CHAPTER 28

5.5K 145 43
                                    

ALYSSA

"Dae, basta ha kapag may mga nagreklamo sa mga designs i-send mo kaagad sa akin ha." Bilin ko kay Daesy at inayos na ang lamesa ko. Ngayon ang punta namin sa Siargao.



"Oo naman Mam! Basta enjoy your honeymoon lang with the ever hot Kiefer Ravena." Sabi niya and I can't help but to rolled my eyes.



"Dae gusto mo hanapan kita ng jowa doon? Baka kasi alam mo na hindi lang yung lugar ang maganda." Asar ko sa kanya.



"Basta ganon kagwapo kay Kiefer okay na okay sa akin eh." Sabi niya.



"Nag-iisa lang yun eh. At para na sa akin yun, Dae." I said at tawa naman ng tawa si Dae sa sinabi ko.




"I can't believe na may ganito kang side. Ang cute mo." Sabi niya at sabay na kaming lumabas sa office ko.




"Dae!! Huwag kang magdadala ng boys dito ha. Single ako dapat ikaw din single wala tayong iwanan ha." Sabi ni Ella at niyakap si Dae pagkatapos.




"Donya naman gusto ko din matry yung pakiramdam ni Mam Alyssa na may nag-aalaga sa kanya. Tignan mo naman mas lalo siyang gumaganda. Ikaw Malay mo sa Siargao mo na pala makilala ang lalaking para sayo." Daesy said and Ella rolled her eyes.



"Oo nga naman besh. Para naman hindi yung lovelife ko ang palagi mong nakikita." Pang asar ko pa sa kanya.




"Paano ako makakahanap doon? Eh ginawa niyo nga akong third wheel ni Kiefer. Tapos wala pa naman tayo doon ang sweet sweet niyo na." Sabi niya pero tinawanan lang namin siya ni Kiefer.




Ang byahe papunta sa Siargao ay puro asaran lang namin ni Ella. We stayed at Siargao Bleu Resort and Spa. Ayaw pang pumayag ni Ella na hindi kami magkasama sa kwarto pero nung kinausap siya ni Kiefer pumayag na din malamang may kapalit to.



Kiefer and I stayed on a villa while Ella stayed on a double deluxe. Maganda ang napili ni Kiefer na location ng kwarto namin. Kitang kita ang beach mula dito sa veranda.




"Besh, pwede ka pang magbago ng isip. Doon ka na lang sa room ko matulog malaki yung bed ko." Si Ella habang hawak ang braso ko. Papunta na kami sa labas, si Kiefer kanina pa naunang bumaba sa akin at naghihintay na sa restaurant.




I am wearing a red maxi dress sa ilalim nito ay nakasuot na sa akin ang navy blue na two piece ko.




"Besh hindi papayag si Kiefer." Sabi ko pero inirapan niya lang ako. "Oh! Please! Huwag mo kong sisihin dyan binalaan kita na kasama si Kiefer." I said at sumimangot lang sa akin si Ella.



"Buti na lang talaga yang asawa mo mayaman kaya pumayag na din ako sa kapalit nito." Sabi niya at napatingin na ko sa kanya.



"Anong kapalit besh?" I asked her.



"Secret na namin yun dalawa. Bilis na besh naaamoy ko na yung mga pagkain." Sabi niya at mas binilisan na ang paglalakad.



"What took you so long?" Kiefer asked me tapos hinila ako sa tabi niya. "May gusto ka pang idagdag babe?" Sabi niya at nilagyan na ng kanin ang plato ko. Puro seafoods ang inorder ni Kiefer na pagkain namin.


"So sa 5 days natin dito ganyan kayo ka-sweet at ganyan niyo ko iinggitin?" Sabi bigla ni Ella at natawa naman kami ni Kiefer.




Pagkatapos namin kumain ng lunch ay nagpahinga muna kami pinagbigyan ko na si Ella na samahan muna siya sa kwarto niya and Kiefer booked us some adventures for tomorrow.




Dreams Into Reality (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα