She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 29

7.3K 163 39
By ShuperShimmer

MA-RE -RELEASE NA ANG “HOME SWEET HOME” BOOK THIS JUNE 2014!

Chapter 29

© Shupershimmer

Ngayon ko lang nakita ang ganyang titig ni Lawrence. Siguro, kagaya nung time na nasa bilyaran ako, nung una kong nadiscover ang Rec Room niya. Naaalala kong sinabi niyang kilala niya ang mga lalake gaya ni Brent.

Nung Lunes na nasa bahay ako ng tita niya, hindi ko siya nakita. I just thought that he was so busy. Kahit nung Miyerkules, so ngayon ko lang talaga siya nakita.

Nanlamig yata ako pagkatapos ng kanta at halos hindi ako makatingin sa kanya nang diretso. As in hindi talaga.

Pagkababa nila, may ilang sumalubong para magpa-picture—mga ilan lang naman pero puro babae at bakla—at hindi ko talaga siya matignan.

I glanced at Eula, who’s smirking at me.

“Ikaw ba nag-contact at nag-invite sa kanila?” tanong ko kay Eula nang mahina para di marinig ni Ully na kausap ang katabi niyang babae.

She smiled evilly. “Hindi, ah. Pero let’s say na… nakatulong ako sa pag-invite.”

I glanced shortly at Lawrence but he’s busy with those girls. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Crush ng Vice President ng SC si Lawrence. Tapos sabi niya sa meeting, gusto niya raw i-invite sila dahil tumutugtog ang tropa ni Lawrence, kaya lang nagdadalawang isip siya dahil baka i-turn down ang request or ang e-mail.” Paliwanag niya.

“Vice?” I frowned.

Tumango siya. “Yes, si Ate Mich. Anyway, I confirmed kung ‘yung Lawrence ba na sinasabi niya, e, yung taga-kabilang school. Um-oo siya, at sabe, Music ang course.”

I became curious of that Mich—pero wala sa isip ko ‘yun sa ngayon.

“So, paano ka nakatulong?” I asked, suspicious.

“Hm, sinabi ko na na-meet ko si Lawrence dahil pinakilala mo sakin. Sinabi ko ring close kayo, tapos ayun.”

Medyo naguluhan ako nang marinig ko. Hindi ko kasi ma-gets ang koneksyon ng pagkakakilala ko kay Lawrence sa pagtanggap nila sa request ng college namin to guest the party. I don’t get anything.

Nahalata ni Eula ang pagkagulo sa mukha ko. “You know, nag-send kami ng request E-mail kina Lawrence, at kay Ully, tapos sinabi naming friend mo kami at matutuwa kami kung pupunta sila.”

Bigla siyang tumawa nang bahagya na parang inaalala niya ang paggawa nila ng request e-mail, habang ako, nanlalamig.

Hindi lumapit si Lawrence sakin. Hindi nag-hi sa table—siguro nararamdaman niya yung nararamdaman kong panlalamig. You know, biglang parang nahihiya kaming mag-usap? Nagkaroon ng ilangan factor.

“Guys, why don’t you join us there?” untag ni Ully sakin habang may sumasayaw na dance troupe sa stage.

“Huh?”

“Lumipat na lang kayo sa table nila Lawrence.” He smiled, and the side of his eyes crinkled. “Pati na si Eula.”

Umiling ang katabi ko sabay inom ng Blue Lemonade na hawak niya. Tumingin naman ako kay Ully sabay iling. “No, okay na kami rito. Guest’s table ‘yun. Baka ma-issue pa ‘ko.”

He hissed and narrowed his eyes. Pero, umiling parin ako, at tumayo siya sabay tapik sa balikat ko. Lumipat siya sa table nina Lawrence at in-appear-an niya isa-isa. Sa tingin ko, nag-congratulate siya.

Lawrence didn’t even glance at me.

Sa totoo lang, malayo ang mesa nila— iba ang kulay ng table cloth, at mas malaki. Agaw atensyon talaga pag naglakad kami ni Eula papunta sa kanila dahil bandang harap sila, right side of the gym. 

Si Lawrence, nakatagilid sa vision ko; ako naman, nakaharap sa kanya. Kaya, di ko maiwasang tumingin sa way nila— way niya.

Nahihiya ba siya sa ginawa niya? Bakit? Obvious na obvious kasing iniiwasan niya ang way ko. Nakaka-disturb isipin. Kung ganun, edi sana kumanta na lang siya at di na tumingin-tingin pa rito.

Instead, kinuha ko na lang ang bag ko sa ilalim ng table namin, dinukot ang phone ko at tinext siya ng maikling message. Without any smileys—just a compliment.

To: Lawrensha

You did great.

Tapos kumain na ‘ko ng natitirang vanilla ice cream sa cup ko na medyo natunaw na dahil sa hotness ng performance kanina. Di ko alam kung binasa niya o kung magrereply ba siya pero nakapatong lang ang phone sa mesa.

Hindi man lang nag-vibrate.

“Bakit binagsak mo ang phone mo?” nabigla ako kay Eula dahil nakita niya pala ang ginawa ko sa phone ko.

“Ha?”

“Lowbatt?” ngumiti siya na mapang-asar. “O naghihintay ng text?”

“Wala.”

I craved again for that ice cream. Nang nag-vibrate ang buong mesa, binitawan ko agad ang plastic spoon na hawak ko, kinuha ang phone nang walang pahid-pahid sa labi.

Only to find out na isang advisory mula sa network na gamit ko; na may promo ek-ek daw sila. Umismid na lang ako, at nagbend sa ilalim ng mesa para maipasok ang phone sa loob ng bag ko.

Biglang nag-vibrate ang walanghiya at nang makita ko ang mahiwagang pangalan ni Lawrensha, sinubukan ko agad na makabalik sa upuan kaso nauntog ang ulo ko sa gilid ng table—umalog tuloy at nagulat sila.

“Ouch,” I scratched my head. “Sorry.”

Nang mawala na ang pagkahilo ko—hindi biro ang pagkauntog ko—saka ko nagawang basahin ang message ni Lawrence sakin.

From: Lawrensha

You look great. You do.

I gulped, and dipped my spoon on the ice cream. Ano’ng sasabihin ko? Thank you? Tapos end na ng conversation? At bakit wala rin siyang smileys? Gaya-gaya talaga.

Biglang umingay ang crowd sa sinabi ng isang emcee na nakasuot ng sleeveless light blue dress.

Siniko ako ni Eula. “’Yan si ate Mich. Architecture, 4th year.”

“Ah.” Was all I could say as I scan her face down to feet. She’s fine; just fine. “Ano ba’ng sinabi niya? Bakit nagsigawan sila?”

Tinignan niya ako ng engot-ka-ba?

“Adik,” sabi niya na may halong insulto. “Ito na kasi yung climax ng party. You know, pick names, then bid, and date.”

Doon ko lang na-gets ang sinasabi ni Eula. The game is called Pick-Bid-Date, at every year, hindi nawawala ang kalokohan na ‘to. They would pick kung babae, o lalake ang ihahain sa bidding tapos bubunot ng pangalan sa mahiwagang fish bowl.

Last year, girls ang pinag-bidding-an. Last, last year, boys. Nakakatuwa pag boys ang nasa hilera ng bidding dahil matatawa ka sa mga babaeng magpupusta para lang i-date ang lalake na gusto nila.

But the money is not important here. Bawal ang cash dito. Ang bidding ay ang pag-surrender ng mga anik-anik mo; kung sino ang mas may mahal na gamit na nasa bid, siya ang winner.

Simple as that, yet crazy.

Sa pagkakaintindi ko, ang lahat ng na-surrender na gamit ay walang balikan dahil sa Garage Sale ang bagsak nilang lahat. Naalala ko last year na may nag-bid ng laptop para lang sa babae. Grabehan.

“It’s Girls’ turn!” Sigaw nung emcee, na si Mich daw. Dumagundong ang gym na akala mo naglalaro ang San Mig Coffee Mixers ng Finals sa loob.

Mich continued. “The slots for the picked girls are five. And here are our gift certificates of their dates,” pinakita niya sa crowd ang hawak niyang GCs at binasa niya. “Date in Sky Ranch, Tagaytay, Candlelit dinner in The Fort, or sa Bonifacio Global City, MOA By the Bay, and the last, Luneta.”

Maraming natawa sa Luneta, but then, na-amaze ako sa Tagaytay at The Fort. Yayamanin kasi pakinggan, at ang swerte talaga. Biruin mo, libre sila doon.

But then, kahit ilang daan ang babaeng nandito ngayon na nakalista as buyer ng ticket, kinakabahan parin ako. Ewan, ang wirdo.

“Arriane Elaine Yap, Fine Arts, 3-2.”

Pagka-announce ng unang pangalan, nagsigawan ang isang table malapit kina Lawrence, dahil malamang, kilala nila ‘yung nabunot. And the golden rule is No KJ Allowed kaya tumayo na siya para pumunta ng stage.

Parang lalabas sa lalamunan ko si heart. Nakakaloka.

“Fine Arts na naman!” sigaw ni Mich, and I stopped breathing. “Carla Generoso, 3-6!”

I sighed—hoo! And another seconds of applause. Carla looks gorgeous, and I am freaking sure, makukuha niya ang pinakamahal na bid; she’ll win the Sky Ranch, Tagaytay.

“Denise Mae Ferollino, Archi, 4-4!” Akala ko si Denise na kilala ko.

Mas lumakas ang hiyawan, siguro dahil marami siyang friends o baka marami lang talaga ang classmates niyang nandito. Humupa na ang panlalamig ng mga daliri ko, at ang weird na pananakit ng tiyan ko.

“Darla Catacutan, Fine Arts, 3-12.”

Huminto ako sa paghinga—literal. Napapalakpak si Eula, at nagsigawan ang mga classmates kong ka-table ko, at nag-cheer pa na ‘Go Darla, Go Darla’ while I freeze. God, how can they cheer like that while I pale?

Pinapatawag ko lahat ng anghel! Iligtas ninyo ako.

“Go Darla! For the win!”

Halos di ako makangiti kay Ully nang sumigaw siya habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng bibig niya. Sobrang lamig ko na. But in the end, kinuha na ako ng usher at sinamahan sa stage.

I can’t even step on the stairs. Four damned steps lang ‘yun. Putragis. Nanghina yata ang tuhod ko at buti na lang, mahigpit ang hawak ng usher sa kamay ko. Gusto kong mag-teleport.

Napansin ko na lang na lima na pala kami sa taas ng stage at hindi ako makaharap sa dami ng tao dahil nahihiya ako—dagdag mo na ang maliwanag na ilaw.

I kept on sighing and sighing, but my heartbeat is still furious. Seriously? Ano bang kinakatakot ko? Baka kung kanino lang ako mapunta. Baka kung sino lang ang matripang mag-bid. At ayokong mabunot ang Luneta.

Kabisado ko na ang lugar na ‘yon dahil kay Brent.

The bid started with the first picked girl. Ang unang lalake, na mukhang kilala niya—dahil narinig kong minura niya habang nakatawa—e, nag-bid ng mamahaling leather jacket. But he was lost. Natalo siya nung pangalawa na nag-bid ng Iphone.

Taena. Hindi ko ipagpapalit ang Iphone sa date. Nakakaloka.

Sumunod yung maganda na si Carla, at mga lima ang nagtangkang mag-bid—kasama si Ully. Expensive bag, necklace, tablet, waterproof camera, and cellphone. In the end, nanalo ang may tablet dahil Apple ‘yun at kahit di itanong ang price, mahal talaga ‘yun.

Sayang si Ully, necklace lang yata dala niya. Okay na rin dahil ang alam ko, may girlfriend siya diba? Baliw talaga.

The girl named Denise—bakit ba common ‘yun?—is the next. May tatlong nag-bid, pero ang nanalo, e, yung nag-surrender ng Original Lee Jacket.

I palpitated. I keep cursing anything. Anyone. Tipong ito na ang katapusan ko at parang bibitayin na ako maya-maya, o kaya ipapako sa krus. It took 10 seconds bago may nag-raise ng bid.

I don’t know him. Taga-archi daw siya at ang bid niya, e, isang PSP latest version. Whatever.

“Anybody else who wants to bid?” Mich asked the silenced crowd. Lusaw na lusaw na talaga ako sa hiya, at naiihi na yata ako dahil di mapakali ang mga binti ko.

“Oh there.” Narinig ko ang emcee at di ko nakita ang papalapit na lalake dahil sa sobrang liwanag ng ilaw. “What’s your name?”

“Brent Rosales. BSBM.” I heard over the mic.

I froze. As in nanigas ako sa pagkakatayo ko, at hindi ko na kailangang mag-doubt kung si Brent ba talaga ‘yun na ex ko, o iba. Boses pa lang niya, kilala ko na. He’s here. Ano’ng ginagawa niya rito?

Hindi naman sa bawal ang course niya rito. Actually may nag-bid kanina na taga-BSBM din, at may iba ring course like Psychology, or what. I hate this.

Nag-bid siya ng isang branded na wristwatch—at di ko narinig ang brand dahil sa bigla. Basta ko na lang narinig ang sigawan ng mga nasa mesa ko. Sure akong sila ‘yon! Kainis, mahihimatay na talaga ako rito. Anytime.

Pwede ba mag-back out?

“Anybody else?” narinig ko ulit si Mich, and nobody answered back.

No way. Obviously, si Brent ang mananalo kung wala ng magbibid ng mas mahal sa mamahaling wristwatch niya. Ayoko, please. Ano ba! Baka naman nanaginip ako na nakatayo ako sa gitna ng stage? Paker. Paker. Paker.

“10… 9… 8… 7…” nag-countdown pa ang walanghiyang Mich!

I bit my lower lip, like it will bleed. I breathed so harsh.

“4…3…” tinagalan pa niya na parang nakaka-excite ang countdown. “Oh, may gustong humamon!”

I gulped. Hindi ko makita nang klaro ang naglalakad na lalake palapit sa isang usher na may hawak ng mic para makapag-introduce ang nagbibid.

“Name?”

“Keith Lawrence, special guest.”

Continue Reading

You'll Also Like

570K 8.9K 52
Sapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New...
1.9M 37.6K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
919K 31.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
212K 6.2K 53
Elren Vasquez is a No Boyfriend Since birth type of a girl, handa na siyang tumandang dalaga. Jasper Darwin Madrigal is a playboy at handang handa na...