Polar Opposites

By JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... More

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Living Improbability
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Fire and Blood
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

Think Positive

15.2K 529 29
By JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades

Chapter 2

Think Positive

Hindi naman kasi ako tamad na tao. Masipag ako. Pero ngayon talaga tinatamad na akong pumasok.

"Ayoko na..." Ungol ko at saka dumapa sa kama.

Isang linggo ng purong kamalasan dahil lang sa isang demonyo. Oo, demonyo talaga sya. Si Alexandria Genesis Imperial. Isinusumpa ko na ang pangalang yan.

Last week, first day pinahiya nya ako sa dalawang magkasunod na klase. Unang araw palang pero kumalat na sa buong school na dapat akong iwasan kung ayaw nilang magalit din sakanila ang 'resident genius' ng unibersidad. Tuloy wala parin akong kaibigan.

Nung second day nalaman kong tennis varsity pala sya in the worst possible way. Naglalaro kasi kami ng PE class ko ng volleyball nang dumaan sa gym yung varsity players para magwarm up. Nakita ako ni Imperial at nang titirahin ko na yung volleyball, sumigaw sya ng 'BAMPIRA' na pagkalakas lakas kaya nagulat ako, naout-balance at tinamaan ng bola sa mukha . Pinagtawanan nila akong lahat noon.

Third day kaklase ko pala sya sa chemistry lab at dahil itinadhana ang mga apelyido namin, partner ko sya. Pinagtripan nya naman ako sa pamamagitan ng paglalagay ng chemicals sa bag ko nung hindi ako nakatingin. Basta pagkuha ko ng papel may green slime na yung loob ng bag ko.

Fourth day may inutusan syang grupo na sundan ako buong araw para asarin at guluhin. Hindi ko nga alam kung paano nya nagawa yun pero sa bawat klase ko merong natitirang dalawang alagad nya. Pinili nya pa ata talaga yung grupo na bawat miyembro ay kaklase ko sa kung anong subject.

Friday walang nantrip sakin. Busy kasi si Alec sa tennis game nya. Pero naiinis parin ako sakanya kasi walang ibang bukang bibig sa school noong araw na yun other than her freaking name. Ako nga lang ata ang hindi nanuod sa game nya eh.

Ngayon Monday morning ayoko pang bumangon. Ayoko pa syang makita kasi dalawang magkasunod na class ang meron ako kasama sya. Pagtritripan nanaman nya ako for sure.

Nagring ulit yung alarm ko at wala na akong ibang ginawa kundi tumayo. Kung andito sila mama at papa hindi sila matutuwa sa katamaran ko.

Naghanda na ako sa pagpasok. Isang demonyo lang naman si Alec. Kakayanin kong makaharap sya ng isang buong taon kasi after this wala na. Gagraduate na ako at di ko na makikita ang nakakainis nyang mukha. Kahit pa sabihin mong maganda sya.

Pagdating ko sa St. Anne University para akong si Moses na hinahawi ang dagat ng estudyante sa hallway. Walang gusto lumapit sakin. Walang gustong makipagkaibigan o makipagusap man lang. Medyo nanlumo ako na hangga't pinagtritripan ako ni Alec ganito ang magiging kalagayan ko buong taon.

Pumasok na ako ng klase at naupo sa pwesto ko sa tabi ng bintana. Kahit si Chang ayaw na akong kausapin, hinihila na kasi nya papalayo sakin yung upuan nya.

Natahimik ang lahat nang pumasok na si Alec sa room. Nakita nya ako at nginitian. Yung mga pangil nya kitang kita ko kahit sa malayo.

"Sophie, andito ka pa?" Parang gulat nyang tanong.

"Bakit, san ba dapat ako?" Sinagot ko na sya.

Nung weekend naisip kong dapat tumahimik nalang ako pag pinagtritripan nya ako. Para magsawa sya at tigilan na nya ako. Pero ayoko namang magpa-bully sakanya. Kaya lalaban ako.

"Ewan, sa basurahan?" Walang ganang sagot ni Alec. Parang sanay na sanay na sya sa pagtawag ng basura sa ibang tao.

Kumulo bigla ang dugo ko sa sinabi nya.

"Hindi ako basura."

"Well, you look like one."

Siguro dahil isang linggo palang ako sa Pilipinas at naninibago pa ako kaya hindi ko makontrol ang sarili ko. Dapat naman kasi masaya na ako't nakabalik na ako sa lupang sinilangan ko. Pero mas maganda pa atang bumalik nalang ako ng Amerika kung saan pakiramdam ko hindi ako nababagay doon kasi dito, pakiramdam ko basura na nga talaga ako. Sumosobra na si Alec.

Hindi ko na kinaya yung halakhak nya at yung tawa ng klase. Lumapit ako sakanya at sinampal ko sya.

Napahawak si Alec sa kaliwang pisngi nya. Namumula na ito at bumabakat na ang hugis ng kamay ko.

Natahimik ang lahat. Pati si Alec nawalan ng sasabihin.

"Goodmorning cla---" Natahimik si Sir Chua nang mapansin nyang may nangyayari.

Saka ko lang narealize na for the first time in my whole life, nakasakit ako ng isang tao. Masakit din pala sa kamay na manampal.

"Oh my gosh, Alec, I'm so sorry!" Napaatras ako.

Natauhan na si Alec at matalas ang tingin na ibinigay nya sakin. Yung violet eyes nya parang lumiliyab na sa galit.

Hala hala. Galit na nga sya sakin lalo ko pang ginalit. Eto na ata ang kamatayan ko.

"Miss Imperial, Miss Jaranilla, what's going on?" Tanong ni Sir Chua.

"Outside. Now."

Napaatras pa lalo ako sa sinabi ni Alec. Mas natakot pa ako sakanya kesa sa professor namin.

"Miss Imperial anong--"

"Sir, can me and Sophie be excused?" Seryosong tanong ni Alec kay sir. Makamandag yung boses nya at parang pinipigilan nalang nya yung sarili nya na wag akong atakihin sa harap ng klase.

"What happened to your face?" Gulat na tanong ni Sir na ngayon lang napansin yung namumulang marka ng kamay ko sa magandang mukha ni Alexandria Genesis Imperial.

"We're leaving." Hinablot ni Alec yung kamay ko at saka ako hinila palabas ng kwarto.

"Teka! San mo ba ako dadalhin?!" Nagpapanic kong tanong. Hindi man lang kami pinigilan ni Sir o ng kahit isang kaklase namin.

Maiiyak na ako. Hindi ko naman ginustong saktan sya eh. Napuno lang talaga ako. Last week pa nya ao pinapahirapan tapos ang aga aga tatawagin nya akong basura.

"Teka lang, Alec, bitawan mo na ako." Pilit kong binabawi yung kamay ko pero ang lakas nya. "Sorry na. Di lang ako nakapagpigil."

"Wala pang sumasampal sakin kahit kailan. Anong tingin mo sa sarili mo ha?!" Pinipigilan nyang wag sumigaw habang kinakaladkad ako.

Hindi ko alam kung san ako dadalhin ni Alec pero pinagtitinginan na kami ng ilang mga estudyante na nasa hallway.

"ALEC!"

Hindi pinansin ni Alec yung tawag na yun at nagpatuloy lang. Lumingon ako para tingnan kung sino yung tumatawag at nakita ang isang babae na tumatakbo papalapit samin.

Hinawakan nya sa braso si Alec.

"Alec, ano ba yan, kahapon pa kita sinusubukang kontakin. You're not returning my calls and messages." Sabi nung babae.

Mukha syang rakista. Naka black and white blouse and tank top sya, black ripped jeans at black high cut Converse shoes. Spiky yung hair nya at medyo makapal ang eyeliner nya kaya nahigh light yung kulay green nyang mata.

There's something gentle about her kahit na naka-rockstar outfit sya. Hindi ko alam, siguro yung boses nya. Malumanay kasi ang pananalita nya.

"Bitawan mo ako Leone." Nagbabanta ang boses ni Alec.

Binitawan sya ni Leone at saka ako hinila ulit ni Alec.

"Alec, tama na, masakit!" Angal ko. Naiiyak na ako sa higpit ng kapit nya sakin.

"Alec!" Tawag ulit nung Leone. "Nasasaktan na daw sya."

"Mind your own business."

This time though, hinila na ako ni Leone dahilan para mapatigil si Alec.

"Bitawan mo sya." Masama ang tingin ni Alec sa rockstar.

Holy shit. Napapagitnaan ako ng dalawang babae na sobrang gaganda at kakaiba ang kulay ng mga mata. Isang mukhang anghel pero demonyo naman ang ugali at isang mukhang adik pero mabait kung magsalita.

"Just let her go, please?" Pakiusap ni Leone.

"Umalis ka na dito Leone." Umiwas ng tingin si Alec.

"Alec c'mon. Stop hurting people. You know you're better than that." Pakiusap ni Leone na hindi parin ako binibitawan.

Nakita ko ang saglit na pagbabago ng emosyon sa violet na mata ni Alec.

"Bitawan mo na ako, Alec. Nagsorry na nga ako diba?"

Nagtama ang mga mata namin ni Alec at parang bumalik ang galit sakanya.

Hinawakan ni Leone ang kamay ni Alec na nakakapit sa pulso ko. "Sorry na daw oh."

"Leone, binabalaan kita, bitawan mo ako."

"Or what?" Hamon ni Leone. Sya palang ata ang unang tao nakita ko dito sa St. Anne University na hindi takot kay Alec.

Nagtitigan silang dalawa. Pakiramdam ko nasa gitna ako ng dalawang nuclear bombs na sa isang maling galaw ko lang ay sasabog pareho.

Violet versus Green.

"Pwede bang bitawan nyo na ako pareho?"

Sabay silang napatingin sakin at dun ko lang naramdaman ang panliliit. Pareho kasing matangkad sila Alec at Leone.

"Alec, pag sinaktan mo sya magkakarecord ka na nyan." Nakikiusap ang boses ni Leone. "Sige na, bitawan mo na sya. Magusap tayo."

Binigyan ako ni Alec ng isa pang tingin bago nya ako padabog na binitawan.

"Di pa tayo tapos." Banta nya sakin. Hinarap nya si Leone. "Ilayo mo na yang basura na yan bago ko kayo durugin pareho."

"Teka maguusap pa tayo!" Angal ni Leone.

Tumalikod na si Alec at nagsimulang maglakad papalayo. Di na nya sinagot pa si Leone.

Nagkatinginan kami ni Leone at dun ko lang narealize na mas maganda pa pala sa malapitan ang green eyes nya.

"Sinampal mo sya?" Tanong ni Leone. Napansin din pala nya yung pamumula ng pisngi ni Alec.

"Hindi ko lang naman kasi nakontrol yung sarili ko eh." Napatingin ako sa paahan namin. "Nagsorry naman agad ako eh."

"Hayaan mo na. Ako na din ang nagsosorry para sakanya. Alec's going through a rough time." Mabait na sabi ni Leone. "Sige na miss, balik ka na sa class mo. Hahabulin ko pa si Alec eh."

Bago ako makapagpasalamat ay tumakbo na sya papalayo, sa direksyon na pinuntahan ni Alec.

Napatingin ako sa pulso ko. Namumula ito sa higpit ng hawak ni Alec kanina. Buti nalang at dumating si Leone kung hindi baka may nagawa ng masama si Alec sakin. Kung nagkataon baka matagpuan nalang nila yung katawan ko na lumulutang sa ilog bukas.

Ayoko nang bumalik sa klase. Nakakahiya na masyado yung nangyari, sigurado mamaya usap usapan nanaman dito sa school yung nangyari. Kung last week nakilala nila ako bilang 'ang babaeng tinawag na tanga si Alexandria Genesis Imperial' ngayon at sa mga susunod na araw ako na ang 'babaeng sumampal kay Alexandria Genesis Imperial'.

Pero ano nalang ba ang sasabihin nila mama at papa sakin? Hindi nila ako pinalaki ng ganito.

Pwede kong hanapin si Alec at humingi ng tawad. Pero kung gagawin ko yun ngayon na, for sure mainit pa ulo nya. Baka lalo lang lumala ang sitwasyon. Mamaya nalang siguro kapag nakapagpalamig na sya.

Pero ano nang gagawin ko ngayon? Yung bag ko nasa classroom pa.

Well, pwede akong bumalik sa class ni Sir Chua pero kapag ginawa ko yun dapat malakas ang loob ko kasi pagtitinginan nanaman nila ako.

"Gagawin namin ang lahat makapagaral ka lang sa magandang paaralan"

Naalala ko bigla yung sinabi ni mama sakin ilang taon na ang nakakaraan. Kung alam kaya nila ang nangyayari sakin ngayon matutuwa sila?

Napapailing sa sarili kong kamalian, nagsimula na akong maglakad pabalik ng klase. Pagusapan na nila ako o kung ano pa man, basta magaaral ako. Pakapalan nalang ng mukha.

Kumatok ako sa pintuan at nagtatakang tumingin sakin si Sir at yung klase.

"May I enter the class sir?"

"S-sure."

Parang gulat pa sila na makita akong buhay. Na para bang ako ang kauna unahang hinila ni Alec palabas ng room at nakabalik ng buhay.

Pumwesto na ako sa upuan ko at tumingin kay sir. Nakatingin din sya sakin na parang hindi sigurado kung paano magpapatuloy. Naconscious tuloy ako.

"Okay...asan na ba tayo? Ah yung pre-colonial Philippines--" Nagptuloy na sa pagtuturo si sir matapos ko syang ngitian.

Okay, baka nga ako ang kaunaunahang nakaligtas sa pangangaladkad ni Alec.

Matapos ang klase naming iyon, pumunta na ako sa susunod na klase na sa kasamaang palad ay kasama ko parin si Alec. Pero hindi na sya nagpakita pa. Umalis na siguro o kung ano.

Mamayang lunch break ko nalang siguro sya hahanapin. Baka sakaling andito pa sya sa school, tumatambay lang sa kung saan.

Habang naglalakad ako papuntang canteen napansin kong may usap usapan nanaman. Hindi sila sumusulyap sakin kaya nacurious ako, parang hindi kasi ako ang topic nila ngayon.

"--galing Singapore." Sabi nung isang babae.

"Ang galing nila noh?" Sabi naman nung kausap nya. "Nagka-Asian tour na sila."

"Nakita mo na ba sila?" Tanong naman nung pangatlong babae sa grupo.

"Si Lucescu nakita ko na, pero may hinahabol sya kanina sa hallway." Sagot nung unang babae.

Nakakpanibagong hindi ako o si Alec ang pinaguusapan nila ngayon. Although may mangilan ngilang sumusulyap parin sakin. Para siguro iwasan ako.

Bumili na ako ng pagkain ko at naghanap ng mauupuan. Mukhang okyupado na ang lahat, maliban sa isang table sa dulo ng canteen, sa may tabi ng bintana.

Kahit nalulungkot sa pagiisa, wala akong ibang magawa kundi ang magtiis sa isolation na dulot ng galit ni Alec. Kung alam ko lang siguro na kinakatakutan sya ng mga tao dito baka hindi ko na sya sinagot, eh di sana may bago na akong kaibigan. Pero ayoko din naman na walang sumasaway sa demonyong yun. Lalo lang naman kasi lalaki ang sungay nya eh.

Dahil sa pamromroblema ko kay Alec hindi ko na tuloy napansin ang saglit na katahimikang bumalot sa canteen at ang biglaang pagingay ulit nito. Basta nagising nalang ako sa pagmumuni muni nang may kumalabit sakin.

"Hi miss, nasa table ka namin." Sabi nung isang lalaki na nakatayo ang kulay itim, puti at pulang buhok. Nakafull black sya at may ilang tattoo sa braso kaya nakakatakot sya tingnan.

Table nila? Pinapaalis nya ba ako?

"Ano ba yan Jecko, hayaan mo sya jan. Nauna sya eh." Singit naman ng isa pa nyang kasama. Nagulat ako nang marealize kong sya yung tumulong sakin kay Alec kanina. Si Leone!

"Sige na miss, sabay ka nalang samin." Sabi naman nung katabi ni Leone na babae. Hindi katulad ni Leone na maiksi ang buhok, mahaba naman ang buhok nya pero pareho lang sila ng style. Parang mga rakista. At para patunayan pa nga iyon, may dala dala syang guitar case sa likuran.

Tiningnan ko sila. Si Leone din may guitar case na dala. Yung lalaking kumalabit sakin may drum sticks na nakasingit sa bag. Meron pa silang isang kasama na lalaki, kulay itim at blue naman ang buhok nya na naka-mohawk naman. May guitar case ding nakasukbit sa balikat nya.

"Ayos lang ba sayo miss?" Tanong ni Leone sakin.

Tumungo nalang ako, hindi sigurado kung anong sasabihin.

Naupo na sila kasama ko.

"Sa wakas! Makakakain din!" Buntong hininga ni Leone. Mukhang takam na takam na sya sa binili nyang menudo.

"Dahan dahan lang Lee, baka mabulunan ka nanaman." Paalala naman nung babae.

Nagabot si blue hair ng isang baso ng tubig kay Leone. "Ayan, just in case."

"Ang sama nyo naman. Isang beses lang ako nabilaukan ah!" Parang batang angal ni Leone.

"Isang beses lang daw. Sinong niloloko mo?" Sabi naman nung red haired guy na Jecko ata ang pangalan. "Umayos ka jan, para kang baby."

"Hayaan nyo na, eh di baby ko sya." Nakangiting sagot ni babaeng katabi ni Leone. Pinunasan nya yung gilid ng bibig ni Leone.

"Hoy! Andaya nyo ah! Di nyo ako hinihintay!" Biglang dating naman ng isang lalaki na kulay green naman ang shade ng buhok. Pero hindi katulad ng dalawang lalaki na kasama namin sa table, yung gilid lang, sa itaas ng tenga ang may kulay sakanya.

"Ang bagal mo kasi eh." Sagot nung babaeng katabi ni Leone.

Hindi nya ako pinansin at naupo nalang sa table.

"Hey Leone, nabalitaan mo na ba?" Tanong ni green hair.

"Ang alin?" Tanong ni Leone habang ngumunguya.

"May bago na daw pinagtritripan si Alec?"

Naubo ako sa sinabi nya at lahat sila ay napatingin sakin.

"Ayos ka lang miss?" Tanong nung blue hair.

Tumungo lang ako at uminom ng tubig.

"Anyways, narinig ko na sinampal sya nung babae kaninang umaga." Pagpapatuloy ni green hair.

"Anong pangalan?" Tanong ni red hair.

"Sophie Jaranilla daw." Sagot nung green hair.

Di ko na kinaya yung usapan nila kaya dala dala yung tray ng pagkain ko ay tumayo na ako. Naptingin lang sila sakin pero si Leone tumayo bigla at pinigilan ako.

"Wait lang miss, ba't familiar ka?" Tanong nya sakin.

Tiningnan ko lang sya. Seryoso ba to? Di nya ba naaalala na tinulungan nya ako kay Alec kanina? Na ako yung sumampal sa demonyong yun?

"I don't think I got your name." Sabi ni Leone na parang nagiisip. Inaalala siguro kung san kami nagkita.

"Sophie." Ang mahina kong sagot pero dinig naman ng grupo nya. "Sophie Jaranilla ang pangalan ko."

Binawi ko na yung braso ko at naglakad papalayo. Hindi na ako lumingon pa sa grupo nila.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kalat na talaga sa buong school yung ginawa ko. Kailangan ko nang magsorry kay Alec para makapamuhay na ako ng tahimik. Ayoko na ng ganito!

________________
A/N:

Hey guys. Looks like nagustuhan nyo yung first chapter. May nagflood kasi sa comments hahahaha

Anyways, maswerte kayo at may 5 hour break ako kahapon. Kung hindi baka next week pa update ko. Hahahaha

Nagtry out nga pala ako kahapon sa Animo Squad (kaya ang haba ng break ko). Sa drums syempre, di ko keri magcheerleading eh. Sana makapasok para libre nood ng UAAP games hahaha (paraparaan din).

So yeah, mababawasan na ang limited time ko sa pagsusulat. Updates may come at longer intervals. But, of course, itutuloy ko ang mga nasimulan ko na. Kaya kapit lang kayo guys. Walang bibitaw.

I'll try updating 30 Days with Fina soon. Salitan nalang muna siguro ang updates ng dalawa kong story.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 34.1K 40
--November 8, 2016 - September 9, 2017-- 'She's plain straight!' Iyan ang itinatak ni Yna sa hopeless romantic niyang puso dalawang taon na ang naka...
261K 17.8K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
32.6K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
766K 30.4K 33
[This is a GL story] Date started: December 2016 Date finished: December 15, 2017 ** Tahimik na ang buhay ko, eh. Kuntento na 'kong kasama si Kuya at...