CHAPTER 1

5.2K 143 20
                                    

----

ALYSSA

"Alyssa? Ly? May bago akong chika sayo." Ang secretary ko habang tumatakbo pa papunta sa lamesa ko.

Kakatapos ko lang sa huling design na ginawa ko sa araw na to. Kahapon ko pa to ginagawa buti na lang natapos ko na para masimulan na siya.

"Baliw ka talaga Dae. Kaya pala kanina pa kita nakikitang patingin tingin sa akin." Sabi ko habang nagtatanggal ng coat at naupo sa swivel chair ko.

"Eh kasi naman, Ly alam kong magiging masaya ka sa ipapakita ko sayo. Kaso, Ly I have good and bad news sayo. Anong gusto mong unahin. Pero alam mo Alyssa kung ako sayo piliin mo muna yung good." Sabi niyang dire-diretso.

"Talagang pinapapili mo pa ako sa lagay na yan ha? Eh parang may napili ka naman na eh. Sige go ano ang good news, Daesy?" Sabi ko sakanya sabay tingin sa phone ko.

"Aly look oh! May bago na naman magazine ang boyfriend natin. Bilis tignan mo sobrang gwapo dyan ni Kiefer." Sabi niya habang tumitili pa.

Kinuha ko ang magazine at tinignan ito, kiefer is the cover, looking dashing as ever in his dark gray suit and tie with his signature serious face that will surely make every girls fall in love with him.

3 years na kaming kasal ni kiefer, pero walang nakakaalam nun maliban kay Ella sa isang matalik niyang kaibigan at sa lawyer ko nanatili itong sikreto sa buong mundo.

"Ang gwapo niya pa din. Walang pinagbago. Ang gwapo ng asawa ko." Hindi ko namalayan na nasabi ko na pala siya ng malakas.

"Oh my gosh! Ly! Hindi ko ineexpect na ganito ka pala mag-fangirl nakow! Alyssa huwag na huwag mong ipaparinig yan sa mga fans ni Kiefer. Mas malala sila sayo grabe!" Tawa ng tawa si Dae sa sinabi ko.

"Hay, Dae kung alam mo lang ang totoo." Sa isip ko sabay baba ng magazine na hawak ko. "Nga pala, what's the bad news?"

"Ay! Ly ito na nga po, I think hindi na natin pwedeng pagpantasyahan si Kiefer. Mukha kasing taken na ang koya mo." Napatigil ako sa sinabi ni Dae.

"Wait, Dae ano yun? Taken na siya? Teka kailan pa yan?" Sunod sumod na tanong ko na medyo tumaas ang boses ko.

"Model din yun Alyssa eh, kaso pasikat pa lang mas sikat ka pa din, dito lang nakabase sa Philippines yung girl." Sabi niya.

"Ahm.. Dae do you know her name?" Tanong ko sa kanya na medyo hindi na mapakali.

"Tasha Santos daw yung name. Pshhh. Maputi lang naman." Sabi niya habang nakasimangot pa. "Ang arte arte sa mga interviews kala mo naman sobrang ganda. Basta for me wala pa din tatalo sayo, mas maganda ka doon, Alyssa. " Sabi niya sa akin

Naiinis na ko pero sa mga pinagsasabi sa akin ni Dae hindi ko mapigilan na mapangiti, kung hindi ko lang alam na kay Ella ko lang nasabi ang sa amin ni Kiefer iisipin ko ng may alam si Dae.

"Are they dating or sila na ba talaga?" I asked her with much curiousness in my voice, mayroon pa kaming 3 months na kailangan bago kami mag divorce ni kiefer pero ito na may girlfriend na pala siya baka kapag nagcheck na ang lawyer ni Lolo at nila Tita mapahamak kami dahil sa ginagawa na niya ito.

"Leche! Ravena! Hindi ka marunong sumunod sa pinagusapan natin."

"Oo yata eh ilang beses na silang nakikita na lumalabas na silang dalawa lang eh tapos itong babae talagang very vocal sa relasyon kuno nila. Ang harot harot. Pero sabagay kung ganyan naman kagwapo at ka-hot ang jowabells ko, nako ipagmamalaki ko din yan no."

"Dae, how about si kiefer? Tinanggi niya ba ito or what?" I asked her at tumalikod sakanya. Nakita ko ang picture frames na nakalagay sa cabinet my last picture with my parents, I was 11 years old ng mawala sila sa akin, car accident. Doon nagsimula ang pagiging miserable ng buhay ko.

Ginala ko pa ang tingin ko at nakita ko ang picture ko sa Las Vegas, kiefer took this photo, after our wedding dumiretso lang kami sa isang restaurant with our lawyers tapos nung pauwi na ko sa hotel room he asked me to have a photo with him. At dahil sa maaga pa naman nagdecide kami na maggala muna, marami kaming pictures nun mostly puro candid shots ko but this one is very special to me dahil nung bago niya ko kinuhanan dito he kissed my forehead and my cheeks.

"But don't get me wrong, I don't have feelings for him just ahmm... Just a simple crush."

"Para naman tayong bago ng bago kay Kiefer, Ly. Eh yung mga interviews lang naman niya pag puro business gatherings lang, pero ang huling rinig ko wala naman daw siyang sinagot dun sa mga nagtatanong as in ayaw daw mag-comment ni Kiefer, kaya medyo palaisipan pa din sa lahat kung totoo nga ba?." sabi ni Daesy sabay kuha ng magazine. "look naman, Alyssa oh!sobrang gwapo niya ngayon, kung totoo man iyon sobrang swerte naman nitong Tasha na ito. sobrang nakakainggit talaga siya."

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Daesy, tama naman siya kahit naman masungit at hindi ko magets ang ugali ni Kiefer alam ko naman na mabuti siyang tao.

"Ay! nga pala, Ly kailan ang balik niyo galing Italy? Alam mo na ha yung pasalubong ko ha." sabi niya sabay tawa sa akin.

I met Daesy 3 years ago binigyan ko siya ng scholarship nun, and at the same time assistant ko sa maliit na maliit na boutique ko, minsan nagpapatulong ako sa designs ko. Hanggang sa makatapos na siya at mas pinili niyang magtrabaho sa akin. She's more than just an employee she's one of the few people that I trust. Super close na din sila ni Ella, nag-click ang personalities nila mga parehas mahilig mang-bully.

"Sandali lang ako sa Italy, Dae. tatapusin ko lang tong photoshoot na to, hindi na din siguro ako tutuloy ng London basta yung mga naka-sched sa akin na meetings and designs next week huwag mo nang i-cancel ha, salamat Daesy." sabi ko sakanya sabay inayos na ang gamit ko. "Dae nga pala, sa akin na lang tong magazine ha." habol ko pa sakanya.

"Sige, Alysaa talagang binili ko iyan para sayo para you know may inspirasyon ka sa photoshoot, Pero naman beh dahan dahan ha wag mong masyadong pantasyahin yung arms niya." sabi niyang tawa ng tawa.

"Baliw ka! Dae hindi ako ganon no, tsaka hindi arms ang gusto ko sa kanya." Sabi ko sabay bato ng pencil sa kanya pero nakatakbo na palabas.

Paglabas niya ng office ko ay naupo ulit ako napahawak ako sa ulo ko at nag-isip ng malalim.

"Kung totoo man itong sainyo ng Tasha na ito. Bakit hindi mo ko sinasabihan na may nakilala ka na pala. Mas lalo mong pinapagulo ang isip ko. Talagang nakakainis ka na ng sobra, Kiefer." Sabi sabay punit ng papel sa harap ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang lawyer ko. Matagal na din ang huli naming pag-uusap.

"Hello? Yes, Alyssa? Napatawag ka yata Hija? Bakit may problema ba?"

"Ahm.. attorney gusto ko po sanang ayusin niyo na yung divorce papers namin ni Kiefer. after 3 months pwede na kaming maghiwaay ng tuluyan kasi mapapasakin na naman na ng tuluyan yung bahay doon diba po?" I asked my lawyer

"Oo naman, Alyssa wala ng hahabol doon kahit na ang tita mo pa kasi ang nakalagay naman sa last will ng lolo mo kapag umabot ka pa ng 27 years old tapos wala ka pang asawa doon hindi mapupunta sayo ang lupa." sabi ng abogado ko. "Sigurado kana ba dito, Alyssa? kasi ang alam ko wala pa naman pinapaayos na divorce papers si Kiefer. nakapagusap na ba kayo?"

"No need for his approval attorney after all para din naman ito sakanya eh para makapagsimula na din siya ng pamilya niya. thank you, Attorney ikaw na pong bahala sa lahat ha."

Alam kong naguguluhan din siya sa mga sinabi ko kasi matagal na din dapat namin to inayos pero si kiefer hindi naman gumagawa ng paraan.

Binaba ko na ang phone ko at tumingin sa ulit sa picture ko na si kiefer ang kumuha.

"You know what, Mr. Ravena? I am actually doing you a big favor you should be thankful to me. Isa kang masakit sa ulo, bwiset ka as always!" I sighed deeply and look at my bag hinanap ko ang pouch ko at nilabas ang engagement ring at wedding ring ko. Isang beses ko lang tong nasuot nung mismong kasal lang namin.

"It's time to set you free. you deserve to be happy Kiefer. Thank you for all."

----

Dreams Into Reality (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz