Chapter 56:
Ling's Point of View:
Ibinaba na ni Mama ang tawag ko pero napaisip ako sa sinabi niya. "Uncle?" Sambit ko. "But what about Dazu Kang? Tch." Bulong ko.
Maya-maya pa biglang napapreno ng malakas itong sinasakyan namin habang hinahabol namin ang kotse ni Dazu Kang at Gizel. "What the f*ck. What is it?" I asked.
"Master, may humarang po sa daanan natin."
"What?" Napakunot tuloy ako ng noo kaya bumaba ako para harapin 'yon kung sino. Mabilis kong kinasa ang hawak kong baril saka itinutok sa lalaking 'di pamilyar sa akin.
Pero hindi siya nag-iisa. May mga kasama rin siyang mga tauhan pero desente nga lang. But it looks like a gangster too, formal lang ang pormahan. "Who are you?" Aniko.
Pero binigyan niya lang ako ng isang magandang ngiti. Pero, para saan naman ang 'yon? "I said, who are you?" Tanong kong muli. Pero tanong na nangingilatis sa kanilang lahat.
"Hanga ako sa katapangan mo. Mukhang nagmana ka talaga sa Daddy mo, pamangkin ko." Dahan dahan kong naibaba ang hawak kong baril habang napatitig sa kanya. Ibig sabihin nito... "Don't worry my brave nephew, hindi ako kaaway, pagtutulungan natin ang pagpatay sa angkan ng mga Park at Kang dahil pinatay din nila ang kapatid ko kaya ang mabuti pa ibaba mo na 'yang hawak mong baril baka mapatay mo pa ako."
"Uncle, Josh?" Sambit ko.
"Yeah, It's me. Ang mabuti pa sundan na natin si Dazu Kang, your mom said to me about that. Puntahan na natin siya. Let's go, hurry! Susunod kami sa inyo." Mabilis siyang pumasok sa kotse niya ganon din ang mga tauhan niya habang gulat pa rin ako sa pangyayari. Pero mas mabuti na ang ganito kaysa naman madagdagan ang kalaban.
Pumasok na rin ako sa loob ng kotse saka ulit pinaandar ang sasakyan kasunod si Uncle. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano 'to nangyari pero ang mahalaga sa ngayon ay magantihan ang mga Park at Kang.
----
Ezen's Point of View:
Urgh, what happen?
Nilibot ko ang tingin sa buong kapaligiran nang magising ako. Parang kakaiba, hindi ko alam kung nasaan kami. Pero isang malaking kuwarto na may halong puti at itim ang paligid.
Kung mamasdan ko, tila nasa isang maganda at malaking gusali kami. At nang tignan ko naman ang katabi ko—nakita ko si Lyka na natutulog kaya bahagya akong napakunot ng noo.
Ibig sabihin kasi nito, nawalang bisa ang plano kong makatakas siya.
Pero nasaan na ba kami ngayon? Nakatali ang mga kamay ko pero ang mga paa ay hindi naman, kaya nagawa kong tumayo at lumapit sa pinto.
"May tao ba riyan?!" Sigaw ko. Baka sakaling may makarinig sa labas.
Matapos naman nito ay tinadyakan ko ang pinto para makalikha ng ingay.
"Ezen?"
Pero bigla naman akong napalingon kay Lyka nang marinig ko ang boses niya. Gising na siya kaya lumapit ako sa kanya. Pero nakayuko lang ako dahil sa nabulilyaso kong planong pagpapatakas sana sa kanya.
"Im sorry." Halos pabulong kong sabi. Umupo muli ako sa sahig kaharap siya.
Kita ko ang pag-iling niya. "Okay lang. Hindi ko rin naman gustong makatakas ng hindi ka kasama." Aniya.
Napatango nalang ako sabay titig ko sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa na tumagal ito ng ilang minuto. Ewan ko. Ang daming gumugulo sa isipan ko.
"Ayos ka lang?"
Bigla kong nilihis ang tingin ko nang tanungin niya ako nito. Pero muli akong napayuko. Sa totoo lang kasi hindi naman ako ayos. Hindi magiging maayos ang lahat hanggat nandito kaming dalawa.
"'Wag mo akong alalahanin, Ezen. At 'wag kang mag-alala dahil alam kong makakatakas tayo rito. Ililigtas tayo ng mga magulang mo."
Alam kong sinusubukan niya akong aliwin kaya napabuntong hininga ako at tumango, katibayan na sumasang-ayon ako sa sinabi niya.
Pero sana nga.
Ilang minuto pa ang tinagal nang biglang may pumasok kaya napatingin kami ritomg dalawa. Ang Mama ni Ling. Nakangisi siya sa amin habang nakatingin. Ano naman kaya ang gagawin niya? Napalunok tuloy ako.
"Alam mo ba, na-e-excite na akong makita ka kasama ang Daddy mo rito." Nakangisi nitong sabi kaya napaisip ako. Ano bang sinasabi niya? "Ano kayang magiging reaksyon ni Dazu kapag nakita niyang ganyan ang itsura ng bunso niyang anak?"
"What the fuck do you mean?"
Hindi niya ako nasagot. Biglang may dumating na isang lalaki, "Master Shaira, nandiyan na raw po si Dazu Kang." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito at halos hindi ako makapagsalita. "Kung ganon, tayo na." Mabilis itong umalis kasama nung lalaki tapos nagkatinginan ulit kaming dalawa ni Lyka.
"N-Nandito si Dad."
----
Dazu's Point of View: (Ezen's Father)
Preneno ko kaagad-agad ang sasakyan nang ituro nitong kaklse ni Ezen na nandito na raw kami sa lugar kung saan katatagpuin ko ang mga dumukot sa anak ko.
Binuksan ko kaagad ang pintuan ng sasakyan ko ganon din sa bata. Nang tignan ko naman ang kapaligiran isang liblib na may napakalaking gusali ang nandito ngayon sa harapan ko.
Maya-maya pa, may isa-isang lumabas na mga kalalakihan mula sa kapaligiran na ngayon ay nakapalibot na sa amin. Gulat at kunoot noo lang akong nakatingin sa kanilang lahat.
Masyado silang madami.
"Nasaan ang anak ko?" Tanong ko sa kanila habang pinakikiramdaman ko ang bawat isa.
"Pakiusap po, 'wag n'yo na po akong idamay dito. Alisin n'yo na po 'yomg bomba na nakadikit sa akin. Maawa na po kayo." Bigla namang sabi nitong bata.
"'Wag n'yo siyang idamay dito. Gawin n'yo ang lahat ng gusto ninyo sa akin basta pakawalan n'yo lang ang bata."
Pero hindi nila ako pinakinggan.
"Dazu Kang."
Bigla akong napalingon sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Napatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko siya gaanong maaninagan. Medyo madilim kasi, pero ganon pa man sino ba siya?
"Ipasok n'yo ang bata sa loob." Utos niya. Mabilis nilang nahila ang bata kaya wala akong nagawa. Iniisip ko naman kung kakalabanin ko silang lahat masyado silang madami. Isa pa baka saktan lang lalo nila si Ezen, Lyka at itong si Gizel.
Sa ngayon, pag-aaralan ko na muna ang mga kilos nila habang pinalilibutan pa rin ako ng mga lalaki, nakahanda naman ako kung susugurin nila ako.
Pero hindi mawala ang pagtitig ko sa babaeng papalapit nang papalapit papunta sa akin ngayon. Pero nagulat ako nang makita ko kung sino siya ng tuluyan ko siyang makilala.
"Shaira Joong??" Hindi ko makapaniwalang sabi.
"Tss, ako nga. At hindi lang ako nag-iisa." Nakangisi nitong sabi.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Aniko.
"Pazu, is alive."
What?
"Itaas mo ang dalawa mong kamay. Alalahanin mo, nasa amin ang anak mo." Mabilis kong sinunod ang sinabi niya kaya kinapkapan naman ako ng mga lalaking nakapalibot sa akin na tauhan niya habang siya tinutukan niya ako ng baril sa ulo ko.
Napakunot tuloy ang noo ko. "Bakit kailangan mo pang idamay ang anak namin ni Shimi rito? Ano pa bang kailangan mo?"
"Alam kong alam mo kung anong kailangan ko sa 'yo Dazu Kang. Matagal na. At bakit hindi ko idadamay ang anak mo, e 'di sana wala ka ngayon dito hindi ba?"
Maangas pa rin siya kaya napakunot ang noo ko. "Pakawalan n'yo na ang mga bata a—"
Shaira's Joong Point of View: (Ling's Mother)
"Pakawalan n'yo na ang mga bata a—"
Hindi na niya natuloy pa ang sinasabi niya dahil bigla siyang pinukpok sa batok ng mga tauhan ko. "Tss, ang dami mo pa kasing sat-sat." Saad ko habang nakatingin sa nakahilata niyang katawan.
Finally, I got you Dazu Kang.
Maya-maya pa, may mga dumating na sasakyan kaya pinagmasdan ko ito. Pero napangiti ako nang makilala kong kay Ling 'yon at kasunod kay Josh.
"Ma," Tawag ni Ling nang makababa siya sa sasakyan niya. "Nasa loob na po ba si Dazu Kang?" Aniya.
Ngumiti muna ako sa kanya saka tumango. "'Wag kang mag-alala anak, sigurado akong magugulat si Ezen kapag nakita niya ang Daddy niya. Makakaganti na rin tayo sa wakas."
"Opo Ma, kagaya po ng ipinangako ko sa inyo." Naghawak kamay kaming dalawa.
"Masaya ako para sa inyo." Bigla naman akong napalingon nang makita ko ang bayaw ko, kaya napangiti ako.
"Josh," Tawag ko sa pangalan niya.
"Hanga ako sa pamangkin ko, napakatapang niya. Anak n'yo nga siya ni Ross, ang kapatid ko."
Nagkangitian kami sa isa't isa matapos niya 'yong sabihin. Tapos sumenyas naman ako kay Ling na i-welcome niya ang Tito niya, na siya namang sinunod kaagad.
Niyakap niya ito kaya napangiti ako sa kanilang dalawa. "Buong buhay ko, akala ko po kami nalang ni Mama ang natitira rito sa mundo. Sobrang saya ko po ng mapatunayan kong Tito ko nga kayo." Aniya.
"Hindi kita masisisi pamangkin ko kung hindi ka kaagad nagtiwala. Pero masaya rin akong makita ka at makasama."
"Salamat, Tito."
Tumango si Josh matapos nilang magyakap sa isa't isa. "'Wag kang mag-alala, bilang pagbawi ko sa 'yo tutulungan kitang pabagsakin ang mga Park at Kang pamangkin ko."
Napangisi ako ganon din si Ling matapos 'yong sabihin ng Tito niya. Halata sa mukha niya ang kagustuhang makaganti sa mga ito. Ngayon maghanda na silang lahat.
(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES
Votes | Comments | are highly appreciated
Thank you so much, JOVinians
— Miss Jov 💕
TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.