CHAPTER 2

4.5K 150 22
                                    

---------

ALYSSA

~Italy~

"Very good, Alyssa. You are soooooo back and I'm loving it." My photographer said. Sabay tuloy tuloy ng kuha ng mga litraro ko. "Fiercer, darling! C'mon you can do it." Isang sigaw pa ang sinabi niya at binigay ko naman ang gusto niya.



"Annnnnnnd we're done. My Darling Alyssa, are you really sure that you were gone for 2 months? You did great!" Sabi niya sabay beso sa akin.


"I'm actually having a lot of trouble awhile ago. I'm so nervous last night good thing that you agreed to this Mike. I can't imagine what will happen to me if you're not my photographer, we both understand each other. Thanks, Mike." Sabi ko sakanya sabay punta sa dressing room ko. At unti-unti ko ng tinanggal ang make-up ko.

Totoong kinakabahan talaga ako ang last photoshoot ko last 2 months pa humingi ako ng konting panahon para pagtuunan ng pansin ang boutique ko sa Manila. I'm a freelance model now ayaw ko na sa isang modeling agency masyadong demanding sa time and minsan may mga gusto silang ipagawa na ayaw ko. Buti na lang kahit na wala na kong agency may mga kumukuha pa din naman sa akin, more on photoshoot muna ayaw ko muna mag-ramp modeling.


"Ly! Sure ka bang uuwi ka na ng pinas 2 days after nito? Ayaw mo bang kahit mga 5 days ka pa, para naman sana makapagpahinga ka din." That's Chiena my manager.


"No na ate Chie, gustuhin ko man marami akong naiwan na work sa pinas eh. Alam mo naman na kakaopen pa lang ng store ko doon and baka diretso ako sa store sa Paris, maybe some other time yung mga 2 weeks vacation para naman maenjoy ko pa siya." Sabi ko sakanya sabay tanggal ng false eyelashes ko.



The main branch of my boutique is in Paris mayroon na din siya London at ito ngang huli ay sa Pilipinas na.



"Nakakaloka ka talagang bata ka. Akala ko pa naman makakapagbonding tayo dito." Sabi niya na nakasimangot sa akin.




"Huwag ka ng magtampo kapag natapos ko ng ayusin ang sched ko magbabakasyon na naman ako." Sabi ko sabay lapit sakanya at halik sa pisngi niya. "Hatid mo na ko sa hotel ko, ate Chie pagod na ko talaga."

"Okay sige, Alyssa."


Naglalakad na kami palabas nang biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Kiefer.


"Yes? Hello?"


"Damn it! Alyssa! Anong ginawa kong masama ha?" Sabi niya kaagad sa akin.



"Woooh..wait kiefer. What the hell? What's your problem?" Sagot ko sakanya. Pinauna ko na si ate Chiena sa sasakyan.



"Bakit pinapaayos mo ang divorce papers natin? Anong problema, Alyssa? Bakit tayo maghihiwalay? Wala tayong problema ha?" Nahahalata kong nagpipigil na siya ng galit.



"Huwag ka ngang magalit, Kiefer. Nakakainis ka pagod ako ha. Kararating ko lang sa Italy. Tigilan mo ko." Sabi ko sakanya na medyo nababadtrip na.



"Okay..okay. I'm sorry kumain ka na ba? Paguwi mo magusap tayo." Sabi niya sa malumanay na boses.



"Ang bipolar mo kiefer. Bwiset ka talaga!" Sa isip ko habang nakikinig pa sakanya.




"Alyssa please paguwi mo kailangan natin magusap. Makipagusap ka sa akin ha." Sabi niya pa.


"Oo na kiefer. Sige na makikipagusap na ko sayo." Sabi ko sakanya.



Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now