Dreams Into Reality (COMPLETE...

By freylala215

271K 6.9K 1.7K

Not your typical marriage made on paper. KiefLy fan-fiction. SLOW UPDATE More

Teaser
NOTE
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
NOTE
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
Epilogue
Note
Special Chapter

CHAPTER 26

5.9K 160 26
By freylala215

KIEFER

"I love you"

I said it!! I fcking said it loud!!

I looked at Alyssa and she's sleeping already. I know hindi niya narinig ang sinabi ko. Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan siya sa labi. Umalis na ko sa ibabaw niya at tumayo.

I need a drink! Hindi ako makakatulog nito. Inayos ko ang kumot sa kanya at lumabas sa kwarto namin.

Nagpunta ako sa mini bar ko dito at naghanap ng maiinom. Tequila? Blue label? kaya naman ng alcohol tolerance ko pero naghanap pa ako ng iba. Rum? Maybe this one will help. Wala na kong makitang iba. Nagsalin ako at pumunta sa balcony ko dito.

The busy lights of the Metro welcomed me. This is not the life that I've imagined 4 years ago. Ang tanging gusto ko lang noon ay maging proud sa akin si Papa.

Ginawa ko lahat to prove to him that I can be a better businessman. Gusto ko lang ng ganoon. Gusto ko lang maging masaya si Papa para sa akin.

Alyssa is definitely not on the picture. I don't intend to have a wife. I don't want to get married. I don't want to be like Von and Baser whose head over heels inlove with Lau and Justine. I don't want to fall inlove.

Damn! Ayaw ko pero ito na ako ngayon. Nandito na ko sa buhay ko kung saan nagpakasal ako, nagkaroon ako ng asawa at ito na ang pinakakinakatakutan ko ang matutong magmahal.

I sighed deeply and took a sip. Hindi ganito ang pangarap kong buhay noon. Kahit kailan hindi ko nakita ang sarili ko na magiging ganito ako sa babae. Nasanay ako na babae ang lalapit sa akin, na lahat makukuha pero si Alyssa. Ibang iba siya sa lahat.

Ang babaeng nakapagpatahimik sa akin. Ang babaeng hindi natatakot sa akin. Mas masungit pa nga siya sa akin. Ang babaeng napapasunod ako.

"Anong ginawa mo sa akin, Alyssa?" I said out of nowhere and continue drinking my rum.

Nagstay pa ako ng ilang minuto bago nagpasya na matulog na.

Pagpasok ko sa kwarto namin tumabi kaagad ako kay Alyssa. Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap siya ng mahigpit.

Simula nang maranasan ko na makatabi siya sa pagtulog nasanay na ko kayakap siya na bago ako matulog titignan ko muna ang mukha niya. Akala ko nung una fascination lang lahat pero nagkamali ako. Hindi ako makatulog kapag hindi ko siya katabi.

Umungol si Alyssa at napakunot noo pa. Napangiti naman ako at hindi ko mapigilan na halikan siya sa noo "I love you." Bulong ko at nagpasya na matulog na.

~~~~

*Cainta*

"Ate lyyyyyyy!!" Sigaw kaagad ni Dani pagkababa namin sa sasakyan.

"Ayan naman siya, ganon ba talaga kayo katagal hindi nagkita, Babe?" I asked Alyssa at ngumiti lang siya sa akin.

"Hayaan mo na si Dani masaya lang siya na may mga nakakasama na siyang Ate ngayon. Mahirap kapag wala kang kapatid na babae." Sabi niya at humawak na sa kamay ko.

"Pero parang mas mahirap kapag walang kapatid, Babe. I can imagine your childhood sinong kalaro mo?" I asked her.

"Si Papa at si Mama." Sagot niya tapos humilig sa balikat ko. "Tara na sa loob." Sabi niya at ngumiti sa akin.

Nagaasaran pa kami ni Alyssa papasok sa bahay at nang makapasok na kami nagulat ako.

"Ano na naman ginagawa mo dito?" Sabi ko at tinignan ng masama si Gian.

"Good afternoon, Manong." Sabi niya na nakangiti sa akin.

"Wag mo nga akong tawagin na manong hindi pa tayo close. Kiefer lang." Sabi ko sa kanya at hinatak na si Alyssa pero lunayo siya sa akin at ngumiti lang.

"Hello, Gian! Pasensya ka na sa Manong mo ha alam mo naman yan masungit always." Sabi niya at bumeso naman si Gian sa kanya.

"Oh! Come on! Babe!" I said at ang magaling na Gian tumawa lang. Iba tlaga tong lalaki na to kahit yata anong sabihin ko sa kanya ngingiti lang siya.

"Huwag mo masyadong takutin si Gian, manong. Baka biglang magbago isip niyan at magalit sayo si Dani." Mama said at hindi man lang ako nilapitan dumiretso siya kaagad kay Alyssa. "Welcome to our home, anak. Huwag kang mahihiya ha bahay mo na din 'to."

"Tita, ang ganda po ng bahay niyo." Sabi ni Alyssa.

"Anak, buti nakapunta kayo? Dito na din kayo matulog mamaya ha. Para mas matagal tayo makapagbonding." Sabi niya at hindi ko mapigilan na ngumiti sa closeness nilang dalawa.

"Mama! Kapag natakot siya sa amin ni Manong at tumigil siya isa lang ibig sabihin nun." Sabi ni Thirdy at umakbay sa akin. "Hindi niya kayang ipaglaban si Dani. Nakita mo ba kami ni Manong kung paano nanligaw? Ako kahit na minsan sumasama pa si Tito Elmer sa date namin okay lang hindi ako natakot." Tuloy pa ni Thirdy.

"Nako! So yabang talaga. Such a liar Ferdinand!! Takot na takot ka nga noon eh." Si Bea na kasama si Dani galing sila sa Taas.

"Ate Alyyyyy!! I miss you!!" Sabi ni Dani at niyakap ang Ate niya.

"I miss you too, Dani! Sabi ko naman sa inyo diba puntahan niyo lang ako sa boutique." Sabi ni Alyssa at yumakap na din si Bea sa kanya.

"Sandali na lang malapit na maluto ang ulam natin. Gutom na ba kayo?" Taning ni Mama.

"Hindi pa naman Tita. Kaya pa naman po magtiis." Sagot ni Gian.

"Talagang matagal ka pa magtitiis." Sabi ni thirdy and I can't help but to smile.

"Kuyaaaaa!!" Si dani na masama na ang tingin sa aming dalawa.

"Stop na yan! Kiefer and Thirdy! Magtigil na kayo." Sabi ni Alyssa and she's giving me a warning look.

"Ate Aly, sa room ko kayo matulog ni Ate Bea ha."

"No way! Dani!! Dyan kita hindi mapagbibigyan." Sabi ko at kulang na lang hatakin ko siya sa tabi ko.

"Noooooo, Manong!! Sa room ko matutulog si Ate Ly." Sabi niya na nakapameywang pa sa akin.

"Aissh!! Ikaw Gian uuwi ka ha. Hindi ka pwedeng matulog dito!" Sabi ko na nakasimangot sa kanya.

"Kids, lunch is ready. Tara na baka lumamig na ang mga pagkain." Sabi ni Mama na nakangiti sa amin.

Lumapit ako kay Alyssa at hinila na siya papasok sa dining namin. Nasa likod naman yung apat.

"Papa." Bati ko pagkakita kay Papa na mukhang inaayos ang mga inihaw niya.

"Good afternoon, Tito." Bati ni Alyssa at bumeso dito.

"Nandyan na pala kayo. Tara na kakain na tayo." Sabi niya at nagsipag-upo na kami. "Dani ikaw na ang magdasal." Bilin niya pa.

Sinunod naman ito ni Dani at nagsimula na kaming kumain. "Babe, anong gusto mo?" I asked Alyssa na kanina pa nakatingin sa ginataang hipon. "Babe? Gusto mo ba yun? Kanina mo pa kasi tinitignan?" Sabi ko pa napatingin naman siya sa akin.

"Babe, naglalaway na yata ako, mukhang ang sarap sarap ng itsura niyo oh!" Bulong niya sa akin.

"Lahat naman sayo masarap eh. Mamu paabot nga ako nung gata."

"Oo ba manong. Ano pa ba ipapaabot mo?" Tanong niya sa akin naririnig ko naman ang pagtawa nila Mama.

"Wala na. Iyan lang ang gusto ng Ate mo." Sabi ko at inabot na din naman niya sa akin. "Nga pala Mamu, ako may request ako." Sabi ko at nakita kong napatingin sa akin si Thirdy.

"Ano yun, Manong?" Tanong niya.

"After nito uwi ka na naiinis kami talaga." Sabi ko at hinampas naman ako ni Alyssa. Si thirdy naman tawa ng tawa.

"Huwag mong pansinin tong manong mo, Mamu! Stay put ka lang dyan." Sabi ni Alyssa

"Alam ko naman na love na love ako ni kuya kief ate eh. Sadyang hindi niya lang maamin talaga." Sabi niya at napakunot noo naman ako.

"Lakas mo talaga, tsong!!" Sabi ni thirdy at nakipag-apir pa dito. "Ikaw lang may lakas ng loob na sagutin ng ganyan si Manong."

"Ay Hindi ako nakikipagburian Gian! Sobrang aga mo nga umakyat ng ligaw eh." Sabi ko habang nakangiti sa kanya nang puno ng sarkasmo.

"Manong naman, alam ko naman na mas gusto mo ko para kay Dani kaysa kay ano at sa iba pa eh." Sagot niya, sabagay may point naman talaga siya. Kilala ko na tong bata na to since highschool siya at alam kong mabuting tao siya pero hindi pa din pwede mag boyfriend si Dani, bata pa siya.

"Mga babies ko may sari-sarili ng partners sa susunod nyan Papi mag papakasal na si Kiefer at Alyssa tapos lalayo na sila sa atin. Basta bigyan niyo kami ng maraming apo ha." Sabi ni Mama na nakangiti ng matamis kay Alyssa.

"Ma wag kang mag-alala bibigyan ka namin ng maraming apo." Sabi ko at hindi ko pinansin ang pagkurot ni Alyssa sa akin at nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

"Ma, wag mong masyadong i-pressure si Alyssa." Save by Papa alam kong ilang na ilang na si Alyssa ngayon. "Pero kailan niyo nga ba kami bibigyan ng apo?" Dugtong niya at nasamid naman si Alyssa. Inalo ko siya kaagad.

"Paaaaa, Maaaaa. Ano ba yan!?" Sabi ko at nagtawanan sila. "Ayos ka lang? Tubig pa babe." 

"Excited lang kami Anak." Sabi ni Mama. "Pero sabagay mas maganda kung kasal muna bago ang anak. Napagusapan niyo na ba ang kasal?" Tanong niya

"May gusto nga sana kaming sabihin eh." Sabi ko at naramdaman ko ang pagpisil ni Alyssa sa kamay ko. "Actually, matagal na kaming kas--."

"Matagal na po naming napaguusapan pero sa ngayon focus po muna kami sa mga gawain namin." Pinutol ni Alyssa ang sasabihin ko sana tungkol sa kasal namin na nangyari dati pa.

"That's good. At least you guys are talking about marriage." Sabi ni Papa at sinerve na ni Mama ang dessert. Nawalan naman ako ng gana at hindi na nakisali sa usapan nila.

Bakit ba kasi ayaw niya ipagsabi eh. Napagusapan na namin na sasabihin na sa Pamilya ko pero hanggang ngayon pala ayaw niya pa din.

Nilagyan ni Alyssa ng ube leche flan ang plate ko pero hindi ko muna to kinain nakatingin lang ako dito. I felt Alyssa's hand on my thighs. "Babe?" She murmured

I can't help but to clench my fist. Kinuha ko na ang tinidor at nagsimula na ubusin ang nakalagay sa plato ko. Naririnig kong nagbibiruan sila Dani pero hindi na ko sumali sa usapan nila.

"Babe? Gusto mo pa? Kuhanan pa kita." Sabi niya at akmang kukuha na nang magsalita ako.

"Busog na ko." Sabi ko at tumayo na. "Naalala ko may gagawin pala akong papers sa library lang ako kailangan kong i-review yun." Sabi ko at umalis na.

~~~

ALYSSA

Napatigil ako sa pagkuha nang umalis si Kiefer. Mukhang nabadtrip na naman siya sa akin.

"Nako! Ly ganyan talaga yan si kiefer kahit dati pa. Kapag naaalala niya ang mga gawain niya talagang kailangan magawa niya kaagad." Sabi ni Tita mozzy na napansin yata ang pagbabago sa mood ko.

"Okay lang po, Tita." I said and smiled to her. Nilagyan ni Bea ng ube leche flan ang plate ko.

"Kain ka ng kain, Ate Ly." Sabi niya na nakangiti sa akin ng matamis. Hindi ko tuloy mapigilan na ngumiti din at pisilin ang pisngi niya.

"Ang cute cute mo, Bei!" I said and pinch her cheeks again.

"Aww. Ate medyo masakit na ha." Sabi niya na tumatawa sa ginawa ko.

"Sorry, bei! Sobrang cute mo kasi eh. Pa hug nga ako." Sabi ko sa kanya at kahit na nagtataka siya niyakap niya pa din ako.

Pagkatapos ng lunch namin nagstay na kami sa living room. "Alyssa? Hindi mo ba susundan si Kiefer?" Tanong ni Tita Mozzy sa akin.

"Huwag na po Tita baka busy siya eh." Hindi ko na din maintindihan si Kiefer. Nakakainis siya. Bahala siya hindi ako lalapit sa kanya.

"Nako! Yung nga tampuhan na ganyan hindi dapat pinapatagal yan ha. Pagpasensyahan mo na din yan si Kiefer." Sabi niya na hawak pa ang kamay ko.

"Okay lang po Tita. Mamaya po pupuntahan ko na din siya." Sabi ko na nakangiti sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon siguro baka nag-sorry na ko sa kanya pero wala ako sa mood at talagang naiinis ako sa inasal niya kanina.

Nakipagkwentuhan pa ko sa kanila. At nawala ang kabadtripan ko kay Kiefer dahil sa pang-aasar ni Thirdy kay Gian. Isa pang sobrang protective kay Dani. Pero alam ko naman na gusto din nila si Gian siguro talagang lumalabas lang yung pagka-kuya sa kanila. 

Nakaramdam ako ng pagka-antok kaya nagpaalam muna ako sa kanila na aakyat na.

Napatingin ako sa pinto ng library at iniisip kung dapat ba akong pumunta sa loob at kausapin si Kiefer. Nagulat pa ako ng bumukas ito at lumabas siya.

Napatingin siya sa akin at inirapan ko naman siya.

"Ly?"

"Wag mo akong kausapin!" Sabi ko at pumunta na sa kwarto niya at pinasya na lang na matulog.

"Naiinis ako. Talagang naiinis ako ng sobra!! Hindi ko tuloy alam kung totoo ba talaga yung sinabi niya na mahal niya ko or nagbibiro lang siya eh. Narinig ko yun, narinig ko siya." 

~~~~~~~~~~~~~

Hello!! Let's pray for Gilas. Manong is part of the final 12 line-up. Let's pray for them and for Manong Kiefer. Salamat po!! 😊🙏

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
3.4K 126 43
Brain will contradict, mouth will deny, but eyes can't lie. Alvarez Series #1 Started: June 10, 2020 Ended: June 11, 2024
82.1K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
30.6K 823 43
BOOK 2 Sometimes when we experience pain and heartaches our brains can suppress a memory out of our awareness. Savannah was so lost when she wake up...