Polar Opposites

By JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... More

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
Think Positive
The Alexandrian Effect
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Living Improbability
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Fire and Blood
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

AC/DC

13K 444 23
By JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 4
AC/DC

For the first time since bumalik ako ng Pilipinas ay ginanahan akong pumasok ng school. Hindi dahil tinigilan na ko ni Alec (although kailangan ko na talaga syang mahanap) kung hindi dahil may kaibigan na ako; sila Louisse at Leone.

Sabi nila sakin ipapakilala din daw nila ako sa bandmates nila para naman hindi ako loner masyado. Ang hindi ko lang malaman sa sarili ko ay kung dapat ba ako maexcite o ano kasi naaalala ko pang pinaalis ako sa table nung isang kasama nila. Baka hindi katulad nila Leone na open sa akin ay baka itulak lang nila ako papalayo.

Naglalakad ako sa hallway nang mapansin kong madami nanaman ang nakatingin sakin. Wala naman akong dumi sa mukha nang pasimple akong nagpunas ng panyo, hindi din naman ako mukhang gusgusin dahil nagayos ako. So, anong problema?

"Siya ba yun?" Dinig kong bulong ng isang babae.

"Ang landi naman nya," Bulong ng kasamahan nya. "Nilalandi na nga nya si Alec tapos si Louisse naman ngayon?"

"Di na sya nahiya." Dagdag ng isa pang babae.

Okay, ano nanaman bang chismis ang kumakalat tungkol sakin?

"Sophie!" May narinig akong sigaw mula sa likuran ko kaya napalingon ako.

Natanaw ko si Leone sa kalayuan, mejo nahaharangan ng grupo ng freshmen.

"Hoy."

Nanlamig ang katawan ko nang marinig ang makapangyarihang boses na iyon.

"A-alec," Nanginginig ang boses na hinarap ko ang resident genius ng school.

Napasinghap ako nang makitang nakasuot sya ng tennis uniform, may nakasukbit na sports bag sa balikat, may tennis ball sa isang kamay at basang basa ng pawis.

Oh my gulay! Wet look si Alec!

Hindi ba uso ang pamunas sa bampirang ito? Nagniningning ang mukha nya sa pawis at yung mga mata nyang kulay ube ay gising na gising, alerto. Kaya naman pala madaming nagkakagusto sa bwisit na ito, iba ang itsura nya pag naka-athlete mode sya. Ang astig nya tingnan.

"Onti nalang maglalaway ka na." Walang ganang sabi ni Alec sakin. "Tabi jan, dadaan ako."

Naginit bigla ang dugo ko sa utos nya. Oo, utos kasi hindi naman pakiusap yung sinabi nya.

"Sayo na ba tong hallway?" Tanong ko. "Makasabi ka ng 'tabi' sakin parang pagmamayari mo na tong inaapakan ko."

Narinig ko ang kolektibong pagsinghap ng pagkagulat ng mga tao sa paligid namin. Nagkaroon din agad ng mga bulong bulungan.

"Lakas ng loob mo ah?" Makamandag na tanong ni Alec.

"Lakas ng hangin mo ah?" Bawi ko naman.

Ay teka, bakit ko sinabi yun?! Dapat nagsosorry na ako sakanya pero mukhang madadagdagan nanaman ang atraso ko.

"Are you asking for a death wish, Sophie?" Kalmadong tanong ni Alec. Pero yung pagkakabanggit nya ng pangalan ko ubod ng sarkastiko.

Gusto kong sabihing oo para lang inisin sya lalo kaso baka naman totohanin nya at matagpuan nalang nila ang bangkay ko sa gilid ng kalsada bukas. Hindi ko alam kung hangang saan ang kakayahan ni Alec sa pangbubully pero ayoko ng malaman.

"Hindi."

"Yun naman pala eh, tumabi ka na jan at nakaharang ka." Napangisi si Alec.

For a moment ay nanigas ako. May something sa ngisi nya, parang may spark! Yung violet eyes nya parang natuwa din. Pero saglit lang yun dahil umalingawngaw ang isang sigaw sa likuran ko.

"Sophie! Alec!"

Napalitan ng purong pagkamunghi ang kanina lang ay nakangising si Alec nang makita kung sino ang tunatawag samin. Halatang nainis sya dito.

"Tabi," Pabalang na sabi ni Alec at saka ako binunggo. Nahulog tuloy yung yakap yakap kong mga libro sa sahig.

"Alec! Sophie!" Isang sigaw pa ulit. Pero di ako lumingon, kung hindi ay yumuko ako para pulutin yung nangalaglag kong libro.

"Sophie, ayos ka lang?" May mga kamay na sumulpot sa tabi ko at tinulungan akong pulutin yung gamit ko.

"Okay lang ako, Leone." Mahina kong sagot.

Pagtayo namin tumingin ako sa paligid para hanapin si Alec pero wala na sya, nakaalis na. Kung kelan ko naman naiisipang humingi na sa wakas ng tawad dun sa demonyong yun saka naman sya mawawala sa paningin ko. Kahit naman kasi ang bully nya, nasampal ko pa rin sya.

"Wala na si Alec," Sabi ni Leone habang pinagmamasdan ako. "Nagmamadaling umalis nung nakita nya ako."

Napaisip ako. Bakit ganun? Iba kasi yung reaksyon ni Alec kanina.

"Bakit ka iniiwasan ni Alec?" Tanong ko. "Bakit parang ang init ng dugo nya sayo?"

"Mainit naman ata talaga dugo ni Alec sa lahat eh." Ngiti ni Leone at inilayo sakin yung libro ko nang tangkain kong kunin ito sakanya. "Hatid na kita sa room mo."

"Salamat nalang Leone pero hindi na kailangan, kaya ko ang sarili ko."

"Try mong tumingin sa paligid mo." Mahina ang boses ni Leone at ngiting ngiti sya.

Tumingin nga ako sa paligid at nakitang kahit malapit na tumunog ang bell ay marami pa ding mga estudyante. Nagbubulungan sila at mejo masama ang tingin sakin.

"Nakikita mo yung isang grupo ng babae dun malapit sa lockers?" Karagdagang bulong ni Leone. "Members yun ng notorious fans club ni Alec."

Kinabahan ako bigla. Sila yung nadaanan ko kanina na pinagchichismisan ako.

"Notorious?" Tanong ko, bakit parang sobrang sama naman pakinggan nun?

"Sa sobrang pagmamahal nila kay Alec nagagawa nilang mangbully at manakit ng kung sino mang may masamang sasabihin kay Alec." Nananakot na kwento ni Leone at inabot na ang isang librong yakap ko. "Balita ko kila Jecko number one ka na sa listahan ng mga yan."

"Ako? Number one? Listahan?" Napalunok ako. Tinanaw ko muli ang grupo ng mga babae malapit sa lockers at napagtanto na mukha nga silang bully. Isang tingin mo palang alam mo nang matataray sila.

"Oo. Kaya tara na, ihahatid na kita."

Nagsimula nang maglakad si Leone kaya sumunod nalang ako sakanya. Kakapalan ko na muna ang mukha ko, mabuti nang masaktan ang pride ko kaysa masaktan ang katawan ko.

Pinagtitinginan parin kami ng lahat ng nakakasalubong namin sa daan at kahit nacoconscious na ako ay iniisip ko nalang na ganoon nalamang sila makatingin dahil sikat at maganda si Leone.

"Sophie, ang tahimik mo. Ayos ka lang?" Puna ni Leone sakin.

"Oo naman."

"Pasensya ka na kay Alec ha? Di naman sya ganun dati eh."

"Pano mo naman nalaman? Matagal na kayong magkakilala?" Tanong ko.

"Hindi naman. Pero alam kong mabait sya."

"Leone, naging ---" Pero naputol na ang sasabihin ko dahil bigla syang sumigaw at kumaway kay Louisse na nasa entrada ng St. Joachim building at papunta sa direksyon namin.

Humalik si Louisse sa pisngi ni Leone bago ako nginitian. "Hi, Sophie. Goodmorning!"

"Goodmorning din, Louisse." Ngiti ko.

"Tara, hatid ka na namin sa classroom mo, Sophie." Alok ni Louisse.

"Ay! Kahit hindi na!"

"Wag ka na umangal. Tingin ka sa likod." Sabi naman ni Leone.

Napalingon ako pero wala naman akong nakita. Tiningnan ko lang ulit si Leone.

"Three classrooms away." Ngiti ni Leone.

Lumingon ulit ako at hinanap yung sinasabi ni Leone. Tatlong classrooms ang layo mula sa pwesto namin ay may isang grupo ng mga babae.

"Okay?" Nagtataka kong tanong kay Leone. "Anong meron sakanila?"

"Malakas kasi yang observation skills ni Leone." Paliwanag ni Louisse sakin. "Kung ano anong nakikita. Madali naman makalimot."

"Yung grupo ng mga babaeng yun kasi yung tinuro ko sayo kanina." Sagot naman ni Leone sakin. "Fans club yun ni Alec, sinusundan nila tayo."

"Hala! Ba't naman nila tayo susundan?!"

"Sikat ka na din kasi, Sophie." Mapangasar na sabi ni Louisse. "Tara na nga! Baka ma-late ka pa!"

Nagsimula na nga kaming maglakad, si Louisse kung ano anong pinupuna kay Leone. Kesyo hindi nanaman daw maayos yung kwelyo nya at hindi daw straight yung pagkakatindig nya. Wala namang ibang magawa si Leone kundi umiwas sa pagaayos ni Louisse sa kwelyo nya at ipaglabang tuwid naman yung tayo nya.

Pagtigil namin sa tapat ng classroom ko nagpaalam na silang dalawa at nagpromise na magkita nalang daw kami sa canteen mamayang lunch break.

Huminga ako ng malalim bago pumasok ng classroom. Tumahimik silang lahat ng makitang ako yung pumasok at para di naman ako magmukhang ewan, ngumiti nalang ako papunta sa upuan ko.

Nagbasa na lang muna ako tungkol sa Alternating and direct current habang wala pa si Mam.

Habang iniintindi ko yung binabasa ko ay biglang nagkaroon ng bulungan sa paligid ko. Napaangat ako ng tingin at nakitang pumasok na pala ng klase si Alec. Nakaligo na sya't nakapagpalit na ng damit kaya back to normal--well, not so normal look na si Alec.

Naupo sya sa upuan nya sa tabi ko at inilabas yung cellphone nya para maglaro.

Napatingin ako sa paligid, wala pa rin si Mam at busy na ang mga kaklase namin na wag gumawa ng kung anong makakaagaw ng pansin ni Alec. Pagkakataon ko na ito para humingi ng tawad.

"Alec?"

"Ano?" Pabalang na sagot nya. Pinakalma ko muna sarili ko at inintinding ganoon na talaga sya magsalita.

"Gusto ko lang sana humingi ng tawad." Sabi ko habang pinapanuod sya maglaro sa cellphone nya.

"Wala akong ibibigay na tawad sayo." Tinatamad nyang sabi at humikab pa.

"Hindi ko naman ginustong sampalin ka--"

"Lahat ng ginagawa natin ay ginusto natin at some point." Pagputol nya sakin at sagpit nya akong inangatan ng tingin. "Don't use that argument on me. Nakakasawa."

Napakunot ang noo ko. Bakit parang may hugot yung sinabi nya?

"Eh di sorry parin. Nasaktan kita eh." Pagpapatuloy ko kahit gusto ko ng sumuko at manahimik nalang sa upuan ko. Kung tutuusin sya dapat ang nagsosorry sakin, pero wala naman akong matatanggap na paliwanag galing sakanya kaya ako nalang ang magaadjust.

Lumingon sakin si Alec at may nakita akong kung anong emosyon sa mga violet eyes nya. Magsasalita na dapat sya pero pumasok na si Mam sa classroom.

"Miss Imperial! Welcome back! Bakit absent ka last meeting?" Bungad ni Mam Perez.

Humalumbaba lang si Alec, "Missed me?"

Kumunot ang noo ni Mam. "No, not really. But you missed one quiz."

"Quiz lang naman eh." Pagsasawalang bahala ni Alec. "Madali lang mahabol yun."

"Since you're so full of yourself, then I guess you'll have no problems going in front and tell us about Nikola Tesla and Thomas Edison?"

"Next time nalang. Tinatamad ako." Hikab pa ni Alec at yumuko na sa chair nya.

Tumaas ang isang kilay ni Mam Perez sa ginawang iyon ni Alec. Napatingin naman sakin si Mam since ako yung katabi ni bampira.

"Then I guess ayos lang kung si Miss Jaranilla ang pasasagutin ko?"

"Oo naman." Pagpapatuloy ni Alec ng paglalaro.

"Masagot man nya o hindi, sayo ko ilalagay ang puntos nya."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mam Perez. Gusto nya ba akong mamatay ng maaga?!

Napalingon ako kay Alec at nakitang nakakunot na ang noo nya kay Mam Perez. Patuloy na tumutunog yung cellphone nya kahit na hindi na nya ito nilalaro.

"Well, miss Imperial, do I have your full attention now?" Ngisi ni Mam Perez.

"Oh, you got my full attention all right." Bumawi ng ngiti si Alec dahilan para lumabas ang pangil nya. Napatingin ako sa klase at narealize na takot na takot na silang lahat.

May pinindot si Alec sa cellphone nya at tumigil na ang music na nanggagaling doon. Tumahimik sa buong kwarto na para bang nawalan na ito ng tao.

"Umayos ka na Alec," Pakiusap ni Mam Perez, "please."

Nagpalipat lipat ang tingin ko mula kay Alec patungo kay Mam Perez. May something ba sa dalawang 'to? Parang higit pa sa teacher-student ang relasyon nila. Magkamag anak kaya sila?

"Do I look broken to you?" Sarkastikong sagot ni Alec. "Maayos pa ako sa maayos, wag kang magalala."

"Yes, you look broken. But Alec, you're not beyond repair. Maaayos pa ang buhay mo. Wag mo naman sirain."

Mukhang sincere na nagaalala si Mam Perez kay Alec pero nang mapatingin naman ako sa resident genius ng school ay parang wala syang narinig na sinabi ng prof.

"Magturo ka na, ang dami mo pang satsat."

Napabuntong hininga si Mam Perez. "Miss Jaranilla, what is Nikola Tesla known for?"

Napamaang lang ako kay Mam Perez. "Mam?"

"You heard me miss Jaranilla. Sayo nakadepende ang scores ni Alec ngayon."

Napakamot ako ng ulo, hindi sigurado kung sasagot ba ako o hindi. Pag nagkamali ako baka malagot ako kay Alec, pag hindi naman ako nagsalita ganun pa rin ang kalalabasan ko. Alec will still be a threat.

Bahala na nga si Batman.

"Nikola Tesla is known for several inventions some of them are the alternating current, the X-Ray, the radar, and the hydroelectric powerplant."

Napatingin ako kay Alec, nananalangin na sana wala akong nasabing mali. Nakatungo lang sya at nakapikit.

"Very good, miss Jaranilla!" Biglaang palakpak ni Mam Perez. Napalunok ako sa direksyon ni Alec. Masama ang tingin nya sa guro.

Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayahan ni Alec, kaya ba talaga nya kalabanin ang isang guro? Kung oo, paano?

Honestly, ayokong malaman ang dahilan kung bakit takot maski sila Sir Chua sakanya, pero somehow, gusto ko na rin malaman. It's one thing to know about someone's abilities, another to see them at their limits.

"Miss Jaranilla, what about the War of the Currents?"

Nanlaki nanaman ang mga mata ko. Akala ko tapos na eh! Nako naman, yung controversial War of the Currents pa gusto nyang ipaliwanag ko eh panig ako kay Nikola Tesla dun! Hindi ko 'to maipapaliwanag ng walang bias at baka iyon pa ang lalong ikasama ko kay Alec. Mam Perez naman eh! Kung gusto nyo nang mamatay, wag nyo akong idamay!

"The war of the currents and so they call it, is the war between Nikola Tesla's Alternating Current and Thomas Edison's Direct Current in what electrical system should be used in every households--"

"Edison, the douchebag he is, publicly electrocuted animals using Tesla's alternating current, convincing the people that it was too dangerous for home use. He invented the electric chair, by the way." Pagsingit bigla ni Alec, napatitig lang ako sakanya. "Though, we now use Tesla's AC, he died broke and alone in a New York City hotel. Edison on the other hand died rich and famous because of being active in the business."

Lahat nakatingin kay Alec at sigurado akong hindi lang ako ang nakarinig ng mapait na pagkasabi nya ng 'rich and famous' at ng 'business'. May hinanakit ba sya sa pera, kasikatan at mga negosyo? 

Wait.....

Sa pagkakasabi nya ng douchebag kay Thomas Edison, ibig sabihin panig din sya kay Nikola Tesla!

Pumikit muli si Alec mula sa pagkakatitig ng masama kay Mam Perez. Huminga syang malalim at sa pagdilat ng mga kulay ube nyang mga mata, mas kalmado na ang mga ito. Pero ang galit, napalitan ng isang emosyon na hindi ko pa nakikita sakanya. Lungkot.

Lumingon si Alec sa direksyon ko at agad na nawala ang lungkot sa mga mata nya, napalitan ng gulat, na para bang nawala sa isip nya na nasa classroom kami kasama sya. Napailing sya sa sarili nya at dahan dahan ay inilabas nanaman nya ang mga pangil nya sa isang nakakatakot na ngiti saakin.

"Masamang tumitig, Sophie."

__________________________________________

A/N:

Okay, sorry sa sobrang tagal na update nito. As I said before, sa cellphone ko sya sinusulat kaya mas mabagal ako than usual. Sorry talaga if I kept you waiting. Kakatapos lang kasi ng finals namin (mabuhay ang mga trimestral!) tapos may trainings and games pa kami. Pagpasensyahan nyo na kung nasa ibaba ng list of priorities ko ang pagsusulat sa Wattpad.

Anyways, may nakikita na si Sophie kay Alec! HAHAHAHA Tao rin naman pala ito.
Pero ano naman kayang kadramahan ang meron sa buhay ng resident genius nila? Anong kinalaman nito sa mga imbentor na sila Tesla at Edison?

PS. Yung ilang nabanggit ni Sophie na inventions ay hindi credited kay Tesla. Pero sa mga patents nya ibinase ang paggawa ng mga ito kaya for that and for the sake of the story, sabihin nalang natin na si Tesla nga ang gumawa ng mga iyon. 
PSS. Ang chapter na ito ay isa pang patunay kung gaano ka geeky si author. 
PSSS. Pinipigilan na nya yan sa lagay na yan.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 58.4K 50
Frances Montejar was determined to win back her childhood ex-boyfriend, Miguel "Migs" Fuentabella. But when Migs came back from the US, Frances felt...
735K 29.2K 36
Ang mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin sya sakin, para akong nalulun...
71.8K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
1.7M 75.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...