pinapaalala sa sarili ko ‘yung mga huling sinabi mo bago tayo naghiwalay sa London. But I didn’t expect that with just one wrong move, ito pa ‘yung makikita ko? Ako nga ba ‘yung mali? Na hindi ko nasunod ‘yung binilin mo. Maybe I was too weak to stay faithful. Ano bang plano mo? Na burahin lahat kapag nakabalik ka na dito?” Kung pwede nga lang sanang mabura ang lahat. Tuloy-tuloy ang aking pagsasalita pero rinig ko pa rin ang paghikbi niya sa kabilang linya. Gusto ko mang hintayin ang paliwanag niya, emosyon ko na ang nangungusap, “I guess it’s too much, Nick. It’s a lot to take in.

Luv,” ang noo’y matamis sa aking pandinig ay tila kidlat na ngayon ang dating. “Do I still have you?

If your heart was full of love

Could you give it up?

'Cause what about, what about angels?

They will come, they will go…

I turned off my phone.

Kinuha ko ang aking unan at ipinatong sa aking mukha. Sumigaw ako sa gigil at sa sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Ang gusto ko na lang ay isigaw lahat ng sakit…

Lahat na lang ng balita na dumadating sa akin – hindi maganda! Masakit, Nick! Ni hindi mo pa nga alam kung ano pa ‘yung ibang dinadala ko ngayon tapos dadagdagan mo pa.” mga salitang hindi ko na kayang sabihin sa kanya dahil ayaw ko rin naman siyang masaktan. “Ikaw dapat ‘yung nasa tabi ko noong mga oras na nalaman kong hindi si papa ang tunay kong ama, na aksidente lang ako sabi ni mama. Nandito ka dapat ngayon sa tabi ko, Nick. Ikaw dapat ang nagpupunas ng luha ko at hindi ang nagpapaluha sa akin.

Caroline?” Holy mother of angel’s burger! Narinig ni mama ‘yung sinabi ko. Hala ka, Cee.

Sorry, ma.

Rinig ng neighborhood ‘yung iyak mo, nak. Palitan na natin ‘yung unan mo.” Hala, grabe naman, pa. At mas lalong grumabe ang sitwasyon ko. Pareho nilang narinig ang mga sinabi ko. I’m stuck at this corner, and I can’t move, not even a muscle. “Doblehin mo kasi sa susunod na mag-screamo ka diyan.

Kahit pa seryoso ‘yung ambiance namin, nagawa pa talagang magpatawa ni papa. Sana siya na lang talaga ang papa ko. Ang sarap niya magmahal e. Napapangiti niya ako kahit na down na down na ako.

Rinig po talaga sa labas?” tanong ko.

Sa labas ng pintuan mo!” tumawa pa si papa pagkasabi non. “Nakita ko kasing nakapako ‘yung tenga ni mama mo sa pintuan mo e, ginaya ko lang. Narinig ko tuloy.” hinampas naman siya ni mama sa braso pagkasabi niya non.

Sorry, pa.” Ako naman ngayon ang puro sorry. Ang bilis naman ata ng karma, wala pang five minutes?

Masyadong malayo ang salitang aksidente sa kagandahan mo, nak. Patawarin mo sana si mama kung ganoon na lamang kataas ang emosyon niya noon. Maling-mali ang nabitawan kong salita.” Nakakaiyak naman, mama. Pakiramdam ko’y namumugto na ang mga mata ko kakaiyak. “You are a very wonderful blessing to me.

Daig pa namin ang nanalo sa lotto noong una kitang kinarga pagkalabas mo sa anek ng mama mo.” napatawa na naman ako ni papa sa pagkakasabi niya ng anek. He never fails in making me smile. “I may not be your biological father, but I’m very sure you’re my unica hija, right here.” Itinuro ni papa ang kanyang dibdib. “Walang aksidente sa Diyos. 18 years of fatherhood, I am more than happy to have you as my daughter.

I love you, pa. I love you, ma.” I smiled at them.

Napawi lahat ng lungkot ko. Ang bilis namang bumawi ni Lord sa akin. Napangiti Niya agad ako ulit. Minsan, hindi lang talaga natin napapansin ‘yung mga maliliit na bagay na biniyaya sa atin. Masyado kasi tayong nakatingin doon sa malaking problema. Kung tutuusin, kapag pinagsama-sama natin ‘yung mga bagay na positibo at ikumpara ‘yun sa kinahaharap nating negatibo, tatawanan mo lang ‘yun e. Kasi magtitiwala kang makakangiti ka naman kapag natapos mo ng lagpasan ang sitwasyon mo ngayon.

I am so blessed to have both of you as my parents.” dagdag ko.

Hindi ako nakasagot sa itinanong sa akin ni mama, “Gusto mo pa rin bang malaman kung sino ang biological father mo?

Okay lang sa akin.” napatingin ako kay papa kaya napasagot siya.

Kahit na sapat ka na sa akin, pa?

You have the right to know. Hindi mo naman ako lalayuan kung malaman mo, ‘di ba?” Pero bakit lumalayo ako kay Nick nang malaman ko ang totoong nangyayari? Tss. Siya  na naman ang pumasok sa isip ko. Wala na bang ibang pangalan na pwedeng mag-unli sa utak ko?

Oo naman po. Ipagpapalit ko ba ‘yung gwapo kong papa?” natawa naman sila sa sinabi ko.

Iyon man ang sinabi ko, may takot pa rin akong mag-iba ang lahat. Natatakot ako sa sinasabi nilang lukso ng dugo. Ayaw kong mas mangibabaw ang pagtingin ko sa tunay kong ama kaysa kay papa na siyang nagpalaki talaga sa akin.  Sino kaya ang tunay kong ama?

Maybe kilala mo na siya.” huh? Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni mama. “Sa kanya mo nakuha ‘yang hugis ng mukha mo, including the chubby cheeks. Nagtataka ka kung saan mo nakuha ‘yung talino mo dahil wala sa amin ni papa mo, andun kasi sa dad mo.

Dad? Parang ang sosyal naman. Sana milyonaryo siya para instant yamaners naman tayo.” sumeryoso ‘yung mukha ni papa pagkasabi ko noon. I didn’t mean it naman, “Joke lang, kayo naman oh. As if naman ganoon niyo ako pinalaki. This place is already perfect. Hindi ko na kakailanganin ng mansyon kahit pa tycoon si ‘dad’,” inarte ko pa sa ere ‘yung quotation marks.

Yes, he’s a tycoon.” napalunok ako sa sinabi ni mama. At nahulog sa sahig ang panga ko sa pangalang binanggit niya…

WHAT THE—?!

Common name naman ‘yun, ‘di ba?

IMPOSIBLE!

Hindi niyo naman po ako pinag-tritripan, ‘di ba?” I was giving out the best fake laugh ever. Oh, how I wish I was just dreaming right now. Mabuti pang hindi ko na lang sana pinush ang usapang ‘to? May sinalo na naman akong panibagong tinik sa dibdib. “Imposibleng wala sa news ‘yung anak niya?

Shit!” Ang pagsang-ayon ng ekspresyon ng mukha ni papa sa pagkakasabi noon ang nagbigay ng kumpirmasyon sa makabuluhang pangalang ibinigay ni mama. Yinakap ako ni mama sabay pag-comfort sa akin, “oh, no. I’m sorry, anak.

Hindi ko magawang mag-respond sa yakap na ibinigay ni mama hindi dahil sa galit ako sa kanya kundi dahil sa hindi ako makapaniwala sa aking nalaman.

Seriously?” Isinandal ko ang ulo ko sa head board ng aking kama at tsaka tumingala sa kisame.

May dagat na namang pumaligid sa aking paningin, kasunod nito ang pagmamadali ng mga luha ko sa pag-agos. Overflowing pain. Bakit? Of all people, bakit?

Iwanan niyo po muna ako, please lang.” pakiusap ko sa kanila habang humihinga ng malalim. Gusto kong humanap ng liwanag sa kung saan pero lalong nagdidilim ang aking paningin.

Lahat na ata ng problema ng mundo ay sa akin na napunta. Parang may sampung toneladang semento ang nakapatong sa aking dibdib ngayon. Hindi ako makahinga. Napapakagat na ako ng aking labi dahil gusto kong pigilan ang bawat pagtulo ng aking mga luha. Masakit. Matapos ng lahat ng pinagdaanan namin, ito lang ang ending?

Madidilim na ulap ang pumapalibot ngayon sa aking isipan. Wala akong mahugot na pag-asa sa kahit ano pa mang sulok ng aking matalinong utak. Puso ko na lamang ang nangungusap at puro mapapait na pag-alon ng dugo ko ang dumadaloy rito. Hindi ko lubos maisip na kabahagi ko siya sa dugong dumadaloy sa  aking mga ugat.

Don't give me up

Don't give...

Me up

How unfair, it's just our luck

Found something real that's out of touch

But if you'd searched the whole wide world

Would you dare to let it go?

Lord, saan po ako huhugot ng lakas?

Tila nasasakal na ang leeg ko, nahihirapan akong huminga dahil pinipigilan ko ang aking pag-iyak. Gusto kong sumigaw, gusto kong magalit sa mundo. Ipinadyak-padyak ko ang aking mga paa sa inis. Matindi kong dinakot ang kumot ng aking kutson at tsaka ako bumigay sa aking pagsamo…

Lord, bakit? Napakaperpekto naman ng pagkakasulat mo sa buhay ko. Lord, wala pa po akong kwarenta. Bakit ganito na kabigat ang ibinibigay Mo po sa akin?” Pilit kong pinipigilan ang lakas ng aking pagkakasambit sa mga salitang iyon. Pero hindi ko pa rin mapigilang sumigaw kaya dinoble ko ang pagpatong ng unan sa aking mukha sabay sigaw, “Lord! Bakit po?! Abba, Father, nasasaktan po ako.

Hindi matiis ng aking isip na kwestyunin ang Maykapal. Parang kahapon lamang ay pinupuri ko pa Siya sa walang kapintasang pagsulat Niya ng buhay ko pero ngayo’y kabaliktaran na ang iniisip ko.

Sorry, Lord. Sana man lang ay winarningan Mo po ako na parating na pala tayo sa anti-climax.

Patuloy pa akong umiyak at paulit-ulit na sinabing “masakit, ang sakit!” Baka sakaling marinig ako ng Diyos at bawiin Niya ‘tong sakit na nararamdaman ko ngayon. Kayang-kaya naman Niyang i-rewind ito tapos patungan Niya na lang ng panibagong plot. Pwede rin naman Niyang pindutin ‘yung next track e. I just hope it’s that easy, na pwedeng pumindot ng ‘next’ kapag hindi mo na kaya ‘yung sakit. At least sa susunod na track, may panibagong intro na naman.

Muling nagpanting ang aking tenga nang maalala kong muli ang ngalan na sinambit ni mama – William Salvador.

Nick, kapatid kita…

Seguir leyendo

También te gustarán

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."