Heartfilia's Premises

By zieeerendipity

4K 229 36

People outside the academy think that everything is normal and fine until a third year college student is sen... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 30

80 6 2
By zieeerendipity

I will have my class in two hours. 

Sa halip na maghintay ako sa dorm ko ay nagtungo na lamang ako sa library. Wala rin naman doon si Nazaire at mas mabuti nang wala siya upang magawa ka ang bagay na ipinagbabawal niya.

While making my way to the library, I texted Chastity. I actually do not know if she has a class but if she is this eager to find things out I know that she will make a way.

Hindi ko pa naitatanong kay Nazaire ang tungkol sa nangyari kahapon sa noticeboard at kahit sa kahong ipinadala sa akin. Alam ko rin namang hindi niya sasabihan sa akin ang tungkol doon. He was keeping me away from all the information that I needed to know.

Alam kong ang lahat ng sinasabi niya sa akin ay may kulang.

Habang naglalakad ako sa hallway ang nabaling ang tingin ko sa main atrium. Lumapit pa ako sa railings upang lalong makita ang lalaking nakatayo roon.

I suddenly took a step backward when he waved his hand on me. Dahil sa kaba ay napahawak na lamang ako sa aking dibdib at nagmamadaling umalis doon.

He was too distant. I could not recognize him.

I tapped my I.D. on the sensor when I got in the library. Nagtungo ako sa dulong bahagi kung saan walang mga estudyante.

A girl that was sitting near the window then caught my eye. Tinahak ko ang daan na pumapagitan sa amin ni Chastity.

"Chastity..." saad ko at bigla siyang napatingin sa aking atensyon.

"Leigh," aniya at iminuwestra sa akin ang bakanteng upuan sa kanyang harapan.

"Did what happen yesterday change your mind?" agarang tanong niya nang makaupo ako.

Masuri niya lang akong tinitingnan habang ako naman ay nangangapa ng mga salitang nais sabihin.

"Leigh, the dark days for the academy is about to begin. And that bloodshed at the noticeboard? It is warning for whoever the hell is behind this," aniya.

Hindi matingnan nang diretso sa mga mata si Chastity. Something was stopping me. Sumagi rin sa isip ko ang nakasulat sa noticeboard kahapon. 

"Aleighna kung hindi tayo magsisimulang kumilos lahat tayo ay mapapahamak. Hindi ko alam kung sino o anong klaseng kalaban ang mayroon ang Heartfilia pero sa nakikita ko at sa lahat ng mga nangyayari, Leigh? Kahit walang alam sa gulong mayroon sila ay idadamay nila."

Unti-unting namuo ang kaba sa aking sistema. 

Chastity is right. Madadamay kaming lahat sa gulong ito. Bloodshed...

"Leigh..."

Nabaling ang tingin ko kay Chastity. Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakapatong sa lamesa at nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.

"Leigh kung hindi man kita mapipilit na manatili rito pagkatapos ng exchange student program, then please Leigh, help us while you are still here. I-I don't want to die y-yet," she trailed off.

My lips were parted. Tila nag-aalangan ako kung magsasalita ba o hindi. 

Bagsak ang balikat niya dahil sa naging reaksyon ko.

"I know I do not have the rights to tell you this thing but if this is the only reason that can change your mind," she said as she removed her hand from mine.

Bahagyang kumunot ang aking noo. Seryoso lamang si Chastity habang tinitingnan ako. 

"I went to Student Service Office yesterday. I wanted to spend an alone time there. Pero bago pa man ako makapasok ay narinig ko sina Nazaire na nag-uusap sa loob," aniya.

Napaayos ako ng upo. I do not know what is with Nazaire that can change my mind. 

"What... what is it?" tanong ko sa kanya.

"He was with Justine and Axel and other guys that were kind of familiar to me. Then I overheard that right after our finals on Friday, they will make everyone leave until Sunday. Walang matitirang estudyante rito at alam kong pati kami ni Joseph ay kakailanganing umalis dito."

"But that is what we usually do every weekend, right?" singit ko sa kanya at kaagad siyang napaismid.

Kahit na tila hindi ako sang-ayon sa kanya o sa ano mang nais niyang iparating sa akin ay tila iba ang lumalabas sa aking bibig.

"Come on, Aleighna. We usually leave the premises every weekend but it is not mandatory, madalas pa nga ay ayaw tayong paalisin dito eh. Any minute from now an announcement with regards to that will circulate around the campus. I will bet, Aleighna Lowrie."

Kaagad na napatigil si Chastity nang may estudyanteng naghahanap ng libro sa isang shelf malapit sa amin. Tiningnan namin ito pareho.

Bahagya pa itong natagalan doon bago nakaalis. 

When Chastity made sure that no one was near us, she faced me and continued what she was saying.

"As what I was saying, since Nazaire can open the dorm with his fingerprint, they will go all over our rooms to investigate any suspicious things that will connect the dots."

"What do you mean connect the dots?" tanong ka kahit na may ideya na ako kung ano ito. 

I just wanted to make everything clear. At least bago ako pumayag sa gusto niya.

"Hindi ko alam. Umalis na agad ako pagkatapos noon. Nadaanan ako ng isang janitor kaya hindi na ako nagtagal doon. And I am guessing, may hinala na sila kung sino. They just wanted concrete evidences," sagot niya at sumandal ito sa kinauupuan.

"And Leigh, I even heard one them said that if they need to fight in blood, they will do it just to stop the war," she said and stared at the window.

"I feel strange, Leigh," saad niya at bigla kong naramdaman ang kaba sa kanya.

Tila may kung anong pag-aalinlangan sa mga mata niya.

"It's orange code and having a conversation right now? We supposed to have a warning already. I felt being watched..." aniya at tumingin na ito ng diretso sa akin.

Muli akong umaayos sa pagkakaupo nang mapagtanto ang sinabi ni Chastity. She was right. Kanina pa kami nag-uusap dito at imposibleng hindi ito nakakarating sa SCB.

Does it have something to do with her position? Does it have something to do with me?

Naagaw ng maliit na ilaw na kulay pala ang atensyon ko. Napansin kong sinundan ni Chastity ang tinitingnan ko at dahan-dahan itong muling lumingon sa akin.

"I do not know what is up to the one who monitors us but stop looking at the CCTV Aleighna," paalala niya sa akin na muling umagaw sa atensyon.

If I am not mistaken, Weiss and Jax are the ones who lead the monitoring. Kaya kahit wala sila sa campus ay alam nila ang mga nangyayari rito. 

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "I'll do it."

Bakas ang pagtataka sa mukha ni Chastity nang banggiting ko ang mga katagang iyon.

"I will do what I should have done before," ulit ko.

"A-are you sure Aleighna?" tanong ni Chastity na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"I am and now, I want something in return," muli kong saad sa kanya.

"What is it?" she asked.

"I want you out of this. I want to do it alone."

Kumunot ang noo ni Chastity, "W-why?"

"I want this to be done on my own way and if you ever interfere, I'll leave you hanging, Chas," saad ko sa kanya.

Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako tumayo at akmanga aalis na ako nang bigla siyang magsalita.

"Promise that you will make it. You have my words..."

Hindi ko na nilingon pa si Chastity at tuluyan ko nang nilisan ang library.

Habang nasa klase ay malayo ang nilalakbay ng isip ko. 

I do not want anyone inside the premises to get more engaged with danger. I will have this with Iana. Alam kong maaari kong maipahamak ang kaibigan ko, but compared with anyone here, or with Chastity, she is a lot more protected. 

What is Nazaire up to?

Natapos ang tatlong subject ko sa araw na iyon na hindi ko binibigyan ng buong atensyon. Nagmamadali kong iniligpit ang mga gamit ko ngunit bago pa man ako makatayo sa kinauupuan ko ay lumapit ang isa kong blockmate.

"Leigh, may nagpapabigay sa'yo," aniya at inilahad sa akin ang isang maliit na box.

"Kanino galing?" tanong ko at agad itong hinablot sa kanya.

Nagulat siya sa ginawa ko ngunit agad din siyang nakabawi.

"H-hindi ko kilala. Iniabot lang sa akin ng isang lalaki..." aniya at tumingin sa pintuan.

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at kaagad na tumakbo palapit doon. Inilibot ko ang paningin ko, nagbabakasakaling makita roon ang nagbigay ng kahon na ito na kaparehong disenyo at ayos sa kahon na natanggap ko kahapon ngunit walang kahit na sinong kahina-hinala ang naroon.

Dumungaw ako sa railings at inilibot ko ang paningin ko sa malawak na atrium ngunit wala ring kahit na anong kahina-hinala roon. Puro estudyante lamang na naglalakad o kaya ay nakaupo sa may lilim.

"Leigh, okay ka lang ba?" 

Napalingon ako sa blockmate kong nag-abot ng kahon. Sandali ko lang siyang tiningnan bago tumagos ang tingin ko sa kanyang likuran, sa dulo ng hallway.

Nagsasalita pa si Diego ngunit hindi ko na ito naintindihan.

Nakita ko ang lalaki na itinaas ang kanyang kamay at iminuwestra ito na tila isang baril. I saw him smirk. His cap was covering his eyes, kaya hindi ko ito mamukhaan. 

"Leigh should I call president Nazaire?" tanong ni Diego.

Nabaling ang tingin ko sakanya ngunit agad din itong bumalik sa lalaki.

Mabilis akong tumakbo at sa bawat hakbang ko ay nakikita ko kung paano lumapad ang ngisi sa kanyang mukha.

Pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante ngunit binalewala ko ang mga ito.

"Aaaahhhhh!"

Napaup ako sa lakas ng pagkakabangga ko sa isang estudyante at ganoon din siya.

"Shit! Sorry. Sorry," saad ko rito habang tinutulungan siyang pulutin ang mga nahulog niyang libro.

Kaagad akong napatigil nang magsimulang maglakad palayo ang lalaki. Huminga ulit ako ng tawad sa nabangga ko at tumayo ako upang muling tumakbo.

"Open this damn door!" singhal ko habang kinakalampag ang pinto ng fire exit kung saan dumaan ang lalaki.

He locked it from the inside!

"Who the fuck are you!? Open this door!" singhal ko ulit nang marinig ang halakhak niya mula sa loob.

Naramdaman ko ang paglapit ng ilang estudyante sa akin.

"Aleighna, ayos ka lang ba?"

It was Diego. 

Hindi ko siya pinansin habang patuloy kong kinakalampag ang pintuan.

Realizing that I could not catch him here, I stepped backward. I need to chase him!

Hinawi ko ang mga nagtatakang estudyante at mabilis akong tumakbo pabalik sa gitna ng hallway kung nasaan ang hagdan.

I even heard Diego shouted, "I already called President Nazaire, Leigh!" 

Mabilis ang ginawa kong pagtakbo. Binalewala ko ang mga bulungan na sumasalubong sa akin at malalaking hakbang ang ginawa ko nang nasa hagdanan na ako.

Hinihingal na ako habang inililibot ko ang paningin ko sa ground floor. Mahigpit ang pagkakahawako sa pader bilang suporta. Pinagtitinginan na rin ako ng ilang mga estudyante. 

Nilakbay ng mga mata ko ang dulo ng hallway kung nasaan ang fire exit.

I was about to run again when a hand grabbed me. Sa lakas noon upang mapigilan ako ay bigla na lamang akong napalingon.

"Who are you after Aleighna?" nakatiim-bagang na tanong ni Nazaire sa akin.

Sa halip na sagutin siya ay nakuha ko pang tumingin sa dulo ng hallway. Marahas akong napabuntong-hininga nang mapagtantong wala akong mapapala ngayon.

"Are you doing things behind my back, Aleighna Lowrie?" 

Muli akong napalingon kay Nazaire at napasinghap ako dahil sa emosyong nananalaytay sa kanyang mukha.

Pasimple kong itinago sa aking likuran ang kahon na iniabot ni Diego kanina. Malalalim ang tingin na ibinibigay ni Nazaire sa akin. Nang hindi pa rin ako nagsasalita ay iniharap niya ako sa kanya at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Are you putting yourself in danger behind my watch, Lowrie?" mabibigat ang mga salitang binitiwan niya.

Biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mga mata, mas lalo itong tumalim. Bumuntong-hininga siya at hinila ako palayo roon.

Ang mga estudyante na nakakasalubong namin ay kaagad na napapatigil. Ang ilang nasa gilid na ay lalo pang gumigilid. 

No one wanted to encounter Nazaire's deadly aura. Kahit ako ay nakakaramdam ng kaba sa mga titig niya. 

Marahas niyang itinulak ang glass door at saka niya lang ako binitiwan nang makapasok kami sa SAS Office. Kaagad na tumahimik ang lugar at saka ko lang napansin ang presensya nina Jax, Warnell at Weiss.

"You are not going to leave this place without me," ani Nazaire bago ito maglakad patungo sa kanyang opisina.

"Aire, kailan huling nag-ayos ng CCTV cameras ang technicians dito?" biglang tanong ni Jax sa kanya at parehong nabaling doon ang aming atensyon.

Naglakad si Nazaire palapit sa lima na nagkukumpulan sa dalawang ipinagtabing lamesa. Sinundan ko lamang siya.

"Just last week. Why?" seryosong tanong ni Nazaire at itinukod nito ang dalawang kamay sa lamesa.

"Look at this," ani Jax at may itinuro sa screen ng kanyang laptop.

The footage was blurred. Para itong nawalan ng signal.

"It is happening. Sa fire exit sa main building," saad ni Weiss.

"The footage started to corrupt just an hour ago," dagdag ni Jax at humalukipkip ito.

Biglang napatingin si Nazaire sa akin.

"Diego said that you were knocking the door of the fire exit at the third floor. Would you mind telling me what was in there?" diretsong tanong niya.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa tono ng pananalita niya. Am I this sensitive?

"I no longer know if you are really concern. Often times it seemed like you are always with me for just a fucking information. What the hell am I to you, Nazaire? Just a piece of information giver? A bridge to your enemies?"

Gladly, I managed to keep my voice low.

Naramdaman ko ang paninitig ng lima sa amin. Napaawang din ang bibig ni Nazaire dahil sa sinabi ko.

"Aleighna no. Of course not," aniya at humakbang ito palapit sa akin ngunit humakbang din ako paatras.

"Then why do I feel like that everytime you talk to me?"

Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. What the hell is wrong with me?

"Sa tuwing kinakausap niyo ako pakiramdam ko kailangan niyo lang malaman kung may alam na ba ako sa totoong nangyayari rito," saad ko at tiningnan ko rin ang lima.

Pinalis ko ang tumakas na butil ng luha sa aking pisngi.

"Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa amin, Aleighna?" tanong ni Justine at tumayo pa ito.

"Stop it, Lointe!" pigil ni Nazaire sa kanya ngunit nasa akin pa rin ang tingin nito.

Justine raised both his arms.

"All this time, Leigh," ani Justine at tinalikuran na ako.

It felt like watching him back was the most painful thing that a person close to my heart has ever done.

Napatingin ako kay Axel at agad itong umiwas ng tingin.

Tumahimik ang buong lugar. Muli akong tumingin kay Nazaire at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan.

Bago panman muling pumatak ang butil ng luha ko ay tinalikuran ko na sila.

I locked myself inside the restroom. Tiningnan ako ang sarili ko salamin at  kitang-kita ko ang sunod-sunod na pag-agos ng luha ko.

What is happening to me? Yes. It was true. Ganoon ang pakiramdam ko tuwing kinakausap nila ako. And I never thought it would be this painful.

Ilang minuto akong nanatiling ganoon. I washed my face afterwards.

Naagad ng maliit na kahon na inilipag ko sa gilid ng lababo ang atensyon ko.

Pinunasan ko ang tubig sa mukha ko at kaagad na binuksan ang kahon na iyon na iniabot sa akin ni Diego kanina. 

Tumambad sa akin ang nakatuping papel na pilit na ipinagkasya roon at nang kunin ko ito ay mayroong susi sa baba nito na siyang nagpakunot ng aking noo. 

Inilapag ko ang kahon at binasa ang sulat.

"You should have opened this first before you ran after me, Aleighna Lowrie. It was a nice chase but the mouse can never catch the cat. I will catch you first, before you catch me. -Q

P.S. Keep the key. It might benefit you someday :)"

Bigla kong nilukot ang hawak kong papel at marahas na paghinga ang ginawa ko. 

He is damn playing with me. Para bang alam niya na ang mangyayari kanina.

Nagtagal pa ako sa loob ng banyo bago ko napagpasyahang lumabas na. Itinago ko sa aking bag ang kahon at sinugurado kong wala akong kahit na anong baka na maiiwan. 

Bumuntong-hininga ako bago ko pihitan ang door knob at lumabas.

"Natagalan ka yata, Leigh."

Bahagya akong napatalon dahil sa gulat nang marinig ang boses ni Jax. Malakas itong tumawa na para bang walang nangyari kanina kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"It is not funny Jax," saad ko sa kanya at tinalikuran na siya ngunit kaagad akong napatigil nang magsalita siyang muli.

"I forgot to put an audio recording device on that spot of library where Chastity Nevara and you usually talk. Do not worry, I won't miss it next time," he said and tapped my shoulder.

"I just hope that it has nothing to do with us. You are one dangerous girl, Aleighna. You are one great threat to us," dagdag niya pa at makahulugan akong nginitian ngunit unti-unti ring nalukot ang ngiting iyon.

Jax Von is one jolly person and maybe that is the reason why his words made me this nervous. Kahit parehong pagkatao niya ang ipinakita niya ngayon at noong una ko siyang makita sa atrium extension ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan at mapaisip. 

How can I be a threat to them? I may work separate with them but I will not work against them. Kahit na sinabi ko iyon kanina sa kanila ay hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanila.

Maybe this is the reason why I feel pain whenever I think about it... It is because they matter to me.

"I was offended by what you said a while ago," aniya at inilagay ang mga takas kong buhok sa likod ng aking tainga, "Naiintindihan ko kung bakit ganyan ang nararamdaman ko. Sino ba naman kasing kaibigan ang magtatanong sa'yo na para kang iniimbestigahan?"

Umiwas ako ng tingin kay Jax.

"But I Leigh I am hoping that you also treat as a friend, at least," aniya at bahagya akong nginitian.

He patted my head before he turned his back from me. Sinundan ko lang ng tingin ang kanyang likuran.

Alam kong may hindi sila sinasabi sa akin but it will never be a reason for me to do something that will drag them six in danger. They have already done a lot for me. Whether the reason is because I am with Nazaire or I am part of what they need to protect. 

Napabalik ako sa ulirat nang makarinig nang katok mula sa glass door. It was Louise. May dala-dala siyang mga pagkain at naglakad na ito patungo sa lima.

"Louise," it was Justine.

Natanaw ko ang mabilis na pagkilos ng mga kamay nila upang iligpit ang kung ano mang mga nasa lamesa. 

"Anong ginagawa mo rito? Biglaan yata?" tanong ni Justine at bahagya niya lang itong tinawanan.

Bakas na sa mukha ni Louise ang pagtataka.

"Pagkain ba 'yan Andreia? At para sa amin ba yan?" singit ni Jax at kinuha ang mga dala ni Louise.

I knew that he was just trying to break the awkward atmosphere that was enveloping them and I do know that they have an idea that Louise is suspicious with them.

"Ang bilis mo talaga sa pagkain, ano?" ani Louise at inirapan lang nito si Jax, "Wala ba rito ang pinsan ko? O si Aleighna?" 

Warnell pointed his finger at me. Sinundan iyon ni Louise at kaagad na umaliwalas ang kanyang mukha.

"Aleighna! Buti na lang at nandito ka!" masiglang saad niya at nilapitan ako upang hilahin palapit sa kanila. Sakto namang bumukas ang pinto ni ng opisina ni Nazaire at lumabas siya mula rito.

"What are you doing here and who gave you the permission to be here?" bungad ni Nazaire at diretso itong tumingin kay Louise.

"Sorry?" ani Louise na tila dismayado sa inasal ng pinsan.

"Aleighna can't be with you. She needs to stay here," saad ni Nazaire at naglakad ito palapit sa amin.

Naagaw niya ang atensyon ko. May kung anong pag-aalinlangan pa rin sa mga mata niya kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Napaka-territorial, gosh. Give us time. Magrereview kami. Finals bukas Nazaire, baka nakakalimutan mo?" sagot nito at nagkibit-balikat pa.

"Bars from a family, beng!" ani Jax at nagsitawanan pa ang iba.

"Sa dorm lang kami, Aire. Huwag mo namang ipagdamot ang kaibigan ko sa akin," ani Louise habang naglalakad kami palabas.

Bago ko tahakin ang pintuan ay muli akong napalingon kay Jax na tinatawanan pa rin si Nazaire. He motioned his hand as a gun after throwing some teasing words to Nazaire.

"Ayos ka lang Leigh?" baling ni Louise sa akin nang makita ang paulit-ulit na pag-iling ko.

No, no. It cannot be him. It cannot be Jax.

Napagpasyahan namin ni Louise na sa dorm niya na lamang kami magreview. I was trying so hard to focus. Hindi ko pwedeng paghinalaan si Jax. It would look like I am stabbing him from behind. 

At si Nazaire... Paulit-ulit na pinipiga ang puso ko tuwing naiisip ko ang mga sinabi ko kanina.

I never told him that I like him. I was so unsure before. But the thought that he is just sticking with me because of the information that he can get is just too much to handle.

Pinilit kong isantabi muna ang pag-iisip kay Nazaire habang nag-aaral kami ni Louise.

We studied first the Vector Analysis since iyon ang magiging unang pagsusulit namin bukas. We both reviewed the terms and the different formulas, as to how we are going to apply it.

Isinunod namin ang Differential Equation. We studied both the linear and non-linear ones. I helped Louise in identifying whether and equation is a linear or a non-linear. Ganoon din kapag may hindi ako naiintindihan.

We just exchange information. Our review continued. Inabot din yata kami ng tatlong oras nang mapagpasyahan naming tumigil na muna. 

Continue Reading

You'll Also Like

112K 2.6K 12
حسابي الوحيد واتباد 🩶 - حسابي انستا : renad2315
39.6K 835 17
Reggie x OC [Season One Completed] hadley never felt like she belonged in the world. she always felt out of place in her skin. the only times she tru...
3.3K 257 35
"I'm not leaving you ok? I'll still protect you even if I'm in the other side of the world." This is a story about a girl who fell in love with an an...
113K 2.3K 41
𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗼𝗿 𝗚𝗿𝗮𝗰𝗲 𝘀𝗵𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱𝘀 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗝𝗮𝗰𝗼𝗯 𝗕𝗲𝗿𝘁𝗿𝗮𝗻𝗱, 𝗱𝗼𝗲𝘀 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗺𝗮𝗸𝗲 𝘁𝗵𝗲𝗺 𝘁𝗮𝗹𝗸 𝘁𝗼 𝗲𝗮𝗰�...