Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

32 - Twisted Truths

551 9 1
By BlueRigel

Chapter 32

Twisted Truths

Ang dating kinahuhumalingan kong maalon niyang buhok at ang malalalim niyang dimples ay biglang naglaho sa aking paningin. Ang kanyang ngiti ngayon ay nawalan na ng aroma ng kilig sa akin. Mabilisang nahawi ng hangin ang dating malakas kong tama kay Andy.

You never had me.” mabilis kong tugon sa kanyang kasurpre-surpresa pag-amin sa akin. Nakita ko ang pagkadismaya niya roon. Saan ko ba nahugot ang mga katagang ‘yun at English pa?

Sa bandang kaliwa ng puso ko’y may natutuwa sa naglalarong sitwasyon ko pero hindi naman mapalagay ang kabilang bahagi nito. Tila naiinis ako at naiilang sa nangyayari ngayon. Everyone’s expecting a hug or an answer and I only whisper those words to him.

Please Andy, tumayo ka na kung gusto mo ng ‘oo’ ko.” nagliwanag naman ang kanyang mukha nang sambitin ko iyon.

I want to be your man, Care. I’ll never let a tear fall on your beautiful face but I’ll make your lovely heart fall for me every minute of every day.” Umaasa ang kanyang mga mata. Ang hirap pala malagay sa ganitong sitwasyon. May taong nagtatapat ng pag-ibig sa’yo ngunit alam mo sa sariling mong hindi mo ito maaaring tanggapin dahil may nagmamay-ari na ng puso mo.

Itinuloy pa niya ang pagsasalita at inihalintulad pa niya sa mga jargon ng course namin ang mga sunod niyang sinabi, “You are the source file of my program. Without you, I am nothing. Let love compile your heart, and I’ll debug any errors even if it’s a thousand lines. No matter how many states, I’ll make sure to enter the best input to get to your final answer. All I want is to be accepted by the machine of your heart.

Napangiti ako sa mga sinabi niya. Programming na nga, may automata pa. Naalala ko tuloy ‘yung mga panahong minsa’y naging ka-partner ko siya, wala akong ginawa kung hindi tumunganga at mamangha habang nagko-code siya.

Kung sinabi niya iyan noon, malamang ay nahimatay na ako sa kilig. Malayo ang agwat ng dating Caroline kung ikukumpara sa kung sino siya ngayon. Iyon pa ang mga panahong K.K.K. pa ang hanap ko – kagwapuhan, kabaitan, at katalinuhan. Iyon lamang ay crush ko na agad – walang pag-ibig na matatawag.

Si Dominick ang ngayon ko. Siya ‘yung taong naa-appreciate ko nang buong-buo. Perfect ang timing ng Diyos sa pagdating ni Nick sa  buhay ko. God really knows how to write such a perfect story. Akala ko’y matagal pa bago ako mabiyayaan ng isang Nick pero sinurpresa na lang ako ni Lord sa mga pangyayari. Everything went fast forward but it all fell in the right place.

Walang epekto sa akin ang mga sinabi ni Andy kahit pa sinasabi ng utak ko na dapat ay kinikilig na ako ngayon.

Sa totoo lang, mukha agad ni Nick ang nakita ko nang ipikit ko ang aking mga mata. Tila nakapako na ang puso ko sa taong ito, sa bawat pagtibok ng aking puso’y dinig kong sumasagot din ang puso ni Nick sa London ngayon.

Nagtitiwala akong kami hanggang huli kahit pa wala akong ideya kung anong nangyayari sa kanya ngayon. Ganito na lamang katatag ang pusong ibinigay sa akin ng Panginoon para manatiling in love sa iisang tao – sa taong alam kong Siya mismo ang nagbiyaya sa akin. And I believe that every gift that comes from Him is perfect.

Napangiti ako sa mga naisip ko. Ganito na pala ako ngayon. Sadyang magaling manghubog ang Diyos, I am no longer the same as I was yesterday. Bawat araw ay mas nagiging matatag ako. Bawat araw ay lalong lumalalim ang pagmamahal ko kay Nick. Alam ko sa sariling kong pagsubok lamang ito at makakaya kong lampasan ito dahil may Gabay akong kasama.

Let’s go somewhere else.” sabi ko.

We are all waiting for your ‘yes’.

Matapos kong ibigay ang gusto niya ay sinunod naman niya ang nais kong lumipat kami ng lugar. Dito tahimik, dito walang nakaka-conscious na mga tao, dito pwede ko siyang makausap nang masinsinan.

If you’re thinking about him, I don’t think it will be good for you.” At ano namang pumasok sa isip niya para sabihin ito? “Hindi pa ba sapat na naniwala ka sa isang kasinungalingan? I’m sorry to cross the line but I don’t want you hoping for nothing. With me, hindi ka masasaktan. With me, walang halong pagpapanggap, puro katotohanan lang.

Naririnig mo ba ang sarili mo, Andrew?” Puro ‘with me’ naman siya, sariling buhat ng bangko.

Mabilis naman niyang sinundan ang sinabi ko kahit pa halatang nagulat siyang hindi ko siya tinawag sa nickname niya. Hindi ko mawari kung saan niya hinuhugot ang mga pinagsasasabi niya. “Alam kong mahirap maka-move on, Care. But I’m here, I’m willing to mend your broken heart. I will never do such thing to you. You deserved to be loved passionately.

I guess you missed an episode.” Kahit pa may parte sa isip ko na gustong i-enjoy ang pagkakalatag ng buhok ko sa EDSA, I feel sorry for him. Hindi niya siguro babalakin ang araw na ito kung sana’y alam lang niyang ayos naman na ang lahat sa amin ni Nick. “The last time you saw us, it was just for show. Nagkaayos na kami that night. Everything went fine.

Ipinagtaka ko ang matagal na pagsagot ni Andy sa aking sinabi. Parang naguluhan siya o may something talaga sa pagkunot ng kanyang mukha. “I’m sorry, Care. I didn’t know. I should have not done what I did tonight. Sorry, but I thought you guys are over. I’m really sorry, I’m being tactless right now. Sorry, it didn’t sound good.

Ha? Bakit mo naman naisip ‘yun? Kung maka-intelligent guess ka naman – wagas.

Halata ko namang peke ang ibinigay niyang ngiti na may halong pagtawa sa aking sinabi. “Medyo awkward air tayo ngayon a. Chat na lang kaya tayo. Nahihiya na tuloy akong humarap sa’yo.

Kaunti na lang at bibingo na ako sa kanya. Hihiling na nga lang siya sa akin, iyon pa.

Gusto ko sana, but I can’t go online.” sabi ko.

I see.” napakabilis niyang isinagot sa akin, medyo mahaba pa nga ang pagkakasabi niya na tila may laman iyon. “Ngayon lang. Messenger lang naman ang bubuksan mo. Mahirap ba ‘yun? ‘Di mo naman siguro ikamamatay ang mag-open ng app? Sige na, napahiya na nga ako eh. Pagbigyan mo na ako.

I’ll try.

10 o’clock sharp.” Huminto siya saglit at tsaka muling humingi ng paumanhin, “I’m sorry for what happened. Pero seryoso ako sa mga sinabi ko. Sayang lang at naunahan ako. Urgh, if only I’ve said those words years ago.

Nababato na ako, ang hirap sumagot kapag live ang banat sa’yo kaya nama’y nginitian ko na lang siya. Feeling ko extended hanggang MOA ‘yung buhok ko. At mas natameme pa ako sa sunod niyang tinanong, “Anyways, if I did ask you before, would you date me?

Napaubo ako na may halong tawa, “sira ka talaga, pre.” Idiniin ko ang salitang ‘pre’ para maging maliwanag na iyon sa kanya. Ayaw ko ng umasa pa siya, hanggang doon na lang talaga. Sigurado na ang puso ko kay Nick, no one can change that unless God says so.

But what if he really asked me?

Pasalamat na lang ako kay Lord at nauna si Nick. I believe God has written me a perfect love story, wala na akong mahihiling pa. Kailangan ko lang talagang maging matatag sa sitwasyon namin ngayon.

‘Di ba, love? I looked at the dark gray sky smiling and wishing he’s with me fighting.

Anyway, chat with you later, Care.” Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ulo ko at tsaka ginulo ‘yun. “Love you, bye.

Bye.” mahina kong sabi. Nanatiling nakabukas ng bahagya ang aking bibig at sinabayan pa ng aking mga ngipin na tila may kinakagat na bato sa pagitan nito.

Hindi ako mapalagay sa mga nangyayari. Parang kailan lamang ay tanong pa ako nang tanong kung kailan nga ba ako dadalawin ng pag-ibig pero ngayong magkabilaan ang atake nito sa aki’y hindi naman ako natutuwa. Ganito pala ang pakiramdam ng mang-reject ng tao. Ang init, parang pinapakuluan ang konsensya ko sa mga nasabi ko kay Andy.

Noon, wish upon a star pa ang peg ko sa lalaking ‘yun pero ngayong siya na ang lumalapit, wala na akong masabi. Oo, ang gwapo niya, matalino pa, nakakakilig kapag ngumingiti siya, pero biglang nagpa-pop out ‘yung pangalan ni Nick. Kasunod naman non ay may naka-concatenate na ‘love’, and then, end of debate na. Team Love talaga e.

Hay, Nick… Ano bang mayroon ka at ganito na lang ako ka-lunod sa nararamdaman ko?” napangiti ako sa nasabi ko, banggitin ko lang ang ngalan niya’y napunan na kaagad ang kalungkutan ko.

Nagsimula na naman akong mag-flashback. Unti-unti kong binalikan ‘yung mga moment namin. Mula roon sa crazy-bungguan namin sa gate ng university, hanggang doon sa inis na inis pa ang peg ko sa kanya. Aakalain ko bang siya na pala ang ibibigay sa akin? Hindi ko mapigilang mapangiti sa bawat pag-alala ko sa mga panahong nililigawan niya pa ako. Tapos, natawa naman ako nang bigla kong marinig ang iilang baluktot niyang Tagalog. Nag-hahallucinate na ata ako, Lord? Lovinick Syndrome na lang ang itatawag ko dito.

Ang sarap ngitian ng kung anong mayroon kaming dalawa. Sa dami nito, biglang nawala ang pagka-miss ko sa kanya. Ayan at may pumatak na namang luha. This time, it fell because of love. A tear from the joy I’m feeling right now. I’m so blessed on how God taught me how to love. I never felt this good. So positive, so joyful, so in love.

Limang minuto na lamang at oras na para magbukas ng Messenger app. Binuksan ko na ang wifi, mamaya ko na lang pipindutin ‘yung app, may four minutes pa ako. Makapagpatugtog na nga muna.

Sasabayan ko na sana ang kanta pero intro pa lamang ay pumutok na nang sunod-sunod ang Facebook at Messenger notifs ko. Nag-pop ang chat heads sa gilid at tsaka namang pop din ng preview ng messages. May ilang sumagi sa aking mga mata…

I’m sorry about you and Nick, sayang talaga.

Wala na talaga kayooo???

BEEEEEEEESSS ANO TOOOOOOO!!!?!?!??! ANYAREEE?

Ano bang pinagsasasabi nila? Bakit may I’m sorry, sayang, wala na? As in wala na kami? Saan ba nila nasagap ang tsismis na ‘yan?

Siyempre ‘yung mala-diyosang picture ni bes ang pinindot ko, sana online siya.

Caroline Reyes: Anong anyare?

Seen 9:48pm, mabuti na lamang at online siya. Naka-invisible kasi ‘tong si bes. Diyan ko lang nalalaman kung online ba siya o hindi.

Katherine Santiago: Okay naman kayo ni Nick, ‘di ba? Eh ano ‘to??

May ibinigay siyang link sa akin at agad ko namang pinuntahan iyon.

Naalala ko bigla ang bilin sa akin ni Nick ngunit naunang nag-load ang title ng page na siyang nagsabi sa aking huwag ko na itong isara pa. Nadulas sa kamay ko ang aking phone at kusang pumatak ang luha sa aking kanang pisngi.

Dominick Salvador and Michelle Pears Plans a Garden Wedding this October!

 “Ano ‘to?

Continue Reading

You'll Also Like

160K 9.2K 41
Phantom Academy was a prestigious school for the elites. Everything was in order not until a mysterious game emerged, which lies beyond their phones...
20.6M 509K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!