Polar Opposites

De JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... Mais

Polar Opposites (GirlXGirl)
Think Positive
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Living Improbability
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Fire and Blood
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

Meet the Negative

27.6K 629 70
De JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 1
Meet the Negative

Siguro kung sanay kang bumiyahe sa iba't ibang bansa ayos o sanay ka na sa tinatawag na jetlag. Yun yung feeling na hindi pa nakaka-adjust ang katawan mo sa panibagong timezone ng pinuntahan mo. Nakakapagod yung feeling na yun, na kahit ilang oras kang tulog sa eroplano pakiramdam mo si Atlas ka at buhat mo ang mundo sa balikat mo.

Dapat masaya ako at nakabalik na ako ng Pilipinas matapos magaral ng dalawang taon sa Amerika, pero ni hindi ko magawang tumayo ng tuwid dahil matapos ang mahigit labing-dalawang oras na biyahe mula California pabalik ng Manila ay didiretso agad ako sa unibersidad namin. Pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko babagsak na ako anytime pero kailangan kong umayos kasi ngayon ang unang araw ng huling taon ko sa kolehiyo. Kaya kahit naaakit ako ng malambot na kama ko, isinalaksak ko na ang isang yellow pad, ilang ballpen at isang pamalit na damit sa shoulder bag ko at tumungo sa pinto.

Siguro iisipin ng iba na valid excuse na ang jetlag ko para wag munang pumasok at magpahinga nalang muna, pero hindi kasi ako ganoong klaseng tao. Kaya nga ako nakarating ng Amerika ay dahil sa pagiging mabuting magaaral ko. At dahil nga mabait akong estudyante, papasok ako ngayon. Bahala na kung magmukha akong zombie sa paglalakad ko sa hallway, ang mahalaga magaaral ako.

Umalis na ako sa maliit kong apartment at pumunta na sa St. Anne University. Hindi naman ito kalayuan sa tinutuluyan ko kaya pwedeng pwede ko lakarin. Mamayang hapon na lang siguro ako magpapahinga tutal half-day lang naman ang klase ko.

"Woah,"

Pagkadating ko sa St. Anne para akong sinampal sa mukha. Sa dalawang taon na nawala ako ay ang dami nang nagbago sa unibersidad; nawala na yung guards na nagche-check ng ID mo sa pagpasok ng gates, napalitan na ng automated ID scanners, yung St. Joachim building na mukhang nabubulok na noong una kong nakita ay na-renovate na rin at mukha nang bago ngayon, yung mga estudyante na mukhang mababait noon ay parang nakakatakot na tingnan ngayon, pati yung gahiganteng puno ng acacia sa parking area ay mukhang nagbago na din. Parang ang hindi lang nagbago ay yung estatwa ni St. Anne kasama ang batang si Mama Mary sa tapat mismo ng school.

May isang nagmamadaling estudyante ang nakabundol sakin papasok ng gate kaya nagising na ako sa katotohanang male-late ako kapag tumambay pa ako sa tapat ng school. Lumapit ako sa isang window kung saan mino-monitor ng mga guards ang mga pumapasok sa gate para manghingi ng temporary ID. Hindi ko pa kasi nakukuha yung bago kong ID sa Registrar's Office.

"Welcome back to the Philippines miss Sophie Jaranilla. Pasok na po kayo." Sabi sakin nung lady guard. "Basta daan nalang po kayo ng Registrar's tapos ibalik niyo po yang temporary pass mamaya bago kayo umuwi."

Nagpasalamat ako at pumasok na ng gate, hindi pinapansin yung mga nagtatakang tingin ng ibang estudyante. Alam kong mukha akong dukha sa suot ko pero magpapalit din naman agad ako pagdating break ko mamaya pagkatapos ng first class ko.

Nagpunta muna ako ng Registrar's at kinuha yung ID ko saka ako dumiretso sa Marian Building kung saan nakalagay ang first class ko, History. Buti nalang ni-review ko yung school map sa biyahe kaya hindi ako naligaw. Ngayon lang naman kasi ako magkakaklase sa building na to. Dati kasi sa St. Anne at sa St. Joachim lang yung classes ko.

3rd floor lang naman yung class ko kaya nagstairs na ako. Pero bad move ata yun kasi pagdating ko sa floor na yun hingal na hingal na ako. Pagod na nga pinagod ko pa sarili ko. Sa Amerika kasi hindi ako masyadong nage-elevator kaya nasanay akong mag-stairs.

Wala na halos tao sa hallways, nag-ring na kasi yung first bell. Hinanap ko na yung room ko at saka kumatok sa pinto.

"Yes?" Tanong ng professor sakin. "May kailangan ka?"

"Ay, uhh, sir, Philippine History po ba to?" Tanong ko. Oo parang engot lang, tama naman kasi yung room pero mabuti nang sigurado.

Tiningnan ni Sir yung hawak kong papel na nagsasabing kakagaling ko lang ng student exchange program at ngumiti siya. "Miss Jaranilla, welcome back. Get inside and introduce yourself to the class."

Nahihiya man ay pumasok ako ng room at hinarap ang klase. Halos puno na ang classroom maliban sa mga bakanteng upuan sa likuran kung saan may magisang nakaupo....o nakatungo?

First class, first day, may natutulog sa klase?

"Hi, my name is Sophie Jaranilla. Kababalik ko lang ng Amerika kaninang umaga kaya sana wag niyo akong kakainin."

Nagtawanan yung mga nasa harapan, pero mahina lang. Yung nasa likuran hindi natawa at mukhang kinakabahan pa nga. Bakit kaya? Ganun na ba ako kadungis tingnan ngayon?

"Sige miss Jaranilla, maupo ka na dun sa--" naghanap saglit si sir ng mauupuan ko. Akala ko nga dun sa likuran katabi nung babaeng natutulog niya ako ipupwesto pero ibang upuan ang itinuro nya. "Dun sa tabi ni Mr. Chang."

Dun niya ako pinaupo sa bakanteng upuan sa bandang bintana. Ngumiti naman kaagad si Chang sakin pero yung ngiting kabado pa rin. Ano ba tong klaseng napasok ko?

"Okay, mukha namang kumpleto na tayo ngayon. Nakapagpakilala narin ang lahat except for me, I'm Mr. David Chua."

May pabulong na sinabi si Sir at parang lalong natakot yung klase, napasinghap yung iba at yung iba naman ay--natakot. Mahirap iexplain pero halata sa reaksyon nila. Ano bang ikinatatakot ng mga ito? Hindi ko naman narinig yung binulong ni sir kaya no idea ako.

"Anyways, introduction muna tayo sa Philippine history. Mabilis lang to kasi naituro naman na ito dati sa inyo...."

Nagsimula nang magturo si sir. Dahil pagod ako, malakas ang temptasyon na tumungo at tulugan ang lecture pero pinigilan ko ang sarili ko at nagsulat na lang ng notes para hindi antukin.

Nagtatanong once in a while si sir at nagtataas din ako ng kamay. Maganda kung maaga palang kilala na ako ng prof.

"Si Rizal ay hindi naman talaga natin pambansang bayani---"

Natahimik ang lahat nang may humikab ng malakas mula sa likuran. Napatingin kami sa babaeng nakayuko kanina. Gising na siya.

Galing na ako ng Amerika, andami ko nang nakitang magaganda doon pero iba yung ganda ng babae sa likuran. May kaputian siya at parang may splash ng freckles sa nose bridge niya papunta sa ilalim ng mga mata. Mahaba ang kanyang buhok na medyo may pagka-brown at kahit parang hindi niya ito sinuklay ng maayos, iba pa rin yung dating ng ayos niya. Matangos ang ilong niya at mapupula ang labi kahit parang wala naman siyang lipstick. Nakakunot ang noo niya at parang bored na bored na siya.

Pero ang pinaka-agaw pansin sa kanya ay yung mga mata niya. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganoong kulay ng mata. Violet.

"Masama tumitig." Sabi niya sa klase habang kinukusot ang inaantok niyang mata.

Agad namang umiwas ng tingin ang buong klase maliban sa akin. Di pa kasi ako makaget-over sa mga mata niya. Sobrang ganda nito.

Nahuli niya akong nakatingin pa rin at tumagilid yung ulo niya na para bang nagtataka. Siguro dahil bago ako sa paningin niya.

"Jaranilla," pabulong na kinalabit ako ni Chang.

"Bakit?" Napatingin ako sa katabi ko.

"Kung ayaw mong makain ng buhay umiwas ka sa kanya."

Napatingin ulit ako sa babae sa likuran at nakitang naglalaro na ito ng cellphone niya.

"Bakit ko naman siya dapat iwasan?" Tanong ko kay Chang.

"Basta..."

Ibinalik ko na ang atensyon ko kay Sir na nagpatuloy na sa lecture.

"Merong mga nagsasabi na si Andres Bonifacio dapat ang kinikilala nating pambansang bayani at hindi si Jose Rizal dahil--"

Naputol ang sinasabi ni sir nang may tumawa sa likod. Sa pagkakataong ito, ako lang ang lumingon para tingnan ang tumawa.

"Bobo lang ang magiisip na si Bonifacio ang dapat na pambansang bayani natin." Natatawang sabi nung babae sa likod habang busy sa pagpindot ng cellphone nya.

Napakunot ang noo ko, 'bobo' talaga?! Tumingin ako sa buong klase at lahat sila nakayuko, si Sir Chua mukhang nakalunok ng jolen.

"Pano mo naman nasabi na bobo ang magiisip nun eh kung wala si Bonifacio hindi mabubuo ang KKK?"

Napasinghap ang lahat sa gulat sa sinabi ko. Napailing na lang si Chang.

Nakipagtitigan ako sa babae sa likuran. Parang nagtataka at natutuwa ang itsura niya. Yung violet niyang mata kumikinang sa kung anong kapilyuhan.

"Bobo ka ba?" Tanong niya sakin. Ibinaba na niya yung cellphone niya.

"Tanga ka ba?" Bawi ko. "Malaki ang naitulong ni Bonifacio sa himagsikan."

Kung may ikagugulat pa yung klase, eto na yun. Parang mabibingi na ako sa katahimikan. Si Chang inusog na yung upuan niya palayo sakin.

Tumawa si violet eyes pero yung tawa nya parang malisyoso. "Hindi ako tanga, miss Jaranilla. The whole class can back me up with that."

"Tanga lang ang hindi nakakakita ng kontribusyon ni Bonifacio--"

Di na natuloy yung sasabihin ko kasi sumingit na siya.

"Then tell me why he's not the known national hero?"

Hindi pa ako nakakasagot ay nagpatuloy na agad sya.

"Bonifacio was inspired by Rizal's works kaya niya binuo ang KKK. Kung sa tingin mo karapat dapat siyang maging pambansang bayani at hindi totoo ang kasabihang 'the pen is mightier than the sword' eh di go. Pero sana kung totoo yang paniniwala mo, si Bonifacio din dapat ang kinilalang unang Presidente natin. Pero hindi naman diba? Kasi tanga siya. Akala niya susuportahan siya ng mayayaman para pondohan ang rebulosyon. Pero hindi. There's a reason why Aguinaldo's the first known president and Rizal the known national hero at yun ay dahil edukado sila. Indio si Bonifacio."

Matalas ang pagsabi niya ng 'indio' na para bang diring-iri siya dun.

"Tell me, miss Jaranilla, nasaan ang buto ni Bonifacio ngayon?"

Natameme ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa malaman kung nasaan ang mga labi ng dating supremo. May mga nagsasabing  hinukay ito noong 1918 at itinago sa National Library pero nawala din noong sinakop tayo ng Hapon noong World War 2. Kung yun nga ang totoong buto ni Bonifacio, walang makapagsasabi, kasi kahit si Ambeth Ocampo, hindi naniniwalang yun na yun.

Ngumiti si violet eyes sa pagkaka-corner niya sa akin.

"Kung mahalaga yang bayani mo sana man lang minarkahan nila yung puntod niya diba? Sana itinago nilang mabuti yung buto niya--kung buto nga niya yung nahukay nila sa Maragondon."

"How could you say that?!" Halos bulong nalang ang boses ko.

Lahat ng nakakaalam ng kwento ni Bonifacio ay namamangha sa mga nagawa niya at naaawa sa nangyari sa kanya. Itong si violet eyes ay wala man lang katiting na respeto para sa nabigong bayani.

Arogante itong ka-debate ko. Wala siyang pakialam sa mga naging kontribusyon ng isang tao sa kalayaan na natatamasa niya ngayon. Hindi ko naman sigurado kung alam niya ang kwento ni Bonifacio pero mukhang alam niya ang tungkol kila Rizal at Aguinaldo.

"Unlike Bonifacio, Rizal's bones are well marked and Aguinaldo lived a long life." Sabi ni violet eyes. "Ano miss Jaranilla may--"

"That's enough, miss Imperial." Biglang sabi ni Sir Chua.

So, Imperial pala ang pangalan ni violet eyes.

Masama ang tingin ni Imperial kay sir na para bang pinagkaitan siya nito ng paborito niyang panghimagas. Para siyang leon na naunahan ng cheetah sa paghuli ng isang usa...at ako yung usa.

Parang may sasabihin pa dapat si Imperial pero nag-ring na yung bell at halos kumaripas ng takbo ang mga estudyante palabas ng room. Naiwan kaming tatlo ni Sir at ni Imperial sa loob.

"Miss Imperial, please stop terrorizing the class." Pakiusap ni Sir Chua.

"I'm not terrorizing anyone, right miss Jaranilla?" Mabait na ngiti ni Imperial sakin, pero yung tono ng boses niya'y parang makamandag.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, tumayo na rin si Imperial at lumabas ng room, wala siyang dalang bag o miski notebook man lang. Arogante nga siya, akala mo reyna.

"Sorry about that miss Jaranilla. Ganun na talaga si Imperial eh." Paumanhin ni Sir Chua nang mawala na si violet eyes. "Resident genius na siya ng lugar na to kaya hinahayaan siya ng karamihan sa mga kagustuhan niya."

"Resident genius?" Taka kong tanong. Mukha lang arogante si Imperial at wala sa itsura niya ang pagiging genius.

"Alam ko, hindi halata pero may eidetic memory siya at kaya niya magsalita ng anim na lenggwahe, kasama na ang latin."

"Anim?! LATIN?!"

"You'll know more after some time. Magtanong ka lang sa ibang mga estudyante o kung gusto mo i-search mo sya sa Google. Sige na, baka mahuli ka na sa klase mo."

Alam kong dinidismiss na niya ako kaya inayos ko na yung gamit ko at naglakad papuntang pintuan.

"And miss Jaranilla?" Biglang pahabol ni Sir. Lumingon ako at nakita ang pagod sa matanda niyang mukha.

"Po?"

"Kung ayaw mong makain ng buhay, wag mo na ulit siyang sasagutin. Imperial is quite known for her notorious personality."

Lumabas na ako na nagtataka sa sinabi ni sir. Pareho sila ng babala sakin ni Chang. Kung ayaw kong makain ng buhay, iwasan ko daw si Imperial. Ano bang meron sa Imperial na yun maliban sa kagandahan at katalinuhan na kinakatakutan siya ng lahat?

Notorious personality ang ginamit ni sir na description sa kanya. Ano, Latin ba siya magmura? What's so notorious about her?

Sa kakaisip ko kay Imperial hindi ko agad napansin na pinagtitinginan na pala ako ng mga tao. Napatingin tuloy ako sa damit ko, ang dungis ko na.

Dumiretso ako sa CR para magpalit ng damit bago ang susunod kong klase at doon naabutan ko ang dalawang babae na naguusap. Natahimik sila nang makita ako. Di ko na lang pinansin at dumiretso na ako sa isang stall. Nagmadali din naman silang lumabas kaya naiwan ako magisa sa loob.

Pagkatanggal ko ng t-shirt ko biglang umingay dahil may bagong pumasok sa CR.

"--bago lang kasi kaya hindi niya kilala." Sabi ng isang boses.

"Siya lang ata ang hindi nakalakilala kay Alec my loves." Sagot naman ng isa pang boses.

Alec my loves? Wow ha. Ganda ng pangalan.

"Basta, alam mo na, iwasan nalang natin yung Sophie Jaranilla na yun kung ayaw nating magalit si Alec satin."

Napatigil ako sa pagbubutones ng blouse ko. Pangalan ko yun ah!

"Ang kapal din naman ng mukha niya para sabihing tanga si Alec." Sabi nung isang boses. "Tara na nga, baka ma-late tayo! Naiimbyerna lang ako sa Jaranilla na yan."

Bumukas yung pinto at nanahimik nanaman sa CR. Lumabas ako ng stall at tiningnan ang sarili ko sa salamin.

Ano yung sinasabi nilang makapal daw ang mukha ko para sagutin si Alec eh hindi ko nga kilala----

Teka, baka naman Alec ang first name ni Imperial? Wag mong sabihin saking sikat din yung Imperial na yun at yung narinig kong nagsabi ng 'Alec my loves' ay miyembro ng fans club nya?!

Ah hindi! Pinaglaban ko lang naman ang paniniwala ko kaya kung na-'iimbyerna' sila dahil tumaliwas ako sa 'Alec my loves' nila, aba'y problema na nila yun.

Lumabas na ako ng CR at nagpunta na sa St. Anne building kung nasaan ang next class ko. Buti nga at sa ibang building na ako para malayo dun sa mayabang na Imperial na yun.

Pagpasok ko ng classroom walang pumansin sakin. Buti naman. Walang nakakakilala sakin. Walang nakakaalam na sinagot at tinawag kong tanga ang resident genius nila.

Pumwesto ako sa tabi ng bintana at tinanaw yung labas. Nag-iba na nga talaga tong St. Anne University sa dalawang taong nawala ako. Hindi ko na ma-feel yung 'homeliness' ng lugar na 'to.

Nanahimik bigla kaya napalingon ako sa harap. Anjan na ang professor namin.

May sasabihin na sana si ma'am nang biglang bumukas yung pinto at pumasok ang isang humihikab na estudyante.

"Miss Imperial, please take your seat."

"No need to tell me that." Pabalang na sagot ni Imperial at dirediretso sya sa mga bakanteng upuan sa likod.

Mukhang nainsulto si ma'am pero di na lang niya pinansin ang bastos na estudyante. Ngumiti na lang siya at sinuyod ng tingin ang klase.

"Hello, class. My name is Dr. Cristy Perez." Pakilala niya at may itinaas na papel. "And I have here with me the class list."

Umayos ako ng upo. Para sa attendance na yan for sure.

"Now para hindi ako mahirapan with the attendance every meeting, we will have an alphabetical seating arrangement." Paliwanag ni ma'am. "Kayong nasa first row, stand up muna kayo."

Sayang naman, ang ganda na ng pwesto ko sa tabi ng bintana.

Nagsimula nang mag-assign si ma'am ng seats. Malayo pa naman ang pangalan ko kaya tiningnan ko muna yung mga kaklase ko. Mukha namang makakasundo ko sila except na lang kung takot din sila kay Imperial. Kasi kung sila nagpapa-bully sa mayabang na yun, ako hindi.

"Alexandria Genesis Imperial, dito ka." Tawag ni ma'am.

Oh, so yun pala ang buong pangalan nya. Siya nga pala talaga yung 'Alec my loves' na pinaguusapan ng dalawang babae sa CR kanina.

"Dito nalang ako sa likod." Walang kagalang-galang na sabi ni Imperial.

"Dito ka or I will mark you absent." Banta ni ma'am.

Kunot noong napakamot ng ulo si Imperial at saka nagtungo na sa upuan nya. Parang tamad na tamad syang kumilos. Pano naging genius yan?!

Satisfied na sima'm sa pagkilos ni Imperial kaya nagmove-on na din siya sa susunod na upuan.

"Sophie Jaranilla," tawag ni ma'am.

Nanlaki ang mga mata ko. Hanep na kaswertehan yan oh! Bakit nalimutan kong magkasunod ang 'I' at 'J' sa alphabet?!

"Sophie Jaranilla, absent?"

"Ma'am! I'm here." Tumayo na ako at pumunta sa upuan katabi ni Imperial.

Masama ang tingin ni Imperial sakin. Medyo kinabahan tuloy ako. Baka kasi mapagtripan ako nitong 'genius' na to. Kung kanina ayos lang na sagutin ko siya kasi magkalayo kami, ngayon abot kamay na niya ako.

"You look scared, Jaranilla." Ngisi ni Imperial.

"I'm not,"

"You sure about that?"

"Yes,"

Ngumiti lang sakin si Imperial at doon ko na napansin yung pangil niya. Oh my gosh. Bampira ata 'to kaya ganyan ang mata at kinakatakutan ng lahat!

"You know, you should be scared." Napansin ata nya yung pagiiba ng reaksyon ko.

Napalunok ako. Kamalasan naman oh. Ano 'to Twilight?!

Bahala na nga. Di ko nalang siya papansinin.

"So welcome to physics," panimula ni ma'am Perez, "introduction muna tayo since first meeting pa lang naman."

Pagkasabi nun ni Mam ay umungol si Imperial at tumungo na sa upuan nya.

"Miss Imperial, are you alright?" Pansin ni ma'am.

Sumenyas lang si Imperial ng "go on" habang naka-tungo kaya napakunot ang noo ni ma'am. Parang gusto niyang pagalitan si Imperial pero hindi na niya ginawa.

Hala, baka nga bampira siya?! I mean, litaw yung pangil niya, iba yung kulay ng mata niya, maganda siya at kaya niyang magsalita ng Latin. Baka sa sobrang tanda niya naabutan pa niya yung pagsasalita ng Latin noon?

Nako nako. Ano ba tong ginawa ko? Ginalit ko si Imperial!

Umangat ang ulo ni Imperial at tiningnan nya ako.

"Hindi ako bampira," naka-ngisi niyang sabi sakin.

Napatakip ako ng bibig. Ano ba naman 'to! Sabi ko titigilan ko na yung pabulong-bulong na yun. Bwisit. Narinig pa tuloy nya ako!

"Kung bampira ako sana nasunog na ako sa araw." Dagdag pa niya.

"Malay ko bang daylighter ka katulad nung sa Mortal Instruments?" Ganti ko. "O kaya kumikinang ka din sa araw katulad ni Edward Cullen."

Natawa si Imperial kaya napatigil sa pagtuturo si ma'am at lahat ay napatingin samin.

"What's so funny, miss Imperial?"

"Miss Sophie Jaranilla here thinks I'm a vampire." Nakangiting sagot ni Imperial.

Anak ng tinapa naman oh! Napahilamos tuloy ako ng kamay sa sobrang kahihiyan.

Narinig ko ang mangila-ngilang tawa sa klase.

"Di ako bampira, Sophie. Tigil-tigilan mo na ang pagbabasa ng fiction, nakaka-apekto na yan sa pagiisip mo." Natatawang sabi ni Imperial sakin. "Pero thank you na rin. Because if you think I'm a vampire means you think I'm attractive."

"Wala akong sinabing attractive ka!" Nagpapanic kong sagot. Baka isipin nila gusto ko na din tong impaktong mayabang na to!

"In every vampire novel, vampires are presented as gorgeous creatures to lure their victims in." Ngiti ni Imperial. "Don't tell me wrong, your face says it all."

Diyos ko po, ano ba tong binalikan ko sa Pilipinas. Ibalik nyo na ako ng Amerika!

-----------------------------

A/N:

There we go, another book for you to read and for me to procrastinatingly write. HAHAHAHA
Anyways, this will be a 'cellphone book' meaning to say, sa cellphone ko sya isusulat kapag free time ko kaya kung may grammatical errors, paki-point out nalang sakin at saka ko na ieedit kapag nakagamit na ako ng laptop.

Uulitin ko, spin off book sya ng Split Genius kaya kung may nakikita kayong pagkakapareho, alam nyo na. ;)

O, sino daw yung character ni Sophie at Alec sa Split Genius?
Hindi pa ba halata?



A/N:
Originally posted: June 10, 2014
Edited: January 26, 2021

Continue lendo

Você também vai gostar

2.2M 40.8K 50
Thin line between Lust and Love.
71.7K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
515K 18.9K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
Rebel Hearts De HN🥀

Ficção Adolescente

1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...