She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 41

7K 134 18
By ShuperShimmer

© Shupershimmer

U gotta hide ur ass, bitch

Pangatlong beses na akong nakatanggap ng magkakaibang mensahe gawa sa pentel pen na nakasulatsa punit na yellow paper. Kung sino ang nagbibigay, wala akong alam. Kung bakit, hindi ko rin alam.

Noong nakaraang araw na natanggap ko ang unang sulat na may kasama pang mura sa unahan—may nag-doorbell sa bahay, at pagtingin ko, nakasingit ang papel sa pagitan ng dalawang bakal ng gate—si Josh ang una kong nasabihan. Kahapon ang pangalawa, at ngayon ang pangatlo.

Doon na ‘ko kinabahan.

Noong una, hindi ko kasi pinansin dahil baka may kung sino’ng adik lang ang nakatira ng Vulcaseal at napagtripan ako, pero sa pangalawang yellow paper, nadawit na ang pangalan ko.

“May kaaway ka ba?” tanong ni Josh nang pinakita ko na ang third message.

Umiling ako. “Wala, hindi ko alam kung bakit binibigyan niya ‘ko nito.”

“Alam na ba ‘yan ni Lawrence? Nagkita kayo kahapon diba?”

Umiling ulit ako sabay patong ng isang kamay ko sa armrest ng upuan sa bahay nina Josh. Nagkaroon na naman ng awkward silence na parang pareho kaming nag-iisip kung sinong may gawa no’n. Sabi ni Josh, posibleng si Brent, pero di ko pinansin. Hindi niya gagawin ‘yong gano’ng kababaw na bagay.

Naalala ko nang magkita kami ni Lawrence para lang kumain sa labas. Hindi gano’n katagal ang usapan namin, dahil hindi naman talaga kami makakapag-usap. Pano ba naman, nadamay pa sa lakad ang barkada niya—o baka, ako lang talaga ang saling-pusa, dahil hang-out nila ‘yon. Kaya wala akong time na sabihin sa kanya ang mga ganitong threats. Isa pa, nagkaroon kami ng konting away kahapon.

Hindi ko alam kung bakit biglang hindi na lang kami nag-usap. Basta, nabadtrip ako. 'Yon na ‘yon.

Naalala ko bigla ang nangyari kahapon, habang kasama ko sila.

“Guys, pili na kayo ng order,” sabi ni Peter habang nilalapag ng isang crew ang tatlong menu. Kinuha naman namin ni Lawrence yung isang card.

Kalalabas lang namin galing sa Araneta dahil nanuod kami ng PBA no’n, kasama sina Ully, Peter, Kristina, Robert, Luis, at si Nina. Hindi ko alam kung nasaan ang koreanang girlfriend ni Ully, pero nag-conclude akong break na sila.

At hindi ko rin alam kung bakit kasama si Nina.

Pero hindi ko na siya inintindi. Katabi ko naman si Lawrence at no’ng time na ‘yon, nakahawak pa ang isang kamay niya sa bandang bewang ko, na parang anytime pwede akong maligaw kaya nakakapit siya.

“Ano’ng sayo?” tanong ni Lawrence sakin.

In-scan ko ang menu, at karamihan, hindi pasok sa taste ko dahil puro ihaw ang pagkain, half-cooked o kaya smoked. Pero wala akong magagawa, kailangan kong makisama.

“Ano ba sayo?” binalik ko na lang ang tanong.

“Kaya nga tinanong ko yung sayo, para isang order na lang,” sagot niya sabay ngiti at binalik ko ang mata ko sa menu.

“Actually, wala akong gusto sa menu,” bulong ko sabay ngisi. “Pero mag-chopseuy na lang siguro—“

Biglang natawa si Nina, na nakaupo sa harap ni Lawrence, at napatingin ako sa kanya. Buong game, hindi ko siya nakausap dahil nasa magkabilang part kami ng seats. Ewan, di ko lang feel na kausapin siya. Kay Lawrence ko nga lang pinabalik yung cardigan ni Nina, e, at siya na ang nag-abot.

“Ano ka ba,” she tried to sound so friendly. “Hindi kumakain ng gulay si Lawrence. Napakaarte n’yan, no.”

“Kaya niya ‘yan,” simpleng sagot ko.

“Kung alam mo lang,” tumingin siya kay Lawrence, ngumiti, sabay ikot ng mga mata. “Kahit nga yung lettuce sa burger doon sa school namin, sini-separate niya. At yung niregalo kong Japanese Sushi no’ng last birthday niya, feeling ko nga hindi niya kinain.”

Tumawa na naman siya, tipong kailangan niyang magtakip pa ng bibig. Kaming tatlo lang ang nag-uusap no’n dahil busy sa pag-oorder ang iba. Pagtingin ko sa mukha ni Lawrence, hindi siya komportable at nasa menu list ang tingin niya.

So, binalik ko ang mata ko kay Nina na ini-scan ulit ang menu na hawak na niya. “Hm, why not yung beef steak?” she’d glanced upon Lawrence again. “Ipa-half-cook na lang natin dahil alam ng lahat na ayaw mo ng toasted.”

Without waiting for Lawrence to answer, she’d called the crew and ordered two beef steaks with rice and drinks. Without waiting for my order. Wow.

“Make it three,” habol ni Lawrence sa waiter.

Tumingin si Lawrence sakin pero nakita ko lang ‘yon through peripheral vision. Nagkunwari na lang akong abala sa pagbabasa ng text messages kahit wala namang nagtext sakin. Matagal ang order—siguro dahil hindi ‘to fast food—kaya na-left out ako nang nag-usap silang barkada tungkol sa bagay na hindi ko alam.

Pareho kami ni Kristina ng sitwasyon. Ang pinagkaiba lang, walang ex si Peter sa grupo, kaya okay lang. Hindi ko siya makausap dahil malayo ang upuan niya sakin. No choice.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ni Nina, pati ng barkada niya, inalis ko ang kamay niya sa bewang ko.

Dumating na ang order, with matching usok-usok pa, at naaamoy ko ang bango ng beef steak namin. Pero hanggang amoy lang yata ako dahil kanina pa ako nawalan ng ganang kumain.

“Sir, padagdag naman ng two chili sa sauce, thanks,” utos ni Nina sa waiter at umalis ‘yon. Pagkabalik ng waiter, binigay ni Nina ang isang maliit na sili sa saucer ni Lawrence.

I was pissed off again. But then, I had to breathe.

“Alam mo, hindi naman kami taga-Bicol ni Lawrence, pero pareho kaming adik sa maanghang,” tumawa siya nang bahagya habang dinudurog ang sili sa sauce. “Parang chewing gum lang samin ‘to.”

Ngumiti ako nang konti, para naman maapreciate ko ang concern niya. Hindi ko alam kung tama ba ang naisip ko, pero pinapahiwatig niyang ‘duh, ba’t ang dami mong hindi alam sa boyfriend mo?’

“Kumain ka na,” sabi ni Lawrence sakin at hindi ko siya nilingon.

Inalok niya sakin ang saucer niya at sumagot ako: “Sayo na ‘yan. Hindi ako kumakain ng maanghang.”

Sa kalagitnaa ng pagkain namin, nagsalita na naman si Nina at tinanong niya si Lawrence.

“When’s your flight? Diba, tuwing May, umaalis ka? Ikamusta mo ‘ko kina tita, ha!”

“Next week,” Lawrence answered and it somehow signaled her to keep quiet.

Nakita ko naman ang sideway glance niya, pero hindi ko na nilingon. Nagkunyari na lang akong alam ko ang flight-flight na ‘yan para hindi magmukhang engot sa harap ni Nina.

Pag nag-react ako, baka magtanong na naman siya ng: “hindi ba sinabi ni Lawrence?”

And so I shut myself, and became quiet for a long time. Hanggang sa ihatid niya ako sa kotse niya, hindi kami nag-usap. Nag-pretend na lang akong pagod, kaya pumikit ako habang nakasandal sa bintana ang ulo ko. Naririnig ko lang ang palitan ng hininga namin sa loob ng kulob na kotse, at kahit isang salita, wala siyang binanggit.

Hindi ako galit. Nawalan lang talaga ng ganang magsalita for the rest of the day.

Pwera na lang siguro no’ng nakarating kami sa bahay. Sabi niya: “Good night,” at tumango na lang ako.

***

Paglabas ko sa bahay ni Josh, nagmadali akong pumasok sa kwarto at kinuha sa drawer ang dalawang nauna. Pinagtabi-tabi ko sila sa ibabaw ng kama, at doon ko lang napansing pareho ang papel na ginamit. In fact, isang buong yellow paper na hinati lang sa tatlong punit.

Same penmanship. Different markers—the first and second were written with blue markers, and the last was with black ink.

Muntik na akong mapatalon nang umalingawngaw sa kwarto ko ang ringtone ng cellphone. Kinailangan ko pang huminga ulit bago damputin ang phone. Tumatawag si Lawrence.

“Oh?”

“Hi.” Nakarinig ako ng uneasiness sa sinabi niya.

“Hi,” bati ko habang nakatingin sa tatlong letters.

Gaya ng normal naming usapan sa phone, nangamusta lang siya at kung nakatulog daw ba ako nang maayos. Ako naman, sagot lang ng sagot, pero may time na ‘Oo’ at ‘Hindi’ lang ang sinasabi ko, kaya nagkakaroon ng dead-air. Most of the time, siya ang nagbabanggit ng tanong. Pero wala ni isa ang tanong na ‘Galit ka ba sakin?’

Hindi niya nabanggit ang awkwardness naming dalawa kahapon. Na parang hindi niya napansing nanlamig ako kahapon.

“May sasabihin ako,” sabi niya matapos ang ten-second silence.

“Ako rin,” sabi ko sabay hingang malalim.

Akala ko pa naman, about na kay Nina ang sasabihin niya pero mas iba sa inakala ko.

“Second week of May, pupunta ako kina Mama. Mga… five days siguro ako do’n,” sabi niya tapos may dumaan na namang anghel dahil tumahimik.

“Uh,” I bit my lips. “Sa Hawaii?”

“Yep,” sagot niya agad. “Birthday ni Papa sa 11. At last month pa nila ako pinipilit na pumunta sa kanila dahil… ilang buwan na rin.”

Hindi na naman ako nakaisip ng isasagot. Next week na ang alis niya.

“Ano’ng date ang flight mo?”

Matagal bago siya nakasagot. “Uh, May 9, 5:30 AM.”

“Napaka-agad naman,” sagot ko.

“Okay lang kung hindi mo na ako samahan do’n, dahil masyadong maaga. Isa pa, one week lang naman.”

“Okay…”

A part of me wants to ask, bakit ngayon mo lang sinabi? Pero naisip kong hindi naman siya pupuntang Neptune, at magbibilang ng buwan sa outer space kaya sinarili ko na lang. It’s not a big deal, seriously.

“Gusto sana kitang isama,” habol niya. “Pero syempre, ang hassle sayo dahil marami kang aasikasuhing documents, atsaka alam kong hindi ako papayagan ng mama mong isama ka sa ibang lupalop.”

I heard him chuckled, but not so audible. Do’n ko lang na-confirm na hindi talaga kami okay dahil scripted lahat ng nangyayari. Limited.

“Buti alam mo,” ngumiti pa ako.

“Ano pala’ng sasabihin mo?” he asked over the phone. I looked down at the three yellow papers above my blanket, and hesitated to say anything.

“Ah, sasabihin ko sanang mag-ingat ka sa byahe, i-message mo na lang ako sa facebook kung nandoon ka na. O kaya, kahit mag-text ka na lang. Bumalik ka nang buhay.”

I heard him sighed, and I realized he knew what is our issue. But we’re both trying to shove and ignore it, anyway.

“Pagbalik ko, bibisita ako dyan.”

“Sige.”

After saying our good-byes, we hang up.

***

Continue Reading

You'll Also Like

71.7K 1K 12
MOONLIGHT (Season 2) by ilovemitchietorres "Tell me the story about how the sun loved the moon so much he died every night just to let her breathe"...
1.7M 39K 55
'I gave you everything including my heart and soul. Now it's my turn to take everything from you. Everything. And that includes yourself, you made me...
82.3K 1.5K 43
Jerk. That's how you will describe Steve Alex Gonzales 4 years ago. Nakukuha niya ang babaeng gusto niya in a blink of an eye. Pero mukhang mapaglaro...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...