She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 34

7.1K 178 32
By ShuperShimmer

Chapter 34

© Shupershimmer

“Ano’ng nakain mo’t bumili ka ng… ng…”

“Couple shirt?” Lawrence smirked, asking. Halata niyang hindi ko mabanggit-banggit kaya tinapos niya ang tanong ko. “Hindi ko naman alam na couple shirt ‘to. Naisip ko lang na bagay sakin ang T-shirt na suot ko. E, kaso, hindi ko pwedeng bilhin nang hindi kinukuha ‘yang suot mo.”

“Ah,” mahinang sagot ko.

Nasa loob na kami ng Sky Ranch, at pagkapasok na pagkapasok namin ng entrance, saka ko lang siya tinanong about sa shirt thingy. Hanggang ngayon kasi, may mga tumitingin sa’min.

“Hindi ka ba nahihiya?” mahinahong tanong ko sa kanya. “Ang dami kasing tumitingin, nakakailang. Akala nila ano tayo.”

He smirked again, for the nth time. “Ba’t naman mahihiya? Ang mahal-mahal ng bili ko rito, e. Parang ikaw.”

I suddenly blushed.

“Okay,” sarcastic na sagot ko.

I’ve never heard him saying pick-up lines, and for me, it sounds corny. Ewan, siguro dati nakapagbanggit na siya, hindi ko lang nahalata. At ngayon, imbis na mainis ako, natutuwa pa yata ako. Ano ba naman ‘yon.

“So, what’s our first ride?” this time, tumingin na siya sakin.

Inikot ko ang malawak na area, maingay, masaya, at ang daming actitivies. Dati, sa TV at magazines ko lang ‘to nakikita. Ngayon, nandito na ako—kasama pa siya. How happy is that?

“Kain muna tayo.”

Tinawanan niya lang ako. “Are you serious? Nakikita mo ba ‘yang rides? Tapos kakain ka? Gusto mong masuka sa tuktok ng ferris wheel na ‘yan?”

“Sasakay tayo dyan!?”

“Oo naman, pero last na ‘yan,” he winked like a kid. “Para promising.”

Hinila niya ang braso ko—hindi kamay—papunta sa Viking. At dahil may gift certificate kami, hindi namin kailangang pumila para sa bayad. Nakasakay na ‘ko sa parang bangka na ride gaya nito pero mukhang mas malala ‘to.

“Smile,” nagulat ako kay Lawrence nang hinawakan ako sa braso tapos tinapat sa mukha naming dalawa ang cellphone niyang naka-front camera.

“Ulit,” in-exit niya ang naunang picture. “Ang pangit mo do’n, hindi ka nakangiti.”

“Sana kasi pinaghanda mo ‘ko ng pose bago ka nagpicture, diba?”

Kumuha ulit siya ng picture naming dalawa, at pareho na kaming naka-smile sa picture. Pagkatapos niyang kumuha, tinignan niya ‘yon at ngumiti na naman.

“Bakit?” tanong ko. Nakakatawa ba itsura ko?

“Wala naman,” he shook his head, smiling.

Pagkapuno ng Viking, saka na siya pinaandar—back and forth. Noong una, mahina lang, kaya parang wala lang sakin. Parang wala ngang thrill, e. Pero noong tumagal na, naramdaman kong bumilis ang ride at mas tumaas.

I cursed, and shouted.

Si Lawrence, sumisigaw lang ng ‘Hoo’ dahil parang enjoy na enjoy siya. Ako, ‘ah’ kasi parang tili na siya. Kung alam ko lang, hindi na sana ako sumakay. Lecheng bangka ‘to.

We also tried the mini-roller coaster. Hindi naman siya paikot-ikot like sa Star City or E.K. Actually, parang pambata lang ‘to, pero ang pasaway na si Lawrence, bumalik sa pagkabata.

Isa sa mga gusto ko, e, ang horseback riding. Noong una, binigyan kami ng mga nagbabantay ng dalawang kabayo—brown sakin, medyo light brown kay Lawrence—pero nag-alangan ako bigla.

“Lawrence, wag na tayong mag ride n’yan.”

“Bakit?” kumunot ang noo niya. “Gusto ko n’yan. Sayang naman kung di natin ita-try.”

“Ayoko,” umismid na ako habang nagkakamot ng batok.

He sighed, and smiled. Akala ko, papayag siyang siya na lang ang sasakay pero nagulat ako sa sinabi niya sa lalake na kanina pa nakatayo sa harap naming dalawa.

“We’ll ride that brown,” tumuro pa siya sa kabayo.

“Ha?”

Hinila niya na ang braso ko para sumunod sa lalake. “Wag kang mag-alala. Sa unahan ka, sa likod mo lang ako. Hindi ka mahuhulog.”

“Ayok—“

“Basta.”

He said it just to shut me up. Ramdam ko kasing ini-insist niya na subukan namin ang ride na ‘yon at pag umatras pa ‘ko, may tendency na masira ang araw namin. I’ll risk.

Inalalayan pa ‘ko ni Lawrence na unang makasakay. Dapat nga sana ‘yong lalake ang tutulong kaya lang umepal siya, at siya na raw bahala. I struggled just to get up. Pagsakay ni Lawrence sa likuran ko, easy lang.

Bakit ang dali lang sa kanya?

May hinawakan siyang tali, bandang harap ko. To be honest, I got shivered when his arms brushed my shoulders. And the way he breathes just behind me, it’s… heart-thumping.

“Wag kang malikot,” bulong niya sa tenga ko.

The ride went smooth. Akala ko kasi, tatakbo ang kabayo at lilipad, pero hindi naman pala. Hinila-hila lang siya ng lalake, hanggang sa si Lawrence na mismo ang nagpalakad sa kabayo.

“Siguro kabayo ka sa past life mo kaya alam na alam mo ang mga gan’tong bagay?” I asked, smirking.

Narinig ko pa siyang tumawa. “My horse riding club kasi ang Papa ko dati, tapos madalas akong sumama. Walang kinalaman ang past life ko, okay?”

Sumubok na rin kami ng iba pang ride, at medyo hassle lang dahil kailangan pa naming maghintay dahil sa haba at dami ng tao. Dumarami na kasi ang population dahil hapon na.

Ngayon, naghihintay kami sa paghinto ng napakalaking ferris wheel na ‘to na kanina pa iniintay ni Lawrence. Ilang minute na siyang umiikot, at nakakangawit tumayo-tayo rito. Nagugutom na nga ako, e.

Finally, nakasakay kami sa loob nang kaming dalawa lang. Syempre, sino namang sasabay samin? Kung tutuusin, malaki pa ang space, pero parang ang sikip, knowing na siya lang ang kasama ko.

May claustrophobia ba ‘ko? Ang alam ko, wala.

“Ba’t nandyan ka?” tanong niya. Nakaupo kasi ako sa harap niya—magkaharapan kaming dalawa.

“Okay na ‘ko rito.”

Gumalaw ang ferris wheel. Feeling ko na nasa elevator ako dahil kakaiba ang feeling. Ang lamig ng pawis ko kahit may aircon. Nakatingin ako sa labas ng salamin dahil naiilang ako kay Lawrence na nakatapat lang sa’kin.

“Namumutla ka,” I heard him.

“Gutom na ‘ko.”

“Natatakot ka ‘no?”

Kumapit ako sa poste sa gitna namin. “Hindi, ‘no.”

“You’re scared. Just say it.”

By that, hinila niya na mismo ang kamay ko na halos nakayakap na sa poste at di ko naiwasang tumili dahil nakatayo ako sa ere! Pumikit pa nga ako, e. Muntik ko pa siyang mamura dahil hinila ako basta-basta.

I heard him laugh, at inalalayan niya akong umupo sa tabi niya. Okay, it’s indeed more awkward. Ang tagal naman umikot nito. Ilang minute pa ba?

Lumingon na lang ako sa unti-unting lumilitaw na view ng Taal volcano. Wala pa yata kami sa tuktok—jusko.

“I’m sorry, nakinig ako sa usapan ninyo ni Nina no’ng Monday,” bigla kong sinabi.

Hindi naman siya nabigla sa sinabi ko dahil masyadong out of the blue. Malamang, hinihintay niyang aminin ko ‘yon.

“Wag mong pansinin ‘yon.”

“Oo nga, hindi ko pinansin.”

Bigla siyang ngumisi. “Kaya pala. Kawawa naman ang piano sa bahay.”

“Ikaw kase,” I glared though he’s not looking.

“Bakit?”

“Pinagtutulakan mo ko no’n kay Brent, nakalimutan mo?” tumaas ang isang kilay ko, at lumingon siya. “Alam mo bang nakakabadtrip ka no’n? Cute ka na sana noong kumanta ka, e. Tapos babanggitin mong ‘pwede mong balikan si Brent.’”

“Cute ako?” he smirked.

“Hindi ‘yan ang ine-expect kong isasagot mo.”

Umiwas na siya ng tingin, kumuha ng cellphone at kinuhaan ng picture ang view ng Taal. Ilang minute ‘yon tapos tinabi niya na ang phone.

“I was just thinking of you, giving him a second chance,” seryosong sagot niya. “If it wouldn’t work, then I’ll prohibit you to see him.”

Napaisip ako. Naalala ko ang text message ni Brent sakin na parang nobela, o essay. Since then, hindi na nagtext si Brent kaya nga nagulat ako noong bidding.

Kinuwento ko kay Lawrence ang nangyari. Simula noong nagkita kami ni Brent sa LRT, sa building namin, hanggang sa text message. Wala siyang siningit na kahit anong reaction, o side comments, pero alam kong nakikinig siya.

“Bakit ‘di mo subukan?” nakatingin siya sa sapatos niya. “Malay mo, nagsisisi talaga siya.”

Nasa 180 degrees na ang ferris wheel at ilang minuto na lang, nasa baba na kami.

“Pero hindi ako gaya ni Nina na palaging naniniwala, kahit nasaktan na ng parehong tao. Ayoko sa lahat, tanga na nga, uulitin pa ang katangahan,” I sighed.

“Hindi ko siya niloko no’ng kami pa, okay? Ngayon, ang problema, may hindi lang siya naintindihan,” his forehead creased. “At wag na wag mong iko-compare ang sarili mo kay Nina. You guys are different.”

“Alam ko,” ngumiti naman ako. “Sexy siya, matalino ako.”

He turned his head toward me, smiling. This time, hindi ako umiwas sa mga mata niya. I allowed myself to atleast try. I allowed myself to be drowned by his eyes, like it’s going to dig me deep

“Ano’ng balak mo kay Brent?”

I shrugged. “Ewan, pero hindi ako iiyak sa iisang tao lang ulit. Wala namang masama kung susubok ng iba.”

“Hindi ko alam kung nahulaan ko ang meaning mo, pero—“

I leaned forward, reaching for his face. My plan was to kiss him first but… he cupped the one side of my face, leaned down, and our lips finally met.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 675 55
COMPLETED | RAW/UNEDITED "I met you as enemy but ended up being your forever." Everleigh Carter is an ordinary new student at Parker High and only wa...
1.7K 123 46
What's more important, a promise you made with someone in the past or the one who you love in the present?
2.3K 90 20
In the dazzling world of business moguls and corporate powerhouses, Venus, harbors a secret. She is secretly married to Calvin Graye. Their marriage...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...