She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 19 (Part 2)

9.3K 151 14
By ShuperShimmer

Chapter 19 (Part 2)

© Shupershimmer

LAWRENCE’S POV

Nagdesisyon na lang akong pumunta sa bahay nina Darla, hindi dahil sa ayokong maglaro ng Dota o umuwi nang maaga, kundi para manggulo lang sa bahay niya. Pasensya na, wala talaga akong concrete reason.

Pero di ko talaga sinasadyang makitaan siya ng bra habang nagtatanggal sya ng uniporme! Kasalanan niya ‘yun, di siya nagsasara ng pinto, eh. Paano pala kung rapist ako? Edi ginahasa ko na siya? Ang swerte niya naman kung ako pa ang rapist? Tsk, napaka-careless talaga niya.

Ngayon naman, naduduwag siya sa kinuha kong CD! Tss, Sadako lang naman. Muntik na akong gumulong sa sahig nang pinakita niya ‘yung Friends with Benefits! Epic talaga ‘yun, dapat vinideo ko!

Umupo na ako sa kahoy na upuan, na may foam, at humarap sa TV. Si Catacuts naman, sinaksak ang mga wires sa socket.  While she’s putting the CD on the player, I noticed that she bent her body forward, exposing her stimulating thighs and long legs.

Nyeta, hindi ko naman intensyong mapatingin, e. Kung tutuusin, medyo mahaba ang shorts niya—four inches above the knee. Sadyang umangat lang ‘yung tela nang nag-bend siya, and that’s not my fault. Why do I fucking dare look at it?

 

Lumingon siya at tumingin agad ako sa bintana, “Hoy, bumili ka ng pagkain!” utos niya.

Nag-de-kwatro ako; yung panlalaking style at inismiran siya, “Ngayon lang ako nakakita na ginagawang utusan ang bisita.”

Nagtaray siyaa t umalis sa harap, sabay puntang kusina. Umandar na ‘yung player at bumalik si Catacuts na may dalawang malaking balot ng Roller Coaster at binato sa mukha ko.

Hindi naman ako masyadong nagimbal sa movie, kahit na medyo creepy ‘yung mukha ng bata sa Sadako 3. Eto namang katabi ko, kung makasigaw, parang walang katabi! Grabe, natanggal na yata yung earwax ko—lumipat pakabila!

“Nakakashokot naman ‘yang bata! May sapi ba ‘yan?”

Di ko siya sinagot at tumingin lang ako sa kanya habang nag-i-sketch siya sa isang oslo paper na nakapatong sa makapal na folder. Sabi niya kasi kanina, gagawa daw siya ng plates niya habang nanonood ako.

Habang pinagmamasdan ko ‘yung paggalaw ng lapis sa kamay niya, umakyat ‘yung mata ko sa chocolate hills. I gulped, feeling my heartbeat in a sudden rush. Naka-side view kasi siya sakin, kaya kapansin-pansin talaga lalo na’t fitted shirt ang suot niya. I shook my head, and erased the thoughts quickly.

“Baket?” tanong niya.

“Wala.”

Humarap na ako sa TV at huminga nang pagkalalim-lalim—kasing lalim ng balon sa Sadako. Tinabi muna ni Catacuts yung ginagawa niya nang nasa climax na kami. Seriously, napapapikit na lang ako dahil sa pagtili niya. Magtatakip siya ng mukha, e, nakasilip naman! Utang na loob!

Habang nakapatong ang paa niya sa sofa, at tahimik na nakatingin sa TV, ginulat ko siya. Epektib naman dahil napatalon si Catacuts!

“Tang ina, ano ba!” tinulak niya ako kaya natawa ako, “Alam mong nakaka-nerbyos ‘yang movie, e! Bwisit.”

Pinatay na namin ‘yung TV after ng palabas at tumambay na lang ako, bandang 3:45 na yun ng hapon. Tinanong ko siya ng random questions like how did she meet Brent, at sinagot niya naman.

“Sa isang barkada hang-out. Sinama siya ng classmate ko, tapos naging crush ko siya kasi napakamabiro niya nung magkasama kami. Naging textmate, nag-date, naging mag-on, tapos ayun, nagsawa, nagbreak.”

Ngayon ko lang din nalamang first ever boyfriend niya pala si Brent for two years. Ano ba ‘tong babae na ‘to? Nanggaling ba siya sa kumbento?

I leaned forward, pinatong ko ang dalawang siko ko sa tuhod ko at pinagdaop ang dalawang palad ko.

“Paano kung magbreak sila ni Denise tapos gusto niyang makipagbalikan… let’s say next week? Ano’ng sasabihin mo?” tanong ko sa kanya.

Nagpatuloy siya sa pagdodrawing, “Ewan ko.”

“You’ll give him a chance, won’t you?” I glanced her way, and she looked at me.

“Hindi ko rin alam. Wala pa yan sa isip ko.”

Tumango-tango ako at naalala ang sinabi ni Peter. Na baka raw may gusto na ako kay Catacuts. Shit, that was the craziest thing I would do. Natawa ako nang maalala kong binatukan ko si Peter matapos niyang sabihin ‘yun!

“Nga pala,” lumingon ako, “Kagabi, nung hinatid kita. Sino yung kausap mo?”

“Ha?”

Umismid ako, “Tanga. Yung yumakap pa sayo. Kababae mong tao, kung kani-kanino ka yumayakap! Kabi-break niyo lang ni Brent, diba?”

Lumaki ‘yung butas ng dalawang ilong niya nang marinig ako, “Ano?! Baka ikaw ang tanga! Kapitbahay ko ‘yun!”

“Kahit na,” I snarled, “Lalake parin siya. Paano kung nakita ng ibang tao? Edi iisiping malandi ka. Tsk. Tapos, ikaw pa nagsabing malandi ako sa babae!”

“Tanga!”

“Ano ba, ba’t tanga ka nang tanga!?”

“Ikaw nagsimula, e.” tinuloy niya yung ginagawa nya, “Kakauwi niya lang kasi galing sa Cebu. Ngayon lang ulit kami nagkita!”

“Saan ba bahay niya dito?!” nagkunwari akong tumayo, “Kakausapin ko lang ‘yang lalake na ‘yan, para malugar siya nang maayos.”

Binitawan niya ang lapis niya sabay tawa nang malakas. Hinampas-hampas niya pa ang hita niya sa sobrang kaligayahan. Do I look like a clown?!

“Tanga!” ulit niya, “Hindi lalake yun, bading ‘yun! Paminta siya, hahahaha!”

“What?”

“Kung gusto mo, i-date mo siya. For sure, type ka nun!”

Umupo ako nang mahimasmasan sa katangahan. Napakamot pa ako ng ulo ko at natahimik bigla. Lumingon ako kay Catacuts saka sumagot.

“Ayoko ngang i-date ‘yun.” She gazed upon me, smiling.

Na-scan ko nang matagal ang mukha ni Catacuts. Her deep black eyes, and her long eyelashes that suit her eyebrows. Not to mention her pinkish cheeks, and talkative mouth. Plus, her mole on her nose. I found it… cute.

“Ba’t di na lang tayo ang mag-date?”

Nagulantang siya sa napakawalan ng bunganga ko. Hindi ko naman iniwas ang tingin ko sa kanya dahil yun ang feel kong gawin. She’s prettier when quiet. Sana forever siyang naaktikom ang bibig.

“Joke ba ‘yan?” seryosong nakataas ang kilay niya.

“Nope. Let’s try, baka makatulong sa pag-move on mo, o para makaganti ka kay Brent.” I chuckled, “C’mon, it’s just a mere date Catacuts. I’m not asking you to be my girlfriend nor marry me. Wag mong i-overthink ang sinabi ko.”

She smiled sarcastically, “Ah ganon? Ano’ng tingin mo saken? Kagaya ng mga past fling mo? Akala ko iba ka kay Ullyses. Iisang bituka lang pala kayo.” Tumayo siya, “I’m sorry, I decline your request.”

Pinulot niya ‘yung plate na ginawa niya saka nilapag sa ibabaw ng TV. Tumayo rin ako para sundan siya kaya lang, umikot siya bigla kaya nagkabungguan kami. Gusto niya akong itulak pero buti na lang nag-Alaxan FR ako kaya di ako tumumba. Lakas na di umaayaw.

I smirked, “Ikaw na nga ‘tong tutulungan, ikaw pa may ayaw.” Sabi ko.

“Hindi ko kailangan ng tulong mo, dahil kaya kong mag-move on mag-isa. Maghanap ka ng ibang malalandi mo, Lawrensha.”

Sumagot naman ako, “Wag mong isiping fini-flirt lang kita, Darla. Date is not my thing. I rarely do that with a girl, and you’re lucky enough to hear it from me.”

“Hindi mo pala gawain, e, bakit mo pinipilit?”

Again, I remember what Peter said a few hours ago.“O baka naman hindi mo lang matanggap na type mo na si Darla.” I still stare at her, fixing my crazy thoughts.Mataman ko siyang tinitigan sa mga mata bago nagsalita.

“I’ll date you, not for a fling, but because you’re quite interesting. And, to help you forget that Brentot, no strings attached.”

May bigla yatang dumaang anghel kaya natahimik kaming dalawa. Di siya nakapagsalita—ewan ko kung na-flatter siya sa pinagsasabi ko, o kaya nalunok niya na ang dila niya. Ang ineexpect ko, sisigawan niya na ako pero di niya ginawa. Hinihintay ko siyang magsalita nang may narinig kaming ring ng cellphone.

“Dan-dan-dan-dalandan! Dan-dan-dan, sarap ng real! Lasap na lasap, real na real, real na real, dan-dan-dan-dalandan!”

Napakaripas ng takbo si Darla at sinagot ang tawag sa cellphone niya. Muntik ko ng masaksak ang sarili ko nang marinig yung ring tone niya! What the hell! Ano bang trip niya sa buhay, ha?

Pagkababa niya ng phone matapos kausapin yung tumawag, nagsalita ako.

“Palitan mo nga ‘yang ringtone! Baliw.”

Inirapan niya lang ako sabay lumabas siya ng pinto. Tinanong ko kung saan siya pupunta kaya lang hindi ako sinagot. Umupo na lang ulit ako sa upuan nang pagbalik ni Catacuts, may kasama na siyang lalake. Siya ‘yung nakita ko kagabi.

Bading ba ‘yan?! Bakit parang mas lalaki pa kay Ully?

Napatayo ako at nakita ako nung lalake, “Uy, may bisita ka pala Darla.”

“Wag mong pansinin ‘yan.”

Tinignan ako ni Catacuts nang masama tapos pumunta siya ng kusina. Yung lalaki naman, umupo sa tabi ko at nilapag ang box ng Yellow Cab sa mesa. Tss, pinagloloko yata ako ni Catacuts! May balak pa yatang makipag-date sa lalaking ‘to dito sa bahay nila.

Yellow Cab lang naman!

“Ano’ng pangalan mo, pre?” tanong sakin ng lalake, “Kaklase ka ba ni Darla?”

“Keith Lawrence Legazpi. Lolo ko ‘yung may-ari ng Techno Mobile.” Pagyayabang ko at mukhang nabigla naman siya. Hindi ko kasi trip ang asta niya, “Hindi kami classmates. We’re dating. Ano ka niya?”

Alam kong rude ang tanong ko, pero naninigurado lang ako kung totoo ba yung sinabi ni Catacuts—mukhang hindi kasi.

“Nice!” he beamed, “Ako si Josh. Nice meeting you.”

Nabigla ako nang tinapik-tapik niya ‘yung hita ko. Napatingin ako sa kamay niyang pumatong doon sa pants ko at tinignan siya ng masama. Tang ina, bading nga ‘to! Napatayo ako at pumunta sa kusina. Nakita ko si Catacuts na naghuhugas ng kutsarang gagamitin yata nila.

“Uuwi na ako.” Sabi ko pero di siya sumagot.

“Sabi ko uuwi na ‘ko. Magpaalam ka naman!” pag-uulit ko tapos tumingin siya sakin.

“Bye.”

Bago ako tumalikod paalis, nagsalita muna ako sa kanya, “Darla, kalimutan mo na ‘yung sinabi ko. I’m sorry.”

Continue Reading

You'll Also Like

386K 7.7K 58
Every sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo High...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.5M 23.6K 79
DOC Matteo Grenier is a very hot and good looking doctor. 27 years old pa lamang siya at instant doctor na siya sa edad niya ngayon. He's hot, napaki...
892K 19.1K 49
[Completed] Gabriel Vargas. Bully, talented, good looking, rich and certified heartbreaker. Mamahalin ko ba ang isang mala-demonyong heartbreaker na...