She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 22

8.7K 149 25
By ShuperShimmer

O ayan, si Brent ->

Chapter 22

© Shupershimmer

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng LRT train at nagitgit ako dahil sa mga papalabas na tao. Habang ako, natameme sa harap ni Brent matapos marinig yung sinabi niya.

Tama ba rinig ko? Wala na raw sila? Baka naman iba? Pero kakagamit ko lang ng cotton buds kanina, eh.

"Sige, ingat."

Yun na yung huling nasabi ni Brent bago ako nagkusang lumabas ng pinto. Di ko alam kung paano mapapaliwanang nang tama ang nararamdaman ko ngayon; pinaghalong gulat at pagtataka na may kasamang heatbeats.

Bakit kailangan niyang sabihin yon sakin? Di ko maintindihan.

It took me seconds before I was able to insert the card. Hanggang sa narealize ko na lang na na-invade na ni Brent ang utak ko, kaya napailing ako bigla. This can't be. Ayokong bumalik na naman ang feelings ko-- mawawala na, e. Kung tutuusin, kaya ko na.

Wala siyang sinabing dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong dapat i-pre-empt. Masakit ang assumptions-- lalo na kung malabo naman.

At sa pagkakaalala ko, the last tine na nag-usap kami, sinigaw niya pa na ayaw niya na sakin.

Did he regret his words, now?

Pagpasok ko ng bahay, nandoon na si Mama sa kusina at busy sa paghahanda ng dinner habang nakikinig ng Easy Rock sa radyo.

"Saan ka galing?"

Bungad ni Mama pagkakuha ko ng inumin sa refrigerator.

"Birthday lang ng kakilala ko." sagot ko sabay sibat papuntang sala. Mahirap na, baka mahalata niya pang bagong laba yung uniform ko.

Napasimangot naman ako nang marinig ko ang kantang "Tell Me" by Side A sa radyo. Of all the songs, bakit yung pambansang awit ko pa nung brineak ako ni Brent? Seryoso, ano ba'ng nagawa ko sa mundo para pasakitan?

"Ma, ililipat ko 'to ah!" sigaw ko.

"Subukan mo!" umismid na ako, "Malilintikan ka sakin!"

 

Why did it have to end so soon?
When you said that you would never leave me?

 

Tell me, where did I go wrong?
What did I do to make you change your mind completely?

Talagang nagsalubong na ang kilay ko dahil hindi tanggap ng resistensya ko yung lyrics kaya nagdesisyon akong umakyat at magbihis na. Atleast, hindi gaanong naririnig. Walang tagos factor, at hindi masakit.

Shet lang Brent, bakit mo ko sinayang?

Hindi pa ako nakakahubad ng uniporme, tumunog agad yung phone ko tapos dali-dali ko namang kinalkal sa bag. Only to find out na si Lawrence pala ang hinayupak na gumambala sa oras ko.

"Oh." sagot ko.

"Ba't ang taray mo?" malditong sagot niya, and I rolled my eyes.

"Kakakita lang natin kanina, di ka pa ba kuntento sa pambibwisit?" tugon ko naman habang nagtatanggal yung isang kamay ko ng butones.

"Kailangan ba lahat ng oras nag-aaway tayo?" may tono ng pagkaasar ang tanong niya, "Pwede bang magbagong buhay ka naman. Tigilan mo nga ang pakikipagtalo lagi sakin. Di ka ba napapagod?"

Sarili niya dapat ang tanungin niyan, diba?

Hindi na ako nagsalita dahil wala rin naman akong maisip na isasagot. Hindi ko rin alam kung ba't na-high blood ako bigla; siguro dahil sa mga nangyari ngayon lalo na sa dalawang revelation na nalaman ko.

Una, fucking serious daw si Lawrensha. Pangalawa, wala na si Brent at Denise. Alin ba sa dalawa ang dapat kong i-celebrate?

"Ano bang sasabihin mo?" I sighed, feeling apologetic.

"Nasa bahay ka na ninyo?"

Hinubad ko ang damit ko, pati ang skirt. Medyo mahirap lang dahil iisang kamay lang ang nagtratrabaho, nasa phone kasi yung isa.

"Oo nasa bahay na ako. Kauuwi lang. Ikaw?" tanong ko habang naghahanap ng damit sa cabinet.

"Pauwi pa lang." pansin ko na parang may ngiti yung pagsasalita niya, bakit? May nakakatawa ba sa tanong ko?

"Wait."

Nilapag ko muna yung phone sa cabinet saka tuluyang binaba ang skirt ko na kanina ko pa hindi mahubad! Kainis. Saka, nagsuot na rin ako ng damit bago kinausap ulit si Lawrence.

"Ano bang ginagawa mo?" usisa ni Lawrensha, "May kausap ka na namang lalaki, no? Kapitbahay ninyo ulit?!"

Bumuga ako ng malakas na hangin dahil di ako makapaniwala sa iniisip niya, "Pwede ba. Naghuhubad kasi ako!"

"Uh--"

"I mean, nagpapalit ng damit, okay? Wala akong kausap na lalake ngayon, maliban sayo. Bwiset."

I heard him chuckled, "Oh. I see. You should atleast change your pink bra. Baka matuyuan ka."

Kumunot agad yung noo ko sa sinabi niya. What? Paano niya nalaman yung kulay ng panloob ko? Puta, may scanner ba ang mata niya? Grabeng kamanyakan yon, ha. Elibs na talaga ako sa mokong na 'to.

"Manyak ka talaga, Lawrensha!" I hissed, "Nanilip ka siguro sa banyo kanina, no?! Yaaay, manyak." pang-aasar ko pa.

"Bakat kaya kanina, dahil nalublob ka sa pool kaya basa ang uniform mo. Di ko alam na mahilig ka sa push-up bra." I shut my eyes stressfully, "Oh, mahilig ka rin pala sa mga lace-lace."

At tumawa siya nang bongga. Tang-inis! Tinutukoy niya pa yata yung time na dinaig pa niya ang akyat-bahay gang dahil basta na lang pumasok sa pinto! Nakakita tuloy siya ng magandang tanawin! Chocolate hills pa talaga. Pakshit.

"Mukha mo." ganti ko na lang, "Kung wala kang magandang sasabihin, ibaba mo na 'to. Baka mamaya, nakakaabala sa babaeng kasama mo."

"Babae?" I am sure he grinned! Grr.

"Oo, yung buntot nang buntot sayo kanina pa. Kulang na lang dilaan ka sa mukha at itali niya ang sarili niya sayo." walang prenong sagot ko habang nililigpit yung mga hinubad ko.

"Ah, si Nina." Sigurado talaga akong nakangisi siya. Ang kapal ng mukha, "Wag ka nang magselos, Catacuts. No strings attached nga tayo, diba? Saka mas matalino ka kay Nina kaso, mas sexy siya."

He laughed and it's annoying. Di ko alam kung ano'ng gusto niyang iparating--kung bobo ba si Nina, o, di ako sexy. Whichever, walanghiya siya.

"Ang kapal mo ho. Hindi ako nagseselos sa inyo, no. Excuse me, ha."

"Ows?"

"Oo, may Brent ako kanina, e."

Dumulas sa dila ko yung mga salitang yun, dahil siguro sa pagkainis ko sa conversation namin ni Lawrensha. Yung kausap ko naman, natahimik bigla sa linya. Siya naman kasi, napaka-conceited. Masyadong feelingerong kabayo. I mean, unicorn; kasi may sungay.

"Oh." May disbelief sa tono ni Lawrence pero wala na yung ngisi niya. Di ko na naramdaman, e.

"Sige na, nagdadrive ka pa yata. Bye."

"Wait," di ko muna binaba yung tawag, "You're with him right now?"

"Hinde." napakagat labi na lang ako dahil for sure, di ako titigilan ni Lawrence ngayon, "Kanina. Nakasabay ko sya sa LRT."

"O ano naman?" Di ko alam kung ako ba ang tinanong niya, o yung sarili niya, "Kahit sa impyerno pa kayo magkita, niloko ka parin niya. Masyado kang mabait sa tulad niya--huwag kang engot."

Punong-puno ng grudge ang mga salita ni Lawrence pero hinayaan ko na lang. Alam ko namang matagal niya ng gustong dikdikin na parang bawang si Brent, e. Pero, sumasagi rin sa isip ko kung bakit sya sobrang apektado?

May gusto ba talaga siya? Sorry, hanggang ngayon, duda parin ako. Mahirap kasing magtiwala na naman. Tapos, masasaktan na naman.

"Pucha, nagkita lang kami sa train! Engot agad ako?!" bulyaw ko sa kanya.

"E, kung makapagsalita ka kasi parang tuwang-tuwa ka. Hello, Catacuts, iniputan ka ng ex mo sa ulo, baka nakakalimutan mo?" sagot niya kaya napakamot na lang ako ng ulo.

Di pa ko nakakareact, may dinugtong agad siya, "Tsaka, di kayo compatible; masyado siyang manloloko, at masyado kang engot. Ako, tamang timpla, masyadong gwapo, at gifted; compatible sa engot na gaya mo."

Wala akong nakikitang koneksyon ng pagiging gwapo niya sa compatibility namin. Ano 'to!? Masingit lang, Lawrensha!?

"Isa pang engot mo at pupuntahan talaga kita sa bahay ninyo para lang sapakin ka left and right." banta ko, pero syempre joke lang yon.

"Kung yun lang pala ang makakapagpunta sayo sa bahay ngayon, edi uulitin ko. Engot!"

I am freaking sure he grinned again. Ugh.

Hindi na ako nakapagsalita nun dahil natawa ako nang walang tunog. Ewan, ang weird, tipong nagkusang umangat ang cheekbones ko na parang ipis na hinampas ng tsinelas. In short, the sudden jolt of kilig pinched me.

I hate it, though.

His last words brought me to reality, "Oh ano. Hihintayin kita sa bahay."

"Mukha mo." saka niya ko binabaan.

***

Wednesday na ulit at nasa bahay na ko ni Miss Via para bigyan ng bagong activity si Mika. Actually, chicken lang naman yun pero mukhang hirap siya dahil mag-iisang oras na siyang nandun sa arts room.

"Bakit? Pinalayas ka na naman ng kupal kong pinsan?" Lawrence smirked at me.

Nabigla pa nga ako nang narinig ko siya pagkalabas ng kwarto niya-- hindi ko kasi siya kasabay papunta rito.

"Ah," Napaayos ako ng tayo, "Oo. Hindi raw siya maka-concentrate."

Sumagot ako sa kanya nang hindi nakatingin. Ba't ganun? Kausap ko lang siya kagabi at nagtalo pa nga kami, e. Bakit naiilang ako? Kay Lawrensha pa talaga?

Sinumpa yata ako.

"Tara, laro tayo."

Pinagmasdan ko lang siya na naglakad papunta sakin, pero nilagpasan ako at dumiretso siya sa Recreation room saka binuksan ang pinto. Tinignan niya pa ako nang masama dahil hindi nga ako makagalaw-- siguro dahil may malisya na sakin lahat.

"Ayaw mo?" he crossed his arms, "Isipin mo na lang na nagdedate na tayo."

I raised an eyebrow, "Date?"

Nagkibit balikat siya saka ako hinila sa kamay papasok sa loob ng bilyaran, "Ewan, I have no idea if this place is good for a date."

Pagpasok namin, kusa kong inalis yung kamay ko sa grip niya dahil hindi ako at ease. Napataas pa ang kilay ko nang binigyan niya ako ng tako sabay ngisi.

"Hindi ako marunong ng billiard," I shook my head.

Pinahawak niya sakin yung stick tapos nilagay niya sa triangle ang 8 balls saka tinira ang puting bola. Ano ba yan, na-shoot agad yung isang solid!

"Ano'ng napag-usapan ninyo ni Brent?" tanong niya habang naka-bend at inaasinta ang kulay red sa side pockets, "Hinatid ka ba niya sa bahay niyo?"

Napatingin ako sa stick na hawak ko, "Wala namang mahalaga sa napag-usapan namin."

"Did you punch him?"

"H-hinde. Bakit ko gagawin yun?"

He glanced my way before he stood up. He cocked his head, sign na ako na ang maglalaro, pero wala akong alam. Ano'ng titirahin ko?!

"Stripes ka."

"Ah, okay."

Ginaya ko ang posisyon niya kanina, naka-one step backward ang isang paa at nasa kabilang dulo ang kamay. This is quite hard!

"Ano ba yan," narinig kong sabi niya, "Pinainom ka ba ng Tiki-Tiki ng nanay mo nung baby ka? Walang kalatoy-latoy ang hawak mo. Nanginginig pa!"

Nawala ako sa focus dahil sa pinagsasabi niya kaya inirapan ko siya, "Sinabing di ako marunong, e!"

Hindi ko kasi alam kung paano ang gagawin sa kamay kong nasa ibabaw ng table. Kaasar.

"Did he gaze at you?"

Napaismid ako sa out of the blue question niya, "Wag mo muna siyang banggitin. Nagcoconcentrate ako."

"In-enjoy mo naman ang pakikipagtitigan sa kanya?" he asked and I was pissed off.

Nakita ko na umalis si Lawrence sa pwesto niya, sinandal ang cue stick na hawak sa pader tapos lumapit sa likuran ko. Wala naman akong sinabing turuan niya ako pero napalunok ako ng laway nang pumwesto siya sa backside ko, habang ang dalawang kamay niya, e nandun sa position ng dalawang kamay ko.

Mas tumindig ang hair strands ko nang maramdaman ko ang body heat niya sa kaliwang pisngi ko. I never thought he would be this near. Nararamdaman ko rin ang braso niya na parang nakapaikot sa likod ko.

Nananantsing ba 'to?

Punyeta, bakit kinakabahan ako?

Hinampas niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa, "Engot! Hindi ganyan ang kamay! Ipaikot mo yung index finger, 4 inches mula sa dulo."

Okay, sinira niya ang moment ko. Psh. Romantic na, e, sinermonan pa ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 28K 52
[COMPLETED] Kyle Villarosa is my gorgeous boss, certified babaero at heartbreaker. Walang balak magkaroon ng steady girlfriend. Para sa kanya, laro l...
5.3M 56.9K 44
Dahil baon sa utang ang kompanya at pagpapakamatay ng ama ay walang nagawa si Griselda kung 'di pumayag na ikasal kay Alexander, ang panganay na anak...
10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...
917K 31.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.