TROUBLE HIGH - UNDER REVISION

By PumpingLemma

169K 5.1K 624

~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na... More

Toraburu Kotoトラブル 高等 (Trouble High)
† Kabanata 1 †
† Kabanata 2 †
† Kabanata 3 †
† Kabanata 4 †
† Kabanata 5 †
† Kabanata 5 Part 2 †
† Kabanata 6 †
† Kabanata 7 †
† Kabanata 8 Part1&2 †
† Kabanata 9 †
† Kabanata 10 †
† Kabanata11 †
† Kabanata 12 †
† Kabanata 13 †
† Special Chapter †
† Kabanata14 †
† Kabanata 15 †
† Kabanata 15 Part 2 †
† Kabanata 16 †
† Kabanata 17 †
† Kabanata 18 †
† Kabanata 19 †
† Kabanata 20 †
† Kabanata 21 †
† Kabanata 22 †
† Kabanata 23 †
† Kabanata 24 †
† Kabanata 25 †
† Kabanata 26 †
† Kabanata 27 †
† Kabanata 28 †
† Kabanata 30 †
† Kabanata 31 †
† Kabanata 32 Part 1 †
† Kabanata 32 Part 2 †
† The Epic Ending Of Chapter 32 :3 †
† Kabanata 33 †
† Kabanata 34 †
† Kabanata 35 †
† Kabanata 36 †
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40: Kenji Sasaki
Kabanata 41: Kazuya
Kabanata 42
Kabanata 43: Siblings
Kabanata 44: Princess
Kabanata 45: Kaeru帰る (Return)
Kabanata 46: Day 1
Kabanata 47: Day 2
Kabanata 48: Day 3: We miss you!~
Ugh!
Kabanata 48 Part 2: Day 3
Kabanata 48 Part 3: Day 3
Kabanata 49 Part 4: Day 3
Kabanata 50 Part 5: Day 3
Kabanata 51 Part 6: Day 3
Thank you!
Boombayah!
Kabanata 52 Part 7: Day 3

† Kabanata 29 †

2.2K 70 11
By PumpingLemma

† TAKAI TORABURU(TROUBLE HIGH):KABANATA 29 †

 

 

 

 

 

 

 

† Lei's Pov  †

 Info.

 Name: Lei Mariano

 Gender: Female

 Age: 16

Nationality: Filipino

 

 

 

Nasaan na ba yung babaeng 'yon? Papasok ba 'yon? Naku, hinahanap pa naman siya ni Jude at kukulangin kami sa tauhan. Ang dami kasi ngayong dumating na bisita. Ang mga bisita kasi namin ngayon ay mga parents ng istudyante dito at ang iba mga taga ibang school. Hindi nga namin inaasahan ang dami ng bibisita sa section namin. Nung nakaraang taon kasi eh wala naman.

 (a/n: maid costume nila --->)

"Hoy, babaita."Pabulong na tawag sa'kin ni Jude. -_-

Lumapit ako sa kanya. "Ano?"

 

"Nasa'n na ba si Ash?"Mairita niyang tanong. Nagkibit balikat lang ako.

"Ahh, miss!"Tawag sa'kin nung lalaking taga-Saint Rose High School. Malalaman mong taga Saint Rose siya dahil sa kulay pink niyang coat na may nakalagay pang white roses sa pocket nito.

"Oh, tawag ka. Bilis bilisan ang kilos. Huwag pa patay patay."Sabunutan ko 'tong dikyang 'to eh. Makasermon wala namang ginagawa.

"Kumilos karin kaya."Sabi ko bago lumapit dun sa costumer.

Nginitian ko si kuya at tinanong kung anong flavor ng coffee ang oorderin niya. "Caramel."Sagot naman niya habang nakatingin sa menu card. "and one moemoe omelette rice." Nilista ko agad sa 1/4 na papel (XD) yung order ni kuya at tinanong ko siya ulit kung meron paba siyang oorderin sabi naman niya wala na.

 Umalis na'ko at pumunta sa counter-counteran xD.

 "Ui, isang caramel at moe moe omelette rice."Sabi ko sa classmate kong lalaki, si Gerald. Dito sa counter mga lalaki ang nag-aasikaso sa pagtitimpla ng kape at sa iba pang dessert like cakes, pies, pudding and moe moe omelette rice.

Kung sa porma naman ng aming butler kuno (mga classmate kong lalake) ay nakakadismaya. (._.'') Kasi eto ah, describe ko sa inyo. Nakasuot sila ng black coat pero nakaunbutton lahat, wala silang tshirt panluob so bulgar na bulgar talaga ang dugyot nilang katawan (hindi ko nilalahat kasi may ibang mala- Tom Rodriguez talaga ang katawan), meron pa silang black bow tie sa leeg tapos sa baba nakaBOXER SHORTS LANG! (P.TA! MAPAPAMURA KA TALAGA SA INES! Sarap magpatiwakal! laslas na ituuu (- 3 -)) .. boxer na ang design ay squidward!!! at nakapormal silang blackshoes. Yung usung-usong sapatos ng lalaki ngayon. Yung matutulis ang dulo. Haaaaay~ 

(−_−;)

Pinag-usapan pa nga daw nila 'yang porma nila eh. Isang seryosong usapan daw 'yon na halos pagpuyatan pa nila. Pang-akit daw sa mga bisita, sa mga gagawin nilang sugar mommy at dagdag pogi points daw sa mga chicks. Wala na naman kaming magawa dahil kung kokontrahin pa namin sila ay tiyak na magkakagulo na naman. Si Jude naman tuwang tuwa sa porma ng mga boys! Ulam daw.

Nagtiis kami. Kaming mga apektado sa suot nila xD. Yung iba kasi sa mga lalaki ay butu-buto ang katawan o mas tinatawag na "Bulalords" , yung si Jomarie naman puro sebo ang katawan nag-uumapaw sa bilbil, pero meron din namang masasabi nating matsu. ;>

Aaay! x) wahahaha!

 

Buti nga may ilang marunong sa kanila magtimpla eh. Sila kasi yung may mga coffee shop talaga kaya yung ibang lalake tinuturuan nila. Awa naman ni Lord at di masyadong sinaniban ng kabalastugan ang mga classmate ko ngayong araw. Mukha naman kasing nag-eenjoy sila sa ginagawa namin. :>

Lalo na ang mga girls, todo ngiti talaga sila sa mgacostumer. Sana pala lagi nalang may Festival para wala ng nagaganap na rambulan dito sa school. xD

"Pre, panu ba'to?"Paolo.

 

 

"Oy, tama na ba'to?Tikman mo nga."Andy.

 

 

"Hoy! Gag. ka talaga! Asin 'yan! Ayun yung asukal,engot!"Ejay.

 

 

"Ay sorry! Hahahahahah! XD"Cedrick.

 

Pinanuod ko kung pa'no gumawa si Gerald ng kape. Nang malagyan na niya ng mamahaling ingredients ang tasa ay pumunta naman siya dun sa machine kung sa'n naglalabas ng mainit na tubig at hinalo na niya ito. Syempre hindi lang dyan nagtatapos ang paggawa ng special coffee ng section na'to meron pang susunod. XD Para makumpleto ang pinagmamalaki at tinatawag naming "Coffee Float" ay muli ng pumunta sa isang machine si Gerald at itinapat niya yung tasa kung saan naglalabas ng Ice cream. (Parang coke float lang pero coffee naman samin haha) Buti nga hindi natunaw yung Ice cream sa ibabaw na mainit na kape e. Sinunod naman niyang gawin ay ang moe moe omelette rice at nang matapos naaaa...

CHARAN! Ready to serve naaa~

(人´∀'*)

"This is your order, Goshujin-sama~"Inilapag ko na yung coffee sa kanya at bago umalis ay ginamitan ko siya ng aking pamatay na ngiti. ;)

Sabi ni Jude kailangan ngiti kalang ng ngiti sa costumer para maisip ng taga labas na hindi porket taga Faxton High ay masama na, mga pusong mamon din kami kahit papa'no.

  

"Welcome to Shabu-Shabu Cafe, Goshujin-sama and Ojou-sama!~"Bati naming mga maid sa kapapasok lang na mga bisita sa aming room. Mga taga-ibang school.

Dahil masyadong feeling Japanese to si Jude eh pangjapanese narin ang greetings namin sa mga bisita. -_-  Ang sakit sa dila.

a/n: Goshujin-sama - Master, Ojou-sama -Mistress)

Kung nagtataka kayo kung bakit Shabu-Shabu yung name ng aming maid cafe, aba malay ko sa bakla naming president. Ewan ko ba dun at bakit ganun pang klase ang ipinangalan sa munting cafe namin. Meron tuloy ibang bisita na nag-aalinlangan pumasok sa room namin at baka daw literal na Shabu ang sineserve namin pag nakikita nila yung name ng cafe namin dun sa may pinto. Tsk.

 

"Miss, akala ko ba Shabu ang sineserve niyo dito? Eh bakit puro kape to?!"Reklamo nung mama na may mamula-mulang mata habang tinuturo pa yung mga picture ng iba't-ibang flavor ng kape dun sa menu card na hawak hawak niya. Sabog pa ata.

Hinablot ko sa kanya yung menu card at hinampas ko sa ulo niya. "Eh siraulo pala kayo eh! Hindi porket Shabu-Shabu ang name ng shop namin eh literal na Shabu na ang ibibigay namin sa inyo! Hindi niyo ba nabasa yung nakadikit na Cartolina sa pinto ...na may nakasulat na Shabu-Shabu CAFE?!"Inemphasize ko pa yung Cafe sa kanya para naman maliwanagan siya.

Naaninag ko naman na sa'min na ang atensyon ng mga costumer at mga classmate ko.

Kalma ka lang kahit ngayong araw lang. May mga bisita oh!

"Ay naku! Bakit ba naman kasi ganyan ang pangalan ng shop niyo?! Nakakaistorbo kayo ng tao! Makaalis na nga. Walang kwenta talaga 'tong school niyo! Tulad niyo!"Napayukom ako ng kamao sa mga pinagsasabi nitong tuod na 'to. Nakanang! Pagbubuhulin ko yung mga ugat nito e!

Tumayo na yung matanda at tinulak ako. Sh.t!

"Tabe nga!"Sh.t sh.t!

Easy~

Nakita kong humarang si Jomarie dun sa matanda.

"Hoy, gurang."Ugh! 'Wag mo ng patulan!!!

Pinandilatan siya ng mata nung matanda. "Ano?!"

 

Kinuwelyuhan naman ni Jomarie si tatang. Tinawag ko agad si Jomarie kaya't napatingin siya sa'kin. Umiling ako sa kanya at kinausap siya mata sa mata.

"Ano?! Susuntukin mo 'ko?! Gawin mo!"Hamon ni tatang kay Jomarie.

'Wag mo ng ituloy 'yang gagawin mo! Mapapasama tayo lalo niyan sa mga taga ibang school at magulang na nandirito! Namaaan!

Napansin ko naman yung mga classmate ko na palapit din dun sa mama pero agad ko silang pinigilan.

"Wag."Mahina kong sabi sa kanila.

"Ano ba, Lei? Umalis ka nga dyan! Tuturuan lang namin ng leksyon yung g.gong 'yon!"Sabi sa'kin ni Andy habang pinapatunog tunog pa ang mga daliri niya.

"Tsk! Tumigil nga kayo. Isipin niyo naman yung mga bisita na nandito..."Sabi ko at tumingin kami sa mga parents at mga istudyanteng taga-ibang school na naririto. Puno ng takot ang mga nasa mukha nila habang nakatingin kina Jomarie at dun sa matandang lalaki.

Muli akong tumingin kina Andy.

"...kung gagawa pa kayo ng gulo ay mas lalo lang tayong mapapasama sa kanila."

"Ano, bata?! Naduduwag kana? Ha?!Anu na?! Ang laki laki mong bulas tapos takot ka?!"

 

Lecheng gurang na'to! Ang ingay! -_-

"Hahaha! Ang O.A niyo naman po. Hindi ko naman po kayo susuntukin. *Ngiti* Aayusin ko lang po ang damit niyo. *Ayos ng kwelyo ng damit ni tatang* Anggulo na kasi, hehe! Gusot na, *mumble* parang mukha mo."(-.- x)

Haay~ Nakahinga naman ako ng maluwag do'n. Akala ko di ko makukumbinsi si Jomarie. Buti naman at nakapagpigil siya.

 

"Anong sabi mo?!"

 

 

 

"Sabi ko ho, kung anong gusto niyong kape?":)

 

 

"Ayoko niyan! Wala naman yung gusto ko rito kaya aalis na'ko!"

 

 

"EDI UMALIS KA!!! WALA KAMING PAKE!!!

(▼皿▼#)"Kinuwelyuhan niya ulit yung mama at sinuntok sa mukha.

 

"Sh.it!"

 

 

 

"Hahahah! See, hindi rin nakapagpigil si tabachoy."Ngingisi ngising sabi ni Andy.

 

Tiningnan ko yung mga bisita. Maslalo pa silang natakot. Parang gusto na nilang lumabas sa sobrang takot.

Wala na , sirang sira nanaman kami.

"Aaaah! Lu-lumabas na ta-tayo!"( ;´Д`)

 

 

*Boogsh! Boogsh!*

 

 

"Sa-sabi ko naman kasi sa'yo wag na tayong pumunta sa nakakatakot na s-school na 'to e!"

 

 

"Walanghiya kang bata ka!*sugod kay Jomarie sabay suntok* *Boogsh...boogsh!*"

 

"Wag mo na nga akong sisihin! Ta-tara na!"Lumapit agad ako sa tatlong babae na sa tingin ko ay mga 3rd year high school student na taga-Biersdorf High.

"GURANG! *Bogsh..bogsh!*"Jomarie.

 

Napatingin sila sa'kin.

"Ah, wag muna kayong umalis,please! Magagawan po namin ito ng paraan."Pagmamakaawa ko. Nagtinginan silang tatlo sa isa't-isa. Mukhang nag-aalinlangan kung mananatili pa ba sila dito o aalis na. Pero, napagdesisyunan naman nila agad na magstay muna dito. Nagpasalamat ako sa kanila at mabilis na lumapit kina Jomarie at dun sa matanda na nananatili paring nagsusuntukan.

Sina Andy at ang mga classmate ko pa ay tuwang tuwa at nagawa pang magcheer kay Jomarie.

"Right hook, Jo!"Andy.

 

 

 

"De! Left hook, pre!"Ejay.

 

 

 

"G.go! Headbatin mo nalang! Yung ginawa ni Bradley kay Pacquiao!"Ron-ron.

 

 

"Knock-Out mo na 'yan!"Patricia.

 

 

"Daganan mo nalang! Huwag mo ng paabutin ng Round 12! Takte! XD"James.

 

Bwisit!

Humarang ako dun sa dalawa at pilit silang pinaghihiwalay pero sadyang malalakas sila. Ugh!

"Tsk! 'Wag kang magulo, Lei!"Reklamo ng mga classmate ko. Hinila ako nila May palayo kina Jomarie.

"Ugh!" Mga g.go! Wala ba talaga silang pakealam sa mga bisita?!

Nakalimutan na ba nila ang pinag-usapan namin kanina na dapat ngayong araw ay wala munang gulo na magaganap!

"WOOOH!!!"

 

Ugh! "Bitawan niyo nga ako!"Pilit akong pumipiglas sa pagkakahawak nila May sa'kin.

Asaaar!

"WOOOH! PAGOD MUCH NA SI TANDERS!"Jude.

 

 

"WOO--"

 

 

 

"HOOOOOOOOOOY!"Si Ma'am Karyle na biglang sumulpot sa eksena.

Patay na.

Natahimik ang lahat at napatigil sa pagsusuntukan sina Jomarie at yung matanda pero parehas silang nakahawak sa kwelyo ng isa't isa habang nakatingin kay Ma'am na ngayon ay nasa pintuan.

Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Ejay.

"Haaay! *Inat-inat ng braso at leeg* Epal ka talagang Karyle ka kahit kailan. Lagi kang kontrabida sa kasiyahan namin. Pwede ba kahit minsan lang eh wag ka munang umepal sa mga trip namin? Basag trip ka e."(=__=)

 

 

Kung kanina ay nakatingin ng masama si Ma'am kina Jomarie ay mabilis na nalipat ang tingin niya kay Ejay.

Etong si Ejay lang talaga ang nakakatawag ng ganyan kay Ma'am. Kaya nga ayaw na ayaw ni Ma'am sa kanya dahil di manlang magawa nitong tawagin siyang Ma'am bilang respeto. Talagang sa pangalan lang talaga siya nito tinatawag mag mula pa noon. 'Yang si Ejay talaga ang laging kaaway ni Ma'am.

Mabilis na lumapit si Ma'am kay Ejay at piningot ito.

"Aaa! Aa! aray!aray!"

 

"Ilang beses ba na dapat kitang pangaralan para lang tawagin mo 'kong MAAAM?!!"

 

"Ack! Asa ka pa! Sh.t! Alisin mo Aray! Sasapakin talaga kita!"Ejay.

Natuon naman ang atensyon naming lahat nang tumawa yung karematch ni Jomarie dahilan para tanggalin na ni ma'am ang pagkakapingot niya kay Ejay.

"Hahaha! Ayan! Mapa-teacher o istudyante eh pare-parehong mga asal hayop! Bagay na bagay talaga kayo sa lugar na'to kung saan malayo sa mga tulad naming tao na ibang-iba ang pag-uugali kaysa sa inyo! Dahil kung malapit kayo sa'min ay mapapahamak lang kami!Kaya, hindi narin nakakapagtaka kung bakit maraming ayaw sa school na'to! Dahil pare-parehas lang kayong mga t.r.nta-"

 

 

"Ang daldal mo talagang gurang ka!"Sigaw ni Jomarie at muling sinuntok si tatang.

Susuntukin na sanang muli ni Jomarie sa tiyan si tatang ng tawagin siya ni Ma'am. "Jomarie."Seryosong saad ni Ma'am na ngayon ay nakatingin lang sa sahig. Napakaseryoso niya. Parang walang emosyon.

"Tama na. Bitawan mo na siya."Dagdag pa ni ma'am.

"Per-"

 

 

"Sabi ko, tama na."Sabi pa ni Ma'am at tumingin kay Joemarie.

"Ma'am..."Yun lang ang nasabi ni Jomarie kay Ma'am at lumayo na siya sa bugbog saradong matanda.

"Tch! Mga g.go! Nakakaawa ang mga tulad niyo! Dapat ang school na'to ay ginigiba na ng hindi na makapag-aral ang mga gag.ng istudyante mo! Ikaw na teacher ka! Isa kapang walang kwenta! Pare-parehas kayong walang kwenta!"

 

 

"Anong sabi mo?"Mahinahon na tanong ni Ma'am sa kanya. Unti-unti ng naglalakad si Ma'am papalapit dun sa matanda.

"Di kalang pala walang kwenta no? Bingi pa!"

 

 

Natawa si Ma'am ng bahagya. "Walang kwenta..."pag-uulit ni Ma'am sa sinabi ni Tatang at tumigil na sa paglalakad ng nasa tapat na siya nito.

"Oo! Mga walang kwen-Ack!kak!ack!"Napanga-nga kaming lahat ng makita naming iangat ni Ma'am yung matanda gamit lamang ang pagsakal nito sa leeg.

"Ackakakaak! Bi-bikak-tawan kak-ack! mo ko..."

 

 

 

"Ayoko ang tabas ng dila mo tanda..."

 

 

"...ayoko rin sa lahat na sinasabihan mo ang mga istudyante ko ng walang kwenta. Hindi mo sila lubusang kilala para magbitaw ka ng mga ganyang salita...at lalong lalo na AKO!"Mas-hinigpitan pa ni Ma'am ang pagkakasakal sa leeg ng matanda.

"Si-si Ma'am ba talaga 'yan?*gulp*"

 

 

 

"Nakakatakot siya. Naging ganyan din siya nung magpang-abot dito sa room sina Mika at yung transferring si Ash,diba?"

 

 

 

"Oo, nabigla talaga ko nun lalo na nung hatiin ni ma'am sa dalawa yung desk. Eeek! Kinikilabutan parin ako pagnaaalala ko 'yon."

 

 

"Sinubukan ko nga sa bahay na hatiin sa dalawa yung lamesa namin sa kusina tulad din ng ginawa ni ma'am.....ang sakit pala *pinakita sa mga kausap ang kamay niyang may bandage*"

 

 

"Eh nahati mo naman ba?"

 

 

"Hindi. Nasinturon pa 'ko ng nanay ko. Pinairal ko daw ang katangahan ko."(TvT ''')

 

 

 

"Pfffft. X)*niyakap ang classmate na umiiyak*"

 

 

 

"Grabe,super human talaga si Ma'am"

 

Rinig kong bulungan ng mga classmate kong babae.

Pinagmasdan ko si Ma'am. Pakiramdam ko tuloy ibang-iba siya ngayon.

"Ta-tama na...ack! Bi-binaba-ackak-bawi ko na ang sinabi ko..."

 

 

 

*Blag!*

Tunog ng bitawan na ni Ma'am yung matanda na ngayon ay nakasalampak na sa sahig.

 

Habos maghabol ng hininga ang matanda habang uubo-ubo ito.

"Umalis kana kung ayaw mong ipa-rehab kita."Dali-daling tumayo yung matanda at nagtatakbo palabas ng room.

Humarap si Ma'am Karyle sa mga bisita na ngayon ay nagkumpulan sa isang sulok dahil narin sa takot.

"*Gasp*"Kaming lahat habang nakatingin kay Ma'am, matapos niyang lumuhod sa harap ng mga bisita.

"Tss. Anu bang ginagawa niya? Nakakahiya."Mahinang sabi ni Ejay.

"Alam kong natakot kayo sa mga pinakita naming asal... kaya sana patawarin niyo kami. Bigyan niyo kami ng pagkakataon na maayos namin ang gulong dinulot ng mga bata ko,pakiusap."Saad ni ma'am sa kanila saka tumungo.

Ma'am...

pinapakita niya talaga ang pagiging mapagkumbaba niya.

"Na-naku, Iha naiintindihan namin kayo. Hindi mo naman kailangang gawin 'yan."Saad ng isang nanay ng isa sa mga istudyante dito kay Ma'am.

 

 

 

"O-opo ma'am,tu-tumayo na po kayo! Ta-tama lang naman p-po yung ginawa niyo sa matanda. S-siya naman po ang may kasalanan,hehe!"

(゜▽゜;) Sabi pa nung isang istudyanteng taga ibang school.

.

.

.

*Silence*

.

 

.

 

 

.

 

.

.

 

"Ahaha!"Mahinang tawa ni ma'am na nananatili paring nakatungo. Natatakpan na ng bangs niya ang mukha niya kaya hindi namin makita.

 

Nagulat naman kami.

"Ahahahahahaha!"

Hala! Si ma'am! (0.0)?

Tumawa ng tumawa si Ma'am at habang tumatagal palakas naman ng palakas ang tawa niya.

"Eeeek! (>_<;;) Anung nangyayari sa kanya?"takot na saad ng classmate kong si Pam.

Halos mawindang kami sa tawa ni Ma'am. Hindi naman namin magawang lumapit dahil nakakatakot siya. Pati tuloy mga bisita namin ay maslalong natakot.

"BWAHAHAHAHAHA!"“ψ(`∇´)ψ

 

 

 

"Ma'am! Anu ba?!"(>д<)Sabay sabay naming saway sa kanya.

Natigil naman siya sa pagtawa pero hindi manlang niya inaangat ang ulo niya. Naging tahimik na naman ang paligid. Hinihintay kasi namin na kumibo si Ma'am pero hindi parin?

Takte! Anu bang nangyayari sa kanya?! Nakakatakot na talaga!

(TwT)

Nagtuturuan na nga kami kung sino ang lalapit kay ma'am pero maraming natatakot.

"E-ejay! A-anu bang nangyari sa kanya? Ka-kausapin mo nga!"mamutla-mutlang sabi ni Andy sabay tulak kay Ejay.

 

"Ba-bakit ako ang tinatanong mo? Malay ko! Tsaka, a-ayoko nga!"

 

 "Heh! Wa-wag mong sa-sabihing natatakot ka?"Si Paolo na pilit ang ngise at pinipilit na 'wag mautal pero nauutal parin dahil sa takot.

 "G.go! Hi-hinde ah!Ikaw nga ngingisi ngisi pa eh halata namang natatakot ka!"Ejay.

 "Hi-hinde ah!"

 

 Natigil sila sa pagtatalo nang muli na namang tumawa si Ma'am.

"Ahihihi! Sinu yang kasama mo~!"

 

 "Aaaaaaaaaaa!"Σ(゚ロ゚」)Nagtakbuhan kaming lahat sa isang sulok at dun nagsama-sama. Bigla kasing tumayo si Ma'am pero nakatungo parin. NAKAKATAKOT!

"Mommy!~ Let's go home na!~ Huhuhu!"

。・゚・(ノД')・゚・。

Maiyak-iyak yung batang buhat buhat ni ate.

 "Sssh! Anak, gusto ko man pero hindi ko magawa!"(T.T)Sagot ng ina.

 Namaaaan! Maslalo ng natatakot ang lahat dahil kay ma'am! Anu ba kasing klaseng shinigami ang sumanib sa kanya?

 "Atin cu pung singsing~"Nagsigawan na naman kami ng bigla siyang kumanta.

 "F.ck! Anu bang nangyayari sa kanya?!"balisang saad ni Jomarie.

 "Metung yang timpucan"Nagsimula ng maglakad si Ma'am papunta sa'min na bagay na nagpapanic sa iba pa naming classmate at bisita.

"Waaaah! Gusto ko pang mabuhay! Ayoko pang majoge!"Maiyak-iyak na sabi ni Jude sabay yakap kay Gerald na agad naman ding sinapak si Jude.

"Tss. Chansing."(-.- x)Gerald.

 

"Amana que iti"

 

 

"Kyaaaa! Ayan na siya! Ayan na siya!"((유∀유|||))

 

 

 

 

"Muwahahaha!~"

 

 

 

"Aaaaah! Pagpag to! Pagpag! LUMABAS NA TAYO!"Anunsyo ko at nagsitakbuhan na kami papunta sa pinto para lumabas pero agad kaming napahinto ng biglang bumagsak si Ma'am sa sahig.

Nagtinginan kaming lahat sa isa't-isa. Bakas ang mga takot namin sa mukha.

"Ti-tingnan niyo."Saad ko pero walang kumikilos para tingnan si Ma'am kung humihinga paba.

"O-oy! Hi-hindi natin siya pwedeng iwan ng ganyan!"Dagdag ko pa.

"Eh? A-ayoko!"

"A-ako din!"

 

 

"Eh sinong titingin?!"

 

 

*Lahat ay tumingin kay Ejay*

 

 

 

"Ba-bakit ako?! *lumakad paatras palayo sa mga classmate*"

 

 

 

"Ikaw nalang ang pag-asa namin Ejay. Ikaw nalang."

 

 

"Putek! Sinabi ng ayoko!"

 

 

"Sige! Subukan mo! Ikakalat ko sa internet at dito sa school ang picture mo na wala kang brief!"

 

 

"ANOOO?!!!"Sigawan naming lahat matapos na sabihin 'yon ni Andy.

Tumingin kami kay Ejay na putlang putla na.  "Takte! Oo na! Sige na! Anu pa bang magagawa ko!TSK!"

 

 

 

Nakahinga naman kami ng maluwag ng pumayag narin siya sa wakas.

Lumapit na siya kay Ma'am na nakadapa sa sahig. Kitang kita pa namin ang panginginig ng tuhod ni Ejay habang papalapit kay Ma'am.

"A-ayoko na! Hindi ko kaya!"Sabi ni Ejay nang hindi masyadong nakakalapit kay Ma'am.

"Ejay."Tawag sa kanya ni Andy. Napatsk nalang si Ejay sa tinginan nilang 'yon ni Andy at muling naglakad papalapit kay Ma'am.

Nang makalapit na siya kay Ma'am ay niyugyog niya ito. "Ho-hoy! Tsk! O-oy!"Mautal-utal na tawag niya habang niyuyugyog ang ulo ni Ma'am.

Wala talaga 'tong respeto. (-,-)

"Lakasan mo ang pagyugyog!"Utos ng mga classmate ko sa kanya.

"P.ta! Kayo kaya gumawa?!"Ejay.

 

 

"Inuutusan mo kami? Sige ikakalat namin picture mo!";>Mga classmate ko.

 

 

 

"Ack!"Si Ejay sabay hilamos ng mukha sa sobrang inis.

 

 

 

"Hoy! Karyle!*yugyog kay Ma'am* Hoy! *yugyog* Kary--*gasp*"

((유∀유|||))

 

Nagsigawan kaming lahat dahil biglang hinawakan ni Ma'am ang kamay ni Ejay. Halos hindi naman makapagsalita si Ejay sa gulat.

"Hindi ako si Karyle. Ako...si Roxanne!"Matalim na sabi ni Ma'am habang nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Ejay.

(a/n: Roxanne sa Rhodora X)

"AAAAAAAA!"Sigaw ni Ejay at sinuntok sa mukha si Ma'am. "Ouch!"

"Aaaaaaah! Umalis na tayo! Umalis na tayo!"Dahil sa takot ay nagtakbuhan na kami palabas ng room. Para kaming nasa horror movies at si ma'am ang multo.

Takte! Baliw na nga ata talaga 'yon.

 †  Karyle's Pov  †

 

 

 

 

"Aish! Nabali ata ang panga ko!" Grabe! Siraulong Ejay 'yon! Nagawa pang manapak ng babae! Dx 

Naniwala talaga sila sa drama ko? Niloloko ko lang naman sila e! Naku! Di ko akalain na matatakutin pala yung mga batang 'yon. Keaangas matatakutin naman pala!

"Ma'am?!"

 

 

 

"Ay Puso ko nalaglag!"Magulat gulat kong sabi.

 

 

 

'A-anung nangyari? Bakit may pasa ka? Si-sinong gumawa niyan?"Si Sir Edward nang bigla itong pumasok sa loob.

Naku ka! Ang puso ko nagwawala! (*_*\) Ang swerte ng lola mo! Si Edward....ang vampire ng buhay ko ay nandito sa harapan ko! Nag-aalala!  Kyaaaaa!~

(*////*) Kilig mats! ;>

"Ahahaha! Wala to. Kalokohan ko kasi kaya ayan! Nagkapasa tuloy."Matawa-tawa kong sabi.

Ayoko namang ikwento yung pananakot sa mga istudyante ko. Nakakahiya kaya! Mamaya mawirdohan pa sa'kin si Edward my love...edi wala na! Biyak na naman niyan ang puso ko pagnagkataon.

"Halika! Gamutin natin 'yan sa Clinic."Yaya niya.

Eeeek!

"Sige lang~ kahit araw-araw mo kong gamutin."(>///>)

 

 

"Huh?"

 

 

Asdgggjudsjj!!!! Ang daldal mo talaga!  Buti nalang binge.

"Ahahaha! Wala!"

 

Kung araw-araw kaya akong magpasapak para araw-araw narin kaming magkasama ni Edward beybe sa Clinic!? Aaaaaay! x)

 Edi araw-araw ding basag ang panga mo! /(-..-) Oo nga nu? Ang gaga ko talaga.

************************************************************************************************

 † Takai Toraburu(Trouble High):Kabanata 29 

************************************************************************************************

A/N: 

Salamat sa mga readers ng kwentong to na walang sawa kung magcomment at salamat sa mga silent readers na hindi ko manlang makausap. XD Silent readers din ako kaya naiintindihan kita. Nkakatamad namn kcng magtype hahah! XD Yun lang!

SALAMAT PO! :))) 

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...