She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 24 (Part 1)

8.4K 143 12
By ShuperShimmer

Chapter 24 (Part 1)
(c)Shupershimmer

DARLA'S POV



The past four days was our hell week. Nagsunod-sunod na kasi ang mga final examinations, pasahan ng research papers, ng thesis, tapos nagpahabol pa ng make-up class ang isang professor.

Jusko, isang buga lang lahat! Nakakainis, gabi-gabi akong pinuyat dahil sa dami ng gawain. Humingi pa 'ko ng sorry kay Miss Via dahil three sessions akong di nakasipot sa tutorial ko kay Mika. Buti na lang talaga at naintindihan niya.

"Darla, doon tayo sa likuran banda ng bus!" hinila na ako ni Eula kahit hindi pa nakakahinto 'yung service.

"Sandali! Dahan-dahan, baka matapilok ako!"

Kung makakaladkad kasi sakin, parang sako lang ako ng basura na itatapon sa dump truck. Sinabit ko nang maayos ang bag ko sa balikat tapos nagtama ang tingin namin ni Denise.

Syempre, umiwas ako.

Friday ngayon, at excused ang buong araw namin para pumunta sa isang art exhibit-- painting, sculpture, photography, and stuff-- na isang requirement namin. Pagkatapos, kailangan namin gumawa ng one-page essay tungkol sa isang bagay na nagustuhan namin sa exhibit.

Tae, ang mahal ng ticket na binayaran ko! 500 isang tao. Kaloka.

Quezon City ang destinasyon namin, at dahil medyo traffic, matagal ang naging byahe. Nakikinig ako sa earphone ko ng kantang "Ordinary Song" nang biglang tumunog ang ringtone ko.

Dan-dan-dan-dalandan! 

In-accept ko agad yung tawag dahil narinig ng ibang blockmates ko ang mahiwagang ringtone ko kaya nagtawanan pa sila. Che, naiinggit lang kayo.

Just then, I realized that Lawrence's the caller.

"Bakit?" sabi ko sa mic ng earphone.

"Nasaan ka?" 

Napataas ang isang kilay ko sabay tingin sa pinakamalapit na bintana, "Pa-V.Mapa."

"What?" may kinausap siyang ibang tao na malamang, kasama niya, pero di ko na-klaro ang usapan nila, "Wala ka na sa school?"

"Oo. Wala kaming klase ngayon," di siya sumagot, "Bakit mo tinatanong?"

"Toot."

Halos mamura ko yung cellphone, or shall I say, siya, dahil binabaan ako nang ganun-ganun lang. Hindi na ba uso ang bye? One syllable lang yon, gaano ba kahirap bigkasin? Tss.

Pag dating ng Cubao, inayos ko na ang buhok ko, nagpulbo nang konti at inayos ang bag. After a few more minutes, nandoon na kami sa venue na parang isang hotel, pero hindi. Nagbabaan lahat ng fine arts students, sakay ng dalawang bus, tapos kumpol-kumpol na kami sa main gate.

Nataranta ako nang umingay na naman ang ringtone ko, at si Lawrensha na naman ang tumatawag! Ano bang trip nito ngayon? 

Nakahithit yata ng tambutso, e.

"O, ano na naman?" bulaslas ko kaya napatingin si Eula sakin.

"Ano'ng suot mo?" 

Kumunot ang noo ko bigla, "Ha?"

"Pucha, sagutin mo na lang, pwede?"

Napayuko ako sa damit na suot ko, "Naka-black ako."

Napasagitsit siya sa kabilang linya na kinainis ko, "Tae! I-specify mo naman!"

Napabuntong hininga ko at nagtaka lalo si Eula, "Black statement shirt, na may nakasulat na 'Shit Happens', tapos jeggings, at converse." I breathed deeply, "O ano? Gusto mo pati yung--" 

Pinutol ko yung balak ko sanang sabihin. Oops, nakalimutan kong lalake si Lawrence. Muntik na.

"Pati kulay ng underwear?" he maliciously asked, and I shut my eyes, "But I am more concerned on your bra. Push-up ba yan, o may lace?" he asked, whispering and giggling.

Lumaki ang butas ng ilong ko, "Taranta--"

"Joke."

After saying such pervert things, binabaan niya na naman ako. Yung totoo? Ano bang meron? 

Nakayuko ako nun habang nilalagay ang phone sa bulsa ng jeggings ko nang pagka-angat ng ulo ko, napansin kong sa iisang way lang nakatingin ang mga taong nasa harap ko-- especially, girls.

Nakataas ang isang kilay ko nang mapalingon din ako sa direksyon ng mata nila. Only to find out na may naglalakad na dalawang lalaki, at syempre, hindi nila makukuha ang atensyon namin kung hindi sila maitsura.

The brown-haired guy with a sunglass is wearing a faded denim which is folded in his forearms; naka-brown pants, at Vans. Yung isa naman, naka-maroon V-neck shirt na may nakasulat na "Beware, I'm hot", naka-maong at base sa obserbasyon ko, Adidas ang rubbershoes niya.

Kumaway sakin si brown-haired, sabay ngiti. Hindi na ako lumingon pa sa likod ko para siguraduhing ako nga ang kinawayan.

Sa itsura niyang 'yan, di ko pa ba siya makikilala?

"Ano'ng ginagawa ni Lawrence dito?" natanong ko si Eula nang di oras.

"Ha?" Oo nga pala, di niya kilala si Lawrence, "Fine Arts din ba sila? Bakit di ko sila nakikita sa building natin?"

Hindi naman nakangiti si Eula, pero halatang na-amaze siya sa dalawang kumag na 'yun. 

Lumapit si Ully sakin, siya ang naka-maroon, "Hi, Catacuts!" 

Sabay hawak sa balikat ko, at dinikit ang pisngi niya sa pisngi ko. Wtf! Hindi naman umabot nang isang segundo ang beso niya dahil hinila siya ni Lawrence sa damit at nilayo. Putek, nakakabigla yun ah! Napatingin tuloy sakin 'yung iba. Nakakahiya.

Tinignan siya ni Lawrence nang masama, "Hoy, sinama kita rito hindi para--"

"Okay." tinaas niya ang dalawang kamay niya.

"Sino nagsabing tawagin mo 'kong Catacuts?" nakataas ang kilay ko kay Ully.

"Ito." ngumuso siya kay Lawrence.

"Itong Lawrensha na 'to, pinagkalat pa. Bwisit ka talaga." malakas na bulong ko, enough lang para marinig niya.

"Lawrensha?! What the hell!" Napahagalpak nang bongga si Ully, "Astig yun, ah! Lawrensha, Catacuts. Catacurensha!"

I rolled my eyes, and Lawrence grimaced at the thought. 

"Catacurensha," pag-uulit ni Ully, "Scientific name para sa mga nag-aaway everyday, pero pareho namang kinikilig sa pwet pag nagkikita. Ayie." 

"Kadiri." gatong ko. Hindi. Ako. Natutuwa. Sa. Joke. Niya.

"By the way, nasaan yung kaibigan mo?" tanong ni Ully, "Yung nasa McDo?"

Napatikom ang bibig ko, at nagkatinginan kami ni Eula, dahil si Denise ang tinutukoy niya. Pucha, bakit sakin hinahanap 'yon?! Hanapan ba ko ng nawawalang stealer?

Siniko siya ni Lawrence at napa-aray si Ully, "Ah!"

"Ah, si Eula nga pala," hinila ko ang braso ng katabi ko na kanina pa di umiimik, "Blockmate ko rin."

Tumango lang si Lawrence as an acknowledgement, pero si Ully, nakipagkamay pa.

"Hi, Eula, I'm Ully. Great, our names sound-a-like. You, and me, You-la. You-lly." He flashed a smile, exposing his dazzling teeth, "Hindi kaya... sinadya 'yon ng tadhana?"

Oh, God. What's wrong with him!? Si Lawrence, napailing na lang sa tabi at natatawa. It's good that Ully is not the type of guy Eula would take seriously. Bahala sila.

Pagpasok namin sa loob, doon ko lang nakausap si Lawrence, habang nagtitingin ng paintings-- sayang at bawal mag-picture. Tinanong ko siya kung bakit siya nandito at sinagot niya ako ng di kapani-paniwalang sagot.

"It's just so happen na uncle ni Ully ang isa sa may pakana ng exhibit na 'to." 

Di naman ako naniwala agad, no, "Weh? Alam mo naman yatang dito kami pupunta, e. Tumawag ka pa kanina kung nasaan ako. Tsaka, wala ba kayong klase?"

Ngumuso siya habang nag-iisip, or shall I say, habang nakatingin siya sa 1 meter high na painting.

"Just my luck," sabay kindat niya pa. Utot mo, luck ka diyan, "May klase kami pero tapos na finals namin kaya petiks na."

Wala akong naaalalang sinabihan ko siya na may lakad ako. E, ilang araw nga akong di nakapunta sa bahay ng tiyahin niya, e. Siguro nalaman niya sa FB status ko? Pinost ko kasi yun kagabi. Napatingin agad ako sa kanya na busy sa pagtitig sa painting.

Di kaya ini-stalk niya ko?

Napakurap ako nang lumingon si Lawrence, kung kailan tinitignan ko siya. Shit, nakakahiya.

"Bakit ba kailangan ninyong pumunta sa ganito kaboring na lugar?" tanong niya, "Puro framed paintings and stuff. Mangangawit lang ang paa ko para libutin lahat."

I glowered at him. Boring? E, ano'ng ginagawa niya rito? Wala naman 'tong kinalaman sa course niya, diba?

"Ang mga estudyante gaya niyo ni Ully," napalingon ako kay Ully, a few meters ahead from us, kasama si Eula, "Di niyo ma-a-appreciate ang mga ganitong bagay."

Tumango-tango lang siya habang naglalakad, "You have a point. Pero, bakit ba nag-Fine Arts ka? I mean, Philippines is not like Europe. This country doesn't demand a lot when it comes to Arts."

I crossed my arms, smiling, "Music is related to Arts. Bakit 'yun ang kinuha mo?"

Napahinto siya sa paglalakad at hindi nakapagsalita. Matapos ang limang segundo, dun niya lang na-compose ang isip niya.

"Dahil, gusto ko ng Music. I want to be a teacher, soon. I'd like to inspire people."

Natawa ako sa sagot niya bago ako tumingin pa sa isang painting at binasa ang title, "Starry Night by Van Gogh". 

"Gaya mo, gusto ko ang Arts, kaya kinuha ko. I'd like to inspire people, gaya ng sinabi mo," tinapik ko siya sa balikat, "Alam mo, pam-beauty queen yung sagot mo. Ang ganda, e." I chuckled quietly.

"Mas maganda kung sasagutin mo 'ko." 

Pagkarinig ko ng sinabi niya, parang tumagos yung mata ko sa picture-- nakatingin lang ako sa frame pero hindi ko 'yun nakikita. Did he just say that?

Napatingin ako sa katabi ko, "Joke." sabi niya.

"Oh, diba kanta 'tong Starry Night?" tinuro niya 'yung painting, "Di naman si Van Gogh ang singer nun, e."

Napakamot ako ng ulo, "Tangek, si Van Gogh ang painter."

"Alam ko," he raised his brow, "Just checking if you'll believe it." then he left, smirking.

Matapos nun, hindi na sumabay sakin si Lawrence-- mas nauuna siya sa pag-iikot dahil for sure, hindi niya naman masyadong iniintindi ang mga nandito. Kapag tinitignan ko siya, pupulutin niya ang maliit na handicraft, tapos ilalapag agad.

Somehow, iniisip ng subconscious ko na kaya nandito si Lawrence, dahil alam niyang nandito ako. Ayoko mang isipin, pero makulit utak ko, e.

And I'm glad na hindi niya pinahahalatang wala sa league niya ang mga ganitong bagay. 

"Takte, nagugutom na 'ko." reklamo ni Lawrence habang palabas na kami ng gate.

Past 1 pm na rin kasi, at talagang medyo natagalan kami sa loob. Si Ully nga, nagpaalam kanina pa dahil may babalikan daw siya sa school nila, meaning si Lawrence ang naiwan sakin.

Grabe, ginawa pa akong baby sitter!

Sumagot ako sa katabi kong nagmamaktol, "Kaya ka nagutom agad kasi di mo feel ang lugar, at wala sa taste mo ang mga nasa loob."

"Wala naman akong ibang taste, maliban sa'yo." seryoso ang mukha niya pero hinampas ko siya ng Fibrella na bitbit ko.

"Baliw. Gutom ka na nga."

Hinanap ko si Eula, pero pagkakita ko sa kanya, kausap niya pa si Denise kaya di ko na lang tinawag. Bumalik ang atensyon ko kay Lawrence nang magsalita siya.

"Tara, mag-lunch na tayo."

"E, ihahatid pa kami ng bus. Baka maiwan ako." 

Umismid siya at hinila na ako sa braso, "Tsk, ihahatid na lang kita. Gutom na 'ko. Baka mamaya, kausapin ko na ang mga puno rito."

Nagdalawang isip ako sa alok niya.

"Tsk!" sumagitsit na naman siya, "Oo na, ako na bahala. My treat." 

Hindi parin ako humahakbang. Pucha. Mukha ba kong buraot Lawrence? Langya 'to. Pinagmukha pa akong sabik sa libre.

Nang makita niya ang mukha ko, huminga siya nang malalim, "Okay, kalimutan mo 'yang nasa isip mo. Hindi date ang pupuntahan natin. Kakain lang tayo. Walang masama doon, lalo na at gutom ako."

At hinila niya na ako patawid sa kabilang highway. Bakit ba nagpapatangay ako sa bubwit na 'to?

Continue Reading

You'll Also Like

19.8K 5.4K 45
[ C O M P L E T E D ] (Published in Ukiyoto Publishing) Paano kapag mahal mo pa rin pero hindi ka na maalala? Paano kung siya ay may iba na, samantal...
13.1M 126K 61
Meet Azalea Elle Lopez, an almost bride na tinakbuhan ng kanyang groom sa hindi malamang dahilan. Paano na niya haharapin ang buhay niya lalo na't ma...
1M 15.1K 53
I was holding our wedding picture, pinakatitigan ko ito bago ko napagdesisyunang isilid ito sa plastic bag upang itago. It's been two years since...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...