Somebody To Call Mine (Comple...

By ohrenren

2.5M 41.4K 1.4K

{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva. More

Somebody To Call Mine
Prelude
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
KABANATA XXVI
KABANATA XXVII
KABANATA XXVIII
KABANATA XXIX
KABANATA XXX
KABANATA XXXI
KABANATA XXXII
KABANATA XXXIII
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
KABANATA XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
KABANATA XLIII
KABANATA XLIV
KABANATA XLV
KABANATA XLVI
KABANATA XLVII
KABANATA XLVIII
KABANATA XLIX
KABANATA L
KABANATA LI
KABANATA LII
KABANATA LIII
KABANATA LIV
KABANATA LV
KABANATA LVI
KABANATA LVII
KABANATA LVIII
KABANATA LIX
KABANATA LX
KABANATA LXI
KABANATA LXII
KABANATA LXIII
KABANATA LXIV
KABANATA LXV
KABANATA LXVI
KABANATA LXVII
KABANATA LXVIII
KABANATA LIX
Epilogue: Forgive and Forget (Part 1)
Epilogue: Somebody To Call Mine (Finale)
Author's Note
Special Chapter

KABANATA XXXIV

29.6K 496 12
By ohrenren

KABANATA XXXIV: Touché

 

"Hayy" I sighed after drinking my milkshake. Until now, Ken's confession is really bugging me. Nalulungkot ako para sakanya. Ayokong kainin siya ng galit na nararamdaman niya. After all, Tito Leo is still his father and that Fiona, the bitch and slut, is his brother's mother.

I sighed—again. His life is like a tied knot.

"Nakipagkita ka lang ba sakin para pagbuntong-hingahan ako?"  

I smiled at her. She's being impatient again. Rox is back from the dead and I'm glad she's here with me.

Kauuwi lang niya from the States. Tinawagan niya ko kahapon pero hindi ko naman nasagot dahil kay Ken kaya ngayon na lang ako nakipagkita. She changed a lot and when I say a lot as in major transformation ang nangyari sakanya.

Gone is the geek girl who used to be engaged with his pile of books and dictionaries. I'm not saying that she's not beautiful back then but the woman I'm with in this coffee shop is superbly beautiful.

"Just thinking about him." Naikwento ko na sakanya ang relasyon namin ni Ken except the thing that happened yesterday. It's not my story to tell basta hangga't kaya ko I will be with him every step of the way.

"God you're in love." Sabi niya at ininom ang shake niya.

"Well, yes I am in love." humagikgik pa ko ng bahagya. What's the point of denying the fact that I love Ken so much?

"Ang landi mo haha but if he's a Montemayor then he's a good catch. Pareho kayo ni Sam ng in laws pag nagkataon." bahagyang nag-init ang pisngi ko.

"Oh you're blushing don't tell me hindi mo pa naiisip na siya ang forever mo?"

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko, " I would be the dumbest person alive pag pinakawalan ko pa siya."

Sa ikli ng pinagsamahan namin ni Ken, alam ko ang halaga niya sa buhay ko. If I'm his drug, then he's my comfort zone. Pag siya ang kasama ko pakiramdam ko wala na kong mahihiling pa. He makes me feel that I'm safe and no one can hurt me.

Rox smiled. "I'm really happy for you. Nakahanap ka na rin ng katapat mong bruha ka." natawa ko. "I thought I'll be forever head over heels with Chrome but Ken proved me wrong. Unti-unti nakuha niya yung loob ko kahit may pagkamaniac siya." 

Rox knows that Ken and I met under a very awkward circumstance. I thought she'll be appalled with the idea but she just laugh it off and told me I'm such a bad as* drinker.

"May lalaki pa bang hindi maniac ngayon? Parang out of stock na yata si Mr. Maginoo ngayon puro Mr. Medyo Bastos na."

Roxanne is a self-proclaimed man-hater. At our age of 25, hindi pa siya nagkakaboyfriend or whatsoever. Palibahasa masyadong nagpakalunod sa pag-aaral nung nasa University kami. At masyado siyang immune sa kalokohan ng mga kapatid niyang puro lalaki din.

May 2 siyang Kuya na talaga namang sagad sa buto ang pagkababaero at pagiging maniac. Naalala ko pa noon na muntik na nila kong patulan. They almost stripped in front of me thinking I'm the hook up girl they called for service.

Oh that memory still lingers on my mind. Muntik na kong makakita ng batalyon na nakatayo noon. At the age of 18, I almost experience a stripper dance of naked men with my own eyes. 

Kung hindi pa dumating si Roxanne at pinaghahampas ang dalawa niyang kuya para lubayan ako ay baka nakatikim na ko ng sinasabi niyang trippings ng mga ito.  

Nagpatuloy lang kami sa pagkwekwentuhan ni Roxanne. Pareho naming namiss ang ganito. Yung maghapong magkasama at nagsasabihan ng kung anu-anong latest sa buhay namin. Namiss ko tuloy yung samahan naming 5.

Suntok sa buwan na kasi kung mabubuo pa kaming muli. Si Sam, happily married at busy sa kaniyang mga anak. Si Chrome nasa Canada para sa business nila. Si Ivan, the last time I heard he's practicing his profession sa LA. Kami na lang ni Roxanne ang may constant communication. Kaya ng umalis siya talaga namang napilayan ako.

"I missed our band, kelan kaya tayo mabubuo ulit?" sabi ni Roxanne.

"That's kind of impossible right now."

"Yeah, pero sana we could have a reunion or something. Nakakamiss na yung sleepovers natin samahan pa ng food trips care of Chrome and Sam."

Ito ang masarap pag nakikipagkita ka sa mga dating mong kaibigan. You have the chance to reminisce the good things about the past.

Maya-maya ay napagdesisyunan na naming maghiwalay. May appointment pa daw siya sa mga associates ng Mommy niya talagang sumaglit lang siya para naman makapagkita kami bago siya maging busy ulit.

Umuwi ako sa pad. Sinabi ko rin kay Ken na nakauwi na ko. May inaasikaso sila ni Troy sa opisina, sabi ko nga hindi ba niya ko kailangan. Sabi naman niya okay lang daw sila. Hindi rin kasi sinama ni Troy si Audrey, yung secretary niya.

Masyado yatang private yung pinag-uusapan nila kaya sila-sila lang na mga matataas ng opisyal ng kumpanya ang nag-uusap.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko at ng magising ako ay sakto namang umpisa na ng inaabangan kong series. May hawak pa kong popcorn at fruit shake na pinadeliver ko kanina.

Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng unit. Malamang si MAtteo lang yun at hindi nga ako nagkamali.

"Where have you been Matteo? Ngayon na lang kita nakita dito."

He came in with the kind of face that I really don't know what. Nakakunot ang noo niya at parang ang laki-laki ng problema niya sa mundo. He's not in his usual happy mood. Ilang araw akong hindi umuwi dito at sa pagkakaalam ko ay hindi rin siya dito tumuloy dahil maayos ang buong bahay at walang bakas na tinirhan niya ito.

"Umuwi ako sa bahay, nagkasakit si Mama walang mag-aaalaga." Oo nga pala, bukod sa kapatid niyang babae ay siya na rin ang sumusuporta sa Mama niya. Ulila na sa ama si Matteo kaya siya ang umaako sa responsibilidad na yun sa pamilya nila.

Kahit naman kasi bakla tong si Matteo masasabi kong resposable siya at mapagmahal sa pamilya. Kahit pa hindi siya tanggap ng Mama niya ang sexual preference nito. "Oh kamusta naman si Tita? Magaling na ba? Baka mamaya mapano yun, bakit iniwan mo na?" sunod-sunod na tanong ko sakanya.

He sat beside me. Naramdaman ko na lang ang ulo niya sa balikat ko. "Pinaalis niya ko. Mas gugustuhin pa daw niyang himatayin sa sobrang taas ng lagnat kaysa alagaan ko." Nalungkot naman ako sa sinabi niya.

Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang masama sa pagiging bakla. Wala naman silang ginagawang masama sa lipunan pero bakit may mga taong ganun na kahit mismong kadugo nila ay hindi sila matanggap.Sa katunayan ay kung hindi dahil kay Matteo baka matagal na silang namatay sa gutom.

Single mother yung Ate ni Matteo. Iniwan daw nung lalaking nakabuntis ng malamang nagbunga yung pagsasama nila. And Matteo being the superhero inako niya ang responsibilidad ng pagsustento sa bata. Kailan lang din kasi nagkatrabaho ang kapatid niya.

"H'wag mo ng isipin yun Baks."

He sighed. "Nakakapagod lang friend. Mahal ko naman si Mama pero sumasama talaga ang loob ko sa twing ipagtatabuyan niya ko. Tinawagan ko pa tuloy si Ate para alagaan si Mama habang ako naman ang nagbabysit kay Lyca."

Si Lyca, yung 5 year old niyang pamangkin. Special child yung bata kaya hindi niya basta-basta naiiwan dahil nagwawala pag hindi kakilala ang kasama niya.

"Anong sabi ng Ate mo?"

Umiling siya, "Wala namang magagawa si Ate. Matigas ang ulo ni Mama pag sinabi niyang ayaw, ayaw talaga niya. Kaya kaysa magtalo pa kami hinayaan ko na lang sila at nag-iwan na lang ako ng konting pera."

Hindi ko masisi si Matteo kung makaramdam siya ng ganung pait sa dibdib niya.

"Tama na nga ang drama na yan. Ikain na lang natin ng ice cream." Niyakag ko siya papunta sa kusina at kumuha ko ng isang tab ng ice cream sa fridge.

"Ice cream, food for the sad people." Ngumiti siya at niyakap ako.  

"Salamat talaga kaibigan kitang babae ka." Natawa ko sa sinabi niya. Dinadaan talaga niya ang lahat sa biro.  

"We're lucky to have each other Matts. Buti na lang din bakla ka kasi kung hindi iisipin ko ng tayo ang magkakatuluyan sa sobrang higpit ng yakap mo." Biro ko sakanya.

Tumawa siya at bumitaw sa yakap. "Yuck! Hindi ako pumapatol sa babae. Hindi tayo talo friend."

"Yabang neto sa ganda kong to tumatanggi ka?"

"Talagang tatanggi ako kasi si Fafa Ken ang type ko" dumila siya.

Natawa ko. "Hindi ka papatulan nun kundi sabay kong puputulin ang putoytoy niyo."

Imbes na matakot ay pumalakpak pa siya at pinagdikit ang palad habang hawak yung kutsara. "Ay bet ko yan, pakiputol na yung akin ha? Para hindi na sagabal."

"Gaga ka talaga."  

Nilantakan na namin yung ice cream. Tulad ng dati napagaan nun ang loob ni Matteo pero alam ko naman na hindi ganap yung saya niya kasi sino ba namang anak ang matutuwa sa pakitungo ng Mama niya sakanya. Siguro kaya kami nagkakasundo ni Matteo ay dahil pareho kami ng sitwasyon.

Yun nga lang hindi naman ako bakla.

Kinabukasan, sabay kaming maglunch ni Ken sa cafeteria. Ayaw daw niya sa loob ng opisina, kaya ng maiba-iba naman ay bumaba kami dito para kumain.

May ilang empleyado ang tinitingnan kami. Hindi pa rin sila sanay sa relasyon namin. "Anong gusto mo?" tanong niya habang nakatingin sa menu board.

"Magpasta ko. Hmm carbonara." Wala akong gana na magkanin ngayon. Medyo full meal kasi ang umagahan ko kanina. Hindi pa nga yata natutunaw yung mga kinain ko.

Umorder na siya. Akala ko ay magkakanin siya pero hindi. Spaghetti lang din ang inorder niya pero sinamahan niya ng cheeseburger yung sakanya.

Naupo kami sa isang sulok at nagsimulang kumain. Nakakilang subo palang ako ng mapansin kong masyado siyang occupied sa pagkain. Dahil medyo busog na ko, siya na lang ang gagawin kong dessert. Pasimple kong binaba yung tinidor at sumimsim ng tubig. I took that chance to stare at him.

This is the life I wanted, staring at the love of my life while he's eating. I'm secretly hoping he won't catch me. I won't get used to staring at his firm jaw line, sculpted cheekbones, long eyelashes, alluring eyes and most of all his luscious lips that I want to suck any moment right now.

I never thought I'll be this horny with Ken. Nakakagigil ang kagwapuhan niya. Sakanya palanag solb na ko. Hindi ko na kailangan ng ulam. Kanin na lang.

"Quit staring. That's very very rude, baby."

Napaatras ako ng bigla siyang magsalita. Mahinahon ang pagkakasabi niya pero may himig ng pang-aasar. He looked at me with a little smile on the corner of his lips.  Feeling ko tuloy namumula na ang buo kong mukha sa sobrang hiya. Yes, he's my boyfriend but I still can't fathom how good-looking he can be especially when wearing that simple V-neck shirt.

Hubog na hubog ang mga braso niyang katamtaman ang laki. At ang mga pandesal niya sa tiyan ay hindi maikakaila. Triceps. Biceps. Gosh muscles everywhere.

It's really very hot in the Philippines right now. And I think this man is the culprit.

"Masyado ka kasing hot." Diretsong sabi ko. Tiningnan niya ko na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "What? Ayaw mong sabihan kita ng hot?" I'm on the verge of laughing my arse out.

Namumula na ang tenga niya. Kitang-kita sa mga mata nito na para bang nagpipigil siya ng kilig? Oops wait? Did I just said 'kilig'?

"Oh my ghad, Ken!" naibubulalas ko. Kita naman sa kunot niyang noo ang pagtataka dahil sa inaasal ko. Nilapag niya ang tinidor na hawak niya kanina. Tiningna niya ko ng masinsinan at ang kaninang umuusbong na ngiti sa labi niya ay napalitan ng tiim bagang na para bang inaabangan ang idudugtong ko sa sinasabi ko kanina.

"What?" pagtatanong niya. He's really impatient. Ayaw niyang binibitin ko ang mga sinasabi ko dahil kung ano-ano daw ang tumatakbo sa isip niya pag ganun. At kadalasan ay hindi maganda ang naiisip niya kaya ganun na lang siya magtanong.

I smiled. His eyebrows furrowed. I'm certain about this. "Kinikilig ka." I said certainly. Saglit siyang natigilan na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. But I'm sure about this, he's blushing.

Napabulalas ako ng tawa. Naramdaman ko pa ang mapanuring mata ng mga tao sa paligid dahil sa biglaan kong pag-iingay. Pero hindi ko mapigilan ang tawa ko.  

Hindi ko na alintana ang mga matang nakamasid samin. Lalo pa at kasalukuyang punong-puno ang cafeteria dahil lunch break ng mga opisina.

I know the girls out there are freaking envy of the perks that I have being Ken's girlfriend. Hindi lahat ng lalaki ay kasing gwapo at simpatico ng lalakeng to na kahit wala siyang ginagawa ay maakit ka talaga.

Natawa siya at uminom ng tubig. 

"So what if I am?" mapanubok na tanong niya gamit ang kaniyang baritonong boses.

Napasinghap ako. Tama ba yung dinig ko? Inamin niyang kinikilig siya at tinatanong pa niya kung ano ngayon kung kinikilig siya?

Pasagot pa lang sana ako, pero bigla siyang nagsalita, "Kinikilig ako sayo Amanda Villanueva, may nakakamangha ba sa sinabi ko?" naghuhurumentado na ang puso ko. Simpleng pagsasabi niya ng kinikilig siya sakin ay ganun na lang ang reaksyon sa puso ko.

Parang tinatambol ito ng sunod-sunod na tila ba wala ng humpay. Lalo pang nadagdagan ang pagkabog nito ng tumayo siya kinauupuan niya at biglang hagkan ang nakaawang kong labi. Kung kanina lang ay tumatambol lang ang puso ko, ngayon ay sumabog na ang kaloob-looban ka.

Nanglaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Hindi tulad ng dati na nakapikit kami pareho, ngayon ay nakadilat si Ken at kitang kita ko sa mga mata niya na masaya siya at sapat na sakin yun dahil masaya rin akong kasama siya.

Dinig na dinig ko ang impit na tili ng ibang kababaihan sa lugar. Maging ang ilang kalalakihan ay batid koa ang pagtitig sa aming dalawa. Biglang pumasok sa isipan ko na karamahan ng tao dito ay mga katrabaho namin.

Dama ko pa rin ang init ng labi niya ng magpasya siyang bumitaw at bumalik sa kinauupuan niya.

"Kaya tigilan mo na ang pagtitig baka matunaw na ko ng tuluyan niyan wala ka ng pakikiligin." Hindi na naproseso ng utak ko ang mga sinabi niya. Napahawak ako sa labi kong nalunod sa saglit niyang halik.

Dama ko pa ang sensyasyong iniwan niya dun. Para bang ang sandaling pagdampi niya doon ay nag-iwan ng malalim na marka. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay abot langit ang ngiti sa naging reaksyon ko sa biglaang halik niya.  

Isang bagay lang ang sigurado ako, nababaliw na kaming pareho sa isa't-isa.

Nang makabawi ako ay bigla ko na lang naibulalas, "Inaakit mo naman ako eh." Reklamo ko.

He chuckled and licked the fork he's using to eat his spaghetti. "How about that?" sh!t I wish I am that freaking fork. "Mas lalo ka bang naakit?" hindi ko naisip na ang pagiging pilyo ni Ken ay talagang nakakaakit.

Pinaypayan ko ang tapat ng aking mukha at bahagyang nginisian siya, "Oh god Ken you're making me hot!" pagsakay ko sa trip niya.

We ended up laughing at each other. "I like this set-up, very spontaneous and care-free."pag-amin ko. Wala kasing apprehensions. Yun kasi ang gusto ko sa relasyon. Walang arte at go with the flow lang.

"Touché" he smiled and my heart flutters.  

 



AN: Sorry for the delayed update. Hope you understand :)

Continue Reading

You'll Also Like

287K 3.8K 47
Complete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash a...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
21.3K 458 39
"A dream in a deep sleep" Book Cover by: Jangmi <3
212K 6.2K 53
Elren Vasquez is a No Boyfriend Since birth type of a girl, handa na siyang tumandang dalaga. Jasper Darwin Madrigal is a playboy at handang handa na...