She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 33

7.1K 179 21
By ShuperShimmer

 

Add Shimmer!  www.facebook.com/shupershimmer.wattpad

Chapter 33

© Shupershimmer

 

LAWRENCE’s POV

 

Kasalukuyan na akong palakad-lakad, bandang gilid ng bahay nina Catacuts. Medyo nababadtrip na nga ako dahil ang bagal nya mag-asikaso. Tinext ko na siya na nandito na ako pero nagbibihis palang siya. 'Nak ng.

 

“Ang kupad naman,” I groaned quietly while tapping my foot on the ground. “'Pag ako nakita ng nanay mo yare na talaga ako.”

 

Ngayon ang araw na pupunta kami ng Tagaytay, at sa maniwala kayo o sa hinde, alas-syete pa lang ng umaga, nandito na ako. Ang bait ko talaga.

 

I was biting my lip when I heard the screech of their gate.

 

“Sa wakas,” dinampot ko ang backpack ko, sinabit sa balikat at naglakad papunta doon.

 

Kaya lang, pagkahakbang ko, hindi si Darla ang nakita ko kundi ang nanay niya na may bitbit ng basura. 'Di niya pa ako nakikita dahil nasa gilid ako kaya tumalikod agad ako at naglakad palayo kahit medyo nakaka-tense.

 

“Hoy,” I stopped. “Kilala kita, ah.”

 

I shut my eyes, sighing. Pagkatapos, saka ako humarap sabay ngiting anghel sa harap niya. Hindi kamukha ni Catacuts ang nanay niya—ampon ba siya? Pero pareho sila ng buhok, medyo kulot.

 

“Ikaw ba ang naghatid kay Darla dati?” kumunot ang noo niya. “Pamangkin ka ng amo niya, diba?”

 

I nodded reluctantly. Lagot na. Hindi naman kasi alam ng nanay niya na ako ang kasama, e. Pinayagan siyang mag-Tagaytay dahil ang alam ng nanay niya, si Eula ang kasama. What the hell.

 

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tumingin siya bandang loob ng bahay. “Nasa taas pa si Darla.”

 

Hindi ako sumagot dahil wala naman akong masagot-sagot. Nasaan na ba ang babaeng 'yon? Gustong-gusto niya talagang pinahihirapan ako, e, 'no?

 

“Akala ko ba si Eula ang kasama niyang aalis?” sabi niya habang nilalagay ang basura sa gilid ng gate.

 

“Ah, oo, siya nga.”

 

“Hindi ka mukhang Eula,” tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.

 

“Hindi ako si Eula.”

 

“Kasama ka ba niya mamaya?”

 

It wasn’t just a simple question. It was a question I don’t want to answer but I have to.  Naghihintay siya sa sagot ko pero kinabahan ako sa nanay ni Catacuts. Naalala ko tuloy noong napingot siya.

 

Humigpit ang kapit ko doon sa strap ng bag ko, at napakamot ng kilay. “Ah, ano…”

 

“Manliligaw ka ba ng anak ko?”

 

“Ha?”

 

Bakit ba pakiramdam ko si Boy Abunda ang nag-i-interview sakin? Paano kung um-oo ako, ano’ng gagawin ng nanay niya? Ano’ng gagawin sakin?

 

“Hay,” bulong niya. “Mga bata talaga.”

 

Hindi ko alam kung ano ang meaning ng monologue niya pero hindi ko na masyadong inintindi. Tumingin ulit siya sakin, at tinanguan ako.

 

“Pumasok ka muna sa loob, may dadaang truck ng basura mamaya; baka mangamoy ka.”

 

Nauna siyang pumasok ng gate at iniwang nakabukas. At dahil makapal mukha ko, di na ako nag-atubiling pumasok. Ngawit na kasi ang paa ko dahil almost 20 minutes  akong nakatayo sa labas.

 

“Pagpasensyahan mo na ang bahay, medyo makalat,” sabi ng nanay ni Catacuts pagkapasok namin ng sala.

 

Alam kaya ng nanay niyang nanggaling na ako rito? Ha, syempre hinde. Asa pa kong sasabihin ni Catacuts yon.

 

“Dar-la!” napatingin agad ako sa nanay niya nang sumigaw. “Nandito na sundo mo! Bilisin mong gumalaw dyan!”

 

Tumingin naman sakin ulit ang nanay niya. “Kumain ka na?”

 

“Okay lang, salamat na lang.”

 

Dumiretso sa kusina 'yong nanay ni Catacuts tapos umupo ako sa sofa—doon sa inupuan ko nang pumunta ako rito. Naalala ko tuloy si Sadako, well, kasama na ang chocolate hills. Nakarinig na ako nang mabilis na yabag pababa ng hagdan tapos nakita ko siya.

 

I looked over my shoulder to see her. Normal lang ang porma niya—white printed shirt, jeans, at rubber shoes. Mukha lang mamamalengke.

 

Tinignan niya ako nang masama. “Bakit nandito ka?!” she mouthed.

 

I shrugged, and she bit her lip. Sinuot niya ang shades sa ulo niya, bitbit ang maliit na bagpack niya at bumaba.

 

“Sabi ko 'wag kang magpapakita rito, e. Gusto mo talaga akong mapatay ng nanay ko 'no?” she whispered angrily.

 

“'Wag mo siyang awayin,” nagulat kami sa mama niyang biglang lumabas sa kusina. “Nakita ko siya paglabas ko. Bakit di mo sinabi? Sana pinapasok mo na siya rito.”

 

I heard her sigh. “Ma…”

 

“Ano?”

 

“Aalis na 'ko, kikitain ko pa si Eula,” I almost smirked hearing her alibi. Perfect liar talaga si Catacuts; panalo!

 

“Mag-ingat ka’yo, ha. Ikaw,” she looked at me. “Iuwi mo si Darla sa bahay—hindi sa bahay mo, o sa kung saang hotel. Malilintikan ka sakin 'pag wala ni anino niya rito mamaya.”

 

It was supposed to be a threat but it sounded like a joke. Despite it, I nodded quickly.

 

Naunang lumabas si Catacuts, at sinundan ko agad. Nagbubulong-bulong na siya kung bakit daw hinayaan ko na makita ako, o kaya malalagot siya mamaya, o kaya yari siya dahil nahuli siyang nagsinungaling.

 

“Sandali,” I pulled her arm when we reached the gate.

 

“Ano?”

 

Tinignan ko ang damit niya. Okay lang naman, at stylish pero hindi 'yan ang gusto kong suot niya kaya dinukot ko ang black T-shirt na dala ko sa bag saka inabot sa kanya.

 

“Change outfit, mas okay 'to sayo.”

 

“Ang daming kaartehan,” she glared and took the shirt.

 

Hinintay ko siya saglit tapos maya-maya, lumabas na rin siya ng gate. Pagkakita ko sa kanya, ngumiti ako. Bumagay kasi ang T-shirt, at higit sa lahat, bagay sa kanya ang statement sa gitna.

 

Nakasalubong ang kilay niya. “Tss, ano’ng nakalagay rito? Saan mo 'to binili?”

 

I smiled. “Tara na, excited na ko.”

 

***

 

Nakaupo na kaming dalawa sa bus—sa pandalawahan—tapos naghihintay na lang ng iba pang pasahero. Siya ang nasa bintana, ako ang malapit sa aisle. It isn’t my first time to ride a bus. May school bus kasi ako noong elementary.

 

“Bakit naka-jacket ka? Summer naman, diba?” tanong niya sakin.

 

I smiled. “Tagaytay 'yon, medyo malamig pa rin.”

 

Sa unang oras ng byahe, hindi kami gaanong nag-uusap. Siguro, dahil inaantok pa 'ko at siya naman, busy sa pagtingin sa labas ng bintana. I know it’s a long ride so I brought my Ipod. Sinaksak ko ang earphones at kinabit sa isang tenga.

 

Tumingin ako sa mga kanta, at pumili. Napatingin ako sa shirt na suot ni Catacuts tapos siniko ko siya.

 

“Bakit?”

 

Without answering her, nilagay ko ang isang earphone sa kabilang tenga niya. Tapos, pumikit ako at sumandal nang maayos sa tabi niya.

 

DARLA’s POV

 

So I pray, this time. I can be the man that she deserves, 'coz I die a little each time when she cries…

 

Tulog na yata si Lawrence dahil nakapikit siya habang naka-cross arm. Ako naman, nakikinig sa shuffled songs niya, though iisang earphone lang ang suot ko.

 

Kanina ko pa pinag-iisipan kung ano ang gagawin ni Mama sakin kung alam niyang wala talagang Eula sa getaway na ‘to. Mayayari talaga ako.

 

Ang bango ni Lawrence ngayon—siguro naligo siya ng pabango—tapos bagay sa kanya ang brown pants niya. Mas nagmukha siyang cool sa gray hoodie niya kahit tirik na tirik ang araw sa byahe.

 

“Wag mo kong titigan. Nakaka-inlove ako,” I almost burst into laugh when he spoke.

 

Daglian ko siyang sinuntok sa braso at umayos siya ng upo habang tinitignan ako nang nakakaloko. Ang kapal talaga ng mukha niya grabe.

 

“Nasaan na ba tayo? Ang tagal naman, sumasakit na pwet ko.”

 

“Ang atat mo naman.”

 

He didn’t speak after that, but we did have some mutual understanding. Tipong parang nag-uusap kami, pero hindi nagsasalita. Even our knees are brushing each other. Hanggang sa napahikab ako dahil bumaba ang temperature.

 

“Inaantok ka?” tanong niya.

 

Nabasa ko na ‘to. Kapag magkatabi ang lalaki at babae, tapos aantukin ang isa, kailangan magparaya ang isa na magpasandal ng ulo. Ineexpect kong sasabihin niya na ‘isandal mo ang ulo mo sa balikat ko’ pero mukhang mali yata ako.

 

Dapat di ko asahan ang ganung bagay kay Lawrence.

 

“'Wag kang sasandal sa balikat ko. Mabigat ang ulo mo,” sabi niya sabay ismid.

 

“Wala naman akong sinabe.”

 

Humikab na naman ako at sinandal ang ulo sa bintana. Buti pa ang bintana, walang reklamo! Hanggang sa lumabo na ang mga nakikita ko, at bumagsak na nang tuluyan ang mga mata ko.

 

“We’re here.”

 

Gumalaw ang ulo ko bigla. Pagdilat ko, nakita ko ang pag-uga ng balikat ni Lawrence—kung saan nakapatong ang mukha ko. Inamoy ko pa nga kung siya ba talaga ‘to. Siya nga.

 

“Akala ko ba mabigat ang ulo ko?” I asked, smirking.

 

He grimaced afterward. “Ha, nakakaawa kasi ang bintana, baka mabasag at lumusot pa ulo mo dyan.”

 

I scowled at him. Kinuha niya ang bag niya, at bag ko sa paanan namin saka nauna siyang bumaba. Tumayo na rin ako—nag-inat nang konte—saka siya sinundan. Medyo malamig dito, kumpara sa pinanggalingan namin.

 

Habang naghihintay kami ng jeep na dadaan sa Sky Ranch, napansin kong wala na siyang suot na jacket. Hinubad niya kaya habang tulog ako? Pero hindi ko naman sinasabing topless siya. May black T-shirt din siyang suot na mas compatible sa brown pants.

 

Pumara kami ng jeep, sumakay sa loob kasama ng ibang pasahero, at umupo. Pag-angat ng ulo ko, nakatingin samin ang mga nasa kabilang side.

 

“Bakit nakatingin sila sakin?” bulong ko kay Lawrence na katabi ko lang.

 

“Ang hot mo raw,” he smirked evilly.

 

Napatingin ako sa suot ko na tinitignan ng babaeng kaharap ko, at binasa ko pa ang statement. Wala namang masama, e. Kanina ko pa ‘to suot at wala namang tumitingin sakin—ngayon lang talaga.

 

Tumingin ako kay Lawrence na nagcecellphone. Nilingon ko pa ang ulo ko para mabasa ang nakita kong big white letters sa black shirt na suot niya.

 

NANGARAP.

 

Ilang beses kong binasa ang salitang ‘NANGARAP’ sa shirt niya na parang Chinese o French ang nakikita ko—pero syempre Tagalog yun.

 

Yumuko ako nang maalala ko ang sulat sa damit ko. PINANGARAP. PINANGARAP.

 

Siya, NANGARAP; ako, PINANGARAP. Pakshit, couple shirt pala ‘tong pinasuot niya?

 

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 149K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.7K 123 46
What's more important, a promise you made with someone in the past or the one who you love in the present?
6.7K 523 33
Luna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man...