She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 37

6.5K 163 17
By ShuperShimmer

WHAT: MINI BOOK SIGNING OF LIB

WHO: LIB WRITERS (KASAMA AKO!)

WHERE: SM MARILAO (BULACAN)

WHEN: JUNE 22, SUNDAY, 12-3 PM.

KITA KITS PO TAYO! LALO NA SA MGA MAY HOME SWEET HOME BOOK COPY. Heart! 

-shimmer

***


Chapter 37

© Shupershimmer

Thirty minutes ago pa ang pagkikita nila ni Brent, yet hindi pa ‘rin niya ako kinakausap hanggang ngayon.  Gusto ko sana siyang kausapin pero parang highblood pa ‘rin siya. Naiintindihan ko naman ‘yon, e.

“Gusto mong manood ng movie?” tanong ko sa kanya habang nasa harap kami ng TV.

Umiling lang siya, pero hindi masyadong gumalaw ang ulo niya. Huminga ako nang malalim—pasensya, please, pasensya.

“Ayaw mo talagang kumain?” inalok ko pa ang hawak kong Pic-A. ‘Di na siya sumagot.

Kanina ko pa kasi siya inaalok ng binili ko sa 7/11 pero tumatanggi siya, at walang ginalaw ni isa sa mga pagkain ko. Kailan ba ‘to magsasalita? Nauubos na pasensya ko, kanina ko pa siya sinusuyo.

What hurts me more is that he’s trying to sit away from me. He doesn’t even look at me.

“Alam kong galit ka, pero sana magsalita ka,” nilapag ko ang Pic-A sa mesa. “Pa’no tayo mag-uusap kung ako lang ang nagsasalita?”

That’s the best thing I could say. Pag ito hindi parin niya pinansin, at hindi kumibo, aakyat na lang ako sa kwarto at magsasara ng pinto. Ayokong magtalo kami—for God’s sake, ngayon lang ulit kami nagkita.

“Lawrence,” I pressed my lips. “Kung ano man yung nakita mo kanina, kalimutan mo na. Hindi ko naman expected na pupunta si Brent sa bahay. Wala siyang sinabi, basta na lang siyang nagtext kanina.”

Diretso lang ang mga mata niya sa TV, pero ramdam kong pinapakinggan niya ang sinasabi ko. Nakakainis siya kapag ganito.

“Pero hindi mo na sana siya sinuntok kanina—“

“Bakit hindi?” pagsingit niya nang may naiiritang tono.

“Hindi mo naman kailangang gawin ‘yon.”

He turned his head toward me, frowning. “Kailangan kong gawin ‘yon, for Pete's sake. Nakakalalake siya. Kung ikaw kaya ang nasa pwesto ko, at makikita mong may humahalik sa girlfriend mo—puta—akala mo masarap sa pakiramdam? Pinagmukha niya kong gago!”

He erupted, at last. Dire-diretso ang linya niya na parang kanina niya pa minemorize sa isip habang tahimik. Walang palya, walang bulol, walang dead air. His jaws are obviously clenching hard.

“Hindi ko alam na gagawin niya ‘yon—“

“Pero tinanggap mo.”

“Hindi ko tinanggap!” I protested. “Hinila niya na lang ako basta-basta!”

“Pero kung ayaw mo talaga, pwede ka namang umiwas, diba?” he glanced at me. “Kung talagang ayaw mo, nakaya mong ilayo ang mukha mo sa kanya.”

I don’t know, but I’m hurt. Siguro dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. Tipong, kinakapos na ang boses niya sa galit, at nakikita ko ang ugat sa leeg niya. I can see the redness of his eyes, and I know I hurt him—that much. I feel bad.

“Alam ko naman na may space pa rin siya d’yan sa puso mo. At hinding-hindi mo madadaya ang sarili mo,” umiwas siya ng tingin nang makita niyang tumulo ang luha ko. “Pero alam mo kung ano’ng masakit? Pinamukha mo pa kasi sa’kin.”

Kung kanina, ako ang salita ng salita, at siya ang tahimik; ngayon, baligtad na. Ako na ang walang masabi, at siya ‘tong salita nang salita.

Pinunasan ko na lang ang nasa mata ko gamit ang manggas ng blouse ko, at pinagmasdan ang TV commercial tungkol sa family planning.

Gustong-gusto ko siyang yakapin, para malaman niyang okay lang ang lahat. Gusto ko siyang hawakan, para alam niyang importante siya sakin. Gusto kong humingi ng sorry, para malaman niyang sincere ako sa kanya. At wala akong inetensyon sa nangyari.

I did. I reached for his hand, resting on the couch. In-e-expect kong kakalas siya pero buti at di niya inalis. Magkahawak ang kamay namin, pero hindi intertwine—mas maluwag ang hawak niya, kaysa sakin. Nevertheless, hawak niya parin ako. Okay na rin kahit paano.

“Sorry,” I mumbled, looking down. “Hindi ko talaga sinasadya. Sorry.”

My eyes are pooled with inevitable tears. Nakakainis talaga, napakahina ko pagdating sa mga ganito. Napakababaw ng luha ko, at napaka-sensitive. Nakayuko ako no’n at kinagat ko ang labi ko para hindi ako mag-sob.

“’Wag ka ngang umiyak,” he whispered. “Baka mamaga ‘yang mata mo, at isipin pa ng nanay mong pinaiyak kita.”

Kung kailan sinabi niyang wag akong umiyak, saka naman ako umiyak nang may ingay. Hindi ko nga madistinguish kung alin ang sipon sa luha.

“I said stop crying. It makes me feel worse.”

Binitawan niya ang kamay ko, at nakita ko sa gilid ng mata ko na tumayo siya. Daglian kong pinunasan ang basa sa mukha ko at nakita ko ang likod niya, papunta sa pinto.

“Sa’n ka pupunta?” tanong ko, sabay tayo.

“Uuwi na ‘ko,” binuksan niya ang pinto, at hindi man lang ako nilingon kahit isang segundo.

“Agad?”

He stood in the doorway, his back in front of me. Sa totoo lang, ayoko pa siyang pauwiin, dahil kakarating niya lang, pero sa asta niya ngayon, parang ‘di ko siya kayang pigilan. Mainit pa ang ulo niya. Ramdam ko ‘yon.

“Pumunta lang naman ako para makita ka,” lumakad na siya papunta sa gate.

Every step of him, a knife stabs me at the back. Tumalikod na lang ako, sinunggaban ang Pic-A, nang may sama ng loob, at hinanakit, hanggang sa narinig ko ang pagbukas-sara ng bakal na gate sa labas. I shut my eyes, and sighed.

Dali-dali kong kinuha ang phone sa bulsa ko, at nagtype nang mabilis na mabilis sa text message ko kay Lawrence.

To: Lawrensha

Pag ‘di ka bumalik sa bahay, BREAK NA TAYO.

 

Send. Alam kong blackmailing ang ginawa ko, pero kung ‘yon ang paraan para bumalik siya rito, gagawin ko. I am just hoping it will work—the break-up blackmail. Pero kung hindi, ewan ko na lang kung kaya kong panindigan ang text.

Kinakabahan ako habang nakaupo. Naubos ko na ang Pic-A, pati ang C2, pero wala pa ring kaluluwa ni Lawrence. I cursed myself.

Hanggang sa narinig ko ang doorbell sa may gate. Napatayo agad ako sa kinauupuan ko, nagsuot ng tsinelas, at naglakad nang marahan para di halatang excited ako sa ‘return’ niya. I even grinned, feeling winner.

But then, expectations will just give disappointment.

“J-Josh, bakit?”

“Dinala ko lang yung iba pang cut-outs.”

And he never even returned. He had a choice, but he opted to go away.

***

Kinagabihan, tumawag ako sa cellphone ni Lawrence, pero out of reach. Nag-send ako ng ilang text messages, pero kahit isang reply, wala akong natanggap. Pati nga sa FB, nag-message ako, pero kahit ‘seen,’ wala. Hindi niya binasa.

Kinabukasan, tinext ko si Peter, pero mayaman yata siya sa load kaya imbes na replayan ako, tumawag na lang siya sakin.

“Hi, Darla,” bungad niya.

“Hello, kasama mo si Lawrence?”

“Hinde,” pause. “Bakit? Hindi mo makontak?”

“Parang gano’n na nga,” nahihiyang sagot ko. “Pero nakatext mo ba siya, o natawagan kahapon?”

“Nope. I’m sorry,” sagot niya. “Ba’t di mo puntahan sa bahay ng tita niya?”

“I don’t think gusto niya ‘kong makita.”

“Ano bang nangyare?” curious na tanong niya. “Well, if you don’t mind.”

“Mahabang kwento, Peter, e,” I pressed my lips for awhile. “Okay, pag nakausap mo siya, pakitext na lang ako. Salamat.”

“Sure, goodluck.”

I spent the rest of the day normally. Kung ano ang ginagawa ng tambay na 19 year-old pag bakasyon, gano’n lang din ang ginawa ko. Nilowbat ko pa nga ang tablet ni kuya sa paglalaro ng Zombie Tsunami, kahit ang engot-engot ko sa pagtalon sa mga lintek na bomba.

By 5 pm, I received at short message from Peter. Yung message na inaabangan ko kanina pa.

From: Peter

Amoure Propre Club. Andito siya.

 

Napahangos ako sa pagkakadapa ko sa kama ko, naligo ng ten minutes, at nagbihis ng jeggings at pink shirt. Hindi ko alam kung paano pumunta doon dahil noong dinala ako ni Lawrence sa lugar na ‘yon, nasa kotse kami. Bahala na, kasya naman na siguro ang 200 ko.

Bumaba ako ng LRT Katipunan, at nagtaxi na lang papunta sa club na tinext ni Peter.

Ngayon ko lang nadiscover na magkakatabi pala rito ang mga bar at club na for sure, 80% sa costumers, mga estudyante sa malaking university na malapit lang.

Pagdating ko, pamilyar ang lugar kaya nalaman ko ang pasikot-sikot. Madilim sa loob, at green, red, and blue lang ang lights. Pero, ang pinuntahan ko talaga, e, yung area ng billiards—for sure nandoon sila.

Sumilip ako sa rectangular na salamin ng pinto sa loob ng billiards. Maraming naglalaro, at puno ng usok. I opened it, feeling nervous, until I found myself standing in front of everyone.

Sa totoo lang, walang nakapansin sakin—di naman ako kapansin-pansin. Nakita ko sa duluhang table yung Mike na nagyoyosi. Siya yung boyfriend ng Denise na tumulak sakin sa pool. Nagkaroon tuloy ako ng hope na nasa loob nga si Lawrence.

I saw Peter, and he waved at me. Ngumiti lang ako bilang bati, pero hindi pa man ako nakakahakbang, naligaw ang mga mata ko kay Lawrence sa gilid ng billiard table. And my heart burst with a weird anticipation.

Magkalaro sila ni Nina sa billiard.

Wala naman silang ginagawang mali, o kung ano mang pag-iisipan ko nang hindi maganda. Pero makita ko palang na magkasama sila, naiinis ako. Parang feeling ko, chini-cheat ako ni Lawrence.

Ngayon, naiintindihan ko na ang feeling ni Lawrence nang makita niya kami ni Brent kahapon. Ito pa nga lang na nakita kong naglalaro sila, nakakaselos na. Ano na lang kung magkahalikan sila?

Ewan. Baka makapatay ako ng unang taong makikita ko sa daan.

Nakahawak siya sa tako habang si Nina ang naglalaro. Nakatingin lang ako sa kanya, hanggang sa naligaw ang mata niya sa pwesto ko. Ramdam kong nabigla siya sa paglitaw ko--napatayo kasi siya nang diretso. 

Pagkatapos ni Nina, napatingin siya sakin. Malamang, sinundan niya kung saan papunta ang titig ni Lawrence. I gulped, and walked toward him with nervous knees.

Hinalikan ko si Lawrence nang mabilis sa labi. Smack, for short. Sa harap ng barkada niya, sa harap ng ibang tao, at sa harap ni Nina. Hindi ko 'yon pinagsisihan. 

"What brought you here?" tanong ni Lawrence. 

Obvious namang nabigla siya sa PDA na ginawa ko. Pero, duh, kiss lang 'yon. Wala pa ngang one second, e. Pero di ko mabasa sa mukha niya kung natuwa ba siya o hinde. In the first place, pinakilala ko lang naman talaga ang sarili ko kay Nina... nang walang sinasabi. 

"Masama bang bisitahin ka ng girlfriend mo?" 

And I flipped my hair. 

Continue Reading

You'll Also Like

512K 13.2K 44
Cailee Sebastian grew up under the eyes of everybody. Like a princess surrounded with walls of their palace, she felt... suffocated . She is craving...
13.1M 126K 61
Meet Azalea Elle Lopez, an almost bride na tinakbuhan ng kanyang groom sa hindi malamang dahilan. Paano na niya haharapin ang buhay niya lalo na't ma...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
1M 15.1K 53
I was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since...