CHAPTER 7

4.5K 135 26
                                    


KIEFER

"That was quite a show, Mrs. Ravena" sabi ko habang paupo siya at kunwari pa pumapalakpak ako.

Tinignan niya lang ako ng masama at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Alam mo kiefer sa susunod pwede bang pagsabihan mo yang mga babae mo na huwag basta basta susugod lalo na kapag kumakain ako nawawalan ako ng gana." Sabi niya sabay tingin pa din sakin ng masama. "Huwag silang masyadong feeling na kung akala mo ang gaganda baka hampasin ko sila ng katotohanan." Sabi niya na nakasimagot na sa akin.

Hindi ko mapigilan na tumawa sa mga pinagsasabi niya. "Hindi ko alam na may mataray na side ka pala akala ko puro ka lang drawing and modeling." Amusement is very evident on my face now.

"Compliment ba yan? Or nang-iinsulto ka na?" Sagot niya sa akin.

"Woah! Don't tell me pati ako aawayin mo? Sige ka mawawalan ka ng gwapong tour guide?" Sagot ko pero hindi na niya ako pinapansin dahil busy na siya sa pagkain niya.

Alyssa's eating with her hands at natutuwa ako na hindi siya maarte nagulat din ako marunong siyang magkamay akala ko kasi dahil sa mayaman siya at laking Europa hindi siya marunong. Wala din siyang pakialam kung puro carbs na ang kinakain niya, ang sarap sarap niyang kumain tipong pati ikaw gaganahan talaga.

Hindi ko napigilan na ngumiti habang nakatingin sa kanya. "Sana pala matagal ko na tong ginawa." sa isip ko at nagpatuloy na din sa pagkain.

Tumunog ang phone ko at pagkakita ko si Dani pala ang tumatawag sinagot ko to kaagad. Mahirap pinaghihintay ang prinsesa.

"Hello manong. You promise me something right?"

"Hmmm. I don't remember anything."

"Manong naman ehh. Sabi mo ipapakilala mo sa akin si Alyssa Valdez eh. Pinangako mo yun sa akin. Manong huwag kang madamot."

Hindi ko na napigilan na tumawa "sorry babygirl, But I really don't remember anything. Lahat ng pangako ko tinutupad ko." Sabi ko pa.

"Exactly, manong! Lahat tinutupad mo. Dalhin mo na siya dito sa bahay. Madaya ka na nga at hindi mo sinabi sa amin na kilala mo pala siya. Akala mo ha nagtatampo pa kami ni ate bea."

Nung lumabas yung mga pictures namin sa Paris hindi na ko tinigilan ni Dani at Bea na ipakilala ko daw sakanila si Alyssa. Araw araw nangugngulit tong si Dani at Bea tapos isinama pa nila si Laura, kaya araw araw din masakit ang ulo ko sakanila.

"Can you wait a little longer babygirl? We still need to talk." Sabi ko at alam ko nabubwiset na yan sa pagtawag ko sakanya ng babygirl si Bea lang ang hinahayaan niya ewan ko anong ttip nito.

"Manong naiinis na ko ha. Basta dalhin mo siya dito sa bahay. Kapag hindi mo siya dinala dito 1 year kitang hindi papansinin."

Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now