Caleb's POV
"B-Brianna.. That's.. That's such a lovely name." Yan ang sinagot sa akin ng Heartbreak Hotline nang sabihin ko ang pangalan ni Brianna.
"Mahal ko s'ya pero ayoko. I want to give up kahit wala pa man din akong nagagawa. Alam kong gusto n'ya yung tipo ng lalaking kaya s'yang ipaglaban pero ano pang silbi ng pagsunod ko sa tipo n'yang yun kung hindi naman ako ang gusto n'ya in the first place?" Napabuntong hininga ako. Nababaliw na yata ako. Brianna, ano bang ginagawa mo sa puso ko? "Mahal ko s'ya eh. Sobra. Alam kong ang bakla nito pakinggan pero natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Natatakot akong mahalin s'ya tapos mapupunta sa ibang direksyon ang relasyon namin. Magkaibigan kami. Ayokong masira yun dahil sa nararamdaman ko. I'm afraid that things could go wrong. Nababaliw na yata ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mas nakakabaliw pa ang nararamdaman ko ngayon kesa sa naramdaman ko sa dati kong girlfriend."
There was a moment of silence. Hindi ako nagsasalita. Nag-iisip ako sa sarili ko lang.
Simula nung niligawan ni Axl si Brianna, hindi ko na s'ya kinakausap. Lalo lang akong masasaktan kung kakausapin ko s'ya at ikukwento n'ya sa akin ang lahat ng masasayang bagay na ginawa nila ni Axl. Mga bagay na hindi namin magagawa.
Ayokong saktan si Axl dahil isa s'ya sa pinakamabuting kaibigan ko. Alam ko na matagal na n'yang gusto si Brianna at ngayong nakukuha na n'ya ang gusto n'ya, ayokong hadlangan iyon. Hindi ko 'yon kayang gawin sa taong dinadamayan ako tuwing may problema ako. Hindi nga lang ngayon pero sa ibang problema.
Si Brianna. Hindi man n'ya aminin 'yon, alam ko na gusto rin n'ya si Axl.
Pareho nilang mahal ang isa't isa. Sino ba ako para kumontra sa kaligayan ng dalawang tao'ng nagmamahalan?
"Sir hindi mo pwedeng sabihin na mahal mo ang isang tao pero natatakot kang masaktan. For there is no love when there's no pain. Sige nga. Magsabi ka sa'kin ng isang love story na walang protagonist na nasaktan at walang umiyak. Yung puro masaya lang."
Natahimik ako dahil sa sinabi ng Heartbreak Hotline. Hmm, ano nga ba ang love story na gano'n?
"See? I bet you can't even name one. Wala. That's what makes it a love story. Loving each other to death and fighting together through ups and downs. Fighting for their love. And then in the end, they survived. Because the power of love is the most powerful one. Sure, there were moments that make you want to give up but if you truly love that person, you will fight for her no matter what. You have to be strong for the person you love. If you can't do that, then I'm sorry sir but I think you're not ready to love someone yet." Napatigil ako sa sinabi n'ya at hinintay na magsink-in sa akin ang lahat ng 'yon bago ako nagsalita.
"Siguro nga hindi ko pa kaya." Yan lang ang sinabi ko at tinapos na ang tawag.
Yang sinabi kong 'yan, I don't mean it. Oo gusto kong iwasan si Brianna pero at the same time gusto ko ring lumaban dahil wala namang mangyayari kung magpapakaduwag ako.
Isa pa, kaya yun lang ang sinabi ko at pinutol ko agad ang tawag dahil nawi-weirdan akong kausap ang Heartbreak Hotline kapag tungkol kay Brianna. Kaboses kasi nung babaeng nagsasalita si Brynn. Feeling ko tuloy nagkukwento ako tungkol kay Brynn pero si Brynn pala ang kinekwentuhan ko dahil magkaboses sila. Ang weird lang kaya tinapos ko nalang agad ang usapan.
"You can't fall in love with her." Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko. Si Clyde.
"Lumabas ka nga dito." Yan lang ang sinabi ko sa nakatatanda kong kapatid.
"Caleb. Ipangako mo sa'kin na lalayo ka kay Brianna at gagawin mo ang lahat para mawala ang nararamdaman mo sakanya." Napa-smirk ako dahil sa sinabi n'ya. Anong meron? Bakit ayaw n'yang magkagusto ako kay Brynn?
"I can't promise you that." Yan lang ang sinabi ko. Hindi ko s'ya maintindihan. Ba'la s'ya jan. Wala akong pake.
"You love her. Bahala ka Caleb. Sinusubukan ko lang kayong protektahan. Sa bandang huli, maghihiwalay rin kayo sa ayaw at sa gusto mo."
Napa-tsk nalang ako. Hindi pa nga nagiging kami maghihiwalay agad. Masyadong advance 'tong si Clyde.
***
KINABUKASAN...
Pumasok na ako sa school. Sinabayan ko lang muna si Riley, ang bunsong kapatid ko.
"Kuya, you can go now." Said Riley.
"Para ano? Lalapit ka nanaman dyan sa boyfriend boyfriend-an mo? Wag na." Sambit ko. Riley... I'm scared for her. Close sila ni Regina, halos ate na ang turing n'ya sakanya at tingin ko ay sinusundan n'ya ang mga yapak ni Regina. Ayokong magaya s'ya don.
"So? Ikaw nga eh. Pinagpalit mo si Ate Regina sa Brianna'ng yun. Tss, she's weak. Simpleng Liberty Stunt lang hindi magawa." She said as she rolled her eyes. Parte rin kasi s'ya ng cheer squad kaya nakita n'ya ang nangyari kay Brynn.
"Watch your mouth." Yan lang ang sinabi ko. Inirapan naman n'ya ako.
Nang dumating na ang mga kaibigan n'yang mga maldita rin, iniwan ko na s'ya. I can't stand girls like them.
Lumapit na ako kela Brix at Axl.
"Haha, oo dude. Nag sweet nga n'ya eh." Yan ang sinasabi ni Axl kay Brix pagdating ko. "Oh, Caleb. Andito ka na pala. Tamang-tama ang dating mo para sa kwento ko." Aniya at nagkwento ng kung anu-anong tungkol kay Brianna.
Nakakainis. Naglakad na ako palayo sa kanila. Kumukulo ang dugo ko. Ang hirap pigilin. Baka kung ano pang masabi ko kay Axl.
Pumunta ako sa library. Dito kasi tahimik. Maaga pa kasi kaya hindi pa magsisimula ang klase namin. Wala rin masyadong tao dito. Pag ganto kasing maaga pa, hindi pa masyadong pumupunta ng library ang mga estudyante.
Umupo lang ako dun at nagsalpak ng earphones sa tenga ko at pumikit.
Nakakainis. Ano ba 'tong tugtog na 'to!? Hindi na nga ako mapakali ang lungkot pa ng kanta!
Pinatay ko nalang yung music ko. Nanahimik nalang ako tumitig lang sa kisame.
Natauhan ako ng may marinig akong mahinang humming. It was a sweet voice.
Ewan ko pero napatayo ako bigla mula sa kinauupuan ko at sinundan ang tunog. Malaki kasi ang library namin kaya hindi ko gano'n kadaling nakita agad ang kumakanta.
Sa bandang dulo ng library nangagaling ang tunog. Sumilip ako sa isang bookshelf at nakita ko kung sino ang humuhuni. S-Si Brianna pala.
Nang tumingin s'ya sa direksyon ko, agad akong nagtago sa likod ng bookshelf. Sana hindi n'ya ako nakita. Pinipigil ko na ang hininga ko para 'wag n'ya mapansing may tao dito.
"Caleb? Is that you?" Aniya. Napapikit nalang ako at nagpakita na sakanya.
"A-Ah. Oo ako nga. S-Sorry kung naistorbo kita. Maaga kasi ako pumasok kaya pumunta ako sa library at narinig ko ang boses mo tapos nakita kita dito kaya--"
"Woah, woah. Easy there. Slow down. No need to explain. I don't own this library, haha." Pagputol n'ya sa sinasabi ko. Nakakahiya. Bakit nga ba todo paliwanag ako? "Anyways, I... I missed you. Ang tagal mo na akong hindi kinakausap eh. Kamusta?"
"O-Okay naman.. Ikaw?" Hindi. Hindi ako okay.
"I meant kamusta na kayo ni Regina." Aniya at yumuko. Regina? Bakit n'ya kakamustahin kami ni Regina?
"Anong kami ni Regina? Wala. Wala namang nangyayari sa aming dalawa, ah?" Yan ang sinabi ko. Ano bang meron saamin?
"Oh? I... I thought nililigawan mo s'ya." Aniya at yumuko ulit.
"Brianna. Wala na akong interest kay Regina. Sinabi ko na sayo 'yon dati pa. Ikaw. Kamusta kayo ni Axl?" Bad trip. Bakit ko ba tinanong kung kamusta sila? Gusto ko ring sinasaktan ang sarili ko eh.
"A-Axl.. Okay lang. He's a nice guy." Yan ang sinagot n'ya. Her vocie sounded so awkward.
"You love him?" Tanong ko. Please say no.
Natagalan s'ya sumagot pero sumagot rin s'ya agad ng, "Y-Yeah. I...I think I do." She said, stuttering. Kahit nauutal s'ya, malinaw sa'kin na mahal n'ya si Axl. Wala na akong magagawa do'n. I can't be selfish.
"Bakit hindi mo pa s'ya sinasagot?" Tanong ko. Ano bayan!? Ayoko na magtanong ng magtanong. Gusto ko ng umalis pero parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"W-Wala lang.. Pinapatagal ko lang. Dati kasi ang bilis ko s'yang sinagot." She replied.
"Ah. Mukhang tinadhana talaga kayo." Yan lang ang sinabi ko at aalis na sana nang magsalita ulit s'ya.
"Sinisugurado ko pa ang nararamdaman ko sakanya." Napaharap ulit ako sakanya dahil sa sinabi n'ya. "I.. I'm not sure if I really love him. Sana hindi ko na lang s'ya pinayagan manligaw muna. Sana sinigurado ko muna ang nararamdaman ko." Nagulat ako sa sinabi n'ya.
She.. She doesn't love Axl. Alam kong dapat ay matuwa ako dahil baka may pag-asa pa ako pero instead ay parang masama ang loob ko. Naaawa ako kay Axl dahil alam ko kung gaano n'ya kamahal si Brynn. Alam kong lahat gagawin n'ya para kay Brynn.
Hindi ko alam kung paano ako dapat magrereact kaya tumalikod na lang ako at naglakad na palayo.
End of Chapter XXV...