TROUBLE HIGH - UNDER REVISION

By PumpingLemma

169K 5.1K 625

~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na... More

Toraburu Kotoトラブル 高等 (Trouble High)
† Kabanata 1 †
† Kabanata 2 †
† Kabanata 3 †
† Kabanata 4 †
† Kabanata 5 †
† Kabanata 5 Part 2 †
† Kabanata 6 †
† Kabanata 7 †
† Kabanata 8 Part1&2 †
† Kabanata 9 †
† Kabanata 10 †
† Kabanata11 †
† Kabanata 12 †
† Kabanata 13 †
† Special Chapter †
† Kabanata14 †
† Kabanata 15 †
† Kabanata 15 Part 2 †
† Kabanata 16 †
† Kabanata 17 †
† Kabanata 18 †
† Kabanata 19 †
† Kabanata 20 †
† Kabanata 21 †
† Kabanata 22 †
† Kabanata 23 †
† Kabanata 24 †
† Kabanata 25 †
† Kabanata 26 †
† Kabanata 27 †
† Kabanata 28 †
† Kabanata 29 †
† Kabanata 30 †
† Kabanata 31 †
† Kabanata 32 Part 1 †
† The Epic Ending Of Chapter 32 :3 †
† Kabanata 33 †
† Kabanata 34 †
† Kabanata 35 †
† Kabanata 36 †
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40: Kenji Sasaki
Kabanata 41: Kazuya
Kabanata 42
Kabanata 43: Siblings
Kabanata 44: Princess
Kabanata 45: Kaeru帰る (Return)
Kabanata 46: Day 1
Kabanata 47: Day 2
Kabanata 48: Day 3: We miss you!~
Ugh!
Kabanata 48 Part 2: Day 3
Kabanata 48 Part 3: Day 3
Kabanata 49 Part 4: Day 3
Kabanata 50 Part 5: Day 3
Kabanata 51 Part 6: Day 3
Thank you!
Boombayah!
Kabanata 52 Part 7: Day 3

† Kabanata 32 Part 2 †

1.9K 63 3
By PumpingLemma

Toraburu Koto(Trouble High):Kabanata 32 Part 2

Third Person's Pov

"Young Master!"Bati ng mga tauhan niya pagkapasok niya ng Hospital. Hindi niya pinansin ang mga ito at nagdire-diretso lamang siya sa pagtakbo.

Kitang kita nila kung ga'no kabalisa ang kanilang Young Master at gayon na lamang kung gaano ito kamadali.

Lahat ng miyembro ng gang ay kabadong kabado at lungkot na lungkot din sa pagkawala ng iba pang miyembro nila na kanina ay natagpuan nilang wala ng buhay sa labas ng kwarto ng kanilang Miro-Hime nasi Miro. Ang mga bata naman na natagpuan nila kanina na walang malay sa loob ng kwarto ni Miro ay mabilis din nila agad itong pinahatid papunta sa Mansyon ng kanilang pinuno.

"Mahal."Lumapit sa kanya ang kanyang asawa na si Lady Kaori nang makapasok na ito ng kwarto ng anak. Niyakap niya si Ashton at umiyak lang ng umiyak. Hindi na niya rin kasi alam ang gagawin pagkatapos ng mga nadatnan niya.

Walang ginawa si Ashton kundi ang tumayo lang doon at tiningnan ang bunsong anak na nakaratay. Napayukom na lamang siya nang makita niya ang nakasulat sa dingding.Isang mensahe na ginamitan pa ng dugo pansulat. '化け物 '  (Bakemono)

Matapos niyang basahin 'yon ay kumawala na ang mga luha na kanina pa niya gustong ilabas.

Sobrang galit ang nararamdaman niya ngayon. Sobrang galit na halos isisi niya sa sarili niya. Kung hindi lang siya umalis ng Hospital at kung hindi lang siya umuwi sa mansyon para magpahinga edi sana hindi mangyayari 'to.

Bakit? Kulang pa ba ang ginawa nila sa bunso niyang anak?!

Dahil sa galit na ito ay wala sa sarili niyang itinulak ang kanyang asawa.

"*gasp* Ashton?"Hindi siya pinansin nito at mabilis na lumabas ng silid.

"Y-young Master.."Saad ng isang miyembro ng gang nang biglang lumabas si Ashton papalapit sa kanila

"MGA GAGO KAYO!"Halos magulat ang lahat nang sumigaw si Ashton at sunud sunod na silang pinagsusuntok.

"Ya.-young master.."

"Mga gago! Mga walang kwenta!"Sinuntok niya ng sinuntok ang lahat ng mga tauhan niya. Tinanggap na lamang nila ang mga suntok ng kanilang Young Master. Naiintindihan nila ito kaya pinabayaan nalang nila si Ashton.

Tama lang sa kanila 'to. Kung sana ay hindi nila iniwan sina Zed para bumili ng pagkain edi sana hindi mangyayari ito. Edi sana hindi nila nakuha ang kanilang Hime nasi Yui. Edi sana hindi namatay sina Zed, Dj at ang apat pang mga kasama nito.

*Boogsh..Boogsh..Boogsh*

"Ashton, tama na..."Maiyak-iyak na tawag sa kanya ng asawang si Lady Kaori mula sa pinto ng kwarto ng anak. Gusto niyang pigilan ang asawa sa ginagawa pero hindi niya kaya.

Tuloy lang sa pagsuntok si Ashton sa mga tauhan niya.

Mga walang kwenta...

Kinuwelyuhan niya ang isa sa mga tauhan niya na halos mabasag na ang mukha. "Bakit?! Bakit hinayaan niyong makuha nila ang anak ko?!!!"Napatungo nalang ang lalaki.

"Patawarin niyo ko..."Saad nito kay Ashton at hindi na napigilan ang sariling wag maiyak. Hindi dahil sa mga suntok na tinanggap niya mula sa amo kung bakit siya naiiyak...kundi sa kapabayaan na nagawa nila.

"Patawarin niyo ko." Pag-uulit pa niya.

"AAAaaaa!"Wala sa sariling sigaw ni Ashton at tinulak ang lalaki dahilan para mapadausdos ito sa sahig. Tinulungan naman ng ibang miyembro na makatayo ito.

Halos lahat ng tao sa loob ng Hospital ay nabulabog sa pagwawala ni Ashton. Sigaw lang siya ng sigaw. Kitang kita ang panggigil at galit sa mga taong kumuha sa panganay niyang anak. Sinuntok suntok na niya ang pader na halos ikadugo na ng kamao niya.

Ng dahil sa pagwawala niyang 'yon ay mabilis na lumapit sa kanya ang mga guard ng Hospital at hinawakan siya sa magkabilaan niyang braso. "Boss, bawal mag-eskandalo dito. Natatakot na sa inyo ang mga tao dito."Saad ng isang gwardya kay Ashton na lalo pang nakaramdam ng inis at tiningnan niya ng masama ang gwardya.

"Kung gusto niyong magwala dun kayo sa Police Station."Napayukom si Ashton sa sinabi pa ng isang gwardya sa kanya.

Napalunok nalang ang ilan sa mga tauhan ni Ashton habang pinagmamasdan nila ang amo. Tila ba ay alam na nila kung anung pwedeng mangyari sa tatlong gwardya dahil sa pangengealam nila kay Ashton. Gusto nilang sapakin ang mga gwardya na'to sa astang pinapakita nila sa Young Master nila pero maspinili muna nilang tumahimik sa isang tabi dahil alam nila na kaya na ng kanilang Young Master ang mga pakealamerong guard na'to.

Lumapit agad si Lady Kaori sa mga gwardya at pinakiusapan na bitawan na nila ang asawa at pinangakong hindi na ito mag-eeskandalo pa. Alam niya kasi na may mangyayaring masama sa mga gwardya na'to kung hindi pa nila bibitawan si Ashton. Baka kasi sila pa ang mapagbuntungan ng galit ni Ashton.

"Pero Ma'am, hindi po namin binabalewala ang mga gan'tong bagay. Naaapektuhan na ang mga pasyente sa pagwawala ng asawa niyo."Saad ng isang guard na nakahawak parin sa kanang braso ni Ashton.

Samantalang si Ashton naman ay pilit na kinakalma ang sarili pero pakiramdam niya ay sasabog na siya sa sobrang pagkairita sa mga kamay na nakahawak sa magkabilaang braso niya.

"Please, 'wag niyo ng dalhin ang asawa ko du-"Naputol ang pakikiusap ni Lady Kaori nang mapa"Tsk!"sa sobrang pagkairita ang isang guard sa kanya na dahilan naman para mapayukom ng tahimik at manlisik ang mga mata ng mga tauhan nila Ashton sa gwardyang ito.

"Pagsisisihan nila 'to. Nagkamali sila ng binangga."Mahinang bulong ng isa sa mga tauhan nila Ashton.

"Miss, di rin kayo makulit noh?! Hindi niyo ba naiintindihan na nakakagulo na ang asawa niyo dito!"Lahat ng miyembro ng gang na nandito ay nagpantig ang mga tenga nang marinig at makita nila ang pagbulyaw pa ng isang gwardya sa Lady Kaori nila kaya naman hindi na sila nag-alinlangan na lumapit sa tatlong gwardya para turuan ng leksyon ang mga 'to, pero napahinto na  sila sa paglapit... nang balibagin ni Ashton ang kamay niya sa hangin para matanggal ang mga kamay ng dalawang guard na nakakapit sa braso niya.

Napakunot at nagkasalubong na ang mga kilay ng tatlong gwardya dahil sa pinakitang asal sa kanila ni Ashton at sesermonan na sana ng isang guard si Ashton pero hindi na niya nagawa pang ibuka ang bibig niya nang isang malakas na suntok ang sumalubong sa bibig niya. "G.GO! KAILAN MAN HINDI KO SINIGAWAN ANG ASAWA KO!"Sunud sunod na suntok ang pinakawalan ni Ashton sa isang guard na kaninang bumulyaw sa asawa niya at ngayon ay nakahiga na ito sa sahig na bugbog na bugbog na ang mukha.

Lahat ay nagulat kay Ashton lalong lalo na ang asawang si Kaori na halos manghina na dahil sa di niya magawang mapigilan ang pagwawala ng asawa.

Ang mga pasyente at mga iba pang kamag-anak ng mga pasyente dito na nakaramdam na ng takot ay pinapasok muna ng mga nurse sa kanilang Hospital room.

"Papatayin kita! Sinu ka para sigawan ang asawa ko?! Ha?!"Halos mabalutan na ng dugo ang mukha ng isang gwardya na wala manlang nagawa para makaganti sa suntok ni Ashton sa kanya dahil narin sa sobrang panghihina at lakas ng mga suntok sa kanya.

Parang mga istatwa ang dalawa pang gwardya sa sobrang gulat sa nakikita. Napalunok ang isang gwardya habang nakakaramdam ng galit kay Ashton na patuloy lang sa pambubugbog sa kasamahan nila kaya mabilis niyang hinugot ang baril niya gayundin ang isa pang gwardya na kasama niya. Kung hindi nila mapapatigil si Ashton sa pagsuntok sa naghihingalo na nilang kasamahan ay tiyak na mapapatay na ni Ashton 'to.

Bago palang nila kalabitin ang gatilyo ng baril nila ay may dalawang kamay na agad ang sumakop sa nguso ng kanilang baril.

"Subukan niyo lang kalabitin....ako mismo ang magbabalik ng bala ng baril niyo papunta sa bunganga niyo."

Nanlaki ang mga mata ng dalawang gwardya at sabay na napatingin sa lalaking nasa pagitan na nila.

"Si-sir."Mautal-utal na saad ng isang gwardya nang makita niya ang Doktor na si Miko Takagi na nasa pagitan na nila at seryoso lamang na nakatingin kina Ashton at sa bugbog saradong gwardya.

Dahan dahan ng ibinaba ni Miko ang mga baril ng dalawang guard habang nakatingin parin kay Ashton na patuloy lang ang panununtok sa isa sa guard ng Hospital niya.

Mga baguhan lamang kasi ang tatlong guard na'to kaya hindi nila kilala ang kaibigan niyang si Ashton.

"Ashton!"Maiyak-iyak na tawag ni Lady Kaori at niyakap niya si Ashton . Nang maramdaman ni Ashton ang yakap ni Kaori...ang mainit na katawan ng asawa ay kusa nalang siyang napatigil sa ginagawa.

Tumayo na siya at lumayo sa gwardyang binugbog niya.

Mabilis naman na lumapit ang dalawang gwardya sa isang kasamahan nila na hindi na makilala ang mukha sa sobrang bugbog. Tinulungan nila itong tumayo atsaka naman nagdatingan ang dalawang nurse na lalake na may tulak tulak na hospital bed at mabilis nilang inihiga ang bugbog saradong guard.

Umiyak na lamang si Ashton habang dahan dahan niyang isinandal ang likod niya sa dingding. "Bakit?...bakit gan'to?! Bakit kailangang mangyari 'to?!"

Walang magawa ang mga tauhan nila Ashton kundi ang yumuko lamang. Ano pang maipagmamalaki nila kay Ashton...sa kanilang pinuno nasi Kazuya...kay Lady Kaori kung tuluyan na ngang nakuha ng Bakemono-kai ang panganay na anak nila.

Ngayon, handa na silang ialay ang mga kanilang hinliliit na daliri. Ito nalang ang tanging paraan ng pagpapakita ng paghingi ng tawad sa kanilang pinuno.

(N: Sa Yakuza kapag may nagawa kang kasalanan sa iyong pinuno ng gang na kinabibilangan mo ay kailangan mong putulin ang isa sa daliri mo na laging nag-uumpisa sa hinliliit na daliri para ibigay sa iyong pinuno o Oyabun. Kapag nakagawa ka na naman uli ng pagkakamali sa iyong Oyabun ay isusunod mong putulin ay ang iyong daliring palasingsingan hanggang sa maubos ang daliri sa bawat kamay mo. Ito ang pagpapakita ng paghingi ng tawad sa Yakuza.)

"Ashton,"Tawag ng Doktor na si Miko Takagi sa kaibigan. Lumapit ito kay Ashton at ipinatong niya ang isa niyang kamay sa balikat ni Ashton na wala paring tigil sa pag-iyak.

"Patawarin mo 'ko. Wala manlang akong nagawa para mabawi sa kanila si Yui. Sor-"

Hindi na natuloy ni Miko ang sasabihin nang mabilis na tumapal sa mukha niya ang kamao ni Ashton dahilan para mapaupo ito sa sahig. Lahat ay gulat na gulat sa ginawang pagsuntok ni Ashton sa Doktor. Miski ang asawang si Kaori ay napatakip pa ng bibig sa gulat.

Bago palang tulungan ng mga tauhan ng Hanoji-gumi si Miko na makatayo ay nauna na si Ashton na kwelyuhan ang kaibigan at pilit niya siyang itinayo.

"Y-young Master"Mautal-utal na tawag ng isang tauhan ni Ashton sa kanya. Takot na takot na sila sa susunod na gagawin ni Ashton kay Miko.

Hinayaan nalang ni Miko ang kaibigan. Nakatungo lamang siya at hinihintay ang suntok ni Ashton sa kanya. Nakikita pa niya sa sahig ang mga luha na pumapatak mula sa kaibigan.

Naramdaman niya ang paghigpit ng dalawang kamay ni Ashton na nakahawak sa kwelyo niya.

"Yun na nga e! Ikaw nga ang may ari ng l.ntek na Hospital na'to pero pagdating sa seguridad ng anak ko hindi niyo pa magampanan! Anong kwenta ng mga gwardya mo dito?! 'Yang mga CCTV camera dito?! hah?!"Magigil-gigil na bulyaw ni Ashton sa kaibigang Doktor.

Ano nga bang silbi ng mga 'yon? Wala. May gwardya nga, may mga camera nga na nakapaligid sa bawat sulok ng hospital na'to pero parang naging walang kwenta 'to nang malusutan parin ito ng mga lalaking dumukot sa anak ng kaibigan niya.

"Ashton."

Natuon ang atensyon nila nang makita nila ang kanilang pinuno, si Kazuya na kasama ang iba pang miyembro ng Hanoji-gumi.

Marahas na binitawan ni Ashton ang pagkakahawak niya sa kwelyo ni Miko.

Ang mga tauhan naman niya ay tumungo sa kanilang pinuno pati rin si Lady Kaori bilang pagbibigay galang.

Hindi na nagawa pang tumungo ni Ashton sa ama dahil narin sa sobrang galit na nararamdaman niya.

Sa paglapit ng kanyang ama sa kanya ay kasabay nun ang isang *Slap* malakas na sampal na tumapal sa kanyang mukha.

Napahawak si Ashton sa kaliwang pisngi niya at nanlalaki ang matang tiningnan ang kanyang ama.  "Pa..."

"Maling isisi sa iba ang nangyari sa anak mo!"Sigaw ni Kazuya sa kanya.

"Ang dapat lang sisihin dito ay si Shiba! Bakit kailangan mo pa silang idamay sa galit mo? hah?!"Dagdag pa niya.

Lahat ay nagulat sa ginawang pagsampal ng kanilang pinuno sa anak nito at pati narin ang pagbulyaw niya. Ito kasi ang unang pagkakataon na makita nila 'tong magalit. Sa halos ilang taon kasi nilang nakasama ang pinuno ay napaka-kalmado lang nito.

Walang nasagot si Ashton sa ama. Napatingin na lamang siya sa sahig.

"Hindi mo ba nakikita ang pagsasakripisyo na nagawa nila sa pamilya mo?! Hindi mo ba alam na halos malagay din sa panganib ang buhay ng anak ng mga tauhan mo?! Kaya, bakit kailangan mong ibaling ang sisi sa kanila?!!! Bakit hindi mo sisihin ang sarili mo?!"

Lahat ay napasinghap sa huling sinambit ng pinuno sa kanyang anak.

"Ikaw ang ama ng mga apo ko kaya ikaw ang may responsibilidad sa kaligtasan nila! Hindi porket nandyan ang mga tauhan mo at si Miko ay sa kanila mo nalang iaasa ang kaligtasan ng anak mo! Magpaka-Ama ka!"

Matapos na sabihin 'yon ng pinuno... nabalutan ng katahimikan ang buong paligid ng Hospital. Wala ni isa ang umiimik. Halos lahat ng miyembro ng gang kasama na sina Miko, Lady Kaori at Ashton ay hindi magawang umimik.

Sa sinabing 'yon ng kanyang ama ay labis siyang nasaktan.

'Magpaka-Ama ka!'

'Magpaka-Ama ka!'

Yun ang tanging salita na labis na tumatak sa isip ni Ashton. Aminado nga siyang sobrang nasaktan siya sa mga binitawang salita ng ama pero, Oo...tama naman ang lahat ng sinabi sa kanya ni Kazuya.

Bakit niya nga ba isinisisi sa iba ang pagdukot kay Yui? Siya ang ama kaya dapat lang na siya lang ang sisihin.

"Ang mga suntok na iniwan mo sa mukha ng mga tauhan mo ay nararapat lang kay Shiba! Siya ang pagbalingan mo ng galit!"Muling saad ni Kazuya sa kanyang anak.

Matapos niyang sabihin 'yon ay natuon ang kanilang atensyon nang may nag-ring na cellphone galing sa isang miyembro ng gang na nasa-likuran lamang ni Ginoong Kazuya.

"Sino 'yan?"Tanong ni G.Kazuya sa may hawak ng kanyang cellphone.

"Tawag po mula sa isang unregistered number."Magalang na saad nito at iniabot ang cellphone habang nakatungo ang ulo nito kay Ginoong Kazuya.

Napakunot noo naman ang pinuno dahil sa pagtataka at kinuha niya 'to.

"Hello."Saad niya nang sagutin na niya ang tawag.

Nakarinig naman siya ng bahagyang tawa.

Sa tawa palang na'yon ay tukoy niya na kung sino ito.

=Kamusta na mahal na pinuno ng Hanoji-gumi?=Mapang-asar na tanong pa nito kay Ginoong Kazuya.

Napangisi naman si Kazuya. Hindi mo mahahalata sa matandang ito ang pag-aalala sa kanyang apo.

"Mahal ha... baka naman magselos niyan si Amane?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Ashton at ang iba pang nandito nang mapagtanto nila nasi Shiba ang kausap ni Kazuya.

Nakaramdam naman agad ng inis si Ashton at lalapit na sana sa ama para kunin sa kanya ang cellphone pero pinigilan na siya ng kanyang ama sa pamamagitan lamang tingin.

Isa 'yong senyales na 'wag munang makealam si Ashton sa pag-uusap ng dalawang pinuno ng magkalabang grupo.

Walang nagawa si Ashton at nanatili na lamang sa tabi ng kanyang asawa habang napapayukom at nangagalaiti sa galit.

=Haha! May lakas ka parin talagang magbiro kahit na nakuha ko na ang mahal mong apo. Hindi ka manlang ba nag-aalala sa kaya kong gawin kay Yui?=Panunubok ni Shiba kay Kazuya.

"Bakit ko naman kailangang mag-alala kung sigurado naman ako na mababawi ko rin siya agad sa'yo?"Mapang-asar at mangisi-ngisi pang saad ni Kazuya.

Sa sinabi niyang 'yon ay hindi maiwasan ni Shiba mula sa kabilang linya na mainis. Napapahigpit pa ito ng hawak sa cellphone sa sobrang gigil.

Labis na inaasahan kasi ni Shiba na sa pagtawag niya ay maririnig niya ang inis na tinig ni Kazuya pero parang kahit anong gawin niyang paraan ay hindi niya maiinis ito.

Natawa naman ng bahagya at napangisi pa si Kazuya nang marinig niya ang pagngingitngit ni Shiba mula sa kabilang linya.

"Hmm...mukhang baligtad pa ata. Ikaw na nga itong kumuha sa apo ko pero ikaw pa ang nagagalit." Muling natawa ng bahagya si Kazuya sa sinabi at napapailing-iling.

=Tss. Tingnan lang natin...dahil sa huli ikaw ang iiyak sa gagawin ko sa apo mo."Saad ni Shiba.

Napangiti naman si Kazuya."Sigurado ka? Pa'no kung hindi?"Kalmadong saad pa nito.

=*smirk* Imposible 'yan Kazuya. Eh kung gawin ko 'to?=Saad ni Shiba at pwersahan niyang tinanggal ang tape sa bibig ni Yui na nasa tabi niya lamang na nakahiga sa sahig at tahimik na umiiyak.

Marahas niyang hinila ang buhok ni Yui na halos mapunit ang anit. =Aaaaaa!=

Nang marinig ni Kazuya ang pamilyar na boses na 'yon mula sa kabilang linya ay mabilis na napalitan ng galit mula sa paggiging kalmado niya. "Yui!"Sigaw niya.

Pagkarinig nun ni Ashton ay mabilis siyang lumapit kay Kazuya. "Pa, ka-kamusta si Yui?"Balisang tanong ni Ashton sa kanyang ama na ngayon ay napapayukom na sa galit.

Hindi pinansin ni Kazuya ang tanong ni Ashton dahil nasa kabilang linya lamang ang atensyon niya.

=Hahaha! Ambilis mo naman atang bumigay Kazuya?  Asan na ang kalmadong Kazuyang kausap ko ha?  Narinig mo lang ang iyak ng apo mo e lumambot kana agad.=Mapang-asar na saad ni Shiba kay Kazuya.

"Papatayin kita!"Sigaw ni Kazuya. Kitang kita ang pagngingitngit nito.

Natawa si Shiba sa sinambit ng ginoo.

= Heh. Baka hangaan talaga kita kung magagawa mo 'yon. Pero, sa ngayon...pagbibigyan ko kayong magkausap ng apo mo.=Saad ni Shiba. Hinila niya ang buhok ng batang babae at itinapat na sa bunganga nito ang cellphone. =Lolo..=

Nang marinig ni Kazuya ang munting boses na'yon ay hindi niya namalayan na naluha na pala siya. "Apo ko..."

Lahat ay nakaramdam ng lalong lungkot nang makita nilang umiyak ang kanilang pinuno nasi Kazuya. Samantalang si Ashton naman ay mabilis na kinuha ang cellphone sa ama at maiyak-iyak na tinawag ang anak."Yu-yui! Anak, wag kang mag-alala! Ililigtas ka ni papa!"Halos mamaos na si Ashton dahil sa sobrang iyak.

Hindi na inagaw pa ni Kazuya ang cellphone sa anak. Napatingin na lamang 'to sa sahig at napayukom.

=Pa...pa! Ayoko dito!=Maiyak-iyak na saad ni Yui sa ama.

"Sshhhh..Yui, hintayin mo 'ko d-"Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Ashton sa anak nang magsalita na si Shiba.

=Oops! Oras na para ibigay 'yan kay Kazuya,Ashton.=

"G.go ka talaga."Madiin na sabi ni Ashton kay Shiba bago niya ibigay ang cellphone sa ama.

"Hello."Seryosong saad ni Kazuya. Narinig naman niyang napangisi si Shiba sa kabilang linya.

=Bukas, alasdiyes ng gabi. Magkita tayo sa Xenshin Building. Kung gusto mo talaga siyang mabawi...*smirk* magdala ka ng siyam na raang bilyon pantubos sa buhay ng mahal mong apo. 'Wag kang magsasama ng kahit sino sa mga alalay mo at lalong lalo na si Ashton. Mag-isa kalang.=Dagdag ni Shiba.

Ang Xenshin Building, ang isang tagong abandunadong gusali na dati'y pagawaan ng droga. Nahinto ang paggawa ng droga sa lugar na'to tatlong taon na ang nakalipas nang mismong matunton ito ng Gobyerno ng Pilipinas na agad naman ding pinasara.

Muling kumalma si Kazuya. Pero ang totoo niyan ay halos magdilim na ang pag-iisip niya. Gusto na niyang patayin at sumugod sa lungga ng Bakemono-kai na pinamumunuan ni Shiba.

=Tandaan mo, may mga mata parin ako na nagmamatyag sa bawat kilos mo ...kaya 'wag kang magkakamaling tumaliwas sa utos ko...*smirk* kung hindi... pasensyahan nalang tayo...dahil,hindi ako magdadalawang isip na ihagis ang apo mo sa lungga ng mga alaga kong buwaya. Maliwanag?=Sabi pa ni Shiba.

"Oo. 'Wag kang mag-alala tutupad ako sa usapan."Sagot naman ni Kazuya.

=Magaling kung gano'n. Hindi na'ko makapaghintay na makita ang naiinis mong mukha Kazuya.*Chuckle*=Saad ni Shiba bago tapusin ang kanilang pag-uusap.

Matapos ang pag-uusap na 'yon ay napuno ng halakhak ang silid na kung saan prenteng nakaupo ang matabang si Shiba. Kasama niya ang iba pang tauhan niya na may ngising demonyo. Lahat sila ay tuwang-tuwa. Mga sabik sa perang makukuha nila mula sa mahigpit na kalaban nilang grupo.

Samantalang si Yui naman ay tahimik lamang na umiiyak sa isang tabi na nakalubid ang mga kamay at ngayon ay nakaupo na sa sahig. Hindi namalayan ni Yui ang paglapit ni Shiba dahil sa nakayuko ito. Nagulat nalang siya nang himasin siya nito sa ulo na lalong nagpadagdag sa takot na kanyang nararamdaman.

"Yui..."Napalunok ng laway si Yui nang hawakan na ni Shiba ang kanyang baba at dahan dahan nitong inangat ang mukha.

Nginitian siya ni Shiba.

"Napakagandang pangalan at napakagandang mukha. Sayang naman kung hindi kita pakikinabangan."Halos mangatog ang tuhod ni Yui sa sobrang kaba. Napaiyak na siya lalo nang makita niya ang paglapit ng mukha ni Shiba sa kanya. Napapikit na lamang siya at napayukom. Ang tangi lang na naiisip ng batang babae na ito ay ang 'Mamatay.' Masgugustuhin niya pang mamatay kaysa mangyari ang bagay na kinatatakutan niya.

Napamulat siya ng mata nang maramdaman niya ang mainit na labi ni Shiba sa noo niya at lumayo na sa kanya 'to.

"Kei."Tawag ni Shiba sa pinaka-kanang kamay niya.

Tumingin ito sa kanya. "Ano po 'yon, Master?"

"Handa naba ang lahat?"Seryosong saad ni Shiba.

Ngumiti si Kei sa kaniyang pinuno. "Opo, Master."

                 To be C.O.N.T.I.N.U.E.D

*****

A/N:

Sorry po sa mga typos . Hindi ko na po chineck 'yan kaya, pagtiyagaan niyo nalang pong basahin. ( T..T) At 'wag niyo pong asahan na may Humor ang chapter na'to. Serious muna tayo ngayon. :3

May part 3 pa po ito. Sa chapter 32 part 1-3 ay napapaloob po ang pangyayari kung pa'no nagka-Amnesia si Ash at kung pa'no napunta si Yui sa pamilyang Sasaki o sa grupong Bakemono-kai.

-Yun lang. Lab u! :3

     <Vote.Comment.Follow.SpreadDaLab>

@ItsLeiTheGreat

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 134K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...