She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 24 (Part 2)

8.3K 148 16
By ShuperShimmer

Chapter 24 (Part 2)

(c) Shupershimmer

Dahil nga nasa kalagitnaan ng highway ang kinalulugaran namin, wala kaming nahanap na malapit na kainan, kahit Jollibee wala. Sinabi ni Lawrence na sa QC Circle na lang daw kami dumiretso dahil may mga restaurant malapit doon.

“Tara, taxi na tayo. Medyo mainit.” Sabi niya habang naka-crinkle ang pagitan ng dalawang kilay niya dahil sa init. He even wore his shades.

“Seryoso ka?” I half-shouted, “Kayang-kaya namang lakarin ‘yon for fifteen minutes. Wag nang mag-taxi, ang gastos mo naman.”

Inunahan ko siyang maglakad sa gilid ng highway, tapos sumunod naman siya—well, wala siyang choice. Pagpasok namin doon sa QC Circle, kumain kami sa unang kainan na nakita namin at tahimik kaming kumain. Nakakatuwa, ganito pala si Lawrence pag nagugutom: tumatahimik.

Tinanong ko siya kanina kung bakit hindi niya dala ang sasakyan niya, e, ang layo nito sa bahay nila. Sinagot niya ako na nagpasabay lang daw siya kay Ully, at sasakyan nun ang ginamit.

Pagkatapos naming kumain, gaya ng inaasahan ko, siya nga talaga ang nagbayad—akala ko joke niya lang ‘yon. After ten minutes of resting, tumayo siya at tinignan ako sa mukha.

“C’mon.”

“Ha?”

“Tumayo ka,” he glanced away, “Masyadong heavy ‘yung pagkain, ayokong magka-tabs.”

Nauna siyang lumabas—as what he alwaysdo—tapos sinundan ko siya hanggang sa loob ng QC Circle. I’ve been here, but have not explored the place. Maraming tao, yung iba may dala pang aso, or tuta, yung iba nakaupo lang. Most of the opposite sex na magkasama, e, nagdedate.

“Hindi ko alam na Luneta part 2 pala ‘to.” I mumbled to myself.

“Sa ganitong klase ng lugar, mas na-a-appreciate ang romance,” I heard him smirked, “Trees, fountain, benches, and stuff.”

“Siguro nakapag-dala ka ng ka-date mo rito, ‘no?”

He grimaced. Natawa lang siya sa tanong ko at binigyan ako ng what-the-hell-do-you-think-look, “This place might be a bit romantic, but not all men would choose this.”

“Okay.” Tinikom ko na lang ang bibig ko habang naglalakad kami sa isang pavement na may silong.

After a moment of silence, Lawrence broke the ice, “What’s your ideal date?”

Hindi naman siya nakatingin sakin pagkatanong niya nun dahil diretso lang ang mata niya sa daanan, habang naka-cross arms siya. If you think na mukha kaming romantic pag tinignan sa malayo, nagkakamali kayo. Almost six inches ang pagitan ng mga braso namin, at mas madalas siyang nauuna. Ang laki-laki naman kasi ng mga hakbang niya, unicorn talaga, e.

“Ideal date?” natawa ako nang bahagya, “Wala. Kahit ano.”

“Saan ka dinadala ni Brent?” tanong niya, “Nung kayo pa.”

“Sa mga normal dating places lang,” napayuko ako, at ngumiti, “Pero bihira lang namin gawin. Hindi mahilig sa Brent sa pag-gala sa mga ‘romantic’ places, dahil hindi niya raw trip.”

“Kawawa ka naman,” he smirked, “Nag-two-time na nga sayo, di ka pa nabigyan ng magandang memories. Siguro nagsawa ka na sa SM, tsaka sa Luneta, ‘no?”

Tumawa siya, to the point na kailangan niya pang huminto sa paglalakad at humarap sakin, para lang ipakitang masaya siya—na sobra ang kaligayahan niya—dahil ganun ang sinapit ko sa first ever boyfriend ko. Napaka-mean talaga. Nakakainis.

I punched his shoulder, “Di mo kailangang i-emphasize na two-timer siya, okay?” umismid ako, “At least, hindi siya pervert tulad mo.”

Tinaasan ako ni Lawrence ng isang kilay, after hearing the word pervert. Oh, na-hit ko yata ang maling punchline. Did I say it wrongly?

Naglakad na naman siya, “Ah, kaya pala mas pinili niya ang mas sexy. Tsk, tsk.”

Hindi na ako umimik matapos kong ma-realize ang sinabi niya. Pero itong si Lawrence, ayaw magpa-awat ng bibig, “Pero alam mo, masaya raw magkaroon ng karelasyon na pervert. Para paminsan-minsan, wild. It fires the relationship, though. Iwas boredom.”

Ngumisi lang siya at di na ako nagsalita. Ewan ko kung ano ang pino-point-out niya pero ayoko nang pag-aksayahan ng oras ‘yon.

Nakaupo kami ngayon sa isang cemented chair na pininturahan na parang kahoy, tapos nasa tapat namin ang isang round table, kakulay ng inuupuan namin. We decided to sit, since natagtag na yung kinain namin, tsaka nasa ilalim ng malalaking puno ang pwesto namin ngayon. Presko.

“Nakailang babae ka na, siguro naman nadala mo sila sa dates?” Tanong ko sa kanya.

Pagkalingon niya sakin, humarap agad ako sa table. I hate it when he intentionally glances—even a gaze—I don’t know.

“Babae talaga?” I heard him chuckled, “I’ve had two dates only.”

“Dalawa lang? Nagpapatawa ka ba?”

Tumango lang siya, sign na seryoso ang sinasabi niya, “When the girl asks me out, I don’t consider it as a date. If I am the one who insists, that’s when I call it a date.”

Napangiwi ako sa katwiran niya. First time kong makarinig ng ganoong perception pagdating sa date. May part na parang napaka-unreasonable ng dahilan niya; may part na parang unique rin ang nasa isip niya. Ewan, ang labo.

“Ano’ng klaseng date?” suddenly, na-curious ako, “Gaano ka-espesyal?”

He shifted in his seat, sighing. Tumingin muna siya sa mesa, na parang iniisip o inaalala niya ‘yung two so-called dates niya sa tanang buhay niya.

“First was with my first girlfriend, sa E.K.” Simpleng sagot niya.

“’Yung si Tricia?”

“Hinde. Pangalawa si Tricia, ano ka ba?” sinamaan niya ako ng tingin tapos nanahimik na ako, “The second date was just recent. One week ago lang.”

Then, he gazed at me again after saying ‘one-week-ago-lang.’ I guess, alam ko na ‘yung second date niya raw. Ayokong i-assume pero kung di ako nagkakamali, yun yung time na niyaya niya akong maglaro ng billiard sa Recreation Room at ang sabi niya, isipin kong date raw ‘yon.

I felt myself flushing, and I bit my lower lip.

“Ah, kay Nina?” kunyari, wala akong ibang naisip kundi si Nina na kasama niya kamakailan lang.

His jaw dropped, “Geez, ang engot mo talaga.”

Past three o’clock nang maisip naming umuwi na kaya tumayo kami doon sa round table tapos sinabit ko sa balikat ko ang sling bag na dala ko. Hindi pa man kami nakakahakbang, may tumawag agad sa pangalan ko kaya napalingon kaming pareho.

“Darla, pwede ba tayong mag-usap? Saglit lang.” It’s Denise.

I inwardly sighed. Paano mo nalamang nandito ako? Ano’ng kailangan mo? Aawayin mo ba ako dahil nag-break na kayo ni Brent? Magsasalita na sana ako nang sapawan ni Lawrence ang speech ko.

“Kailangan niya nang umuwi,” sagot niya, “Wala siyang panahon sa’yo.”

“Please.”

Sabi ni Denise na parang hindi niya narinig ang sinabi ni Lawrence, pero, ramdam kong na-offend siya. Why worry? She deserved it. Narinig ko pang bumulong si Lawrence na umuwi na lang kami pero nag-insist akong kakausapin ko siya for at least ten minutes. Tinignan pa ‘ko nang masama ni Lawrence, tapos nakiusap na lang ako na mauna na lang siya sa pag-uwi.

“Okay,” sagot niya, “I’ll wait.”

Kumunot ang noo ko, “Wag na, umuwi ka na lang.”

“Ten minutes.” Hindi niya pinansin ang sinabi ko, “Maglalakad muna ako sa kabila, tapos babalikan kita rito.”

Hindi na ako nakahabol pa ng sasabihin dahil naglakad-takbo siya palayo. Napakakulit talaga. Pagtingin ko sa babaeng kaharap lang namin, nakaupo na siya sa upuan na inupuan ko kanina. Wala naman akong choice kundi umupo doon sa part na pinuwestuhan ni Lawrence.

“Narinig mo, ten minutes lang. Ano bang sasabihin mo?” sabi ko nang hindi siya nililingon.

Ugh, napaka-awkward, at parang ibang tao na ang kausap ko.

“Alam mo bang ilang araw matapos mo kong sampalin sa harap ng maraming tao,” she stopped, and smirked, “After ng pangyayaring ‘yon, Brent broke up with me.”

“Oh.” Tipid na sagot ko, tipong clueless ako sa sinabi niya kahit alam ko naman.

“Hindi ko alam kung ano’ng nagpabago sa isip niya, e, halos isumpa ka nga ni Brent nung araw na napahiya ako, e.”

Her words are too edgy. Kumbaga sa kutsilyo, napakatalim niya na magsalita. Not the friend I’d known.

I raised my chin, “Bakit mo sinasabi ‘yan sakin ngayon? Wala na kami, wala na kayo. Wala akong makitang point.”

“Di ka ba nagtataka kung bakit ko nagawa ‘yon sayo?” Shet, salamat sa pagsagot sa tanong ko, ha.

“Kailangang pa ba kitang sadyain para tanungin ‘yon?”

She sighed, “Naalala mo nung pinakilala si Brent satin ng isang blockmate natin? Nung araw na ‘yon, sinabi ko sa’yong gusto ko si Brent, dahil mabait, at masayang kasama. Nung araw na ‘yun, sayo ko lang inamin ang sikreto ko tungkol sa kanya.” Napansin kong marahan siyang umiling, “Di ko alam kung natatandaan mo pa.”

It flashed back. That time, hindi pa ganoon katindi ang amusement ko kay Brent, at naaalala kong naging crush nga siya ni Denise. I didn’t speak a word.

“Sinabi mo pa nga sakin na susuportahan mo ‘ko kay Brent, at ilalakad,” natawa siya, pero sarcastic, “Pero pagkalipas ng ilang linggo, nalaman ko na lang sa blockmate natin na ikaw na pala ang nililigawan. Ang saya siguro, ‘no?”

“Hindi ko alam kung nahihiya ka lang sabihin yung panliligaw niya, o nahihiya ka sakin, dahil kaibigan mo ko.” She glanced my way, “Pero dahil nga kaibigan kita, I let it happen. Naging kayo, nagkaroon ng anniversary. Hinayaan ko, kasi inaasahan kong magbe-break din kayo. Pero habang tumatagal na nakikita kong magkasama kayo, lalo lang akong nagkakagusto sa kanya. Lalo lang akong nasaktan.”

Bakit bumibilis ang heartbeat ko? Kakaiba. Iba sa tuwing kasama ko si Lawrence; iba nung nakita ko si Brent sa LRT; iba sa ngayong kaharap ko si Denise.

“Alam mo Darla, dati naisip kong napakasama mo,” tinignan ko siya, “Paano mo nagawang isama ako sa mga lakad ninyong dalawa ni Brent, samantalang in the first place, alam mong may gusto ako sa kanya noong una? Sinasadya mo ba, ha?”

“Hindi ko naman alam na ganoon ang feelings mo sa kanya,” sagot ko, “Ang akala ko, simpleng crush lang—“

“Simpleng crush,” she chuckled, “Simpleng paghanga ng kaibigan mo, pero binalewala mo. Alam mo, ang selfish mo.”

Napalunok na ako ng laway sa sinabi niya. Had I known, I should’ve not taken Brent.

“Kaya mo siya inagaw,” mahinang sagot ko, “Ganun ba ang rason mo?”

“Actually hindi ko naman siya inagaw, e. Hindi ko naman expected na pagkatapos kong aminin sa kanya ang feelings ko, e, papatulan niya. I risked, dahil alam kong baka hindi niya ako kausapin, pero kabaligtaran ang nangyari. Mas naging close kami, kesa sa inaakala mo.”

Parang gusto ko na tuloy mag-walk-out at puntahan si Lawrence para umalis na kami, pero naisip kong magmumukha akong loser pag ginawa ko ‘yon. As much as possible, walang luha na dapat pumatak. Shit lang.

“Ilang buwan niyo kong niloko?” kalmadong tanong ko.

“Actually, isang taon.”

I shut my eyes, tapos tumingin sa taas, para hindi bumaba ang luha. Isang taon? Paano nila natago ‘yon? Paano nila naatim na gumawa nang ganoon nang hindi ko napapansin? Masyado ba akong nagtiwala kay Denise? Siguro.

“One year,” I chuckled, “Wow, ang galing, di ko man lang kayo nahalata. Kung alam ko lang, edi sana nakipaghiwalay na ko sa Brent na yon.”

“Actually naisip niyang hiwalayan ka, after your anniversary.” I gulped hard, why does she have to tell this?

“Pero sinabi kong hinde, dahil ayokong malaman ng iba ang sikreto namin. Alam mo bang pag sinasama mo ko sa mga date ninyo, para narin kaming nagde-date? Minsan nga, parang kami ang lead characters, at ikaw, set aside lang. Siguro nga, nagsawa siya sayo dahil hindi mo naman nabigay ang pangangailangan niya.”

Hindi ako nakasagot, at hindi ko rin siya magawang tignan kanina pa. Naramdaman ko na lang na kumukulo ang dugo ko.

“Ano’ng feeling ng naagawan, ha, Darla?” tanong niya.

“Tama na.”

Yun lang ang nasabi ko. Hindi ko parin magets ang purpose ng pakikipag-usap niya. Parang pinagmamalaki niya sakin na mas gusto siya ni Brent kaya siya ang pinili, pero wala na sila, diba? What’s the point?

I composed myself, “Kahit ano’ng sabihin mo, wala na kayo. Sabi mo kanina, hiniwalayan ka na niya. Ibig sabihin, sawa na siya sa’yo; ayaw niya na sa’yo. Bakit? Dahil pampalipas oras ka lang niya, Denise. Nung mga panahong hindi ko siya nabibigyan ng oras, siguro nga nakakasama ka niya. Pero naisip mo bang option ka niya, pag wala ako? Tatawagin niya lang ang pangalan mo, pag wala ako.

I emphasized my words, and my fists are closed.

“Wala akong paki kung naibigay mo ang lahat sa kanya o kung binigay mo ang sarili mo nung mga panahong boyfriend ko siya, dahil ako, kahit nanghihinayang ako kay Brent, alam ko sa sarili kong walang nawala sakin. Siguro nga, after a few months, makakalimutan ko siya, pero kung kaluluwa mo na mismo ang binigay sa kanya, hinding-hindi na ‘yon mababalik. Masama ang nabibigay lahat, Denise.”

Naglakas-loob akong tignan siya, at diretso lang ang mga mata niya sa harap, pero namumula ang mukha niya. Parang gusto niya nang magalit sa mga sinabi ko. Tensed din ang mga panga niya at alam kong nasasaktan siya sa sinabi ko.

“Ni minsan ba tinrato mo kong kaibigan?” tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa kanya.

She didn’t look, “Noon, oo. Pero nang makilala ko si Brent, nagbago ang tingin ko sayo. I think of you as a rival, opponent, and enemy.”

Natigilan ako nang may pumatak na luha mula sa mga mata niya, pero hindi niya pinahid agad. Diretso parin ang tingin niya, “And I think of myself as a desperate loser, who still fails and I can’t even win the whole heart of Brent.”

Di na ako nakaisip ng sunod kong sasabihin.

“Di ko alam kung ano bang nakita sa’yo ni Brent,” dagdag niya, “Kapag kasama ko siya—nung break na kayo—madalas niya akong naikukumpara sa’yo. Kesyo mas madalas na punctual ka sa mga date niyo, kesyo mas tumatawa ka, kesyo mas mahilig ka sa PBA kesa sakin! Tangina, Brent, wag mo ‘kong ikumpara sa ex mo!

My throat went dry, and I hardly gulp simply because… it’s dry.

Pinunasan niya ‘yung luha niya gamit ang likod ng palad niya, “Kapag nag-aaway kami, lagi niyang sinasabi, ‘Buti pa si Darla ganito. Buti pa si Darla… ganyan.” And she cried with a painful sound.

Umiwas na ako nang tingin, matapos kong makita na yumuko siya, at umaalog ang dalawang balikat niya dahil sa pag-iyak. Everything is bullshit. ‘Yung part na niloko ako ng tinuring kong kaibigan; na niloko ako ng ex ko; na binanggit ni Denise ang mga comparison ni Brent.

“Wag mo na siyang ipaalala.” Naglakas-loob na akong tumayo para iwan siya.

Continue Reading

You'll Also Like

16.8M 293K 71
Dmitri Montreal ~ Eliza Lopez Highest Ranking: #2 in General Fiction Feb. 09, 2017 - #17 in General Fiction. Feb. 10, 2017 - #16 in General Fiction F...
65.7K 2.7K 27
Marriage and commitment is not a joke. The moment you commit yourself into marriage, you must face the trials and consequences. And that's what Katya...
386K 7.7K 58
Every sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo High...
1.5M 23.6K 79
DOC Matteo Grenier is a very hot and good looking doctor. 27 years old pa lamang siya at instant doctor na siya sa edad niya ngayon. He's hot, napaki...