TROUBLE HIGH - UNDER REVISION

By PumpingLemma

169K 5.1K 624

~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na... More

Toraburu Kotoトラブル 高等 (Trouble High)
† Kabanata 1 †
† Kabanata 2 †
† Kabanata 3 †
† Kabanata 4 †
† Kabanata 5 †
† Kabanata 5 Part 2 †
† Kabanata 6 †
† Kabanata 7 †
† Kabanata 8 Part1&2 †
† Kabanata 9 †
† Kabanata 10 †
† Kabanata11 †
† Kabanata 12 †
† Kabanata 13 †
† Special Chapter †
† Kabanata14 †
† Kabanata 15 †
† Kabanata 15 Part 2 †
† Kabanata 16 †
† Kabanata 17 †
† Kabanata 18 †
† Kabanata 19 †
† Kabanata 20 †
† Kabanata 21 †
† Kabanata 22 †
† Kabanata 23 †
† Kabanata 24 †
† Kabanata 25 †
† Kabanata 26 †
† Kabanata 27 †
† Kabanata 28 †
† Kabanata 29 †
† Kabanata 30 †
† Kabanata 32 Part 1 †
† Kabanata 32 Part 2 †
† The Epic Ending Of Chapter 32 :3 †
† Kabanata 33 †
† Kabanata 34 †
† Kabanata 35 †
† Kabanata 36 †
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40: Kenji Sasaki
Kabanata 41: Kazuya
Kabanata 42
Kabanata 43: Siblings
Kabanata 44: Princess
Kabanata 45: Kaeru帰る (Return)
Kabanata 46: Day 1
Kabanata 47: Day 2
Kabanata 48: Day 3: We miss you!~
Ugh!
Kabanata 48 Part 2: Day 3
Kabanata 48 Part 3: Day 3
Kabanata 49 Part 4: Day 3
Kabanata 50 Part 5: Day 3
Kabanata 51 Part 6: Day 3
Thank you!
Boombayah!
Kabanata 52 Part 7: Day 3

† Kabanata 31 †

2.3K 68 3
By PumpingLemma

--A/n: This chapter is dedicated to @thegodsofbeauty (daw?) hahahahah! XD Kapatid ko 'yan! XD Nirerecommend ko pala sa inyo yung kwento niya. :D  One shot: "30 days of the game" Maganda talaga yung kwento niya. Peksman. Walang halong biro. :3 Kaya....sinong proud na ate?

AKOOO!!! \(*T▽T*)/

*Enewey...here's the chap.31. Sensya na kung matagal akong mag-ud. Sinusumpong na naman kasi ako ng katam.Short for katamaran (*..*)

;* Again, sorry for the wrong grammar.

At..teka...XD Kung napapansin niyo...may nagbago sa title ng kwentong 'to. And yup...Toraburu Koto na siya dahil 'yan po yung TAMANG term ng Trouble High sa Japanese. :) Yun lang. Tinama ko lang. :3

---

TORABURU KOTO(TROUBLE HIGH):KABANATA 31

Third Person's Pov

*Sa tahanan ng mag-asawang Takagi...

Isang binata ang pumasok sa silid kung saan si Miko na tutok na tutok sa pagpipirma ng mga importanteng files.

"Boss, pinatawag niyo daw po ako?"Saad ng binata nang makapasok na ito atsaka tumungo.

"Un.(yes)"Saad ni Miko nang tingnan na niya ito. "I just wanted to give you a little prize for doing your job well."

Napatingin naman sa kanya ang binata.

"Koko ni.(Here)"Saad ni Miko at hinagis nito ang susi papunta sa binata.

"Ko-Korehanandesuka, bosu?(What is this, boss?)"Tanong ng binata nang makuha na niya ang susi.

"Aaaa..Kono orokana ko(this stupid child) Ki! (key)"Mairitang saad ni Miko.

"Eh? Wakatte imassu...demo nan'notameni,bosu?(I know...but for what,boss?)"Tanong naman ng binata.

"Anata no atarashi kuruma no tame.(For your new car)"Miko.

"E-eh?Do-domo arigatogozaimashita, Bosu!(Thank you very much,boss!)"Tuwang-tuwang saad ng binata.

"Tss. You're not done yet on your job... dakara, watashi ni kansha shinaide.(So, don't thank me)"Miko.

"I want you to continue spying Yui Sasaki and the other member of Bakemono-kai."Dagdag pa niya.

"Pe-pero,boss... masyado ng delikado. Baka makahalata na sila!"Saad ng binata.

"Walang mahahalata kung hindi ka magpapahalata. Sundin mo nalang ang pinapagawa ko sa'yo, Elvin."Saad ni Miko at itinuon na ang atensyon sa mga files.

"Opo, boss."Sabi ni Elvin at tumungo ito.

"Kore de nokosu koto ga dekimasu.(You can leave now.)"At umalis na nga ang binata.

Si Elvin, ang binatang inatasan niya na mag-ispiya sa grupong Bakemono-kai. Halos isang taon at mag-iisang buwan narin ito simula ng pumasok ang binata sa Bakemono-kai na ang totoong pakay ay malaman ang susunod na hakbang na gagawin nito laban sa Hanoji-gumi(ang tunay niyang grupo.)

Pero, hindi inaasahan ni Miko na meron pa palang mga mas interesanteng bagay ang masasagap niya mula kay Elvin. At yun ay ang malaman niya na may anak na babae pala sina Shiba at Amane..

...na maslalo namang nakapagtaka kay Miko. Ang alam niya kasi ay isa lang ang anak ng mag-asawa...at lalaki ito. Ang mas nakakatawa pa do'n ay kapangalan pa ng anak nilang babae ang nayumaong anak na panganay nila Ashton. Pareho lang ding Yui na lalo pangnakapanghinala sa kanya.

Hanggang sa malaman na nga niyang ang Yuing anak ng mag-asawang Sasaki at ang Yuing anak na panganay ni Ashton na kinilala ng patay ay iisa lang.

Maslalo pa siyang natuwa nang ipamalita pa sa kanya ni Elvin ang nangyari sa mag-asawang Sasaki. At yun nga ay ang pagkamatay nila. Kung pa'no sila namatay...

at kung sino ang pumatay.

Lahat ng mga nalaman ni Miko ay maspinili niya munang inilihim sa kanyang kababata at sa miyembro ng Hanoji-gumi. Masyado kasi siyang natuwa nung mga panahon na 'yon sa mga nalaman niya kaya hinayaan nalang muna niya na kumalat ang balitang 'Namatay sa sakit ang mag-asawang Sasaki.'na kung saan ay isang malaking kasinungalingan lamang. Gusto niyang sorpresahin si Ashton kaya nga't heto hindi nga siya nabigo na makita ang pagkagulat sa mukha ng kaibigan nang magkausap sila nung lunes lamang.

||Flashback||

"Pa-pa'no..."

"*chuckle* Sinabi ko naman sa'yo...hindi pa siya patay."Saad ni Miko sa kanya. Nanginginig nginig ang mga kamay ni Ashton habang hindi makapaniwalang pinagmasdan ang mga larawan.

Totoo nga. Siyang-siya nga.

Tumayo si Miko at pinagmasdan ang syodad sa bintana habang hawak hawak nito ang wine glass niya.

"Alam mo bang ...hindi malalang sakit ang sanhi ng pagkamatay ng mag-asawang Sasaki?"Saad pa ni Miko na nanatili paring pinagmamasdan ang syodad. Napatingin naman agad sa kanya si Ashton.

"Anong ibig mong sabihin?"

"*Chuckle* Isang kasinungalingan lang ang lahat ng 'yon, Ashton..."Sabi ni Miko atsaka tinungga ang alak.

"...kasinungalingan na mismong anak mo ang gumawa.*smirk* Mahusay hindi ba?"

Napalunok ng laway si Ashton habang unti-unti na itong pinagpapawisan sa mga naririnig mula sa kababata. Pinagmasdan niya muli ang larawan ng anak.

Yui...

"Pero, ang masnakakamangha pa do'n ay nang malaman kong...siya mismo ang pumatay kina Shiba."Matapos niyang sabihin 'yon ay humalakhak ito. Sa halakhak nito ay ibang-iba ito sa dating Miko.

Tanging singhap nalang ang nagawa ni Ashton nang marinig niya 'yon.

Totoo ba 'yon? Hindi siya makapaniwala na magagawa 'yon ng kanyang anak. Imposible.

Pinagmasdan ni Miko si Ashton na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kawalan. Napangisi nalang ito.

Muling lumapit si Miko sa lamesa niya at kinuha niya ang camera at iniabot ito kay Ashton.

Nanginginig ang mga daliri ni Ashton ng kunin niya 'to. "Panuorin mo."Saad ni Miko nang siya na mismo ang nagplay ng video para sa kaibigan.

"*gasp*"Tanging singhap na lamang ang naging reak ni Ashton ng makita niya ang nasa video.

(Inilayo niyo 'ko sa magulang ko. Inilayo niyo 'ko sa kapatid ko...kayong dalawa ng demonyo mong asawa...)

(...Anata wa watashinojinsei o dainashi ni!!!...Anata no subete wa imaimashi bakadesu!!!)

(AAA!!!)

Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Miko habang pinagmamasdan si Ashton na halatang hindi makapaniwala sa napapanuod. Halos madurog na nga ang camera sa pagkakahawak dito ni Ashton.

"Alam na alam niya talaga kung kanino siya nanggaling."Saad ni Miko at prenteng umupo sa tapat ni Ashton.

"Pero, nagtataka parin ako sa anak mo..."

"...bakit hanggang ngayon nananatili parin siya sa grupong 'yon? Ano kayang dahilan niya at hindi parin siya bumabalik sa pamilya niya?"

"Ano sa palagay mo,pinuno?"May ngiti sa mga labi ni Miko habang sinasabi ito sa kaibigan. Sa mga gantong kaeresanteng bagay ay hindi niya mapigilang matuwa. Matuwa sa mga susunod na mangyayari.

Matapos na mapanuod ni Ashton ang video ay tahimik niyang inilapag ang camera sa center table at tumayo na. Naglakad na ito papunta sa pinto, pero bago palang niya ipihit ang doorknob ay muli na namang nagsalita si Miko dahilan para mapatigil siya. "Nga pala, sa Faxton High siya nag-aaral ...kung saan din pumapasok si Miro."

"Nagsimula na." Mahinang saad ni Miko nang makalabas na ng silid ang kaibigan.

Ash's Pov

*Sa School

*Boogsh! Booghs!*

"LETS GET READY TO RUMBBBBBBBBLE!"

"Woooooh!!!"

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko kahit medyo siksikan dito sa loob ng school. Ang dami kasing estudyanteng nagkukumpulan. May suntukan na naman kasing nagaganap. Mapababae, mapalalaki ay sige lang ang pusta. Tss.

Siraulong tomboy kasi 'to. Pinagkakakitaan ang rambulan.

Tsk. Sinu ba kasi ang president council dito? Napakawalang kwenta. Hinahayaan niya lang mangyari ang gan'to.

Natapos na kasi ang Festival kaya sinaniban na naman sila ng kawalanghiyaan.

"Aa.."Reak ko atsaka hinilot hilot ang gilid ng noo ko. Ilang araw narin akong sinasakitan ng ulo. Habang patagal ng patagal ay patindi naman ng patindi ang pagsakit nito. Hindi naman ako nagpapatingin sa doktor o kaya kay Ninong (Miko) dahil alam ko naman na simpleng sakit ng ulo lang 'to na agad din namang mawawala. Atsaka, ayoko sa hospital. Yun lang talaga ang lugar na pinakaaayawan ko.

Tumungo ako at dumura ng laway sa nilalakaran ko. Pero imbes na sementado ang landingan nito ay isang magandang itim na sapatos pang lalaki ang tinamaan nito.

Nanlaki ang mata ko at dahan dahang tumingin sa taong may ari nito.

Nakatingin lang siya sa sapatos niya na nakayukom ang mga kamay dahil sa galit ata sa ginawa ko(?)

Napakagat ako ng labi nang biglang lumipat ang tingin niya sa'kin.

"S-sorry. Ikaw kasi p-paharang harang!"Ugh! Ba't ba 'ko nauutal?!

Tsk.

Naglakad na'ko agad para lagpasan siya pero nakailang hakbang palang ako e mabilis niya kong hinila sa braso palapit sa kanya.

"Ano?!"Mainis kong sabi sa kanya.

Napahiss naman siya at muli akong tiningnan.

"Ikaw na nga 'tong dumura sa sapatos ko ikaw pa 'tong may ganang magalit. Punasan mo."Seryoso niyang sabi at titig na titig sa'kin.

Badtrip talaga 'tong Yoshiong 'to! Napaka!

"Ako ang amo mo diba?! Bakit mo 'ko inuutusan?! Kapal mo!"Totoo naman e! Amo niya ako kaya wala siyang karapatan para utusan ako.

Napansin ko namang luminga-linga siya sa paligid niya tapos tumingin na sa'kin.

"Can you keep your voice down?"Mahina niyang sabi na may mairita pang tono.

"Hoy! Ako dapat ang nagsasabi niyan sa'yo, dahil ako ang AM--ummp! Ummmph!"Bago ko palang matuloy ang sinasabi ko e tinakpan niya ang bibig ko gamit ang dalawa niyang kamay at kinaladkad ako kung saan.

Ack!

"ANU BANG PROBLEMA MO!?"Panggagalaiti ko matapos niya 'kong ipasok sa kotse niya dito sa may parking lot.

"Tss. Tinanong pa."Saad niya nang hindi tumitingin sa'kin.

"Eh ano nga--"Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang tumingin na siya sa'kin.

"Tandaan mo, wag na wag kang magbabanggit ng tungkol sa pagsisilbi namin nila Riku sa'yo. "

"Walang pwedeng makaalam."

"Huh? Bakit?"

"Bobo ka ba?! Syempre pagnalaman ng mga estudyante dito...malalaman din nila na isa kang anak ng Yakuza at malalaman din nilang isa kaming Yakuza. Kaya, please lang...pakitikom yang bibig mo kung ayaw mong salpakan kita ng buto!"

*Gasp*

"Ugh! Walanghiya ka talaga! Kailan mo ba 'ko kakausapin ng maayos?! Anong klase kang tauhan?! Binobobo bobo mo lang ako! Masyado kang nagmamalaki! Mukha namang hindi ka matalino."

"Ang dami mong sinasabi. Bumaba kana nga!"Reklamo niya tapos tinulak pa'ko na bagay na nagpainit lalo ng dugo ko.

Grrrr. Matapos niya 'kong kaladkarin dito ganun nalang! Takte! Kung paalisin niya 'ko dito parang di ako amo!

"Tsk! Ano? Yun lang ba sasabihin mo?!"Inis kong sabi.

"Oo, kung naintindihan mo, pero kung hindi naman...uulitin ko pa sayo."

Aisssh! Naknang kalabaw talaga 'tong walanghiya na'to! Bwiset.

Bumaba na'ko agad ng kotse at padabog na sinarado ito. Sinisira niya talaga ang araw ko. Araw-araw nalang!!!

"Woi~ Mukhang mainit ang ulo natin ah!"Si Shiro at Ryu nang biglang sumulpot sa tabi ko.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Shiro at inunahan na sila sa paglalakad.

"Eh? Nilagpasan lang tayo?~"Rinig kong saad ni Ryu.

Haay. Wala ko sa hwisyo makipag-usap sa kanila. Gusto ko ng pumasok ng room.

Naramdaman kong tumakbo sila papalapit sa'kin.

"Miro-chan~ Wala ka bang napapansin sa'min?"Saad ni Shiro.

*lakad*

"Ahmm...Miro...tingin ka naman oh~"Ryu.

*lakad*

"Miro-chaaaan!~">3<Shiro.

(-__-)

*lakad*

"Miro!~*whistle* kiss kita pag di ka tumingin!~"(❁´3'❁) ♡Ryu.

"Watashi mo anata ni kisu shimasu!~"(I'll kiss you too!~)Shiro.

Naknang teteng naman oh!

*lakad*

"Sige ayaw mong tumingin ah!...Isa..."

Hmm? Si Jomarie ba'to?

Napansin ko kasi 'tong lalaking nasa unahan ko na naglalakad.

Oo. Si taba nga. May nakasulat kasing pangalan niya sa white backpack niya na ginamitan ng pentelpen. Nakasulat...

"Tatak JomarieVhentedhoz_TRopHangHadHad"

Psh. 'Yan yung pangalan ng gang gangan ng mga classmate kong lalake.

"..dalawa"

"...tat-"

Bago palang umabot ang bilang nila sa tatlo ay mabilis kong hinatak si Jomarie ... "Ack!"

at...iniharap ko yung mukha ni Jomarie sa dalawang 'to kaya't napaatras naman sila sa gulat. "Takte! Aray!aray!"(>00<)

"Sige! Sumunod pa kayo! I-kikiss-kiss ko 'tong mukhang 'to sa mga nguso niyo!"Banta ko habang hawak hawak ko ang mukha nitong si taba. Napalunok lang sina Ryu at Shiro.

"Chi-chilax! Haha! Sige alis na kami!~"(⌒_⌒;)Saad ni Ryu at tumakbo na sila paalis.

Hmm?

Bakit naka-uniform sila ng faxton high?

Ngayon ko lang kasi napansin ang suot ng dalawang 'yon. Teka, dito na ba sila mag-aaral?

"Hoy! Nakakailan ka na ah! Lagi mo nalang ako pinapahiya!"Nalipat ang tingin ko dito kay taba. Tiningnan ko lang siya at pagkatapos lumakad na ulit ako.

"Hoy! Siraulo ka talaga! Napakaangas mo!"Bulyaw niya sa'kin nang sumabay ito sa paglalakad ko.

"Tsk. Tumahimik ka nga!"Mairita kong sabi ng di tumitingin sa kanya.

*poink*

"Aa!"Sabi ko matapos niyang ihampas ang tiyan niya sa tagiliran ko. Mabuti nalang at agad kong nabalanse ang katawan ko kaya't hindi ako tumalsik.

"Ikaw. Gusto mo ba talagang makita ang kaya kong gawin sa gaya mong babae!"Matalim niyang sabi.

"Hindi mo ba alam na ako ang kinatatakutan ng lahat! Ha?!"Dagdag pa niya.

"Anu bang pinagsasabi mo? Kung alam ko lang eh di sana natakot na 'ko sa'yo."Sabi ko at naglakad na muli para lagpasan siya.

"Grrr! Pasalamat ka babae ka!"Pahabol niya pang sabi. Hindi ko nalang pinansin.

Mauubos lang ang oras ko kung papansinin ko pa yung baboy na 'yon na putak ng putak.

"Waaaah! Nakita mo ba yun? Yung mga nakakatakot na lalaki sa gate?"

"Oo. Yung mga nakablack suit? Wag ka mag-alala mas nakakatakot pa tayo do'n. Sila dapat ang matakot sa'tin."

"Oo! Anung ginagawa nila dito? Tresspassing ang ginagawa nila!"

Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan ang mga istudyanteng nagchichismisan.

"Tara! Tara!"

Napalingon ako sa mga istudyanteng may mga dala-dalang baseball bat, kahoy at kung anu-anu pang bagay na dala-dala na akala mo ay susugod sa gyera.

Mabilis akong pumunta sa gilid upang di mabunggo ng mga istudyanteng 'to na mga nagtatatakbo.

Anu bang meron?

"Ash!"Tawag sa'kin ni Lei na patakbong lumapit sa'kin. Hinawakan ako nito sa kamay at hinila.

"T-teka!Anu ba?"Saad ko at hinila ang kamay ko sa kanya.

"Halika na!"Hinila niya ulit ako.

Napansin kong lahat ng estudyante dito ay papunta sa main gate ng school na'to. Halos lahat ay may maiitim na awra.

"Anu bang meron?"Mahina kong tanong kay Lei.

"May mga grupo ng mga misteryosong lalaki ang nakapasok sa school natin. Hindi naman sila mga istudyante dito kaya nakakapagtaka talaga nang magbukas ang gate para sa mga tresspassing na gaya nila. Atsaka, tapos na ang Cultural Festival dito para papasukin sila. Sa tingin ko may g.gong nagpapasok sa kanila... kaya, kailangan nilang turuan ng leksyon."

"Diba ang pwede lang makapasok sa school ay yung may mga records lang dito?"Tanong ko na hindi naman niya pinansin. Sa pagkakaalam ko ..eh makakapasok ang mga outsider kung may permiso sila ng principal o president ng student council. Kaya nga yung mga bisita mula nung monday hanggang kahapon ay nakapasok dahil may permiso sila. Atsaka...hindi ka naman makakapagbakod dito sa school na'to dahil sobrang tataas ng gate dito.

At nang makarating na kami sa main gate...

Napasinghap si Lei at unti-unting nanlalaki ang mata. Sinundan ko naman yung tingin niya. Tulad ng reaksyon niya ay ganundin ang naging reaksyon ko.

A-anung ginagawa niya dito?

"Ba-bakit nandun sila? Kilala ba nila 'yan?"Rinig kong saad ni Lei.

Tinutukoy niya kasi sina Yoshio, Riku, Shiro at Ryu.

Magsasalita na sana ako nang biglang may isang istudyanteng lalake ang sumigaw.

"HOY! Anung kailangan niyo! Bakit ba basta basta nalang kayo pumapasok sa teritoryo namin?! Sino ba kayo?!"Saad ng lalaking 'to kina papa at lahat ng istudyante dito ay nagsigawan na umalis na sila.

Anong ginagawa nila papa dito?

"Manahimik kayo!"Sigaw ni Yoshio na nasa tabi lamang ni papa na bagay na nagpatahimik sa lahat.

"Hah?! Anong ibig sabihin nito Yoshio?! 'Wag mong sabihing kasamahan mo 'yan?"Saad pa ng isang babaeng istudyante dito.

Tiningnan ko si papa na nakatingin sa'kin.

Teka... Bakit? Bakit parang gulat na gulat siya na makita ako?

"Pa?"Sabi ko na may pagtatakang nakatingin sa kanya. Napatingin naman sa'kin si Lei.

Naaninag ko din na nagulat ang lahat ng istudyante dito nang marinig nila ang sinabi ko.

Pero...ako pa ata ang masnagulat nang marinig ko ang sinabi ni papa.

"Yui..."

Yu-yui?

Tiningnan ko siya ng may pagtataka Ngayon ay mabilis siyang naglalakad papalapit sa'kin. Hindi ko siya maintindihan.

*Gasp*

Gayon na lamang ang pagsinghap ko nang mismong banggain at lagpasan lang ako ng aking ama kaya naman halos matumba ako sa pagkakatayo pero laking pasalamat ko lang kay Lei at nasa tabi ko siya upang saluhin ako.

Akala ko yayakapin niya 'ko pero hindi pala.

"Yui...anak!"Dahan dahan akong lumingon sa likod ko at hindi makapaniwala sa nakikita ko. Si papa...yakap yakap niya ngayon ang babaeng tinatawag niyang anak.

Yui?...

Naaalala ko siya. Siya yung babaeng nakausap ko sa detention room at bukod do'n pamilyar rin siya sa'kin.

Pero...pa'nong naging anak siya ng ama ko...?

Pinagmasdan ko yung Yui na walang reaksyon sa mukha na makikita habang hagkan hagkan lang ni papa.

Habang tinitingnan ko sila para bang nakaramdam ako ng inis.

Ang sakit.

Lei's Pov

Napansin kong nagtteary-eyed na si Ash habang nakatingin sa lalaking 'yon na kanina ay tinawag niyang papa.

Kung tatay niya nga ang lalaking 'to bakit ibang babae naman ang yakap yakap nito?

Napalingon kaming lahat nang biglang sumulpot ang Principal na si Ginoong Yamada.

"Hindi niyo dapat binabastos ang mga bisita ko. Baka pagsisihan niyo."May pagbabantang sabi ng principal sa'min.

Bakit? Sino ba ang mga 'yan?

"Anu pang tinutunga-tunganga niyo? Magsibalik na kayo sa room niyo! Hindi 'to palabas para panoorin niyo!" sigaw pa niya sa'min dahilan para magsialisan na ang iba.

Kakausapin ko na sana si Ash para bumalik na sa room pero nauna na pala siyang lumakad, kaya naman agad ko siyang hinabol upang maabutan at masabayan siya sa paglalakad.

Bakit siya umiiyak?

Muli akong tumingin sa likod ko. Tiningnan ko yung lalaking hanggang ngayon ay yakap yakap parin yung babaeng isa sa mga istudyante ng Faxton High. Yung Yui.

Siguro sobrang tagal na silang hindi nagkasama kaya ganyan nalang kung makaiyak yung lalaking 'yon.

Tumingin ako kay Ash na tahimik na pinapahid ang mga luha niya gamit ang palad niya.

Pero...etong si Ash...

...umiiyak dahil...sa lalaking 'yon?

Napabuntong hininga ako. Eto na ang pangalawang beses na nakita ko siyang umiyak. Una, yung kay Jerry na sabi naman niya ay hindi niya alam kung anung dahilan at bakit niya iniyakan ...at pangalawa, yung sa lalaking 'yun naman na tinawag niyang papa na parang hindi naman siya kilala.

Haaay...siguro, hobby niya lang talaga na iyakan ang mga lalaking hindi naman niya kilala.

Ibang klase din 'tong babaeng 'to e! Kung sinu-sino iniiyakan e hindi naman niya kaanu-ano.

"Oh."Saad ko habang inaabot sa kanya ang scarf ko na green. Tiningnan naman niya 'yon at hinablot.

Pumasok na kami sa elevator. Kami lang dalawa ang tanging nasa loob. Tanging hikbi niya lamang ang bumabasag sa katahimikan.

Isinandal ko ang likod ko sa dingding sabay lagay ng dalawa kong kamay sa bulsa ng palda ko at tumingala upang pagmasdan ang ilaw sa elevator na'to.

"Alam mo...hindi ko maintindihan. Tinawag mo siyang papa...pero hindi naman ikaw ang niyakap niya."Sabi ko.

Narinig ko siyang tumawa.

"S-sa tingin mo...meron pa b-ba akong mga bagay na dapat malaman?"Mahikbi-hikbi niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. Nakatulala lang siya sa pinto ng elevator na para bang wala sa sarili.

"Huh?"Yun lang ang naging tugon ko sa sinabi niya.

Hindi ko kasi maintindihan ang sinabi niya.

"Ano 'yon? Gaguhan? Basta-basta nalang siyang yayakap ng ibang babae at tatawagin niyang anak?!"

Tumingin siya sa'kin.

"Ano 'yon?! Sabihin mo nga!"

"Ash!"Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Sino ba 'yon? Bakit niya tinawag na anak 'yon? 'Wa-wag niyang sabihing...anak niya sa ibang babae 'yon?!"

Pakiramdam ko mapupunit na ang coat ko sa pagkakahawak niya.

"Sino 'yon...?"Tanong pa niya na halos hindi ko naman alam kung pa'no sagutin.

Umiyak lang siya ng umiyak habang nanatili kaming magkayakap.

Gusto ko tuloy sapakin yung tatay niya. Napakawalanghiya naman kasi para magkaroon ng anak sa iba.

"A-Aa! Aaaaa!"Nagulat ako nang bigla nalang siyang sumigaw. Hawak hawak na niya ang ulo niya.

"A-Ash? Ba-bakit?"Nagsisisigaw lang siya at napaupo na sa sahig habang hawak hawak parin ang ulo niya. A-anu bang nangyayari sa kanya?

*Ting*

Sa pagbukas ng elevator e hindi muna kami lumabas. Hinintay ko munang sumara ito at mabilis na sinet ito pabalik sa unang palapag.

Yui's Pov

Alam ko ng mangyayari 'to. Napakahusay mo talagang tuso ka. Naaayon ang lahat sa plano mo. Pero magkagayon man natutuwa ako...

Natutuwa ako at sa wakas naramdaman ko ng muli ang yakap ng ama ko.

Sa ilang taong lumipas...

Sa ilang taong ipinagkait sa'kin ng mag-asawang Sasaki na makasama ko ang pamilya ko ay sa wakas mangyayari narin.

Pero...alam kong saglit lang 'to na hindi pwedeng magtagal.

Kumawala na siya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan ako nito sa magkabilaang balikat.

"Yui...anak! Buhay ka!"Maluha-luha niyang sabi.

Napayukom ako ng kamay nang makita ko ng masmalapitan ang hiwa sa kanang pisngi niya.

Sino ang gumawa niyan sa'yo?

Sino...?

Gusto kong sabihin 'yan sa kanya pero hindi pwede.

"Anata dare? (Who are you?)Watashi wa anata o shiranai.(I don't know you)"Kita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Hindi ko na siya hinintay magsalita at umalis na'ko. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ako nag-abalang lumingon.

"Anak!"Napahinto ako sa paglalakad nang bigla niya kong hawakan sa braso. Humarap ako sa kanya at tinulak siya."Watashi ni furenaide!(dont touch me)"

Nagtakbuhan ang mga alagad niya papalapit sa kanya nang makita nilang nakaupo na sa sahig ang amo nila. "Master!"Tinulungan nila itong tumayo.

Sh.t

Napayukom nalang ako atsaka umalis. Naririnig ko parin ang tawag niya sa'kin na hindi ko na pinansin.

Patawarin mo 'ko pa. Patawarin mo ko Ma, Ashley...hindi ko gustong gawin 'to.

...Nangangamba ako sa mga babala na sinabi sa'kin ng lalaking 'yon. Akala ko...matapos kong patayin sina Shiba at Amane ay magiging malaya na'ko, pero hindi pa pala. Nananatili parin akong nakatali sa pamilyang Sasaki. Pero, ngayon...iba na ang kumokontrol ng buhay ko.

Napakatuso niya. Tulad ng ama niya.

Kinuha ko sa bulsa ng palda ko ang cellphone ko nang makatanggap ako ng tawag mula sa unregistered number. Kahit hindi ito nakasave sa contacts ko alam ko naman kung sino 'to.

= Magaling, hahaha!Natutuwa ako sa ginawa mo sa kanya, Yui. Kung ipagpapatuloy mo lang 'yan...hindi ko sila gagalawin.=

Napangisi ako.

"Tuwang tuwa ka talaga na ginag.go mo ang buhay ko."

= Oo naman. Pasasalamat ko lang 'yan sa pagpatay mo sa walang kwenta kong magulang at dahil din do'n ay masnapabilis ang pamumuno ko sa Bakemono-kai *smirk*. Kung tutuusin...kulang pa 'yan. Hintayin mo, marami pang susunod.=At matapos niyang sabihin 'yon ay pinutol na niya ang tawag.

Napangiti nalang ako.

Sige...pababayaan kita sa pangg.gago mo sa buhay ko. Pababayaan kita...

...hanggang sa makahanap ako ng pagkakataon na ako naman ang t.t.rantado ng buhay mo.

"Hintayin mo lang."

********************************************

Toraburu Koto(Trouble High):Kabanata 31

********************************************

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...