Tantei High (Erityian Tribes...

By purpleyhan

82.4M 2.4M 760K

Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story. More

front matter
Tantei High
Chapter 1 - Expelled
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - MT family
Chapter 4 - Sixth Sense
Chapter 5 - Alternative Name
Chapter 6 - Logic
Chapter 7 - Inner Voice
Chapter 8 - Agency
Chapter 9 - First Case: Bloody Letters 1
Chapter 10 - First Case: Bloody Letters 2
Chapter 11 - First Case: Investigation
Chapter 12 - First Case: Her Dying Message
Chapter 13 - Psychomotor Education
Chapter 14 - The Other Tribes
Chapter 15 - Second Case: Time of Death
Chapter 16 - Second Case: The Second Warning
Chapter 17 - Second Case: His Sixth Sense
Chapter 18 - Second Case: Cursed Name
Chapter 19 - Second Case: The Third Blow
Chapter 20 - Second Case: Natural Leader
Chapter 21 - Second Case: Same Ideas
Chapter 22 - Second Case: The Mark of Thirteen
Chapter 23 - Logic Games
Chapter 24 - New Weapons
Chapter 25 - The Right Weapon
Chapter 26 - Vanished Arrow
Chapter 27 - The Great Seven
Chapter 28 - Riye's Secret
Chapter 29 - Who Is He?
Chapter 30 - Third Case: The Golden Sun
Chapter 31 - Third Case: Shinigami Duo
Chapter 32 - Third Case: The Chase
Chapter 33 - Third Case: Black Dimension
Chapter 34 - Hierarchy
Chapter 35 - Fourth Case: Opening
Chapter 36 - Fourth Case: Arson
Chapter 37 - Fourth Case: A Different Person
Chapter 38 - Fourth Case: Clues and Sixth Sense
Chapter 39 - Fourth Case: Observation
Chapter 40 - Fourth Case: Confrontation
Chapter 42 - Fourth Case: Ambush
Chapter 43 - Demi
Chapter 44 - Green Stage
Chapter 45 - One of Us
Chapter 46 - Home
Chapter 47 - War
Chapter 48 - Who Am I?
Chapter 49 - I Can Protect Them, Too
Chapter 50 - Teamwork
Chapter 51 - To The Forest
Chapter 52 - Despair
Chapter 53 - Reinforcements
Chapter 54 - Parents
Chapter 55 - Eerie Feeling
Chapter 56 - Assemble
Chapter 57 - Legendary Skill
Chapter 58 - Kill Her
Chapter 59 - Emotions
Chapter 60 - Cruel Truth
Chapter 61 - Mother
Chapter 62 - War is Over
Chapter 63 - Her Duty
Chapter 64 - Unveiling the Truth
Chapter 65 - See You Soon
Chapter 66 - Calm and Cool
Chapter 67 - Logic Game 2
Extra: Answers
Epilogue
Erityian Files #1: Akuma Gone Mad
Erityian Files #2: Christmas Crisis

Chapter 41 - Fourth Case: Research

1M 30.2K 9K
By purpleyhan


Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga tuhod ko sa sobrang takot. Kahit na mukhang wala na sa paligid ang Rin na tinawag ni Mama, hindi ko pa rin makalimutan yung chills na naramdaman ko nung nakita ko siya at nung lumapit siya.

"Miss, okay ka lang ba?"

Napatingin naman ako kay Mr. Nestor Mercado, the guy with the glasses and suitcase. Tinanong ko kasi siya kanina na kailangang malaman ang name niya para sa investigation. Pinakita ko pa sa kanya ang fake FBI ID para mas maniwala talaga siya, tutal ang sabi ko sa kanya kanina ay kasama talaga ako sa investigation team.

"Okay lang po. Uhm, may kilala po ba kayong Renato Sison?"

"Hmm? Oo. Magkakaklase kami noong college, kasama na rin si Felicity. Bakit mo naitanong?"

"Ahh. He was found dead a while ago."

Pagkasabi ko no'n ay halos mabitawan niya ang suitcase niya.

"P-patay na siya? Paanong nangyari 'yon?"

"Hindi ko po pwedeng ikwento ang buong pangyayari pero namatay rin po siya dahil sa sunog."

"B-bakit ang daming namamatay ngayong araw? Nakakatakot."

"Oo nga po pala, kilala n'yo ba ang sinasabi n'yong ka-meet dapat ni Ms. Felicity bago kayo?"

"Oo. Sabi niya, isang antique collector daw. Parang nakita ko siya kanina rito. Naka-formal attire pa siya. Sabi ni Felicity, kinukulit raw siya ng collector na ibenta sa kanya ang ilang antique items niya pero ayaw niya dahil masyadong mababa ang presyo na inaalok ng collector."

That must be the rich-looking guy. Napatingin ako sa direksyon ni Hiro dahil siya ang nagtatanong sa collector.

"Siya po ba?" sabay turo ko sa direksyon nila.

"Oo. That's him."

That was why he looked pissed and depressed at the same time. Kasama sa mga nasunog ang antiques na gusto niyang bilhin. Saka ko ulit naalala ang sinabi ni Sir Hayate na may part daw na hindi nasunog sa may second floor at 'yon ang kwarto ni Mrs. Andres. Posible na nandoon ang antique items na gusto niyang bilhin. Kung siya ang killer, hindi siya aalis hangga't 'di niya nakukuha ang mga 'yon.

"Pwede po bang makita ang laman ng suitcase n'yo?"

"Ah. This? Sure," sabay bukas niya ro'n at bumungad sa akin ang laboratory glasswares.

"Test tubes? Beakers?"

"Sorry. These are my personal glasswares. Ayoko kasing gumagamit ng glassware sa lab."

"Lab?"

"Yeah. I'm actually a scientist. Ako ang nagfa-facilitate ng lab sa office namin. Si Felicity naman ay isang anthropologist, kaya mahilig siyang mangolekta ng mga antigong bagay."

Namangha naman ako bigla. Ibang klase pa rin talaga kapag mga scientist. Ewan ko pero ang taas ng tingin ko sa kanila. Siguro dahil hindi ko strength ang Science at medyo mahina talaga ako ro'n.

Napatingin ulit ako sa kanya dahil may kakaiba akong nararamdaman sa kanya pero hindi ko malaman kung ano. Nagpaalam naman ako at pinuntahan ko ang ex-husband ni Mrs. Andres at buhat niya pa rin ang anak niyang natutulog.

"Excuse me po. Uhm, kasama po ako sa investigation team at gusto ko lang pong hingin ang statement n'yo," sabay pakita ko doon sa FBI ID.

"Kung tungkol kay Fely, wala akong alam sa nangyari! Sinabi ko na nga 'di ba? Halos ilang bahay ang layo ko noong nangyari ang sunog at akala ko ay nagsusunog lang siya sa may bakuran!"

Napaatras ako dahil sa pagsigaw niya.

"K-kumusta po ba kayo ni Ms. Felicity bago 'to nangyari?"

"Wala. Magulo ang relasyon namin! Ni hindi nga siya masyadong umuuwi at napapabayaan na niya ang anak namin! Wala siyang kwenta! Siguro kinarma siya dahil hindi siya naging mabuting ina at asawa."

"Pwede n'yo po bang i-describe kung paano nangyari ang sunog?"

"Nagsimula nga sa bakuran. Bigla na lang may umuusok doon na akala ko ay nagsisiga lang siya. Dahil naka-focus lang ako sa anak ko na naglalaro sa labas, hindi ko kaagad napansin na pumapasok na ang apoy sa loob ng bahay. Napansin ko lang 'yon noong tumingin doon ang anak ko at tinuro niya ang bahay namin. Pero dahil nag-panic ako at baka kung mapaano siya ay nilayo ko kaagad siya ro'n. Noong sinabi niya sa akin na nandoon pa raw ang Mama niya ay masyado nang kumalat ang apoy at nagkukumpulan na rin doon ang mga tao."

"May napansin po ba kayong ibang tao na umaaligid dito sa bahay kanina?"

Sa pagkakatanda ko kasi, ang inireport ni Mrs. Andres kay Sir Hayate nang pumunta siya sa agency ay may umaaligid sa bahay niya tuwing gabi. Hindi kaya pumupunta rin dito si Mr. Richard tuwing gabi? O meron pang ibang umaaligid dito?

"Kanina? Oo. May dalawang lalaking dumating na halos magkasunod sa tapat ng bahay noong nasusunog na 'yon."

"Sila po ba ang tinutukoy niyo?" sabay turo ko kina Mr. Nestor Mercado at sa collector.

"Oo, sila nga. Kanina pa sila nakaabang sa tapat ng bahay."

Saka ko naman na-realize na kanina pa silang tatlo rito. Hindi ba sila pinapaalis ng mga pulis kaya nags-stay pa sila rito? O dahil may mga kailangan sila sa loob ng bahay?

"Kayo po? Hindi pa po ba kayo aalis rito? I mean, baka po kailangan nang magpahinga ng anak n'yo."

Bigla naman siyang naging alerto at kumunot ang noo niya.

"H-hindi pa raw ako pwedeng umalis dito sabi ng isang pulis. Kailangan pa raw nila akong imbestigahan dahil pamilya pa rin ako ng biktima," saka niya iniwas ang tingin niya sa akin.

Nadiskubre kong pare-parehong may kailangan sina Mr. Richard, Mr. Nestor at ang collector dito sa bahay ni Mrs. Andres.

'Are you done?'

Nagulat naman ako nang marinig ko yung boses ni Hiro sa isip ko kaya napalingon ako sa direksyon niya. Nakatalikod siya sa akin at mukhang kausap naman niya ngayon ay ang babaeng suspect na kinakasama ni Mr. Richard. Mukhang hindi pa rin alam ni Mr. Richard na nandito ang babae dahil para siyang nagtatago at ginagamit na harang si Hiro.

'Yeah.'

'Me, too. Let's go back to Miyu. Our time is running out.'

Pagkatapos niyang sabihin yun ay napatingin ako sa relo ko. Twenty five minutes na ang nakakalipas. Five minutes na lang ang natitira sa time limit namin kaya tumakbo na ako papunta kay Miyu, habang si Hiro ay nakasunod sa likuran ko. Pagpasok namin ay nasa discussion area silang apat at mukhang marami rin silang nalaman sa research na ginawa nila habang wala kami.

"Kumusta kayo?" tanong ko kaagad.

"Nalaman na namin ang cause ng dalawang sunog," sabi agad ni Akane.

"Nalaman na rin namin kung paano talaga namatay ang dalawang biktima," dagdag naman ni Ken.

"Now it's up to your data," sabay tingin sa amin ni Reiji.

Umupo agad ako at kinuwento ko lahat ng pinag-usapan namin nina Mr. Richard at Mr. Nestor. Gano'n din ang ginawa ni Hiro. Kinuwento niya rin ang mga nalaman niya kina Mr. Edward Aragon, the collector, at Ms. Carla Gomez, Mr. Richard's current partner.

Wait, sa pagkakatanda ko, may sinabing kakaiba ang taong 'yon. That means . . .

"Guys—"

Sasabihin ko sana sa kanila ang naisip ko pero nakita ko bigla ang mga ngiti sa labi nila.

"Yeah Akemi, I think mukhang nagkasabay-sabay na naman tayong nalaman ang identity ng killer," sabay ngiti sa akin ni Akane.

"It's that person, right, nee-san?"

Kahit wala kaming sinasabi sa isa't isa ay alam na agad namin ang susunod na gagawin. We opened our minds to let the information flow. Well, except for Hiro. Alam naman naming laging sarado ang isip niya.

It has to be that person.

"Should we corner that person right now?" tanong ni Reiji.

"No. Not yet. We still don't have a concrete evidence," sabi naman ni Hiro.

"Pero paano natin siya mahuhuli?" sabay tingin ulit ni Ken sa data na nakalap nila kanina.

"Ah, I get it. Nii-san, we should wait until that person makes his move, right?" sabay ngiti ni Riye kay Hiro for confirmation.

"Yes. We'll catch that person tonight."

Napatingin ako sa relo ko. Saktong thirty minutes na ang nakakalipas. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil nalaman na namin kung sino ang killer at may plano na rin kung paano siya hulihin. Ngayon ay kailangan na naming tulungan si Sir Hayate pati na rin si Mama.

Tumayo agad ako kaya napatingin sila sa akin.

"Kailangan na nating tulungan sina Sir Hayate. Baka kung napano na sila—"

"Akemi, hindi na kailangan—"

Before she could complete her sentence, the door of the van opened and we saw Sir Hayate.

"Sabi ko sa'yo hindi na kailangan, eh. Narinig ko kasi bigla si Sir Hayate na pabalik na rito."

Napatingin naman ako kay Sir Hayate. Bukod sa mga galos sa kanang braso ay mukhang wala namang masamang nangyari sa kanya kaya nakahinga na ako ng maluwag. But I was still worried with my mother.

"Sir, kumusta po si Mama? Nakita n'yo po ba siya?"

"She's okay. Halos malapit lang ako sa kanya kanina habang kinakalaban niya ang tatlong Shinigami but they suddenly retreated."

"W-wala naman pong nangyaring masama sa kanya, 'di ba?"

"Yeah. She's definitely stronger than me. But one of the Shinigamis she was fighting was almost at the same level as her. That fight was out of this world."

Okay na ako ro'n. At least, safe si Mama. Pero bakit siya hinahabol ng mga Shinigami? Bakit niya kilala si Rin? Bakit hindi niya ako nilapitan?

"Sir, kilala n'yo po ba si Mama?" I asked but he just avoided my gaze.

Nireport naman nila kay Sir Hayate ang nangyari pati ang plano naming ambush mamaya. Bumalik naman muna kami sa Tantei High at tahimik lang ako buong byahe. I'm sure Sir Hayate knows her. Bakit ayaw niyang sabihin sa akin? Wala ba akong karapatang malaman ang pagkatao ni Mama?

Pagdating namin sa campus ay dumiretso ako sa library habang umuwi naman sa dorm sina Akane at Riye. Kung hindi nila sasabihin sa akin ay ako na ang maghahanap ng sagot sa mga tanong ko.

Maraming estudyante ang nandoon ngayon kaya naupo ako sa bandang dulo para hindi ako masyadong makita ng mga tao. Kumuha ako ng mga libro tungkol sa history pero napatigil ako nang nakarinig ako ng kaluskos. Naging alerto ako dahil baka may Shinigami na naman na sumulpot. Tumingin ako sa likuran ko kung saan ang madilim na part pero mukhang guni-guni ko lang 'yon kaya bumalik ako sa pagbabasa pero laking gulat ko nang may nakita ako sa ibabaw ng mga libro ko.

"Meow."

A white cat appeared in front of me and I was astonished with its green eyes. I slowly approached her and gently pat her head but I was surprised when she suddenly jumped onto my lap. She looked comfortable on it so I just let her stay there.

Muli kong binasa ang librong kinuha ko. Nandito ang history ng Tantei High simula kay Shou pero pagdating sa mga pangyayari fifteen years ago ay wala masyadong nakalagay. The Great Seven was mentioned but nothing about their personalities or skills were written. They just said they were heroes because of their contributions in the Senshin-Shinigami war.

The cat purred once again and she jumped back to the table. Humiga siya sa librong binabasa ko sabay tingin sa wall clock na nakasabit sa gilid kaya napatingin din ako. Saka ko lang na-realize na malapit na palang mag-7 P.M. Ni hindi ko man lang namalayan ang oras. Buti na lang at nakita ko . . .

Napatingin naman ulit ako sa puso. Did she just remind me that I have an appointment at 7 P.M.? Or was it just a coincidence?

"Kilala mo ba si Akemi?"

"Meow."

I heaved a sigh. Ano bang pinag-iisip ko? Para namang maiintindihan ako ng isang pusa. That must just be a coincidence.

Binuhat ko naman ang pusa at inilagay ko siya sa may upuan. Mukhang kilala naman siya ng librarian dahil ayos lang sa kanyang nandito siya. Sinauli ko na rin ang mga libro at saka nagmadaling pumunta sa agency.

Okay. Time to catch the murderer.


***

Continue Reading

You'll Also Like

184 95 6
Chasing Trilogy #2 Status: On-Going Pilit hinahanap ni Estella ang kasagutan sa mga kakaiba niyang panaginip hanggang sa isang araw ay napunta na lan...
869K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
2.5M 92.5K 101
AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, h...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.