Finding Queen Satana

By grasharap

164K 4.8K 264

TITLE: Finding Queen Satana GENRE: Action DATE STARTED: July.27,2017 DATE FINISHED: October.27,2017 OCT.27,20... More

PROLOGUE
[1] ENCOUNTER
[2] Eksena sa Cafeteria
[3] Hellminton
[4] Girl Gangster
[5] Confirmed
[6] Rooftop
[7] Sinok
[8] Of all People
[9] The Who?
[10] New Characters
[11] Stalker
AUTHOR'S NOTE
[12] Sino?
[13] Training
[14] WDM?
[15] In a relationship
[16] Masaya lang
[17] Tears
[18] Heartbreaks
[19] Realized
[20] Rescue
[21] Alaala
[22] Satana Is Back
[23] She's Really Back
[24] Seriously
[25] Nagbabalik
[26] Kilabot
[27] Angel
[28] The coldest season and the frozen water
[29] Hoodlum Bar
[30] Clow Smith
[31] Rocky Smith
[32] Wild Dragons
[34] Traitor
[35] Her Plans
[36] Clara Johnson
[37] The Fallen Water and The Bad Weather
[38] Cries
[39] The Black Needles
[40] Picture Frame
[41] Brother?
[42] The Magic Word
[43] Second to the last chapter
[44] Last Chapter
EPILOGUE
A/N:
REQUEST
BOOK 2?

[33] Out of Mind

2.5K 79 1
By grasharap

Chapter Thirty-Three: Out of Mind

Aya's PoV

Napatingin ako uli sa wrist watch ko.

Ang tagal naman ata nila?

Tsk. Kung alam ko lang na mag-aantay ako ng matagal sa pag-hihintay sana si Marikit na matakaw o si Mayumi na manang nalang pinasundo ko dito.

Kaso mukha namang hindi sila excited na magsundo.

By the way, nandito ako ngayon sa airport at hinihintay sina Mommy and Daddy together with Xander.

Napagkasunduan kasi naming triplets na ako na ang magsusundo sakanila dahil sa ako daw ang panganay.

Sila na daw bahala sa mansion.

Tsh.

Nakaiwas nga ako sa pag-aasikaso sa mansion, nag-hintay naman ako ng siyam-siyam. Ays!

6am palang nandito na ako dahil 7am daw ang lapag ng eroplanong sinasakyan nila Mommy pero hanggang ngayon wala pa! 9am pasado na!

Naisahan nanaman ako ni Marikit!

"MAAYA!" napalingon ako sa tumawag sakin.

At gumuhit na nga ang ngiti sa mga labi ko.

Finally. They're here!

Agad akong tumayo at patakbong yumakap kay Mommy at nakipagbeso, ganun na din kay Daddy.

Ghaad! I really miss them!

"Hey," bati ko kay Xander. Ngumiti lang naman siya.

Naalala ko tuloy nung araw na bumalik ang alaala ni Ada.

Siya pala ang nagligtas kay Ada.

Pero bakit hindi niya man lang sinabi samin yon?

"Let's go. Miss na miss ko na pati yung dalawa." yaya samin ni Daddy.

"Tara, baka maubusan tayo ng lunch ni Marikit." sabi ko kaya nagtawanan kami.

Habang palabas ay nagkukwentuhan pa din kami.

"Kamusta naman si Ada?" tanong ni Mommy.

Nagkatinginan kami bigla ni Xander. Ewan ko ba. Basta napatingin ako sakanya tapos sakto namang nakatingin din pala siya sakin.

"Ah, ayos naman siya, 'My." sagot ko.

Mabuti ng si Ada nalang ang magkwento sakanila.

"Teka, anong kotse ang dala mo?" tanong ni Daddy nung makalabas na kami sa airport.

"Yung Wild trak po, 'Dy." sagot ko kay Daddy.

Agad ko silang dinala sa pinagparkingan ko ng Wild trak ko.

Isa-isa na kaming sumakay sa kotse. Sa backseat sina Mommy at Daddy. Si Xander ang sa passenger seat.

I-start ko na sana ang makina nung may kumatok sa bintana sa passenger side.

What the?

Binaba naman agad ni Xander ang bintana nung makilala niya ito.

"What are you doing here?" tanong ko sakanya.

"Hey, listen to me, bumaba kayo diyan. Dito kayo sumakay sa kotse ko, and make sure hindi mahahalatang bumaba kayo." WHAAAAAT???

"Bakit naman, Ada?" yeah. Its Ada!

She's weird.

"Basta. Sumunod nalang kayo, Tita, Tito, Xander." sabi nito na tinitigan pa nang mataman si Xander.

Nagkatinginan naman kaming apat.

Maingat na bumaba si Xander at sumakay sa driver side. Ganoon din sina Mommy at Daddy tsaka sumakay sa backseat.

Bubuksan ko na sana ang pinto nito driver seat nung pigilan ako ni Ada.

"Dito ka na dumaan. Sa backseat ka, tabihan mo sila Tita." sabi niya.

Nawiwirduhan na talaga ko sa kanya.

Nung nakaraan pinatambay niya kami biglaan sa hi-way na malapit sa H.U tapos nagkataon naman na nakita naming may mga parating na sasakyan na may simbolo ng Wild dragons kaya pinaulanan namin ng bala. Hanggang sa umatras sila.

Tapos ngayon naman bigla-biglang sumusulpot dito sa airport.

Nakasimangot akong sumakay sa backseat sa tabi nina Mommy bali napapagitnaan namin siya ni Daddy.

Si Ada ang nasa driver seat at si Xander ay nasa passenger seat.

Sa bintana nalang ako tumingin nung magsimula ng magmaneho si Ada.

Ano kayang nakain nito at sumunod dito?

Sabagay. Baka namiss niya na din sina Mommy.

Napatulala ako ng may madaanan kaming tatlong itim na sasakyan malapit sa airport.

Kagayang kagaya nung mga sasakyan ng nakalaban namin nung nakaraan.

Wild dragons!

Napatingin ako sa rearview mirror.

Seryoso lang na nagmamaneho si Ada.

Ibig sabihin ba, alam niyang may mga wild dragons na nag-aabang samin dito?

Gosh!

Bakit di ko man lang naisip yon!

Nahagip pa ng mata ko yung dalawang lalaki na naninigarilyo sa likod ng kotse nila.

Fvck!

Bakit magkasama sila?

Sina Juno Yamamura at Stone!?

Nakipag-sanib na ba siya sa mga yon!?

Desperado na ba talaga siyang matalo kame?

Tsk. Tsk. Tsk.

DAVIS MANSION. Kasalukuyan na kaming nasa harap ng hapag kainan at masaganang kumakain, Err, lalo na si Marikit.

"Baby Kit, buti hindi ka tumataba? Ang lakas mo pa din kumain." biro ni Daddy kay Marikit.

Baby? Baby damulag. Lakas na nga lumamon eh, tsaka may boyfriend na yan eh!

Uminom muna ito ng tubig bago sumagot. "Yes, 'Dy. Di naman ako kagaya ni Maaya na kailangan pang mag-diet para magmukhang sexy. Pfft." nabitawan ko ang tinidor ko ng marinig ko ang sinabi ni Marikit.

"Excuse me? Hindi ako nag-da-diet!" sigaw ko sakanya.

Patuloy lang sa pagkain si Mayumi na nasa gitna namin ni Kit at sina Xander at Ada na katabi ni Mommy sa kanang side ni Daddy. Bali nasa pinaka-gitnang upuan nakaupo si Daddy.

Patawa-tawa naman sina Mommy at Daddy, halatang naaaliw sa pagbabangayan namin.

"Weh? Bakit yan lang kinakain mo!?" hindi makapaniwalang tanong niya at nginuso pa ang plato ko.

Napatingin din tuloy ang lahat ng kasalo namin sa plato ko.

Ays.

Yung pasta lang kasi ang kinakain ko at take note parang tatlong tinidor lang 'to.

Wala kasi akong gana dahil sa nakita ko kanina.

Iniisip ko pa din hanggang ngayon na kung hindi dumating si Ada hindi ko na alam kung anong mas masama pa sa iniisip ko ang kakahinatnan namin.

Napabuntong-hininga ako. Bwisit talaga to si Marikit lagi nalang akong pinipikon.

"Pinapakeelaman ko ba yang paglamon mo, huh!" sabi ko tsaka tumayo.

"Concern lang ako!" sabi niya tsaka tumayo din.

"Hey. Kumain nalang kayo!" sabi ni Mayumi na tumayo din at pinilit kaming maupo.

Wala na kaming nagawa kundi maupo.

"Pfft." napatingin ako kay Xander na nagpipigil ng tawa kaya sinamaan ko ng tingin.

Tumigil naman siya tsaka bumalik sa pagkain.

AFTER lunch nagtungo kaming apat sa garden nitong mansion namin.

"Ada, ipapaalam na ba natin sakanilang bumalik na ang alaala mo?" tanong ni Mayumi.

Umiling lang si Ada.

"Eh, kelan natin sasabihin?" tanong naman ni Marikit.

"Kapag tapos na ang lahat ng 'to. Kapag wala nang Wild Dragons." sabi nito ng nakatingala habang nakapikit ang mga mata.

Nagkibit-balikat lang si Marikit tsaka nagpaalam na pupuntahan muna si Xander.

Si Mayumi naman nag-umpisang magdilig ng mga halaman.

Kami nalang dalawa ni Ada ang naiwan dito sa cemented tables.

Pinagmasdan ko siya habang nakapikit pa din.

Mukhang may malalim siyang iniisip ah.

Hindi ko mahanap yung dila ko, may gusto akong itanong pero---

"Spill it, Sky." sabi niya saka humarap sakin kaya nagsalubong ang mga mata namin.

Mind reader, I guess.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Paano mo nalamang may mga nag-aabang samin kanina sa airport?" diretsang tanong ko nung mahanap ko na ang dila ko.

Napakunot ang noo niya. "Sky, hindi ba pumasok sa utak mo na ang next target nila ay ang parents niyo?" para dissapointed na sabi niya.

Napayuko ako sa sinabi niya.

Tama siya, hindi ko talaga naisip yon.

"I guess, hindi nga. Masyado na yatang okupado ang mga isip niyo." tumayo na siya at tumalikod sakin. "Ayos lang na paganahin ang puso paminsan-minsan, pero dapat paganahin din ang utak." sabi tsaka naglakad patungo sa fortuner niyang sasakyan.

Pinagmasdan ko nalang ang kotse niya hanggang sa mawala na sa paningin ko.

"Maaya, samahan mo ako sa kwarto ko, pilian mo ako ng magandang maisusuot mamaya para sa dinner natin sa labas." sabi ni Mayumi.

Pinagmasdan ko lang siyang maglakad papasok ng mansion.

Kahit siya na utak ng FM hindi man lang naisip yung posibilidad na sina Mommy naman ang target-in ng Wild dragons.

Inlove na nga siguro siya kaya hindi na siya nakakapag-isipng maayos.

Sumunod na din ako sa loob at naabutan ko si Marikit at Xander sa sala na nagkukwentuhan.

"Ang yabang mo! Mas gwapo kaya ang Boyfriend ko sayo!" narinig kong sigaw ni Marikit kay Xander.

Inaasar kasi ni Xander na baka mas gwapo pa siya sa boyfriend nito na si Kobe Scott.

Pailing-iling nalang ako habang paakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ni Mayumi.

Naalala ko noon, may paiyak-iyak pa si Marikit nung binantaan siya ng mga Wild dragons about kina Mommy. Pero ngayon, parang nakalimutan na niya yon. Hay.

Bago ko pa mahawakan ang doorknob ng kwarto ni Marikit ay nagring na ang cellphone ko.

Tinignan ko muna kung sinong tumatawag.

Rence calling...

Ito yung taong nagpahina sa utak ko! Pero pinalakas naman ang puso. Ay shete!

I-press the answer button tsaka umatras sa tapat ng pinto ni Mayumi at dumiretso sa room ko.

["'Ay, mamaya date tayo."]

"May lakad kami ng family ko mamaya, Rence. Maybe nexttime." sabi ko.

["Okay, hmmm..."] ako lang ba o may gusto pa siyang sabihin?

"Hmmm what?" tanong ko.

["Hmmm... I love you, 'Ay."] napangiti ako sa sinabi niya.

"Thank you." sagot.

["Hay... Kailan mo kaya uli sasabihin sakin na 'I love you too'?"] sabi niya na may halong pagtatampo.

"Tsaka na, kapag ayos na ang lahat at sigurado na akong hindi mo na uulitin yung nangyari noon." sagot ko.

Aaminin ko, mahal ko pa din si Lawrence, o mas tama sigurong sabihin na hindi nawala yon. Meron pa talagang parte sa puso ko na natatakot akong ulitin niya uli yung ginawa niya noon.

I admit, habulin talaga siya ng babae dahil sa siya nga ang captain ball ng varsity team sa basketball at mapagpatol naman ang tukmol na 'to.

Parusa na din siguro sakanya yan.

["Okay, I understand. Pero uulitin ko, misunderstanding lang yung nakita mo."] sabi niya kaya nagbalik tuloy sa alaala ko yung panahon na nakita ko siyang may kahalikang babae sa locker room ng basketball team.

Ginamit lang siya nung girl para ipamukha sa ex-boyfriend niya na naka-moveon na siya.

Napaka-gaga di ba? Tsk.

"Maaya, andiyan ka ba?" nakarinig ko ang katok sa kwarto ko kaya nagpaalam na ako kay Lawrence at tumayo para labasin si Mayumi.

I almost forgot, nagpapatulong pala siya sa paghahanap ng damit na isusuot sa dinner namin mamayang gabi.

Kailangan ko na din palang maghanap ng maisusuot!

Got to go!


***

A/N:

Hi readers!

Pasensya na't hindi ko pa binibigyan ng PoV muli ang Demonyitang si Ada/Satana.

Basta, siguro naman nagegets niyo na kung bakit.

Ayoko mang-spoil.

Keep on reading!

Salamat uli.

©Grasharap❤

Continue Reading

You'll Also Like

266K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
178K 4.2K 56
Bella isn't a trouble maker. She just wanted to be alone and not bothered by anyone but people just really like to get on her nerves that is why she'...