CHAPTER 8

4.6K 126 10
                                    

KIEFER



Kinatok ko si Alyssa sa kwarto namin. 7pm na nagugutom na ko. "Ly, let's have dinner. I cooked something." Sabi ko sa kanya.





After niyang magswimming nagstay pa kami ng ilang minuto sa shore dahil tuwang tuwa si Alyssa. Hindi na ko magkakaproblema kapag dito na niya gustong magstay.





"Talaga? You know how to cook? That's pretty amazing." She answered me and went to the dining.





I cooked chicken adobo ang sabi sa akin ni Mama masarap naman daw tong recipe ko na to, ewan ko lang kung binobola lang ako ni Mama or what eh. Syempre nanay ko yun talagang puro papuri matatanggap ko doon.







"Matagal na kong mag-isa lang sa condo, kasi yung wife ko ayaw naman pumunta sa condo namin, ang galing niya diba." Sabi ko sakanya at nakangisi pa ko. "Sanay akong mag-isa kaya natuto na din akong magluto. Bakit ikaw? Don't tell me hindi ka marunong?" Sabi ko sabay lagyan ng kanin sa plato niya.





"Marunong naman kaso hindi masarap kung hindi maalat matabang naman, hanggang sa ayaw ko na lang kasi tinamad na ko. Kahit naman kasi sabihin ni Ella na masarap alam ko naman na hindi." Sagot niya sa akin. "Ang sarap, Kief. Nakakahiya naman sayo ang asawa mo hindi marunong magluto." Sabi niya pa sabay kuha pa ng ulam.







"Mayaman ako Ly kaya kong magbayad ng kahit na magkano para sa isang chef. At ako na lang ng palaging magluluto sayo kaya huwag kang mag-alala." Huli na ng marealize ko ang sinabi ko.





"Shit! Kiefer di ka nag-iisip."








Napahinto naman sa pagkain si Alyssa sa mga sinabi ko. Pagkatapos noon mas pinili namin na kumain lang parehas at wala ng nagsalita pa.





"Kief, pwede ko bang puntahan yung bahay? Kasi kanina nung napadan ako ang sabi ng guard doon. Wala daw hinahayaan na may makapunta doon kahit na mga kapatid mo pa kaya hindi na din ako tumuloy." Sabi niya sa akin na halatang iniiwasan ang sinabi ko kanina.







"Dapat sinabi mong asawa kita, ayaw ko kasing may makakita nun, at ayaw kong may masira sila doon kaya naka off-limits talaga yung place. Mamaya ibibigay ko sayo ang access card mo." Sabi ko sa kanya "Finish your food, we need to talk hihintayin kita sa may pool." Sabi ko sabay pumunta na ko sa labas ng bahay sa may swimming na pool na maliit.






Kapag nandito ako sa resort, ito talaga ang bahay ko kumpleto ng gamit at ito ang pinakamalaking Villa dito.




I dialed the number of my secretary.





"Hello, Grace? I am currently in the resort right now, I don't know kung hanggang kailan ako dito. Pero baka magtagal ako."







"Okay po, Sir. But how about your pending meetings?" Sabi niya sa akin.



"Re-sched it, babalik na lang ako dyan. And yung mga reports i-send mo na lang sa email ko. Thank you, Grace." Sabi ko sa kanya sabay baba ng phone.







I can't help but to look at Alyssa. She's washing our dishes. She looks perfect on my kitchen, just the thought of waking up in the morning and she's cooking our breakfast really calms my heart.







Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now