Mark My Words (Book 3)

By MsjovjovdPanda

954K 25.5K 1.7K

(Book 3) of Campus Prince Meets Gangster Princess. This is the 3rd generation. 2017 by MsjovjovdPanda. Ezen K... More

Mark My Words
The Generation
Trailer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
New Characters Profile
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Special Chapter One #ChaiZen
Special Chapter Two #ChaiZen
Special Chapter Three #ChaiZen
Special Chapter Four #ChaiZen
Pasasalamat ng ating mga bida:
Achievement
BOOK 4 is up!

Chapter 22

7.6K 252 10
By MsjovjovdPanda

Chapter 22:

"Nay, Tay, ano po ba 'yong sinasabi n'yo hindi po ako buntis!" Natatarantang sabi nitong si Bansot. Matapos ay napatingin siya sa akin.



"Ah, p-pasensya na hindi yata naintindihan nila Nanay at Tatay." Sabi niya sa akin. Tapos muli niyang ibinalik ang tingin niya sa mga magulang niya.



"Nay, Tay, kaya po ako ginabi kasi nadisgrasya po kaming dalawa kanina. Magkasama po kami kaya nasabi niyang na disgrasya niya ako pero ang totoo po tinulungan niya ako."



Bigla akong nagtaka sa sinabi niya. Bigla yata umihip ang isang mabuting hangin. Bakit ayon ang ipinaliwanag niya? "HaHaHa!" Nang bigla namang nagtawanan ngayon itong mga magulang ni Bansot. What the heck! May lahi ba silang baliw?



Nagtataka lang akong nakatingin sa kanila ngayon. "Sabi sa 'yo Honey, hindi buntis ang anak natin e hahaha." Sabi nung Nanay niya.



"Hahaha oo nga Honey, eh akala ko kasi. May nalalaman pa tayong pag-iyak hahaha." Sabi naman nung Tatay niya.



"Stupid!" Bulong ko.



Pagtingin ko naman kay Bansot nasapo niya 'yong noo niya dahil siguro sa ipinakitang ka-weird-uhan ng mga magulang niya. Ang weird naman kasi talaga nila. "May sinabi ka ijo?" Tanong nung Tatay niya kaya mabilis akong napailing.



"Wala po, haha, sabi ko po tama po 'yong sinabi nung anak ninyo."



Tumango sila matapos ay tumingin kay Bansot. "Ano ba namang Bata ka! Bakit kasi hindi ka nag-iingat ha? Mabuti nalang nailigtas ka nitong si Poging Kulot." Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nitong Nanay niya. Matapos ay tumabi ito sa akin.



"Anong pangalan mo ijo? Ang ganda ganda naman nitong buhok mo oh, parang wig."



"Aba'y oo nga, pero hindi siya wig Honey, totoo 'to."



Kita ni Bansot kung paano nagsalubong ang dalawa kong kilay ng paglaruan ng mga magulang niya ang maganda kong buhok. "Ah, N-nay, Tay, aalis na po siya." Aniya. Matapos ay inalis niya ang mga kamay nitong nasa ulunan ko dahil kanina pa ako nagliliyab sa galit.



"Ano kamo aalis na siya? Ay, 'wag na muna, nako dahil iniligtas ka niya marapat lang natin siyang imbitahan sa hapunan natin anak." Tumayo ang Nanay niya.



"Ijo, halika na. Sumunod na kayo ni Chai, masama pinaghihintay ang pagkain anak." Saad ng Tatay niya.



Nang umalis na ang mga 'to papuntang kusina kaagad kaming nagharap dalawa. "Humanda ka sa akin sa Campus." Sambit ko kaya nakusot ang mukha niya.



"H-Hindi ko naman akalain na ganito e!" Reklamo niya.



"Chai, ano ba?! Halika na kayo rito!" Sigaw ng Nanay niya.



Nginisian ko lang siya matapos ay dumeretso na kami papuntang kusina. Pero shit lang bigla akong nauntog sa samento dahil ang baba ng kusina nila. Doon ako mismo nauntog sa hamba ng pintuan. Bigla akong napahawak sa noo ko. "Shit." Sambit kong mahina. Ang sakit fuck!



"Naku, ijo!" Naglapitan ang mga magulang nitong si Bansot sa akin.



Mabilis nila akong pinaupo. Kaagad na kumuha ng bimpo ang Nanay niya at hinipan niya ito tsaka idinampi sa noo ko. Ang sakit. Parang may bukol yata. Pagkatingin ko naman kay Bansot tumatawa siya. Stupid. Karma ba sa akin 'to? Pareho na kaming may bukol sa noo ngayon.



"Honey, may bukol ba siya? Tignan mo." Sabi nung Tatay niya.



"Ijo, masakit pa ba?" Tanong naman sa akin nung Nanay niya.



"Ah hindi po. Okay na po ako." Shit, nakakainis!



"Sigurado ka ijo, ha?"



Tumango nalang ako. At pagkatingin ko naman sa pagkaing nakahain bigla akong napatakip ng ilong ko. Shit, ayon 'yong pagkain ni Bansot kanina sa Canteen 'yong fried yucky fish. Maya-maya pa sinipa niya ako ng palihim sabay pinanlakihan niya ako ng mga mata niya.



Parang ang pinapahiwatig niya alisin ko 'yong kamay na nakatakip sa ilong ko at 'wag akong umarte sa harapan ng mga magulang niya. Sa inis ko nilihis ko ang tingin ko sa kanya sabay na nagkasalubong ang dalawa kong kilay habang inalis ko ang kamay kong nakatakip sa ilong ko. Pero shit! Kakainin ko ba talaga 'to? Ayoko talaga ng amoy nito. Stupid! Ang lansa.



"Ijo, ito ang para sa 'yo, masarap 'yan, isaw-isaw mo rito sa toyo na may sili. Alam mo bang bihira lang kami makakain ng ganto kasarap na isda kaya kumain ka ng kumain ha?"



Habang nagsasalita 'yong Nanay niya pinaghihimay ako nito ng ulam at hinahainan ng kanin. "Ijo, kumain ka nang kumain." Sabi naman nung Tatay niya habang si Bansot nagsisimula na siyang kumain. Bakit ganon parang sarap na sarap sila sa kinakain nila?



"Ijo, okay ka lang ba?"



"Hindi ka ba kumakain ng ganitong ulam, ijo?"



Muli kong naramdaman ang pagsipa ng mahina ni Bansot sa paanan ko dahilan para sumagot ako kahit hindi ko gusto. "Uh, hindi po. O-okay lang po n-nakain po ako niyan." Ngumiti ako ng pilit sa harapan nila. Shit talaga, pahamak 'tong Bansot na 'to.



"O, sige kain ka na."



Matapos akong hainan ng Mama niya kumain na rin ito kaya nagsimula na rin akong hawakan ang kutsara at tinidor ko. Kahit hindi ko gusto 'to sapilitan kong tinikman 'yon pero okay naman pala ang lasa. Pagkatingin ko naman kay Bansot nag thumbs up siya, pahiwatig na okay 'yong pagkaing 'to.



Sa 'di ko naman malamang dahilan napangiti nalang din ako at nagthumbs up sa kanya kaya natuwa ang mga magulang niya sa aming dalawa. It's delicious. This dish is unforgettable.



"Ijo, gusto mo pa ba? Kain lang nang kain ha? Feel at home ka rito sa bahay namin. Welcome na rin at ikaw ang unang dinala ni Chai dito sa bahay namin." Kuwento ng Tatay niya.



"At kapag may time ka balik ka lang ulit dito, ipagluluto kita. Pero sana kapag bumalik ka rito e wala ng nangyari sa inyong masama ni Chai ha?" Mabilis akong tumango saka ngumiti matapos ay kumain pa ulit ako nang kumain.



Ilang minuto pa natapos na kami sa pagkain at kuwentuhan. Minabuti kong magpaalam na rin sa kanila dahil sobrang gabi na kasi. "Naku ijo, ang yaman mo pala ano? May kotse ka? May driver ka rin oh." Biglang sabi nitong Tatay ni Bansot.



"Oo nga ijo, saka alam mo ba hindi pa kami nakakasakay sa ganitong mamahaling sasakyan. Ipasyal mo naman kami minsan." Sabi naman nung Nanay niya. Nandito na kami sa labas at hinatid nila ako. Tumango nalang ako dahil gusto daw nila ang bagay na 'yon. Nakakatuwa sila. "Aaah, salamat ijo."



"Welcome po." Nakangiti kong sagot.



"Grabe ijo, kung ikaw ang magiging boyfriend at mapapangasawa nitong si Chai e pasadong pasado ka na sa amin."



Kaliwa't kanan ang tingin ko sa kanila habang natango tango lang ako. "Nay, Tay, ano ba naman po kayo. Magkaklase lang po kaming dalawa ni Ezen." Reklamo naman nitong si Bansot.



"Kung ganon Ezen ang pangalan mo ijo? Naku bagay na bagay sa 'yo lalo na sa kulot mong buhok."



The heck, okay na e. Dinugtungan pa.



"Siya nga. Oh, siya sumakay ka na at magpahatid pauwi sa inyo. Maggagabi na. Ijo, mag-iingat ka ha?"



Pinagbuksan nila ako ng pinto ng kotse kaya pumasok na ako sa loob. Ilang minuto pa pinaandar na nitong driver ko ang kotse kaya nagpaalam na ako sa kanila ng tuluyan. Bigla akong napangiti sa 'di ko malamang dahilan. Ang weird kasi nila pero ang sarap kasama.



Nilingon ko muli ang bahay nila pero si Bansot nalang ang nakikita kong nandon at may hawak siyang baunan, 'yong baunan niya kanina sa Canteen.



Tanaw ko 'yon hanggang dito. Sa tingin ko 'yong pagkaing natapon nita kaninang tanghali sa Campus ipinapakain niya 'yon ngayon sa mga pusa. Tss, kaya pala sinabi niyang may mangangailangan pa non. Muli akong bumalik sa pagkakaayos ko ng upo sabay napangti ako.






(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 175 47
Mi Querido, Espérame My Dear, Wait For Me Maximo Isidro y Valencia has traveled to the future from the year 1896, during the Philippine Revolution. T...
276K 7.2K 70
Akala ko siya ang aayos sa buhay ko, pero akala ko lang pala yun. LANGUAGE:English & Tagalog STATUS:Completed BOOK 2:Clashmate2:Way Back Into Love (C...
416K 6.2K 43
pano kung nag transfer ka tapos hindi mo alam kung ano batas sa school na yun do you think your enemy became your love one? Well find out
1M 36K 70
What if magkatagpo-tagpo ang mga kabataang ayaw sa isa't isa o kung baga COMPLETE OPPOSITE ang kanilang mga pag uugali! magkakaroon kaya ng LOVE sa p...