Thanks For The Memories (Comp...

By MsLonelyGurL

54K 1.5K 483

Ano gagawin mo kapag naging tatlo ang taong mahal mo? Masasabi mo ba na LOVE talaga ang nararamdaman mo o gag... More

Thanks For The Memories - Prologue (REVISED)
Chapter 1 - Special Day - UPDATED (6/29/14)
Chapter 2 - After Graduation - UPDATED (6/29/14)
Chapter 3 - Pretending to be okay - UPDATED (6/29/14)
Chapter 4 - Love at First Sight??? (UPDATED - 7/23/14)
Chapter 5 - Kaasar tong araw na to!!!!! (UPDATED - 08/11/14)
Chapter 6 - Its nice to be back - UPDATED (09/11/14)
Chapter 7 - Confession
Chapter 8 - Confession Part 2 / Confession of a Teenstar
Chapter 9 - First Day Of Classes
Chapter 10 - I'll be there
Chapter 11 - Bonding with the Teen Star (Part 1)
Chapter 12 - Bonding with the Teen Star (Part 2)
Chapter 13 - Is it real or just another CRUSH?ll
Chapter 14 - Concern ( Part 1 )
Chapter 15 - Concern ( Part 2 )
Chapter 16 - Let the Pain Remain
Chapter 17 - Kung Ako Na Lang Sana
Chapter 18 - Argument
Chapter 19 - Namimiss Kita
Chapter 21 - Coming Home
Chapter 22 - Letter
Chapter 23 - Call Of Attention
Chapter 24 - After heartbreak
Chapter 25 - Stay Calm!
Chapter 26 - Books
Chapter 27 - Review Session 101
Chapter 28 - Prepared
Chapter 29 - Pass or Fail
Chapter 30 - Secret Conversation Part 1
Chapter 30 - Secret Conversation Part 2
Chapter 31 - Important Announcement
Chapter 32 - His Secret Identity Part 1
Chapter 32 - His Secret Identity Part 2
Chapter 33 - Don't Go, Please?
Chapter 34 - Decision
Chapter 35 - Surprise
Chapter 36 - Jealousy!
Chapter 37 - Everywhere
Chapter 38 - Plan
Chapter 39 - Moment of Truth Part 1
Chapter 39 - Moment of Truth Part 2
Chapter 40 - What the f*ck!
Chapter 41 - Hugs & Kisses
Chapter 42 [Special Chapter 1] - Hidden Feelings
Chapter 43 [Special Chapter 2] - Sweet Revenge
Chapter 44 [Special Chapter 3] - Farewell
Chapter 45 - Two Boys
Chapter 46 - Transferees
Chapter 47 - Trust
Chapter 48 - First Move
Chapter 49 - Scene
Chapter 50 - Talk of Responsibilities
Chapter 51 - Unexpected Incident
Chapter 52 - Untitled
Chapter 53 - Untitled.1
Chapter 54 - Untitled.2
Chapter 55 - Who's the Secret Agent?
Chapter 56 - Final Chapter of Book 1
Thanks For The Memories - Epilogue
Final AUTHOR'S NOTE - EDITED!!!
Announcement!!
TFTM: Special Chapter

Chapter 20 - Unexpected Call

756 25 5
By MsLonelyGurL

***Dedicated again kay Janica Dolot :) Miss na miss na daw niya si Nickolabs niya kaya ayan :) nag-request na ibalik na si Nicko :) Busy nga si Nicko sa shootings at guestings eh :) I hope na magustuhan mo ang Update na to :) 

***********************************************

" Unexpected Call "

- Shayne's POV

" Excuse me, guys! Punta muna ako sa sulok. May tumatawag kasi. " Pinakita ko pa sa kanila ang screen ng phone ko para maniwala sila na may tumatawag.

Naniwala naman sila at dali-dali akong pumunta sa pinakasulok ng classroom at sinagot ang tawag ko.

" Oh bakit ka napatawag? " Pagtataka ko. Medyo maingay yung background ni Nicko. Siguro nasa set siya at nagshu-shooting ng pelikula.

" Sa makalawa susunduin kita dyan sa school mo as my promise to you few months ago. "

Ilang buwan din pala ang nakalipas mula nang nakasama ko siya. Sa kanya ko lang naramdaman ang kakaibang saya hatid ng kasama mo ay isang sikat na teen star at ako ay tagahanga niya.

" Ah . . Eh ano ? "

" Huh? "

Ano ba dapat kong sabihin? Na payag ako na sunduin niya ako sa makalawa? O tanggihan ko ang offer niya at unahin ko munang makipag-ayos kay Daniel?

Basta! Naguguluhan ako. Bahala na si batman!

" Ahm. Basta magtext ka muna o tumawag para alam ko kung nasa gate ka na ng school ko. "

" Okay. Ahm, Shayne maya tawagan kita ulit. Basta for my call. Ingat ka dyan."

*toot.toot.toot*

Bago pa ako makapagsalita ay ibinaba na ni Nicko ang tawag.

Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari ! Sabing ayaw ko muna mag-isip ngayon.

Pabalik na ako sa upuan ko nang biglang pumasok si Daniel sa room. Kasunod niya si Renz. May malamig na awra agad akong naramdaman at bigla ako kinabahan. Nilapitan ko agad ang tropa na kasalukuyan pa ring nagsa-soundtrip.

*Now Playing: Maalala Mo Sana*

Umupo agad ako sa armchair at tinabihan si Renz.

" Ano yung pinag-usapan niyo ni Daniel? " Bulong ko sa kanya.

" Ah! Wala yun! Nevermind that! Usapang lalaki yun. " Pagalit na sabi niya.

" Ok. " Maikli kong tugon.

Hay . . Napabuntong-hininga ako. Kanina pa akong gulong-gulo. Maraming nililihim ang tropa sa akin. May mga bagay bagay ako na hindi ko alam!

Bumalik na sa kani-kanilang mga upuan ang tropa. Magsisimula na kasi ang third class namin.

Maya-maya pa ay pumasok na ang next prof namin. Gaya ng nakalipas na mga araw, tulala na naman ako sa mga nangyayari.

Bakit ba pakiramdam ko. . .

Ang tagal tagal nang nawala ni Daniel sa akin? Para bang nangibang-bansa siya ng matagal na panahon?

Naguguluhan na talaga ako >.<

Ano bang dapat kong gawin?

Kailangan ko nang kausapin talaga ang tropa.

*****

- Nicko's POV –

Five minutes.

Yan lang ang binigay ni Direk sa amin para makapagpahinga then back to work na.

Umupo ako sa chair na nakalaan para sa mga artista na kagaya namin.

" Kenji, pakiabot nga yung phone ko. " Utos ko sa manager ko. Agad agad naman siyang umalis papunta sa dressing room para kunin ang phone ko.

Pinikit ko ang aking mga mata.

Unang nakita ko ang masayang mukha ni Shayne.

Ilang buwan na din ang nakalipas mula ng huli kaming nagkasama.

Tandang-tanda ko pa ang masasayang alaala namin. Napatawa at napangiti ko siya kahit na ang dami niyang problema.

Nakakamiss din pala siyang kasama.

Sana maulit muli ang nangyari.

Sana maramdaman na ni Shayne na hindi lang si Kris ang lalaki sa mundo. Marami pa dyan ang naghahanap ng babaeng mamahalin nila ng tapat at seryoso.

At higit sa lahat . .

Nandito lang ako para mahalin siya.

" Within 3 minutes magpapatuloy na tayo sa taping natin. Read your scripts and practice it well. " Sigaw ni Direk.

Tumingin ako sa wrist watch ko. 3 minutes nlng nga ang nalalabi.

Lumapit sa akin dala si Kenji dala ang script at phone ko.

" Tagal mo naman bumalik. Kukunin mo lng naman ang phone ko. " Reklamo ko.

" Tumawag kasi dyan si Kiro. Hinahanap ka. May pag-usapan yata kayo. "

Bakit naman tumawag si Kiro ng ganitong oras? Tong kapatid ko talaga!

" Okay. "

" Basahin mo na yang script mo at magsisimula na kayo. " Paalala ni Kenji.

" Oo mamaya. Tatawagan ko lang si Shayne. "

" Shayne na naman ! " Inis na sabi ni Kenji.

Dinayal ko na screen ng phone ko ang number ni Shayne.

Miss na kita talaga, Shayne.

Calling . . . Shayne

Mabuti at nag-riring ang phone niya.

" Oh bakit ka napataw ag? " Pagtataka niya.

Surprise ko ba naman na tawagan siya sinong hindi magtataka.

" Sa makalawa susunduin kita dyan sa school mo as my promise to you few months ago. "

" Ah . . Eh ano ? "

" Huh? "

Anong " ah eh ano " ? Ano bang pinagsasabi nitong si Shayne.

Naguguluhan ba siya o ayaw na niyang makasama ako?

" Ahm. Basta magtext ka muna o tumawag para alam ko kung nasa gate ka na ng school ko. "

" Last 2 minutes at mag-start na tayo. " Sigaw ni Direk.

Kailangan ko nang putulin ang call at papasadahan ko pa ng basahin ang script na binigay sa akin.

" Okay. Ahm, Shayne maya tawagan kita ulit. Basta wait for my call. Ingat ka dyan. "

*toot.toot.toot*

" Nicko, you only have 2 minutes left para basahin ang script mo. Maikli lang naman siya so madali mo matatandaan. " Paalala ni Kenji.

" Heto na nga oh? Babasahin ko na. "

Agad kong kinuha ang piraso ng papel na nasa tabi ko. Agad ko namang binasa, inintindi at tinandaan ang bawat letra ng script.

" Okay! Back to work na tayo . " Sigaw ni Direk.

Agad akong tumayo at naglakad papunta kay Direk. Magsisimula na naman kami ng taping.

Sinenyasan ko si Kenji na lumapit.

" Pakitext naman si Shayne na pakihintay ang tawag ko mga 10pm. Thanks. "

Sana mahintay mo ang tawag ko, Shayne .

*********************

- Shayne's POV –

" Sa wakas ! Uwian na ! " Sigaw ko sa classroom.

Nagsitayuan na rin ang iba ko pang mga kaklase gayon din ang tropa. Habang nag-aayos ako ng gamit ko, biglang nag-vibrate yung phone ko.

From: Nicko

" Hey. . Wait mo tawag ko  mga 10pm. After ng taping namin, tatawagan kita agad. "

Waaah ! >.< Kinikilig ako. Tatawagan na naman ako ni Nicko. Ako na talaga ang pinakamaswerteng fan sa buong Pilipinas ! >.<

Akala ko si Daniel lang ang namimiss ko, hindi ko akalain na namimiss ko din pala itong si Nicko.

Nilapitan ako ni Renz. May iniabot siya sa akin na isang papel na sa una ay mahahalata mo na love letter.

" Pinabibigay ni Daniel. Sa bahay mo na siya basahin. " Matabang na sabi nito at agad na lumabas ng classroom.

Anong sulat naman kaya ito? Baka love letter. Iniipit ko muna ito sa notebook ko.

> /// <

Ano ba naman itong iniisip ko. Makauwi na nga! At hihintayin ko pa ang tawag ni Nicko.

Sinukbit ko na ang bag ko at dali-dali akong lumabas ng classroom. Eksakto naman na kasabay ko ding lumabas sa classroom si Daniel.

Ang awkward. Emotionless lang siya. Dati-rati, kapag nakikita niya ako, binabati niya ako at kinakausap. Pero ngayon, kakaiba na.

Hay ! Miss na kita, Daniel. Kausapin mo na ako oh? Please ToT

Pababa na kami ng hagdan ng maramdaman kong nagba-vibrate ang phone ko. Agad kong kinuha ang pouch na  kinalalagyan ng phone ko.

Calling . . Kris

Bakit naman tumatawag to? Anong problema niya? Baka makikipagbalikan sa akin.

Agad kong sinagot ang tawag niya.

" Meet me now at Sta. Lucia East Grand Mall basement at foodcourt. Hintayin kita dito. May sasabihin ako sayo. Kindly text me if you're here. " Sabay putol ng tawag.

Ha? Ano daw? Tama ba narinig ko? Makikipag kita sa akin si Kris? Ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin?

Ano naman kaya ang dahilan ng kanyang pagtawag?

Nagmamadali akong lumabas ng school nang naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

Nilingon ko agad kung sino. Pero laking gulat ko nang si Daniel ang nakita ko.

" Hintayin ko bukas ang sagot mo sa sulat ko. I hope you'll understand me. "

Sabay bitaw sa kamay ko.

Hindi ko na inintindi ang sinabi ni Daniel at nagmamadali akong pumunta sa Sta. Lucia East Grand Mall para makipagkita kay Kris.

Ang mahalaga ngayon ay makipagkita muna ako kay Kris para malinawan na rin ako sa nararamdaman ko sa kanya.

Kahit na paulit-ulit niya akong sinasabihan ng HINDI NA KITA MAHAL . .

Heto pa rin ako, laging nandyan kung kailangan niya.

Manhid na talaga ako.

Bitter.

- Daniel's POV –

Kasabay ko ngayon si Shayne palabas ng school. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Kanina ng hinawakan ko ang kamay niya, bigla ako nakaramdam ng kuryente sa buong katawan ko. Parang gusto ko siyang hatakin at yakapin nang mahigpit kaso hindi ko magawa.

Kanina pa ako pinipigilan ng utak ko sa gusto kong gawin kay Shayne.

Patawid na kami sa kabilang kalsada nang sa hindi sinasadyang pangyayari ay nag-ring ang phone ko.

Calling . . Renz

Ano na naman ba kailangan nito?! Hindi pa ba makuntento sa sinabi sa akin na hayaan ko muna daw si Shayne para makapag-isip isip?

" Oh, ano kailangan mo? " Iritable kong sagot sa kabilang linya.

" Sundan mo si Shayne. Makikipagkita siya kay Kris ngayon. "

Ano?! (_ _ “)

Makikipagkita siya kay Kris? So si Kris pala ang kausap niya kanina sa phone.

" Eh bakit ko naman susundan? Hayaan na lang natin na mag-usap yung dalawa. Malay mo, yun pa maging daan para mahanap ni Shayne ang sarili niya. "

" Kung sabagay, tama ka. Basta yung pinag-usapan natin. 1 month mong hindi papansinin si Shayne. "

" Oo na! Hindi na kailangan pang ulit-ulitin! "

*toot.toot.toot*

Hay naku! Ano naman kaya nasa isip ng Kris na yun at gusto makipagkita kay Shayne?

Bakit ba ako nababahala?

Dapat nga maging masaya ako kasi magkakausap ng maayos yung dalawa.

Pero kinakabahan ako siguro dahil. .

Baka magkabalikan yung dalawa?

O baka lalong masaktan si Shayne?

Hayst! Ano ba itong naiisip ko!

Tama bang mag-MALING AKALA ako?

( _ _")a

Bahala na nga!

Basta susundan ko si Shayne.

Bahala na si Batman kung ano man ang mangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
2.4M 142K 46
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
4M 196K 101
✅ "We always long for the forbidden things." 𝐝𝐲𝐬𝐭𝐨𝐩𝐢𝐚𝐧 𝐧𝐨𝐯𝐞𝐥 ↯ ⚔︎ ʙᴏᴏᴋ ᴏɴᴇ ᴀɴᴅ ᴛᴡᴏ ᴄᴏᴍʙɪɴᴇᴅ ⚔︎ ...
9.9M 500K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...