Trapped by Arrangement

Por anonsupergirl02

3.3M 43.3K 2.3K

||COMPLETED|| ||General Fiction. Humor. Romance|| |Highest Rank: #3 Romance #1 Humor| ||#1 CEO. #1 Marriage... Más

Trapped by Arrangement
Chapter 1: She's back
Chapter 2: It's him!
Chapter 3: Brat meets Jerk
Chapter 4: Reason
Chapter 5: Best Friends
Chapter 6: Meeting his family
Chapter 7: Drama
Chapter 8: Engagement
Chapter 9: Preparations
Chapter 10: Bachelorette Party
Chapter 11: Wedding Sh*t
Chapter 12: Ex
Chapter 13: Visitor?
Author's Note: Changes
Chapter 15: Smile
Chapter 16: Jealous?
Chapter 17: Peace Offering
Chapter 18: Weekends
Chapter 19: His family
Chapter 20: Bonding
Chapter 21: Blue Roses
Chapter 22: Christmas
Chapter 23: New What?!
Chapter 24: Constellation
Chapter 25: Macarons
Chapter 26: The Flight
Chapter 27: Waiting
Chapter 28: Phone Call
Chapter 29: Jerk is back
Chapter 30: Jessica
Chapter 31: Superman is sick!
Chapter 32: La Vacances
Chapter 33: Vacation Starts
Chapter 34: Realization
Chapter 35: Chaos
Chapter 36: Twist
Chapter 37: Gone Mad
Chapter 38: Burden
Chapter 39: Intoxicated
Chapter 40: Divorce
Chapter 41: Threat
Chapter 42: Suffocate
Chapter 43: Another Twist
Chapter 44: Her Mom
Chapter 45: Darn This Heart
Chapter 46: Accident
Chapter 47: Compromise
Chapter 48: Adieu
Chapter 49: It Ends Here (Her POV)
Chapter 50: It Ends Here (His POV)
Epilogue
Bonus Chapter: Interview
Bonus Chapter 2: Interview + Travel
I have a question.
Update

Chapter 14: Work

58.2K 876 52
Por anonsupergirl02

CHAPTER 14

Nagising ako mula sa isang malakas na tunog na nanggagaling sa cellphone ko, idagdag pa ang pagvibrate nito kaya lalong nakakarindi. Kinuha ko mula sa side table na tabi ng kama ko. Nag-aalarm pala kahit na 6:30am pa lang ng umaga. Oh shoot! Naalala ko na first day ko pala sa work today and I can't be late! Dali dali akong tumayo mula sa kama at nagmamadaling pumasok sa bathroom ng kwarto ko para maligo. I only bathe for 30 minutes because my work will start at 9 in the morning. Pagkatapos ko maligo, agad naman ako nagbihis tsaka bumaba para kumain ng breakfast. Nasa hagdan pa lang ako naaamoy ko na ang niluluto ni manang. Pagdating ko sa dining area ay nakita agad ako ni manang na kasalukuyang nag-aayos sa may kusina.

"Nandiyan ka na pala. Umupo ka na dito para kumain." Sabi niya pagkakita niya sa akin.

"Uhh si Orion po?" Tanong ko, kasi sabi niya sabay daw kami papasok.

"Hindi pa bumababa."

"Ahh..." So siya naman ang late ngayon? A smirk formed on my lips. Kinain ko na lang ang hinain na pagkain ni manang habang hinihintay siyang bumaba. Habang busy ako sa pagkain ko ay tinabihan ako ni manang.

"Nako anak, alam mo swerte ka diyan sa napangasawa mo." She told me.

Swerte? Asa naman! Natigilan ako sa pagkain dahil sa sinabi niya, muntik na rin yata akong masamid. I almost rolled my eyes. "Bakit naman po?" Tanong ko ng nakakunot yata ang noo ko.

Napatawa naman si manang sa sinabi ko. "Ang bait ng batang iyon."

"Hindi naman."

"Mabait kumpara sa'yo." Asar ni manang sa'kin. "Biro lang 'nak. Pero seryoso mabait talaga siya. Mukhang mas mabait 'to kesa doon sa boyfriend mo dati kaya siguro gusto iyan ng daddy mo."

Sasagot pa sana ako kaso biglang dumating Orion, nagmamadali. "Sh*t, what time is it?" Tanong niya, halatang late nagising, pero nakaayos na siya. Nakalimutan ko yatang sabihin na magkaiba ang kwarto naming, obvious naman yata' di ba? Ayoko ngang makasama 'yun sa kwarto. Although noong una naming pagdating dito dun kami natulog sa iisang kwarto, sobrang pagod kaya hindi na namin naisip ang tungkol doon.

"Quarter to eight." I answered him.

"Damn it. Let's go!" Hinila niya ako. Rude! Can't he see I'm still eating breakfast?

"Hey aren't you going to eat breakfast?" Tanong ko sa kanya.

"Nah. We're getting late!" Hinatak niya ako palabas ng bahay. Nagmamadali kaming pumunta sa garage para sumakay sa kotse niya. Ngayon ko lang napansin na hindi na pala Porsche ang nasa garage ng bahay namin kundi Mercedes Benz na ang nandito ngayon. Pagpasok na pagpasok namin sa kotse niya ay pinaandar niya na agad ito.

"New car? Don't tell me tomorrow we'll be using a BMW?" I said sarcastically.

"Do you want?" He said with a raised brow. Wth?

On our way to the office, he kept telling me things about work that I couldn't even understand. 'Yung position ko, ewan kung ano, ayoko na intindihin pa. Wala akong idea kung anong klaseng trabaho 'yon! Gosh! Nakakainis pwede paki-explain sa akin lahat ng maayos? Tsss, how many times do I need to explain that Fashion Design ang major ko at hindi business!

"By the way Janelle, the board of directors and some shareholders are waiting for you. They want to meet you." He said without looking at me.

"Ako lang?"

"Yes. They knew me already." Bakit parang bigla akong kinabahan?


10 minutes before 9am ay nakarating na kami, habang naglalakad kami sa office nakatingin sa amin lahat ng empleyado. "Grabe ang gwapo talaga ni Mr. Tantoco!" Kilig na kilig na bulong nung isang mukhang isda na empleyado sa lobby. "Oo nga, mabait pa." Sabi naman nung isa. "Ang ganda at ang kinis ni Miss Janelle. Bagay na bagay silang dalawa!" Bulong naman nung isa... grabe lang huh. Bulong na ba ang tawag nila dun? Naririnig ko eh! Kami, bagay? How about eww? Pero infairness gusto ko ang sinabi niya na makinis ako. Totoong-totoo 'yun 'no! "Pero sabi nila masama daw ugali niya. Sayang ang ganda. Sayang din sa kanya napunta si Orion." Sabi nung isa sa mga panget na empleyado. Urgh sino ba naghire sa panget na 'to? This building should be a panget-free zone. Hiyang-hiya naman ako sa pagmumukha mo. Tumingin naman ako sa bumulong nun at tinignan ko siya with 'my manahimik-kang-panget-ka-glare'. Effective naman dahil napayuko na lang siya, natakot yata ang panget!


Dahil hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ko ay lumapit ako sa kanya. "What did you say? Next time try mo hinaan ang bulong mo or else I'll fire you." I threatened her. Grabe lang, kung panget siya sa malayo, mas panget siya sa malapitan! Lunes na lunes, ang aga-aga, nakakasira ng araw!

"Janelle." Orion called out kaya bumalik ako kung nasaan siya. "What were you doing there?" He asked.

"Nothing." I smiled as if I did nothing back there kung nasaan 'yung panget.

Sumakay kami sa elevator para makarating sa 25th floor ng building. Nasa 25th floor pareho ang office namin according to him. Pagbukas na pagbukas ng elevator sa 25th floor si dad kaagad ang bumungad sa akin. Meron pa siyang ibang mga kasama, board of directors siguro at kung ano pa man ang tawag sa kanila, wala akong idea!

"Good Morning President, Mr. Santos...blah blah blah." Orion greeted my dad at kung sinu-sino pa na nandoon at oo nga kilala na nila si Orion.

"Hello Miss Mendoza-- ay hindi, Mrs. Tantoco ka na nga pala ano?" Sabi nung matandang lalaki na medyo grayish na ang buhok. "I'm Mr. Reyes." He extended his arms, inabot ko naman ang kamay niya tapos ay nakipagshake hands.

'Yung isang matandang lalaki na sa tingin ko ay kasing tanda ni daddy ang lumapit sa akin, he was wearing a glasses. "Nice to meet you, Janelle." He extend his arms and we shook hands. Medyo kinabahan ako on the way he looks at me. He was smiling, pero feeling ko may masama siyang binabalak behind that smile.

"Janelle, Mr. Reyes is one of the shareholders in the company, while Mr. Santos is the director." Orion explained. Hindi ko naman alam kung ano ibig sabihin ng company director. Kung sinu-sino pa ang mga pinakilala nila sa akin, I can't even remember their faces and names! Pag nakasalubong ko sila for sure it'll be hard for me to recognize them. "Excuse me sir, but I think Janelle has to check and see her office now." Sabi ni Orion sa kanila tsaka ako hinatak paalis. Tumigil kami sa harap ng isang pinto na may nakalagay na pangalan ko, obviously ito ang office ko.

Arianna Janella Mendoza-Tantoco. Pwede paki-alis po 'yung Tantoco? Urgh!

Orion opened the door. May babaeng naghihintay sa loob. I think mga 23-25 years old ang age niya, medyo maputi, at medyo maganda rin. She's wearing an office attire.

"Good Morning Sir Orion and Miss Janelle." She said while smiling. Tinaasan ko siya ng kilay dahil feeling ko katulad lang siya nung mga nasa lobby kanina.

"Janelle, this is Carla your Secretary." Pakilala ni Orion. She smiled again. I looked at her from head to toe, so far ok naman. Orion left us so it's my time to ask her few questions "So, you are?" I asked her again.

"I'm Carla Garcia po." Tinanong-tanong ko pa siya kung anong age niya at kung saang school siya galing. She's 23 and she came from a well-known University in the country. Umupo ako sa swivel chair ko, infairness feel na feel ko ang upuan. "Is there anything you need po Miss Janelle?" She asked.

"No, you may go out now." Iniwan niya naman ako. Paglabas na paglabas niya para akong bata na sumandal sa swivel chair ko. Wala pa naman masyadong nangyayari pero feeling ko pagod na pagod na ako.

*

Saturday morning. Finally makakapagpahinga rin buong araw. First week of work was very tiring! Orion was helping me on my job. Obviously, alam na alam niya ang pasikot sikot tungkol sa trabaho ko. I admit, pinapahanga niya na talaga ako. He's such an intelligent man. Halos lahat ng itanong ko sa kanya ay nasasagot niya. I'm actually grateful to have him right now. Grateful for helping me and nothing else. It is only 8 in the morning but I'm already awake! Nasanay na ang body clock ko sa paggising ng maaga.

Pagbaba ko ay luto na ang breakfast. "Good morning manang." Bati ko dito nang makita ko siya.

"Morning 'nak, kamusta ang tulog mo?"

"Ok naman po." Sagot ko. Tinignan ko ang paligid pero hindi ko makita ang kapre. "Tulog pa rin po si Orion?"

"Tulog pa siguro iyon. Madaling araw na nakatulog kagabi 'yun eh. May ginagawa sa computer niya kagabi. Halos makatulog na nga siya sa sala. Pinaakyat ko na nga lang sa kwarto niya nang nakita ko siya na 'di na kayang pigilan ang antok niya."

"Mga anong oras po?"

"Siguro mga halos alas kwatro na rin iyon." 4 in the morning and he's still awake? Ano naman kaya ang trip niya sa buhay niya.

"Hay nako 'nak, dapat kasi sa iisang kwarto na lang kayo natutulog para 'di ka na nagtatanong sa akin." Sabi niya sa akin habang nakangiti.

"Manang!" Saway ko naman sa kanya.

"Aba'y wala namang masama 'di ba? Mag-asawa naman kayo." Mag-asawa nga pero sa papel lang, hanggang doon na lang iyon. And speaking of the devil, dumating na si Orion na bagong gising at halatang antok na antok pa.

"Oh hijo, bakit gising ka na? Umaga ka na nakatulog 'di ba?" Pag-aalala naman ni manang sa kanya.

"No." Hindi daw pero hindi niya mapigilan ang paghikab niya. "Don't worry, I'm good." He added. Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa akin. "Good morning." He said in his husky voice plus his British Accent. Ang cute ng itsura niya kapag puyat at bagong gising, para siyang bata. Oh darn, what am I saying?

"What did you do last night?" Tanong ko naman sa kanya.

"Huh?" Nagloloading pa yata ang utak niya. "Oh yeah... your presentation on monday."

Anong presentation? Napakunot na lang ang noo ko sa narinig. Bangag pa yata 'to eh, anong presentation sinasabi nito? "Presentation?"

"I made your presentation for monday's meeting. It's part of your job."

Leche flan, wala akong kamalay malay na may ganun pala! "Why did you do it?"

"For your own sake." He said nonchalantly. Napainom na lang ako ng tubig dahil bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

*

Pagkatapos ko kumain ng breakfast ay pumunta ako sa garden, nandoon kasi si manang dahil nagdidilig siya ng mga halaman. Umupo ako sa isang bench. "Manang mamaya niyo na po gawin 'yan." Napatingin naman siya sa skin tapos ay itinigil ang ginagawa niya. Umupo siya sa tabi ko. "Oh bakit?" Tanong niya.

"Uhm wala lang po. Wala lang po kasi ako magawa kaya kayo na lang kukulitin ko."

Napatawa lang si manang sa sinabi ko. "Ikaw talagang bata ka. Bakit hindi mo na lang tulungan ang asawa mo sa ginagawa niya. Para sa'yo naman iyon hindi ba?" Oo nga 'no? Dapat pala pag-aralan ko 'yon. May point si manang dun, infairness.

"Oo nga po pala. Sige po tuloy niyo na lang iyang ginagawa niyo at pupuntahan ko siya sa kwarto niya." Nagmamadali akong umakyat papunta sa kwarto niya. I knocked first, pero walang sumasagot kaya pumasok ako. Hindi nakalock ang pinto. Pagbukas ko ng pinto nakita ko agad siyang nakahiga, natutulog sa kama. Knock out yata sa pagod. Nasa tabi niya ang laptop niya na bukas pa. Umupo ako sa kama niya para tignan yung presentation na ginagawa niya. As usual, wala akong naintindihan sa kahit na ano.

Napahinga na lang ako ng malalim at napatingin sa tulog niyang katawan. I leaned forward his face. Ang kinis pala ng mukha nitong lalaking 'to? Tapos ang pula rin ng cheeks, parang babae, nakakatuwa. 'Yung lashes niya manipis lang, ang kilay niya medyo makapal, gusto ko i-pluck! 'Yung ilong niya pointed. Ang lips niya medyo reddish.

Parang ang sarap-- oh shoot, Janella! Stop it! Anong masarap halikan? Tumigil ka! Ewan ko ba pero parang may nagtutulak sa akin na gawin ang bagay na 'yon, parang noong last time lang, pero sa cheeks lang naman. At dahil pagod rin siguro ako? Oo tama! Pagod lang ako kaya ko nagawa 'yon!

Ilang minuto na ako nandito pero tulog pa rin siya. Sleeping kapre ang peg? I mean sleeping superman pala. Yes, I agree with Patricia, mukha siyang superman minsan. Pero infairness ang amo ng mukha niya kapag tulog. "Ang gwapo mo pala talaga 'no? Kaya pala patay na patay sa'yo ang mga babae eh. At inis na inis sila sa akin kasi ako pinakasalan mo. Oh well, atleast tayo bagay. Maganda ako, gwapo ka. Eh kayo nung mga babaeng 'yun? Tsk. Mga feelingera." Bulong ko sa kanya habang natutulog.

"Really?" Bigla siyang nagsalita. Oh sh*t gising na pala ang loko!

Napatayo sa sobrang gulat. "H-hey! K-kanina ka pa gising?" Nagpapanic na tanong ko.

"Just on time to hear what you've said." Bigla siya bumangon sa kama! Shet na malagkit! Narinig niya lahat? Kaasar!

"So bagay tayo huh?" He smirked. Mamamatay na yata ako sa kahihiyan! Lord, kunin mo na po ako please!

"What are you saying?" Kunwari 'di ko alam sinasabi niya.

He laughed. "Haha. Janelle, stop acting like you didn't say anything."

"Hey, did I say anything? Alam mo baka nananaginip ka lang." Palusot ko. Juice ko sana malusutan ko 'to.

"Haha, nevermind. What are you doing here?" He changed the topic, pero alam kong hindi siya naniniwala sa palusot ko.

"Just want to see the presentation!"

"Oh I'm not yet finished."

"I see. Then just go back to sleep!" Tumalikod ako sa kanya para sana lumabas.

"Hey!" He grabbed my wrist, napapansin ko lang huh, ang hilig nitong hilahin ang kamay ko.

"What?" I glanced at him.

"I'll go back to sleep if you sleep beside me." He smirked. Trip niya ako ngayon huh?

"Then DON'T sleep!"

"Look, you're being masungit again!"

I crossed my arms and said. "Oh... and look you're starting to speak like conyo again!" Pang-asar ko sa kanya pero hindi effective dahil wala namang inis akong nakita sa mukha niya.

"I'll teach you about your presentation if you sleep beside me." Hindi ko na maintindihan ang trip ng isang 'to. Dahil ba 'to sa puyat o sadyang trip niya lang talaga akong paglaruan.

"Hey! This is harassment already!" I told him.

He shook his head. "No. Of course not. We're married remember?"

Sexual Harassment 'to eh!

Seguir leyendo

También te gustarán

1.8M 27.7K 55
What if you woke one morning, having a massive head ache, and... married?! That's what happens to Craig and Yana, who both don't have any idea how th...
2M 83.8K 23
Naniniwala si Adonis Emilio sa usong phrase na "Walang Forever". Hindi dahil sa wala siyang ka - forever kundi dahil sa klase ng trabahong mayroon si...
234K 4.9K 23
Denzo is destined to be Lezil's husband, but he can't give up Sandy, his girlfriend, just because of what his parents planned about marrying other wo...
5.1M 99.3K 75
Lorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. No...