Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

29 - The Father's Side

612 8 1
By BlueRigel

Chapter 29

The Father’s Side

 

 

Nakailang punas na ata ako ng noo ko nang dahil sa kaba. Kahit pa nakangiti si tito Will noong inimbita niya kami kagabi ay parang may hidden agenda siya. Medyo napraning ako na baka may biglang i-aanounce si tito sa harap ng madlang people. Mabuti na lamang at natapos ang event nang walang aberya.

Aray naman, Luv.” sabi niya nang malapitan sa kaliwang tenga ko.

Sorry.” dispensa ko. Nahigpitan ko pala ang kapit sa kanyang kamay. Tumama na ang ilong niya sa buhok ko at huminga siya nang malalim. “You really look stunning. You’re as sweet as a honey. I can live just by taking your sweet smell.

 “Kung maka-moment ka naman diyan. Hindi ka ba kinakabahan?” tanong ko.

Pumunta siya sa harapan ko at hinawakan ang kabilang kamay ko. “As long as I’m with you, I’m not afraid of anything.” Nakonsensya naman ako sa sinabi niya.

Para tuloy hindi ako ganun sa kanya. “Sorry.

Ikasampung sorry mo na ata ‘yan, luv?” Nakakaloko ‘yung ngiti niya and at the same time nakakawala rin ng kaba. “You have nothing to fear. Wala namang kabaong sa bahay namin. Vampires don’t sleep in coffins.

Edward Holen!” natawa rin ako sa sinabi ko. Just looking at his face, nawala lahat ng negative vibes. Nakakalunod ‘yung tingin ng mga mata niya. Iris pa lang desert na, eh ‘yung ngiti niya breakfast, lunch, at dinner ang peg.

Bella Kwan!” nag-pout naman niya sa ng lips pagkasabi nun. Mabilis niyang inilapat ang mga labi niya sa aking noo at naglakad na ulit kami papunta sa pintuan ng mansion nila.

A highly elevated two storey modern house ang bumisita sa ngayong nanggingislap kong mga mata. Malayo pa kasi  ‘yung bahay nila mula sa gate. Medyo pa-bundok ang kinalalagyan ng lupain nila. Pwede naman kaming mag-kotse pero sabi ni Nick may sasabihin daw kasi siya bago kami makarating doon.

Ano na nga ulit ‘yung sasabihin mo?” Nag-ha lang siya sa akin at parang wala siya sa sarili. “Earth, calling Dominick Alcantara…approaching target in five, four…

I love you, Caroline.” and he kissed my hand.

Push mo ‘yan. Paglalakahin mo ako nang naka-heels tapos iyan lang?!” Nakakairita mag-heels, hindi ako sanay.

Just kidding but I meant it though.“ Ngumiti na naman siya at nagsitayuan na ang mga balahibo ko sa kilig. “Hindi ko alam kung gaano mo kakilala ang dad ko but I just want this night to be ours. I’m not sure what’s his plan tonight. Whatever it is…I just want you to know that I’ll spend the rest of my life with you whatever it takes.

Natulala at napalunok ako sa kanyang sinabi. “Parang ang super villain naman ni tito?

I do love him and I do hate him at the same time.Ano raw? Naguluhan ako sa sinabi niya. “Siyempre dad ko siya, I’m from his flesh and blood. Ang ayaw ko lang sa kanya ay ‘yung kung ano ang dinudulot ng pera sa kanya.

And are you suppose to react wrongly because of how money affects him?” Galit siya sa ginagawa ng pera sa dad niya pero hinahayaan niya rin ang sarili niyang magalit sa dad niya dahil doon. “Family, enemy or not, we are suppose to love them. Ang intindihin ang mga kamaliang hindi nila namamalayang ginagawa nila – it’s what we can do out of love.

May mga bagay o mga tao mang mananakit sa atin, hindi natin dapat gantihan iyon ng pananakit din. Mataas na antas ng pagpapakumbaba at pag-intindi sa kanila ang dapat nating ibigay. Sa oras na magbigay tayo ng maling reaksyon sa sakit na idinulot nila ay para na rin nating ibiniba ang ating lebel.

That’s the one millionth reason why I am so lucky to have you, Caroline.

 

The usual greeting of each other lang ang nangyari. Nawala na ng tuluyan ang kaba ko dahil kalmado at very welcoming naman si tito Will sa amin. Napansin ko lang na ‘yung iba niyang sinasabi kay Nick ay may laman.

Manang, sobrang namiss ko po talaga itong luto niyo.

Pangiti pa lang si Nick nang binawi agad iyon ng mga sinabi ni tito, “It’s been what, a year or two, since you last ate in this table.

How about you? A decade?” Napaka-plastic ng mgangiti nila sa isa’t isa. Nakakaumay ang atmosphere dito, ang sarap pa man din ng mga nakahain. Tiis ganda na lang siguro, hindi dapat tinatanggihan ang biyaya sa hapag-kainan.

Hindi pa rin sila mahinto sa ganoong klaseng pag-uusap kaya nagkunwari akong nasamid upang makuha ang atensyon nilang dalawa. “Tito Will, mahilig po pala kayo sa painting?

I collect them, it’s my hobby. I’ll show you around after dinner.

Ang sasarap ng mga hinain sa amin. Tatanungin ko na lang si Nick mamaya kung anu-ano mga ‘yun. Mukhang European menu ata ang pinili ni Tito for tonight. Kumpleto mula appetizer hanggang dessert.

Heto’t nag-iikot na kami sa bahay at pinapakilala sa akin ni tito ang bawat painting na mayroon sa mansyon nila. Grabe, from all over the world ang lahat ng nandito. Akala ko’y matatapos ang gabing ito na isang plain dinner bonding lang ang nangyari pero hindi napigilang simulan ni Nick ang mainit na usapan.

So, why did you invite us, dad?” tanong niya.

I just thought you’d like to say something I’ve been waiting for you to speak for the last two hours, kid! Don’t make me regret cancelling an important business meeting tonight.” Pinaghalong ama at businessman ang tono ni tito.

And Nick just went straight to the point after he took a deep breath, “I want you to cancel the engagement.

You want me to do what?” binigyang-diin niya ang salitang ‘want’ sa kanyang tanong.

I need you…” Nakita ko ang paggalaw ng adam’s apple ni Nick at kasabay noon ang pagbilog ng kanyang kamay. “I beg you to cancel it. I’m in love with this special girl, dad.

Ipinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko.

I need you to understand how much I am in love with Caroline.” he said that straight to my eyes.

Nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko’y madadagdagan ng isang Aphrodite statue ang mansion nila.

And do you even understand how complicated the situation is?” Ganoon na lamang ang talim ng mga mata ni tito. May panghihinayang sa kanyang tingin. Ang hirap niyang basahin. “Mr. Pears would call off the partnership and that means—

I can live without money but I ain’t living without the one who keeps me alive.” Hinigpitan niya pa ang hawak sa akin at hindi na ako makagalaw pa. Walang maibigay na tugon ang isip at senses ko sa nangyayari ngayon. Lalong tumaas ang temperatura ng paligid. “Caroline Reyes is the only girl I would marry.

Let’s call it a night. I’ll think about it. Wait for tomorrow.” Tinalikuran na kami ni tito at pumanik ng hagdan.

Dad!” sigaw ni Nick na siyang nagpahinto kay tito na likod pa rin ang nasa aming paningin. “My life is not up to you anymore.

Matapos sabihin iyon ni Nick ay dumiretso lang si tito. Ni hindi niya man lang kami nilingon. Hindi ko maiwasang mag-alala.

 

 

May 2013

Marikina City, Philippines

4:35 na pala ng hapon. 15 hours na pala akong tulog. Grabe, ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko isang malaking elevator ‘tong kwarto ko at paakyat ako sa 100th floor.

Pinilit kong buhatin ang katawan ko kahit na parang naka-glue na ‘yung likod ko rito sa kama. Anytime pwede ng sumabog ang pantog ko. Ang bigat ko naman ngayon, hindi kaya tumaba ako?

Pagewang-gewang akong tumungo sa banyo at agad akong umupo sa trono. Naririnig kong nag-uusap sina mama at papa pero hindi malinaw sa pandinig ko, masyado akong naka-focus sa gripo ko.

This is so ridiculous!” Bigla na lang luminaw sa tenga ko ang sigaw ni papa. “Hindi ito pwedeng malaman ni Caroline!

Ano raw? Ano ang hindi ko pwedeng malaman?

Tahimik kong itinaas ang shorts ko. Humakbang ako nang tahimik papalapit sa kusina. Sapat lang para marinig ko ang usapan nila at sa pwestong hindi nila ako makikita.

Bakit umiiyak si mama?

Walang hinto ang pagsasalita ni papa at gayun din ang pag-iyak ni mama. “Robert, baka marinig ka ng anak mo.

For God’s sake, Marie. She’s not even mine!

Napadausdos ako sa pader hanggang sa nahulog na lang ako sa mga tuhod ko. Kinagat ko ang kasukasuan ng aking hintuturo, hindi ako nananaginip.

Labing-walong taon mong itinago sa akin, Marie.” nanggigigil na sabi ni papa. Inuulit-ulit niya pa ‘yung labing-walo.

Hinahanap na ng katawan ko ang unan at lambot ng aking kama. Ayaw ko ng marinig pa ang mga susunod na sasabihin ni papa. Hindi ko mawari kung saan ako nasasaktan, sa iyak ni mama, sa galit ni papa, sa nalaman kong hindi ako anak ni papa, o sa lahat ng iyon.

Isinuksok ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot at tumagilid paharap sa pader. Iniisip ko na lang  na may manipis na nilalang na yumayakap sa akin ngayon. Sinalo ng unan ang mga luha ko. Niyakap ko nang mahigpit itong kabayong stuff toy na niregalo sa akin ni bes. Napangiti ako ng bahagya nang maisip ko ‘yung sinabi ni bes noon binigay niya ito sa akin nung 17th birthday ko, “ito na lang gift ko. Since diyosa ako, at wala namang stuff toy na kasing ganda ko…at least si kuya Dan man lang maalala mo diyan.

Hay birthday…

Narinig kong nagbukas ang pinto ng kwarto ko. Pinunasan ko naman agad ang mga luha ko’t nagpanggap na tulog pa.

Mabuti na lang at tulog pa rin siya.” sabi ni mama sabay hawi ng buhok ko. Halata sa boses niya na umiiyak pa rin siya. “I’m so sorry, anak. Kanina ko lang din nalaman na hindi si Robert ang ama mo.

Kailangan kong makipagtalo sa luha ko dahil susunod ang sipon dito’t hindi maaaring malaman ni mama na narinig ko ang lahat. Ang hirap magpigil, nakakahawa ang kalungkutan ni mama sa bawat paghikbi niya.

Kung hindi ko lang mahal si Caroline, baka iniwan na kita, Marie.” napalunok ako sa sinabing iyon ni papa. “At hindi ko kayang talikuran ang pagmamahal ko sa’yo nang dahil lang sa isang pagkakamali.

Robert?

Napangiti ako sa sinabi ni papa. Sadyang mas malakas ang kapangyarihan ng pag-ibig kaysa sa sakit na dulot ng mapait na kasalanan. Parang si Lord, pag-ibig Niya ang nangibabaw kaya naligtas tayong lahat sa kasalanan. Kahit sobrang sakit ang dinanas ng Anak Niya sa krus ay inisip Niya pa ring iligtas tayo sa ating pagkakamali.

I’m sorry, ma. Nanalo ang emosyon ko kanina at kung anu-ano na lang ang nasabi ko dala ng galit. Oo, masakit—sobrang sakit. But I have loved you for so long and I will never leave you, Marie. A mistake is a mistake.” Kinikilig na ako sa mga sinasabi ni papa dahil naaalala ko sa kanya si Nick.

Pero apat na salita lamang at biglang nilisan ako ng aking ngiti.

Aksidente lang ang nangyari, Robert.” sabi ni mama.

 

 

 

 

 

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...