Once We Were Real

By Imcrazyyouknow

3.9K 98 2

DISCLAIMER/WARNING!!! This story might serve or contains self-harm, suicide, cutting, explicit language. Plea... More

Copyright
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Epilogue

Chapter 19

107 4 0
By Imcrazyyouknow

Chapter 19


Two weeks na ang nakakalipas matapos ang insidenteng hindi inaasahan ng lahat. Inaakala nila na sa pananatili ni Leanne sa bahay ay mababantayan nila ito pero kahit anong paraan na ang ginawa nila para ilayo ito sa kapahamakan, tila si Leanne mismo ang lumalapit dito. Labis na pag-aalala, sari saring emosyon ang lumabas sa kanilang buong pamilya. Inakala nilang tuluyang mawawala sa kanila ang dalaga, hindi sila sumuko sa pagdarasal, hindi nila sinukuan malalapagsan ni Leanne ang pasubok na ito.

"Ley! Leanne!" mabilis na tumakbo si Loira sa kwarto ni Leanne nang mapanood ang balita sa tv gayong mga nagbabagsakan na gamit na nanggagaling sa kwarto nito. Hinihingal siyang marating ang kwarto nang madatnan ang kapatid na nakahalundusay sa malamig na lapag. "Lexus! Kuya Larry! Tulong!" tawag pa nito sa kanyang mga kapatid.

Nagsidatingan ang mga kapatid, hindi makapaniwala sa nasaksihan. Unti unting naglalabas ng bula ang bibig ni Leanne kaya mabilis na tumawag sa hotline si Lexus. Tinawagan naman ni Larry ang kanilang mga magulang. Napansin din nila kung anong pinapalabas sa tv, si Harvin at Anaries.

"Hindi sana si Harvin ang dahilan niyan." Ani Larry.

Mabilis na rumesponde ang tulong, nilagay sa stretcher si Leanne at mabilis na nilagay sa ambulansya. Sumunod na lang din naman ang mga kapatid nito. Nang makarating naman sila sa hospital, agad naman nilang pinuntahan ang emergency room pero pinagbawalan silang makapasok.

Few hours, ibinalita naman sa kanila ng doctor na good condition na si Leanne but the doctor suggested, that after this, kailangan na ni Leanne magpatingin sa isang specialist to support her self.

They have come with any thoughts, what ifs and so on but the one thing they want is maging okay lang si Leanne. This won't happen kung noon pa lang, pinakelaman na nila si Leanne at hindi na hinayaan pang umabot sa ganito ang sitwasyon. Unti unti unti naman nilang naiintindihan ang lahat, sa kondisyon ni Leanne pero hindi nila makuha kung bakit hirap si Leanne na i-open ang sarili, maging sa kanyang pamilya.

And also, Harvin got the news. Gustuhin man niyang bumisita sa hospital ay hindi niya magagawa dahil hindi maganda ang pahihiwalay nila—not in a relationship way—kundi kung ano man ang namamagitan sa kanila, tinapos na nila but he can't just watch her fall, kung may gagawin man siyang paraan, hindi niya alam kung magiging okay pa ang lahat.

"What's her condition now? Is she's making a progress?" tanong naman ni Loira sa doctor.

Tumango naman ito, "yes, I can see some differences from her action but it is still a long way para maging healthy state ulit ang condition ni Leanne. We're doing our best para magkaroon ng development and rest assured na kapag nakalabas na siya dito, muli niyo siyang makilala..."

"Pero doc, paano maiiwasan 'yong mga triggering thoughts and self-harming?" tanong naman ni Lexus.

"We're working on it, may mga activities kaming ginagawa para madivide ang pag-iisip niya from those things. It is step by step pero makukuha rin natin 'yan." Kahit papaano ay nakampate naman ang magkakapatid ng marinig nila ang balitang iyon sa specialist ni Leanne. "So, kung wala na kayong maitatanong, I can send her here para makausap niyo na—but remember, only good things lang because if it does trigger her emotion, she'll get distracted ulit, so iyon lang."

Nag-usap naman ang tatlong magkapatid na 'wag come up sa mga bad memories or anything na makakasama kay Leanne. Ilang saglit lang din naman ay dumating na si Leanne, inaalalayan naman ito ng mga nurse hanggat sa lumapit na mismo ang mga kapatid nito at agad na sinalubong ng yakap.

Nakatulala lang din naman si Leanne, tinitingnan ang mga mukha ng kapatid niya. Hindi napigilan ni Loira ang mga luha niya, natatawa naman siya ng pinunasan niya iyon. Sumunod namang niyakap ni Lexus ang kapatid niya, tila pinipigilan niya ang mga luha niya. Si Larry ang huling yumakap sa kapatid saka niya hinalikan ito sa noo, sa sobrang pagkamiss nila sa kapatid ay naging emosyonal na lang silang lahat.

Dinala naman nila si Leanne sa isang table doon, saka naupo.

"Mom and Dad can't come today but they will visit you, tomorrow or next week." Hindi naman umimik si Leanne. "But we brought your favorite graham cake, wait, I'll give you a slice."

Habang naghahati naman si Loira ng isang for each of them, kinausap naman ni Larry ang kapatid niya.

"How are you Leanne? The house misses you, your room, us. Saka kapag bumalik ka na, magbo-bonding tayong lahat, anywhere we want."

"Totoo 'yan?" tanong ni Lexus pero pinandilatan naman siya ng kapatid nito, saka sumang-ayon na lang din. "Of course, sa California, Hawaii or Japan, your choice."

"Okay, enjoy!" binigay naman ni Loira ang plate sa kanyang kapatid. "Go on, Ley, I know they don't serve food like that here and I know you misses it a lot and sure, you can share it with anyone, your friends here."

Nang abutin naman ni Leanne ang kutsara ay nagsimula na ring kainin ng magkakapatid ang kanila, hindi nila pinanood si Leanne na kumain, hinayaan na lang nila ito kahit paunti unti lang ito pagkain nito.

Sa buong oras, kahit puno ng kwento si Loira, hindi naman nagsasalita si Leanne, may mga reaksyon naman itong hindi mo aasahan pero hindi na nila inintindi iyon dahil baka masama pa dahil kung doon pa lang alam na nila kung itutuloy o ititigil ang kanilang mga sinasabi.

"Will I ever get back home?" nagkatinginan naman ang tatlo ng magsalita si Leanne, "Am I still welcome?"

"Of course, you are, Leanne, ano bang pinagsasabi mo?"

Leanne just shrugged, "just asking if I'm still part of the family." Nang tumayo naman si Leanne saka kinuha ang Tupperware ng graham cake, "kailangan ko nang magpahinga, salamat..." mabilis namang tumalikod si Leanne sa kanyang mga kapatid at inalalayan ng mga nurse pabalik sa kanyang kwarto.

Hindi naman maipinta nang tatlo ang kanilang reaksyon sa nangyari. Hindi nga nila inaasahan na magsasalita si Leanne, hindi rin nila inaasahan na gano'n na lang sila tatalikuran nito. Wala naman silang nasabing makakaapekto sa kalagayan ni Leanne, inisip na lang nila na gusto nito mapag-isa.

Paalis na ang magkakapatid ng bigla nilang makasalubong si Harvin. Hindi naman nila inaasahan ang pagbisita nito sa kapatid nila dahil nga sa nangyari noong nakaraan.

"Anong ginagawa mo dito Harvin?' tanong naman ni Loira.

"Gusto ko sanang kamustahin si Leanne pero mukhang kakagaling niyo lang din sa kanya, babalik na lang ako sa susunod na araw..." aniya, tumalikod na kaagad si Harvin pero tinawag naman ito ni Larry.

"Huwag ka nang magbalak, Harvin." Aniya kay Harvin, "hindi namin sigurado kung ikaw ba talaga ang dahilan kung bakit mas pinili na lang niyang wakasan ang buhay niya, ikaw na mismo ang lumayo sa buhay niya. Nagiging maayos na ang kondisyon ni Leanne ngayon..."

Napayuko na lang si Harvin, "hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari, pero sa umpisa pa lang siya na mnismo ang naglalayo sa akin. Siguro nga tama ka Larry, hindi ko na kailangan pang ipagpilitan ang sarili ko sa kanya."

"Masaya ka na diba? May iba ka na diba? 'Wag mo nang sirain ang buhay ng kapatid ko." ani Lexus. "'Wag mo nang isipin na magiging parte ka pa ng buhay niya."

"Sa totoo lang ang hirap pakawalan ng isang tao na naging parte na rin ng buhay ko. Oo, totoo 'yong nararamdaman ko kay Leanne kaya mas masakit para sa akin na hindi niya gugustuhin na magkaroon ng kinakasama. Pinili niyang lumayo sa akin, lumayo ako, tinanggap ko kahit masakit..." namumugto na ang mga mata ni Harvin. "Sorry... kung ano man ang nagawa ko sa kapatid niyo.

Sa huli ay nakatanggap ng yakap si Harvin sa magkakapatid. Napagdesisyunan din ni Harvin na lalayo na siya at hindi na guguluhin si Leanne. Iyon ang naging kasunduan nila.

Kalahating oras din naghintay si Harvin sa sasakyan niya, hindi niya alam kung anong gagawin. Uuwi ba o makikipagkita kay Leanne. Oo, alam niya iyong napagkasunduan niya sa mga kapatid ni Leanne pero hindi siya mapapanatag hanggat sa huli, hindi maayos ang lahat sa kanilang dalawa.

Walang ibang pumasok sa isip ni Harvin kundi ang bumalik sa loob. Kaagad siyang lumapit sa receptionist para maipabigay alam na may bisita si Leanne. Naghintay si Harvin sa lamesa doon, nang ilang saglit lang din naman ay inilabas si Leanne, natigil naman ito ng panandalian.

"May problema ba, Leanne?" tanong ng nurse sa kanya, umiling naman ito at itinuloy sa lamesa kung nasa saan si Harvin. "Mabilisan lang tayo ah, may session si Leanne mamaya."

Tumango naman si Harvin doon at binalik ang tingin sa babaeng kaharap niya. Gustuhin man niyang abutin ang kamay nito, pinigilan niya ang sarili niya.

"Kamusta ka na, Ley? Ayos ka lang ba dito?"

Tiningnan lang siya ni Ley saka ito tumayo, agad namang hinawakan nito ang kamay nito pero agad na inalis ang mga kamay ni Harvin sa kanya.

"Umalis ka na please, bakit ka ba nandito, ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito."

"Leanne..."

Mabilis namang lumapit ang mga nurses para paalisin si Harvin.

"Kung ano man ang nagawa ko, sorry Ley, hindi na mauulit." Aniya bago siya pagtulakan pa.

"Sir, kung hindi ka pa aalis, tatawag na ako ng security." Babala ng nurse.

Wala rin namang nagawa si Harvin kundi ang umalis na lang. Kahit anong gawin niya, kung mag-sorry man siya, hindi naman iyon magiging sapat para sa kung anong epekto na ginawa niya kay Leanne.

Siguro, hindi lahat, sorry ang katapat, minsan kahit ikaw, hindi pa rin sapat. Sa paglayo ng isang tao, doon mo lang mare-realize na masaya ka na kahit hindi na siya ang nagiging dahilan ng pag-ngiti ko.

Dahil sa nangyari, tumagal pa ng ilang buwan si Leanne sa rehab para tuluyang maka-recover. Nalaman ng magkakapatid ang pangyayari, pinalagpas na lang nila ang ginawa ni Harvin dahil ang mahalaga sa kanila, si Leanne.

"Sa tingin mo, may pag-asa ba tayong makalabas dito?"

Tumango naman si Leanne, "meron pero ang pagiging buo mo, wala na..."

Continue Reading

You'll Also Like

15.1K 465 8
Anya and Grae. Marriage is sacred. It is the combination of two people who are deeply in love with each other. Anya and Grae have been together for y...
628K 39.4K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.2K 282 61
Ang Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig