Dreams Into Reality (COMPLETE...

By freylala215

271K 7K 1.7K

Not your typical marriage made on paper. KiefLy fan-fiction. SLOW UPDATE More

Teaser
NOTE
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
NOTE
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
Epilogue
Note
Special Chapter

CHAPTER 30

4.9K 144 26
By freylala215

ALYSSA

Pagkalapag pa lang ng eroplano namin sa Manila ay pinili namin ni Kiefer na dumiretso sa Boutique.

Kanina pa masakit ang ulo ko. At alam ko nararamdaman ni Kiefer ang bigat ng nararamdaman ko.

"Babe." Sabi niya tapos hinawakan ang kamay ko. "Pwede naman siguro natin siyang harapin mamayang hapon diba? Hindi ka naman nakapagpahinga sa eroplano."

"No. I'm okay, Kiefer." Sabi ko na nakangiti sa kanya.

Ang papunta sa boutique ay mabilis lang. Siguro dahil na din sa kabang nararamdaman ko. "Babe? Nagugutom ka ba?" I asked Kiefer.

"Hmm. Hindi naman Babe. Bakit ikaw? You want something?" Tanong sa akin ni Kiefer.

"I want cupcakes, Kief. Can you buy me some?" I asked him. Sana pumayag ayaw kong makita niya ang Tita at pinsan ko. Dahil kung anong ayos ng pamilya niya ganon naman kagulo sa akin.

"Let's buy some muna?" Sabi niya na hahatakin na sana ako pabalik sa car pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Kailangan ko ng harapin ang tita at pinsan ko Kiefer. Sige na sumunod ka na lang ha." Sabi ko sa kanya at ngumiti ng matamis.

"Okay, then! I love you." Kiefer said and kissed me on my lips. Tapos hinalikan niya din ako sa noo.

Nagsimula akong maglakad papunta sa opisina ko at nakita ko ang nagaalalang mukha ni Daesy. "Alyssa? Sorry ha nagulo ko yata ang bakasyon niyo? Ang tita mo kasi eh." Sabi niya sa akin.

"It's okay, Dae! Sige na go back to work. Nasa loob sila? Did you offer refreshments?" I asked her. I have a feeling na pinahirapan nila si Dae.

"Yes Ly, pero sabi nila Starbucks coffee lang daw ang iniinom nila. Feeling mayaman." Napailing naman ako sa sinabi.

"Pero mayaman naman kasi sila talaga Dae. Remember pagala gala na lang sila sa iba't-ibang bansa." I said trying to make the situation light.

"O sige, feeling pretty na lang hindi naman pretty. Oh sige sabihin mong hindi to totoo. Minsan huwag tayong masyadong mabait Alyssa. Kaya nagagalit si Ella sayo eh." Sabi niya na nakangiti sa akin.

"Baliw ka talaga Dae."

"And Ly yang tiyahin mo pagsabihan mo kung makaasta dito akala mo boss din namin siya. Nakakasira ng araw." Sabi niya na nakataas pa ang isang kilay. Ngumiti naman ako at nagpaalam na papasok na.

"Finally!! Ang tagal mo Alyssa." Bungad kaagad sa akin ni Tita Editha.

"I'm sorry tita. May kailangan lang pong asikasuhin." I said at nagulat pa ako na nakaupo si Eury sa swivel chair ko.

"May kailangan ayusin or may kalandian lang. I've heard about you and the famous bachelor Kiefer Ravena. And oh dear cousin! Ang brainy mo doon. Sure na ang future mo kay Kiefer." Sabi niya na nakangiti sa akin.

Hindi ko siya pinansin at naupo lang sa couch ko dito kaharap si Tita Editha. "Tita? What brings you here po?" I asked her. Nagulat pa ako sa pagngiti niya sa akin.

"Hija, we have a problem." Sabi niya at parang nararamdaman ko na kung ano ito. Nawala ang ngiti ko at tumingin sa kanya ng seryoso.

"Naloko kami ng business partner namin Alyssa. Nag-invest kami pero sa huli tinakbo niya lang pala ang pera namin. Walang wala na kami ng pinsan mo hija. Ang ticket pabalik dito sa Pilipinas ang huling pera namin."

Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagkuwari na may tinitignan na kung ano sa cabinet ko.

"Alyssa wala kaming matitirahan ng pinsan mo. Pwede bang matulog muna kami sa condo mo. Alam mo naman na hindi sanay si Eury sa mga maliliit na hotel diba." Sabi niya pa sa akin.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit na naman to. "Fuck problems!!"

"Siya nga pala Alyssa. Pwede din bang masolo namin ni Eury ang buong condo diba may mga kaibigan ka naman, pwedeng doon ka muna." Sabi niya at hindi ko na napigilan na mainis ng tuluyan. Kung hindi ko lang sila kapamilya baka ano nang nasabi ko.

"Sige po tita. Doon muna kayo sa condo ko hindi ko din naman po siya nagagamit." Sabi ko at tumayo na.

"Great! May WiFi naman siguro no?" Eury asked me tapos tumayo na siya sa upuan ko.

"Yes, mayroon din cable Eury." Sabi ko at uupo na sana sa swivel chair ko pero bumukas ang pintuan ng office ko.

"Babe?" Si kiefer na nakangiti sa akin.

"Oh my gosh!" Narinig kong sabi ni Eury at nang tignan ko siya nakangiti siya kay Kiefer. "Hello, I'm Eury. Alyssa's cousin." Sabi niya na lumapit na kay Kiefer at nilahad ang kamay dito.

"Eury stop that baka mamaya hindi naman ganon kayaman yan." Sabi ni Tita na pinipigilan si Eury.

"Kiefer." Sabi niya lang at nakipagkamay pa din kay Erin. "Okay ka na ba? Naghihintay sila Mama sa atin sa bahay." Sabi niya sabay lagay ng kamay sa waist ko.

"Tita Editha, Erin. Si kiefer po fiancé ko po." Sabi ko at nanlaki ang mata nila.

"Fiancé!?" Sabay pa nilang sabi.

"Yes, we got engaged yesterday lang po." Kiefer answered them. "Ano let's go na ba? Or ihahatid mo pa sila sa condo mo?"

"Alyssa ihatid mo kami tapos yung kotse mo din yun na lang ang gagamitin namin habang nandito kami." Sabi ni Tita at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Kiefer sa akin. Alam kong naiinis na siya sa kayabangan ni Tita.

"Sige po. Tara na." Sabi ko at lumabas na kami sumenyas naman ako kay Dae at ngumiti lang siya sa akin.

~

Pagdating sa Condo hindi pumayag si Kiefer na hindi ko siya pasamahin sa loob ng condo ko.

"What? Ito na yun?" Eury asked me. "Ganito kaliit? Dito mo kami patitirahin? Seriously, Alyssa? Sa US sa penthouse kami nakatira ni Mommy tapos dito ganito lang? Bathroom lang to ng room ko doon eh.

Hindi ko mapigilan na mainis lalo. "I'm sorry hindi ako kasing yaman niyo. And mag-isa lang naman ako dito hindi ko kailangan ng malaking condo or ng penthouse." Sabi ko na pinipigilan na makapagsabi ng masama.

"Poor cousin. Hindi ko talaga alam kung paano ka nakapasa doon sa modeling agency mo dati eh. Ang plain plain ng itsura mo eh." Eury said and gave me a smile.

"Hayaan mo na yun. Ang mahalaga nakapasa pa din ako naging model nila ako and now I am a freelance model na walang agency pero marami pa din offers." I answered her.

Inirapan niya naman ako at mas lalo akong napangiti. "Puno po ang ref ng mga pagkain. Mula sa meat hanggang sa vegetables and all. Kayo na po ang bahala." I said at may kinuha sa bag ko. "I only have 7,000 here. Ito lang ang cash ko." Sabi ko at iniwanan to sa lamesa.

"Pang breakfast ba 'to?" Eury asked me.

7000 pang breakfast lang? Broke na broke na nga sila gusto pa din masunod ang luho.

"magkano ba ang kulang?" Kiefer asked at alam ko pinapakita niya lang na mayaman siya. Tinignan ko siya ng masama.

"Maraming stocks sa ref at sa cupboard Eury mamili ka na lang." Sabi ko.

"Hija kulang pa yan sa pang shopping namin ng pinsan mo. Isang store lang ang mapupuntahan namin dyan." Sabi niya and I felt Kiefer's hand of my waist humihigpit.

"Babalik na lang po ako. Ayan lang talaga ang cash ko." Sabi ko at hinahatak na si Kiefer paalis. "Mauna na po kami marami pa din kaming gagawin dalawa."

"Seryoso po talaga Magkano po ba ang kulang? Baka po kasi maging busy na si Alyssa at hindi na kayo makapagkita." Sabi ni Kiefer at hindi ko mapigilan na kurutin siya sa tagiliran.

"Nako! I'm sure hindi mo kaya ang presyo na ibibigay ko. Baka nga mas mayaman pa tong si Alyssa sayo eh." Sagot niya kay Kiefer at naramdaman ko ang panggigigil ni Kiefer. I intertwined our hands and gave him a smile.

"Alyssa naalala ko lang diba may lupa pa ang Papa sa batangas alam ko malaki yung lupa na yun eh." Napasinghap ako sa sinabi niya.

"That's mine!"

"Hindi ko po natandaan tita. Bakit po?" I pretend that I don't know what she's talking about.

"Never mind, naalala ko lang pero siguro baka wala na din yun. Baka binenta na din niya and gave the money to his charity." Sabi niya at para naman akong nakahinga ng maluwag sa sinabi niya.

"Sige po mauna na po kami nandyan na sa table ang susi ng sasakyan." Sabi ko at hinila na si Kiefer palabas.

"Are you sure that you guys are blood related?" Tanong niya kaagad sa akin paglabas namin sa condo ko.

"The last time I checked yes kamag-anak ko naman sila." I said and giggle, kiefer pinched my cheeks and smiled to me.

"I love you misis." Sabi niya and kissed my forehead.

"I love you mister." I answered him.

"Okay na ako wala na ang pagkabadtrip ko. Kiss mo na ako, kiss ang gusto ko eh." Sabi niya and pouted.

~~~~

Mabilis na lumipas ang araw mas naging busy kami parehas ni Kiefer siya sa resort at business nila ako naman sa nalalapit na collection ko.

Nagulat pa ako ng bumukas ang pinto ng opisina ko.

"Sinungaling ka Alyssa." Si Tita Editha na galit na galit at may binato niya sa akin ang mga papel. "Sabi mo hindi mo alam ang lupa. Ano yan ha!?" Sabi niya at nakita ko ang mga papel na nagsasabing sa akin binigay ang lupa.

"Wala kang karapatan sa lugar na iyon Alyssa." Si Eury na galit na galit din.

"Tita sa Mama ko ang lupa na yun. Iniwan yun ng lolo para sa akin." Sabi ko sa nanginginig na boses.

"Oo sayo dapat pero nakalagay sa last will na kapag umabot ka ng 26 at wala ka pa din asawa mapupunta sa amin ang lupa na yun. 27 ka na ngayon Alyssa at wala ka pa din asawa." Sabi niya na nakangiti.

"I acquired that property in a legal way." I whispered and I know she heard that.

"Oh really? Magiging sayo lang yun kung ay asawa ka na." Sabi niya sa akin.

"Anong nangyayari? Nasa labas pa lang ako naririnig ko na ang pagsigaw niyo" Nagulat ako ng pumasok si Kiefer sa office ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Kasal po ako tita." Sabi ko at napatingin kay Kiefer.

"Sorry Mr. Ravena pero alam mo bang itong fiancé mo ay kasal na?" Sabi ni Eury na tumatawa pa.

"Alam kong kasal na siya." Sabi ni Kiefer na hinalikan pa ang noo ko sa harap ng pinsan at tita ko.

"Alam mo?" Eury asked him

"Of, course because I am her husband. I married her 3 years ago. And that marriage is legal and binding." Kiefer said.

"What the fuck! Seriously?" Eury said and Kiefer just gave her a smile.

"You can check our marriage certificate or I can send you our wedding pictures sa Vegas kasi doon kami kinasal bata pa kasi kami noon at dahil ayaw ko mawala si Alyssa sa akin nagpakasal kami doon." Sabi niya na parang wala lang ang nangyayari.

"May tanong pa ba kayo? Pasensya na ha may pupuntahan pa kami ng asawa ko." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinatak ako palapit sa kanya.

"Oh! And by the way hindi ko pala kayo maiinvite sa second wedding namin dito. Close friends and family lang kasi eh. Hindi naman kayo close sa asawa ko kaya hindi din kayo invited." Sabi niya pa at hindi ko mapigilan na mapangiti.

"I fucking hate your family!!" Sabi niya kaagad paglabas namin sa office ko. "Sisiguraduhin kong hindi sila makaka-attend sa kasal natin." Sabi niya pa.

"Don't mind them na babe please."

"In one condition." Sabi niya at napa kunot noo naman ako. "Let's go home na sa condo. I missed you so much wala ka ng time sa akin namimiss na kita."

"Ang landi landi. Nakakainis." Sabi ko pero nakangiti na din ako.

Hinatak na niya ako papasok sa sasakyan niya at pinatakbo na to paalis.

~~~

Tatayo na sana ako dahil nakita kong gabi na din nang pumasok si kiefer sa kwarto namin "Babe?" Kiefer said at halata sa mukha niya na may problema.

Pagkatapos niya akong sunduin kanina sa office dito na niya ako diniretso sa condo.

"What is it?" I asked him at lumapit sa bedside table namin para kunin ang phone ko. Pagbukas ko nagulat ako sa dami ng messages and missed calls ko.

Binuksan ni Kiefer ang TV at tumabi sa akin. "Calm down okay?"

" Recently, pictures of the famous model Alyssa Valdez and the businessman Kiefer Ravena went viral on social media. And now we have another news. They are married. 3 years of marriage."

Nanginig ako sa nabasa ko. "Oh gosh!" I said and looked at Kiefer. Hindi ko alam na naluha na pala ako.

"Hey! Stop crying please." Sabi niya at niyakap ako. "Aayusin natin to okay. Huwag ka ng umiyak babe please."

Napatigil ako sa pag-iyak ng mag-ring ulit ang phone ko. "Chiena's calling." Kiefer said at hindi ko na alam ang gagawin ko.

"What the fuck is this Alyssa? Ipaliwanag mo sa akin ng maayos." Sigaw niya kaagad.

"Chie?" I said

"Alyssa!? Ano ba!? Ano 'to? Kasal ka? At ang pinakanakakagulat pucha 3 years na!! At wala akong alam ha?"

"Chiena, I'm sorry."

"You should be!!" Sigaw niya ulit.

Parehas kaming napabalikwas ni Kiefer nang marinig namin ang doorbell.

Binaba ko ang tawag at sabay kaming lumabas ni Kiefer. "Kief?" I murmured.

"Shhh... Sagot kita dito. I love you!" Sabi niya at hinalikan ako sa labi.

"Kiefeeeeer!!" Sigaw ulit. Pumunta na si Kiefer at binuksan ang pinto.

"Kiefer Isaac Ravena!! Hindi kita pinalaking sinungaling!!" Sigaw ni Tita Mozzy at tinulak si Kiefer para makapasok.

Tinignan ako ni Tita Mozzy at nakita ko ang pag-iyak niya.

"Bakit niyo kami niloko ha? Bakit kayo nagsinungaling sa akin!?"

"I'm sorry tita."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 238 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
490K 8.8K 46
Cervantes Brothers Series: 4 Nagsimula ang lahat sa isang dare hanggang nauwi sa totohanan. Nang malaman ng ama ni Knch Cervantes ang relasyon nito s...
188K 3.8K 80
Dahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle...
4.9K 425 33
Shaniah Kaye Javier, a girl who achieved her dream to be a doctor and at the same time continue her grandfather's legacy of being a military officer...