She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 19 (Part 1)

9.5K 143 13
By ShuperShimmer

Chapter 19

© Shupershimmer

Lunch break na at tapos na rin ang subject namin for this day. Tuesday ang isa sa pinakanakakatamad na araw sa  linggo dahil isang subject lang naman ang papasukan tapos three hours pa. Shit lang.

“Oy, ano? Mag-Dota naman tayo! Malapit na mag-finals, baka di na tayo makapaglaro sa mga susunod na linggo.”

Hindi ako nag-react sa pinagsasabi ni Ullyses habang umo-order kami ng kanin at chicken fillet sa counter area. Wala kasi talaga ako sa mood ngayon dahil naging singko ang surprise quiz ko kanina. Punyetang propesor.

“Uy, Lawrence!” siniko ni Ully ang gilid ko at tinignan ko siya nang masama.

“Ayoko, tinatamad ako.”

“What? Kailan ka pa tinamad sa Dota? Mukhang kailangan na naming magpamisa ni Ully sa mga nangyayari sayo,” singit naman ni Peter na nasa unahan ko, “Kanina, bumagsak ka sa quiz, tapos ngayon, di ka na inlove sa dota. What’s next?”

“Baka magpapari na si Lawrence!” sabi ni Ully at nagtawanan sila habang hawak ang mga tray.

Buti na lang talaga at may lamang juice ang tray ko, kung hindi, baka naihampas ko ‘yun sa kanilang dalawa.

Pag-upo naming tatlo sa isang isolated table, malapit sa glass wall ng cafeteria, nakita ko yung girlfriend yata ni Ully sa di kalayuan na table. Siya yung babaeng nakalaro namin ni Catacuts sa walangyang truth and dare. Sa larong di ako pinatulog kagabi.

Sinipa ko ‘yung paa ng kaharap kong si Ully at tumingin siya saken.

“Diba girlfriend mo ‘yan?” sabay nguso ko sa way ng babae, Lovely yata ang pangalan, “Bakit may kasabay na ibang lalake?”

Natawa si Ully sa sinabi ko, “Grabe, break na kami niyan kagabe, ‘no. Napaka-nagger kasi.”

“Ang sabihin mo, nagsawa ka na. Inaraw-araw mo ba naman sa apartment niya, e.” comment ni Peter habang nahihirapang hiwain ‘yung fillet niya, “Dinaig mo pa ‘ko sa pagpapalit ng brief.”

“E, isa lang yata ang brief mo sa cabinet!”

Sobrang humagalpak si Ully at nahampas pa anng ilang bese ang mesa. Tipong tumulo pa ang gravy sa gilid ng bibig niya. Kadiri, napakadugyot talaga ng taong ‘to.

“Di ka ba naiinis?”  tanong ko, “May kasama siyang ibang lalake, katatapos niyo pa lang.”

Both of them gave me a weird look. Di ko alam kung anong masama sa tanong ko, e, nagtatanong lang naman nang casual. Mga abnormal.

“Ako pa magseselos?” Ully winced. “C’mon, parang sinabi mo na ring maging stick to one ako sa babae. Hahahaha.”

Di na lang ako nag-react sa sinagot niyang walang ka-kwenta kwenta. Kailan nga ba nagseryoso ‘yan? Pucha, pag nakuha ang gusto, sibat agad. Habang busy ako sa pagkain, narinig ko pang nagsalita si Ullyses sa harap ko.

“But Lovely’s a great partner… in bed.” He laughed as if there’s no tomorrow.

We had ten minutes of silence dahil nasa kalagitnaan kami ng pagseseryoso sa ulam namin, tsaka depressed parin ako na 2 out of 10 ang score ko sa potek na quiz na ‘yon. Samantalang Classical musics ang topic! Expertise ko yun!

“Ully,” I said out of the blue and he looked, “Minsan ba, may nakilala kang babae na… uhm, medyo mahirap spelling-in? Yung hindi talaga swak sa taste mo, kasi cup B lang siya, dahil ang ideal sayo, e, cup C. Yung hindi swak sa taste mo, kasi hindi gaanong sexy… hindi head turner. As in siya yung huling babaeng magugustuhan mo? Mga ganun. Meron na ba?”

I asked as casual as I could. Si Peter, tahimik at si Ully, uminom pa ng iced tea bago ako sagutin.

“Oo naman. Madami. Minsan, may mood ako na mas gusto ko ‘yung mga slim lang. Nakakasawa kasi ang malalaki ang boobs, dre.” He chuckled evilly, “Minsan, kailangang mag lie-low. Haha.”

I frowned. Dapat yata di na lang ako nag-open ng tanong! Mukhang wala akong mapapala sa damuhong ‘to—puro kabulastugan lang ang alam!

“Bakit?” tanong niya.

“Wala naman,” yumuko at hinalo ang gravy ko sa kanin, “Di mo ba na-feel ‘yung… yung pag may nakikita kang may kasama ‘yung babae mo na ibang lalake. Di ka ba naiinis? Well, if that is the term.” I shrugged, feeling idiot.

“E, di magpasama siya sa ibang lalake,” tumawa na naman si Ully sa sagot niya, “Gusto niya threesome pa kami, e!”

Napahampas na lang talaga ‘yung isang kamay ko sa mukha ko dahil sa helpful na sagot ng lalaking ‘to. Grabe, nagsisisi ako’t tinanong ko pa. Nakalimutan kong expert siya sa babae, hindi sa seryosong paraan.

“Alam mo,” napatingin ako kay Peter na tapos na sa kinakain niya. Halimaw talaga ‘to! “Pag si Kristina, e, nakutuban kong pinaliligiran ng ibang lalake, nararamdaman ko ‘yan.”

Napataas nang kusa ang isa kong kilay. Sa pagkakaalam ko, girlfriend ni Peter yung Kristina na binanggit niya. Dapat pala si Peter ang kinonsulta ko kanina pa.

“Ano’ng pakiramdam… kapag nakita mong may yumakap kay Kristina tapos niyakap niya rin? Nainis ka ba? Nagalit? Inaway mo siya?”

Napaurong ang ulo nilang dalawa sa mga tanong ko. Naging inquisitive na yata ako kaya tinikom ko ang bibig ko para wala silang masabi. Baka isipin nila, napaparanoid ako!

“Uhm,” panimula ni Peter, “Yung kuya niya ang madalas yumakap sa kanya kaya hindi ako naiinis. Minsan may barkada siyang umakbay sa kanya. Syempre, nainis ako! Nakakalalake kaya ‘yon.”

“Yeah, you’re fucking right.” I agreed.

“Tapos parang gusto kong sapakin ‘yung lalake at sabihing, ‘Punyeta ka, GF ko ‘yang hawak mo!’ Mga ganung linya, pero—“

“Tama, ang sarap manapak ngayon.” Again, I agreed.

“Seriously, Lawrence?” I heard Ully’s chuckle, “Are you getting jealous, now? Kanino? And, who’s the lucky girl?”

He hilariously laughed, at kamuntik pa siyang mabulunan. Sayang!

Sinipa ko si Ully sa ilalim ng table at napa-aray siya. Nakakairita kasi ‘yung mga tanong niya. Selos my ass—magkaiba ang inis sa selos. Hay nako, ang tanga-tanga talaga.

“It’s not jealousy, asshole.” I murmured as I drink.

“Ganun na rin,” singit ni Peter, “Kapag ang type mong babae, e, nakita mong nakikipag-usap, o kaya may umaaligid na ibang lalake, tapos nakaramdam ka ng pag-init ng ulo, at nagkiskisan ang mga bagang mo, selos yon.”

“Hinde.” I grimaced.

“Selos ‘yon!” he protested, “Kasi ayaw mong maunahan ng iba—lalaki tayo, e! May ego tayo pagdating sa mga ganyang bagay, Lawrence.”

“Hindi nga, ang kulit.”

Nagkibit-balikat lang si Peter at sinabing, “I don’t know if you haven’t experienced that,” he grinned, “O baka naman hindi mo lang matanggap na type mo na si Darla.”

***

DARLA’s POV

2 PM, at pauwi na ako sa bahay. Nagkataon kasing wala ang professor namin from 1PM to 3PM kaya nagdecide akong umuwi nang maaga. May gagawin pa kasi akong mga plate, tutal Tuesday ngayon at wala akong tutor duty.

Kumatok ako sa gate, pero walang lumabas sa bahay namin. Nasaan si Kuya? Ang pagkakaalam ko, day-off niya ngayon.

Pagtingin ko sa kawit, may nakasabit na padlock kaya napangiwi ako. I fished my spare key inside my pocket and unlocked it.

Pagpasok ko, hinubad ko agad ang sapatos, nagtanggal ng medyas at hinagis ang bag sa may sala. Pagpunta kong kusina para uminom ng malamig na tubig, napansin ko ang sticky note sa ref.

 

Darla,

Pakisabi kay Mama na gagabihin ako ng uwi.
Pupunta ako ng Makati, alam niya na ‘yon.

 

Kuya

 

Binalik ko naman ang note sa pagkakadikit tapos uminom ng tubig. After ma-refresh ang katawang tuyot, tinanggal ko ang butones ng blouse ko, simula itaas hanggang gitna. Sobrang init, e. Tapos, narinig kong tumugtog ang phone ko galing sa bag, kaya bumalik ako sa sala.

“Ay kabayong bakla!”

Yun ang una kong naisigaw nang may makita akong nakatayo sa bungad ng pintuan namin. Tangina naman kasi, akala ko multo, o kaya si Kamatayan!

“Ano ba Lawrence! Papatayin mo ba ako sa heart attack!?” sigaw ko, sabay hawak sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng heartbeat.

Tapos… nakapag ko ‘yung chocolate hills, pati ang lacey undergarment.

Shit! Nakalimutan kong nakabukas ang apat na butones ng blouse ko! Nawala sa utak ko, dahil sa nerbyos! Nakakahiya, nakita niya. Did he see it? Did he see the chocolate hills?

I hurriedly covered my upper chest with my blouse. Napatunganga naman si Lawrence sa bungad ng pinto dahil sa nakita niya. Ugh, nakakahiya. Gusto ko nang magpatangay sa ipo-ipo!

“A-ano bang ginagawa mo sa bahay ko?” nabubulol na tanong ko. Shemay ka Lawrensha! “Uso naman kasing kumatok muna!”

Ibinaba niyaa ng phone na nasa isang tenga niya, at tumahimik yung cellphone kong nag-iingay. Was he calling me?

Umiwas siya ng tingin, “S-sorry. Bukas kasi ‘yung gate… bukas din ang pinto. Tinawagan kita kasi akala ko walang tao dito.”

Naihilamos ko ‘yung kamay ko sa buong mukha ko. Hindi pa kasi nawawala sa isip ko ‘yung nangyari kanina. Bakit sa lahat ng makakakita, siya pa? Ano bang nagawa kong kasalanan para maparusahan ng langit? Jusko, Lord.

“H-hindi ka ba maghuhubad?” tanong niya.

“Ano!?”

“I mean… hindi ka ba magpapalit ng damit?” tanong niya habang nakasalubong ang kilay niya at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay, “Wala ba kayong aircon? Pinagpapawisan ako.”

Pinulot ko ‘yung medyas ko na nakapatong sa upuan, saka binato sa mukha niya. Unfortunately, nakaiwas siya kaya kumaripas ako ng takbo paakyat para magpalit. Hindi ko mapigilang magmura habang nasa kwarto ako!

                                                                             

“May kailangan ka ba?” tanong ko nung pababa ako ng hagdan, at siya, e, nakaupo sa sofa.

“Wala naman,” pinatong niya ang dalawang paa sa mesa, “Tinatamad kasi akong mag-dota, tapos ayoko pang umuwi. Wala naman akong kasama kung magbibilyar ako sa labas… kaya ikaw ang pinuntahan ko.”

My subconscious raised an eyebrow, “Ano’ng gagawin mo dito?”

“Ano bang pwede nating gawin?” sa pagkakatanong niya, hindi ko alam kung may halong kulay ‘yon, pero sinarili ko na lang ang nasa isip ko.

“Alam mo, mabuti pang umuwi ka na. Boring dito, tsaka baka may makakita pang kapitbahay na nagpapasok ako ng lalaki dito.” Sabi ko sa kanya habang naka-cross arm, “Maganda ang reputasyon ko sa lugar namin, kaya huwag mong sirain.”

Ngumuso si Lawrence habang nakangiti sa kung saan, “Talaga? May maganda kang reputasyon?”

I frowned, puzzled by his words.

Nakita ko na lang na dumukot siya ng CDs sa lagayan ng TV namin tapos tumingin siya ng mga movies. Sinigaw niya pa sakin na mag-movie marathon na lang daw kami, at magluto daw ako ng pagkain! Ang kapal talaga ng feslak!

“Ito!” tinaas ni Lawrence ang CD ng Sadako 3. Shet, ayokong panuorin ‘yan. Kuya ko lang ang nanunuod ng mga ganyan!

“Ayoko!” I protested, “Hindi maganda ‘yan! Palitan mo, humanap ka ng iba!”

“Hindi ko pa ‘to napapanuod!” kontra niya naman, “Tsaka, movie lang ‘to, duwag ka ba?! Magkamukha nga kayo ni Sadako, e.”

“Wag nga kasi ‘yan!” nagpulot ako ng kahit ano sa lagayan, “Ito na lang! Maganda!”

Napatingin si Lawrence sa CD na pinakita ko sa kanya tapos unti-unting lumapad ang mga ngiti niya. Tipong labas ngipin pa talaga. Pagtingin ko sa cover, ‘Friends With Benefits’ pala ang title. Shit! Worse!

“Sige, yan na lang. Okay lang saken.” Lawrence gave me a malicious grin. Kinilabutan ako.

Nilapag ko agad yung Friends With Benefits na CD at inagaw sa kanya ang Sadako 3, “Hinde, wag na. Sadako na lang ang panuorin natin. Punyets ka.”

to be continued.

Continue Reading

You'll Also Like

357K 6.6K 35
Montenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in...
147K 2.7K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
77.8K 1.8K 34
Khryzzanne Kylie Constantino has wanted only one thing her whole life. Wala siyang hindi gagawin makamit lamang ang kalayaang matagal nang inaasam. S...