FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS...

By sweetaica060791

359K 7.3K 861

"Dont fall for me Eliana. Coz i cant love you back."- THEO ALEXIS FEREZ More

FATED TO LOVE HIM
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
EPILOGUE

44

7.4K 135 9
By sweetaica060791

[A/N : BAGO ANG LAHAT. GUSTO KONG MAGPASALAMAT SA INYONG LAHAT.. SALAMAT DAHIL SA WALANG SAWA NINYONG PAGHIHINTAY..]

PARA SA INYONG LAHAT TO. NEXT CHAPTER EPILOGUE NA ^____^

Chapter 44

Makalipas ang dalawang buwan ay naging abala si Alexis. Halos madalang ko na lamang syang nagigisnan sa umaga.

"Oh iha. Kumain kana. Kanina ko pa napakain si Axcel." Nakangiting sabi ni Manang Lupe. Parang kailan lang ay galit na galit pa sya sakin.

Matapos kong ipagtapat sakanya ang lahat ay halos mag iyakan nalang kaming dalawa. Nagpapasalamat ako dahil naintindihan nya ako. Aminado akong mali ang nagawa ko, at tanggap ko ang pagkakamaling yun.

"Salamat po manang Lupe." Niyakap ko sya ng mahigpit. Di man ako lumaki kapiling ang aking ina. Dahil sa katauhan nya ay nahanap ko ito.

"Tandaan mo Eliana.. Hindi mo pwedeng takbuhan ang mga pagsubok na darating sa buhay mo, dapat mo itong buong tapang na harapin at malampasan. Sa bawat dilim ay may naghihintay na liwanag. Kahit gaano pa kalakas ang bagyo ay palaging may bahaghari pagkatapos nito.."

"Opo Manang Lupe. Tatandaan ko po ang lahat ng iyan."

"Mahalin mo sana si Alexis. Sana sa mga pagkakamali na nagawa nya at magagawa pa sana ay lawakan mo ang iyong kaisipan. Sana ay wag mong pairalin ang iyong galit sa tuwing mangyayari iyon. Pag isipan mo ng sampung beses ang lahat ng iyong gagawin ng sa huli ay wala kang pagsisisihan."

Abot lang ang tango ko sakanya dahil di ko magawang magsalita. Tila may malaking bikig na nakabara sa aking lalamunan.

Sabay kaming napalingon ni Manang Lupe ng pumasok si Stephanie. Hindi ko alam ngunit may kakaiba sa tingin nya.

"Eliana.." Pinahid ko ang luha ko at kinalas ang pagkakayakap sakin ni Manang Lupe.

"Steph." Umalis si Manang Lupe at iniwan kaming dalawa.

"Gusto ko sanang humingi ng tawad sayo. Sorry kung naging makitid ang utak ko upang unawain ka. Sana ay maintindihan mo rin ako na nagawa ko lamang iyon dahil nasaktan mo ang taong nagligtas sa akin mula sa pagkakalugmok ko noon."

"Naiintindihan ko Steph. Naiintindihan kita."

"May gusto sanang kumausap sayo." Niyaya nya ako sa labas at nakita ko si Daphne na naroon. Nakangiti sya ngunit bakas sa mga mata nya ang lungkot.

"Eliana." Umalis si Steph upang kumuha ng aming inumin. Siguro ay paraan narin iyon upang mapag isa kami ni Daphne.

"Daphne.." Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Alam mo ba na pinakamahirap sa lahat ay ang pakawalan ang isang taong minamahal mo ng sobra." Napapikit sya ng mariin at pagdilat nya ay sunod sunod na nagpatakan ang mga luha nya. "Pero nagawa ko Eliana. Kahit mahirap. Nagawa ko kasi alam kong mas sasaya sya kapag ikaw ang nakasama nya. Una palang alam kong hindi na sya ang Alexis na dating nagmahal sakin ngunit nabulagbulagan ako. Umaasa ako na maibabalik ko rin sa dati ang lahat ngunit nabigo ako. Dahil di na ako ang nagmamay ari ng puso nya. Kundi ikaw na."

Naiiyak na rin ako dahil ramdam na ramdam ko ang sakit na bumabalot ngayon sakanya.

"Gusto kong magalit sayo dahil sa pang aagaw mo sakin mula sakanya. Pero ng malaman ko sa kapatid ko ang lahat. Dun ko napagtanto kung gaano mo kamahal si Alexis. Dahil sa akala mo ako parin ang mahal nya. Ikaw ang babaeng unang nagparaya para sa inaakala mong ikakaligaya nya, kaya ngayon sa pagkakataon na ito. Hayaan mong ako naman." Ngumiti sya sa akin at sa pagkakataon na yun ay sigurado akong totoo na ang sayang nararamdaman nya. Para sa akin.. At kay Alexis.

Niyakap ko sya ng mahigpit. "Salamat Daphne.. Salamat.."

Bumalik si Steph na may dala dalang tatlong tray na may lamang tatlong baso ng juice. Kinuha ko ang basong iniabot sakin ni Steph. Naupo kami sa upuang naroon habang inilalapag naman ni Steph sa mesa ang tray.

"Let's have a toast para sa inyong dalawa ni Alexis. Hiling kong sana ay matapos na ang problemang kinakaharap nyo para makapagpakasal na kayo." Sabi ni Steph habang nakataas ang baso nyang may juice.

Nalungkot ako dahil bumalik sa isip ko na hindi pa pala tapos ang problema ko. Hindi ko padin pala nababawi ang anak ko. Pero umaasa akong gagawin ni Alexis ang lahat para lang makuha ito. Dahil yun ang pinangako nya kaya panghahawakan ko yun.

Itinaas ko na rin ang baso ko at iniumpog ito sa mga baso nila.

Habang umiinom ay nakita ko ang kakaibang tingin nila sakin. Hindi ko maintindihan ngunit nakaramdam ako ng kaba.. Kaba na hindi ko alam kung para saan.

Nang mailapag ko ang baso kong wala ng laman ay bigla akong napahawak sa ulo ko. Nakita ko ang pag ngiti nila Steph at Daphne.

Oh no! Sana mali ako.

Nararamdaman ko ang unti unting pamimigat ng talukap ng aking mata. Kasabay ng pag ikot ng buong kapaligiran ko.

Narinig kong may sinabi si Stephanie ngunit masyado na akong nilalamon ng kawalan kung kaya hindi ko na ito maintindihan.

Ngunit isa lang ang alam ko..

Niloko nila ako..

Hinaluan nila ng gamot ang iniinom ko at hindi ko alam kung ano ba ang plano nila.

Steph at Daphne..

Paano nyo ito nagawa sakin?

Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. Puro lamang puti ang nakikita ko. Alam kong wala ako sa ospital dahil wala ang masangsang na amoy na nagmumula sa gamot at alcohol.

Unti unti akong bumangon at ganun nalang ang gulat ko ng makita ang puting bestida na suot suot ko.

May sapin din na na puting flat sandals ang aking paa. Dali dali akong tumakbo papalapit sa salamin na naroon.

Halos di ako makapaniwala sa aking nakikita. Nakalugay at bahagyang kinulot sa dulo ang aking hanggang bewang na buhok. Mayroon din akong kolorete sa mukha.

Napansin ko ang post it note na nasa may salamin.

Mahal mo ba ako at handa kabang makasama ako habang buhay?

Kung oo. Humakbang ka ng sampung beses. Kung hindi. Manatali ka sa kinatatayuan mo.

Hindi ko na kailangan tanungin pa kung kanino iyon nanggaling. Siguradong kay Alexis.

Humakbang ako ng sampung beses hanggang sa huminto ako sa tapat ng pintuan.

May post it note rin don.

Kapag pinihit mo ito at binuksan. Wala nang bawian. Hindi ka na pwede tumalikod at bumalik sa loob ng kwarto.

Handa kanaba?

Naguguluhan man ay pinihit ko ito at binuksan. Ngunit tanging halaman na naroon lamang ang tumambad sakin. Pinagtitripan ba ako ni Alexis.

Habang naglalakad ako ay may isang batang  babae na lumapit sakin at iniabot sakin ang isang flower crown na puti at lavender ang kombinasyon.

"Isuot nyo po." Sabi nito sakin. Ano bang nangyayari naguguluhan na ko. "Ay eto pa po pala." May iniabot sya saking sobre kung kaya kinuha ko iyon at binuksan upang basahin.

I love you with all of my heart. I never planned to love and fall for you, but baby i did. Now will you take me and be with me for the rest of your life?

If yes. Wear this crown.

Oh ghad. Ano bang ginagawa nya.

Sinuot ko ang flower crown sa ulo ko. Pakiramdam ko ay isa akong diwata sa mga oras na yun.

May dalawang batang lalaki na nakasuot ng puting saplot at may pakpak. Tila sila mga anghel. Kinuha nila ang kamay ko at ginabayan.

May idea na ako ngunit ayokong mag assume. May usapan kami na kapag maayos na ang lahat tsaka kami magpapakasal.

Napatutup nalang ako ng bibig nang makita ko ang artificial na mga cherry blossoms at sa pinakagitna niyon ay isang altar. Nakita ko sa paligid ang mga taong hindi ko inaasahan na makikita ko nang mga sandaling yun.

Si Axcel..

Ang biyenan ko..

At si Pierre.

Naroon din sila Steph, Ivan, Daphne at si Shiena.

Dahan dahan lumabas si Alexis mula sa likod ng isang puno na nakasuot ng damit na tila isang prinsepe.

Nang makita ko ang pagluha sakanyang mga mata kasabay ng pagsaliw ng musika ay tsaka lamang ako natauhan at lumuluhang naglakad papalapit sakanya.

Ikakasal kami.. Ikakasal na kami ni Alexis...

Ang lalaking minahal ko, mahal na mahal at patuloy ko pang mamahalin.

Hindi man naging maganda ang simula namin. Hindi rin naging ideal ang kwentong pag ibig namin. Hindi ko padin ito pagpapalit.

Dahil alam kong kahit saan man ako mapunta. Dadalhin at dadalhin parin ako ng tadhana pabalik sa piling nya.

Coz im fated to love and be with Theo Alexis Ferez.

Im FATED TO LOVE HIM....

Continue Reading

You'll Also Like

322K 10.3K 57
Princess Hazel Ancheta has no choice but to live in that house with that Perverted Man. Wala na siyang magagawa kundi ang sundin ang kanyang mga magu...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
845K 10.5K 49
Kaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?
735K 8.1K 69
"Love was my undoing as his was me. Hers was the what ifs as his was her. But fate was what doomed us all." All Cassandra Carmichael ever wanted was...