CHAPTER 11

5.2K 149 35
                                    

ALYSSA


Hinihintay ko ang sasabihin sa akin ni Candra pero nanahimik na siya at tinulungan na ang Nanay niya sa mga gawain.







"Nay? Matagal na po kayong dito sa isla nakita?" Hindi ko napigilan na tanungin kasi feeling ko kahit na gaano pa kaganda ang lugar nakakaboring pa din.




"Medyo lang anak. Minsan naman umaalis din kami pupunta kami doon sa mismong resort. May bahay kaming maliit ilang kilometro ang layo dito pinagawa nila Mozzy at Bong para sa amin." Sabi niya tapos inutos na sa anak niya ang ibang gawain at naupo sa harap ko. "Mukhang nasarapan ka, gusto mo pa ba?"






I nodded and smiled widely to her. "Eh! Nay, matagal na po kayong yaya ni Kief?" Tanong ko dito.






"Oo anak. May kulang kulang 20 years na din siguro. Mabait ang mag-asawa pati din ang mga anak nila. May pagkamasungit yan si Kiefer pero ayos naman siya. Makulit si thirdy masayahin yun tapos si Dani yung bunso nila nako ubod ng lambing na bata. Mabubuting tao sila." Sabi niya sa akin.







Hindi ko napigilan na mapangiti sa kwento ni Nanay Lorie ang swerte pala ni Kiefer sa pamilya niya. Masaya at buong pamilya bagay na wala sa akin.





"Eh, ikaw ba? Na saan ang pamilya mo?" Tanong niya sa akin.






Napayuko naman ako sa tanong ni Nanay Lorie. "Wala na po sila Nay. Bata pa lang ako kinuha na sila sa akin." Pagkukewento ko dito at napangiti ng pilit.






"Pasensya ka na Anak, hindi ko alam. Nako minsan ang daldal ko din talaga." Sabi niya na at napatapik pa sa bibig niya.





"Okay lang Nay. Kayo talaga." Sabi ko na napapatawa sa kanya.






"Sino palang nag-aalaga sayo?" Tanong niya pa.





"Yung Lolo ko at tita ko po." Sagot ko sa kanya at hindi ko maiwasan na maisip sila. Lalo na si Tita sana huwag na siyang maghabol sa lupa ko dito.






"Ano nga palang trabaho mo anak?" Tanong niya ulit sa akin.







"Isa po akong modelo, Nay. Tapos nagdedesign din po ako ng mga damit at sapatos." Sagot ko sa kanya. At nakita ko ang gulat na reaksyon ni Candra at napatigil pa siya sa mga ginagawa niya.






"Sabi ko na eh, Parang nakita na kita eh, doon sa cellphone ni Dani, sobrang idol ka ng bata na yun. Ikaw ba yung model sa Europa?" Tanong sa akin ni Nanay Lorie.





Hindi ko alam kung sasagot pa ba ako, ayaw ko talaga ng mga tanong na ganito naiilang pa din ako. Ngumiti ako ng pilit kay Nanay at napakamot sa batok ko.







"Yes, Nay. Siya po yung modelo na yun. Ang ganda niya sa pictures pero mas maganda pala siya sa personal diba Nay?" Si kiefer at yumakap sa likod ko.







"Nako! Kiefer, ang swerte mo pala dito sa kasintahan mo, ang ganda ganda na tapos ang bait pang bata." Sabi ni Nanay sa amin at nakangiti pa siya.




And once again hindi ko mapigilan ang sarili kong sulyapan ang reaksyon ni Candra. Pero nakatingin lang siya sa mga braso ni Kiefer na nakayakap sa akin.






"Nay, pinapataba niyo po ba ang girlfriend ko? Alam niyo po bang sobrang lakas kumain nito. Minsan po sumabay kayo sa amin para makita kung gaano siya kagana kumain." Sabi pa ni Kiefer tapos kinuha niya yung tinidor ko at siya na mismo ang umubos sa natira ko.




Dreams Into Reality (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα