TROUBLE HIGH - UNDER REVISION

By PumpingLemma

169K 5.1K 624

~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na... More

Toraburu Kotoトラブル 高等 (Trouble High)
† Kabanata 1 †
† Kabanata 2 †
† Kabanata 3 †
† Kabanata 4 †
† Kabanata 5 †
† Kabanata 5 Part 2 †
† Kabanata 6 †
† Kabanata 7 †
† Kabanata 8 Part1&2 †
† Kabanata 9 †
† Kabanata 10 †
† Kabanata11 †
† Kabanata 12 †
† Kabanata 13 †
† Special Chapter †
† Kabanata14 †
† Kabanata 15 †
† Kabanata 15 Part 2 †
† Kabanata 16 †
† Kabanata 17 †
† Kabanata 18 †
† Kabanata 19 †
† Kabanata 20 †
† Kabanata 21 †
† Kabanata 22 †
† Kabanata 23 †
† Kabanata 24 †
† Kabanata 25 †
† Kabanata 26 †
† Kabanata 27 †
† Kabanata 29 †
† Kabanata 30 †
† Kabanata 31 †
† Kabanata 32 Part 1 †
† Kabanata 32 Part 2 †
† The Epic Ending Of Chapter 32 :3 †
† Kabanata 33 †
† Kabanata 34 †
† Kabanata 35 †
† Kabanata 36 †
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40: Kenji Sasaki
Kabanata 41: Kazuya
Kabanata 42
Kabanata 43: Siblings
Kabanata 44: Princess
Kabanata 45: Kaeru帰る (Return)
Kabanata 46: Day 1
Kabanata 47: Day 2
Kabanata 48: Day 3: We miss you!~
Ugh!
Kabanata 48 Part 2: Day 3
Kabanata 48 Part 3: Day 3
Kabanata 49 Part 4: Day 3
Kabanata 50 Part 5: Day 3
Kabanata 51 Part 6: Day 3
Thank you!
Boombayah!
Kabanata 52 Part 7: Day 3

† Kabanata 28 †

2.4K 75 10
By PumpingLemma

†TAKAI TORABURU(TROUBLE HIGH):KABANATA 28†

†Ash's Pov†

"Kyaaaaa~ ♥ Ang sexy ko no!?"Pagmamalaki ng aming president na bakla na si Jude habang nagrampa rampa sa harapan namin. Suot suot na niya kasi yung japanese maid costume na ginawa niya, dress siya tas may stockings na white pa hanggang tuhod at nakaheels pa siya na black. May wig pa siya na kulay Fenk (pink XD) na kasing haba ng buhok ni Sunako Nakahara. Maganda  na sana yung costume kaso pumanget nung siya na ang nagsuot. Joke. (-.-)v

 Ganun din daw ang porma namin. =__=  Naku, kung ipasok ko kaya yung takong sa butas ng ilong niya?

"*Lol!"

"Nakakasira ka ng araw!" Mga komento ng mga classmate kong lalaki at pinagbabato siya ng balat ng saging na saba na pinagkainan nila,na inakyat pa nila sa puno dito sa school.

May puno rin kasi ng saging dito sa school tapos sila ang mga unggoy. Minsan di korin talaga maintindihan kung school nga ba 'tong napasukan ko o Zoo. Hay life~( ~_~)

Bakit kasi may mga mukhang hayop at asal hayop? Nakakalito tuloy.

"Ack! Aray! Kung ayaw niyong masilayan ang malaboteng cocacola kong katawan...pwes lumabas kayo ng room!"Dx

"Oo! Lalabas talaga kami! Cocacola katawan pero ang muka tansan! BWahahaha! Tara mga repapips, sibat. XD"Sabi ni Jomarie at lahat ng lalaki ay tumayo na.

"Bwahahahahahah!" Tawanan nila pati narin ng mga classmate kong babae dito.

"Mga supoooooot!!!!" Sigaw ni Jude sa mga lalaki na nasa labas na ng room.

"Sige tawa pa!" Sita niya sa mga classmate naming babae.

"Eh nakakatawa naman kase!XD"Matawa-tawang sabi ni Lei.

"Leche."Saad ni June.

"So, ngayong nakita niyo na ang gawa kong costume...ibibigay ko na sa inyo ang mga isusuot niyong damit."Sabi pa ni June at pumalakpak ng dalawang beses. "Yaya! Ilabas ang costume!" May dalawang babae na pumasok sa room na mga nakasuot ng maid outfit habang may mga dala-dalang garbage bag. (-..-) Wtf! Dun pa ata inilagay yung costume namin. Inilapag nila yon sa teachers desk at lumabas na ng room.

Napakaarte ng baklang to. Kailangan talaga may tagahatid pa ng damit! Hindi niya ba kayang mag-isa buhatin yan? "Tss."

"Bakit sa garbage bag mo nilagay 'yang mga damit namin?! Eh kung ikaw kaya ang isako namin?!!!" Reklamo ni Lei at nagreklamo narin yung iba.

"Wag na kayo magreklamo! Buti nga libre patong costume niyo at di ko kayo pinagbayad!"Sigaw ni June.

"Grrr..Bwitre ka talaga! Tara! Isako natin siya!"Anunsyo ng isa kong classmate at sabay sabay na sumugod kay June.

"SUGOOOOOOD!" XDPatakbong sabi ni Lei papalapit kay June.

*Sigh*

*Face palm*

Ang sakit nila sa ulo. (-.-"")

"Ugh! Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ko! Yayaaa!Dx"Pagwawala ni June ng pagtulungan siyang isako nila Lei.  Kawawang President.

****

"ILABAS NIYO KO DITO!!! *POK! POK!* ILABAS NIYO KO!!!"Si Jude na nasa loob ng wardrobe na itim.Yup, tama ka ng basa. May wardrobe dito sa room. Dito lang sa pinakalikuran ko. Dun kasi siya kinulong ng mga walanghiya kong classmate. Yung mga classmate ko naman ay busy sa pagsusukat ng kanilang costume kaya balewala lang sa kanila yung nagwawalang bakla na nasa wardrobe. (-.-)

"Kyaaa! Anu , bagay ba sa'kin?"

"Oo, bagay ...eh sakin?" :>

"Oo!"XD

"Kyaaaa! Ang sexy ko!"

Haaay. Makauwi na nga. Mukang wala namang darating na teacher eh.

Tumayo na'ko at isinakbit na sa balikat ko ang bag ko. Palabas na sana ako ng room nang ako'y tawagin ni Lei.

"Hindi pa uwian. Sukatin mo muna kaya 'tong damit mo!"Hinagis niya sa'kin yung costume ko. Nasa harapan kasi siya kaya kinailangan niya pang ihagis papunta sa'kin. Nasalo ko naman ito.

(-___=)

Tinitigan ko yung damit. Yuck. Hindi mo 'ko mapapagsuot ng gan'tong damit no. Asa pa sila.

Ang laswa kaya ng costume na'to. Basta pagbakla ang gumawa ng damit sobrang sexy. Kasi naman...sobrang iksi ng dress na'to.

Initya ko kung saan yung costume na'yon at pagharap ko sa direksyon ni Lei......

*Boogsh*

Aray. (-__=X)

Tiningnan ko si Lei. "Ooops! Sore! Mehehe.."Saad nya sa'kin ng nakangiti at nagpeace sign pa.

Tch.

Kinuha ko yung isang pares na itim na sapatos na may takong na nasa lapag na hinagis niya at tinitigan ko din ito. Tapos ibinato ko ito papunta sa mukha ni Lei at lumabas na'ko ng room.

"He-hello!"Bati sa'kin ni Whenzie ng makalabas ako ng room.

"Anung ginagawa mo rito?"-_- Tanong ko. Kasi muka namang patungo siya dito sa room ko.

Tumungo siya at nilaro-laro muna niya ang kanyang mga daliri bago magsalita. "Mmm...kasi..ahm..bo-bo-"

"Anong bobo?!"Galit kong sabi at kinuwelyuhan siya agad. G.go pala to eh! Pumunta punta dito para lang sabihin sa'kin na bobo ako!!! Sabi na nga ba't may tinatago tong kasamaan!

"Ehhh? Hi-hindi yun ang ibig kong sabihin! " Dx

"Wag ka ng magpaliwanag! Ang lakas ng loob mong sabihan ako ng bobo!!!"

"Aaaaah! Hindi! TvT Ang gusto kong sabihin ay kung boyfriend mo ba si Riku?"Napakunot ang noo ko at binitawan ko na siya.

"Hindi!"Sagot ko agad.

Ngumiti naman siya sa'kin sabay buntong hininga.

Hmm? Anong nangyari sa babaeng to? <.<?

"Ahm..sige,salamat ate Ash!~"^o^Sabi niya at tumakbo na paalis.

 Problema nun?

"Baliw."

† Mika's Pov †

 Info.

 Name: Mika Guevara

 Age: 16

 Gender: Female

 Nationality: Filipino

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko siyang bumangon sa pagkakahiga. Tumingin ako sa kanya. Nginitian niya 'ko ng mapansin niya na gising nako. Napakaganda at napakaamo talaga ng mukha niya. No wonder kung bakit maraming nagkakagustong lalaki sa kanya.

Hinaplos niya ang kaliwa kong pisngi gamit ang malambot niyang kamay. Napabuntong hininga ako sa paghaplos niyang 'yon. Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa umabot na ang malambot niyang labi sa labi ko.

Sa tuwing hahalikan niya 'ko ng gan'to para kong matutunaw. Ipinikit ko ang mga mata ko habang ninanamnam ang bawat halik niya. Inabot ng mga kamay ko ang ulo niya at inilapit ko sa mukha ko. Habang tumatagal ang halik namin ay pabilis din ito ng pabilis.

"I love you..."Nakapikit kong sabi nang mapagod na kami sa paghalik. Naramdaman kong ipinatong niya ang noo niya sa noo ko at matagal lang kaming nakaganun.

Sa ilang minuto na halos magkadikit ang mukha namin ay hinintay ko parin ang response niya sa sinabi ko. Nagbabakasakali akong sabihin na niyang mahal niya ko, pero muli na naman akong nagmukhang tanga.

"Matulog kana."Malamig niyang sabi at hinalikan niya ang noo ko. Iminulat ko na ang mga mata ko ng maramdaman kong paalis na siya sa kama. Agad kong hinila ang braso niya papalapit sa'kin. Napatingin siya sa'kin na nakakunot ang noo. "Mahal mo ba 'ko?"

Inalis niya ang kamay ko sa braso niya at parang walang narinig. Para kong tanga na nakipag-usap sa hangin. Tumayo na siya sa kama. Kinuha niya ang bra, uniform at ang maskara niya na nakapatong sa bedside table at dumiretso na sa banyo ng kwartong 'to.

Napayukom ako ng kamay. Napapikit ako nang maramdaman kong tutulo ang luha ko. Sh.t.

"Alis na'ko. Magpahinga kana."Rinig kong sabi niya. Umupo ako sa pagkakahiga at tiningnan siya. Nasa pintuan na siya at nakatalikod na sa'kin. Bubuksan na sana niya ang pinto pero napatigil siya nang magsalita ako.

"Mahal mo parin talaga siya no? " Hindi siya umimik sa sinabi kong yun.

"Nagpapakatanga ka sa taong di ka naman mahal. Hindi ba pwedeng ako nalang ang mahalin mo,huh?!"

"Tumigil kana. 'Wag mong sagarin ang pasensya ko,Mika."Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin 'yon ng hindi manlang ako hinaharap.

Sa sobrang inis ko, kinuha ko ang lampshade na nasa bedside table ko at hinagis ko 'to sa pintuan. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko kaya't tuluyan na nga 'kong napaiyak.

Lagi nalang akong nagmumukhang tanga sa kanya. Umaasa na mamahalin niya rin ako tulad ng pagmamahal niya sa babaeng 'yon. Oo nga't may nangyayari sa'min pero alam ko naman na ginagamit niya lang ako. Ako naman 'tong g.go nagpapagamit. Mahal ko  kasi siya, yun lang 'yon. Kahit na ginagamit niya lang ang katawan ko ay hindi ko parin magawang magalit sa kanya at maslalo ko pang siyang minamahal.

* Cultural Festival *

† Ash's Pov †

Nakasibilyan ako. Wala lang, gusto ko lang sabihin. Simpleng Tshirt na violet lang ang pantaas na suot ko at pambaba naman ay Fante(panty) na mabulaklakin pa. Ang maniwala tanga . (-_-)  Syempre nakaJeans ako. Napakasiraulo ko naman para magpanty lang. Ano ako? Si darna? O sige tama na. Corny na'ko.

Lunes ngayon at ngayon na ang araw ng aming Cultural Festival. Dapat nga hindi ako pupuntang school ngayon, pinilit lang ako ng katabi ko dito sa kotse. Tsk! Eh wala naman kasi akong gagawin do'n at ayoko ring suotin yung malaswang costume namin. Kaya, eto ako ngayon mukhang dayo sa suot kung 'to..mukhang bisita lang.

Ipinark na muna ni Riku ang kotse at bumaba na kami.

"Ayos na ba 'tong porma ko?"Tanong niya at tumayo ng maayos sa harap ko tapos may isinapak siya na sigarilyo sa bibig niya. Tumango lang ako. Oo na bagay na sa kanya. Gwapo na siya.

Ang porma niya kasi ay naka...anu nga bang character ang ginagaya niya?

"Anu nga bang character 'yan ulit?" (-.-)? Tanung ko sa kanya.

"Sanji.";) Sabi niya at kumindat pa. Oo nga pala si Sanji nga pala. Nagpakulay pa nga siya ng buhok eh at nagpagupit pa. Kung anung kulay at style ng buhok ni Sanji sa One piece ay ganun din ang buhok niya. Anime theme kasi ang sa section 4-A sabi sa'kin ni Riku. Hindi naman daw siya dapat sasama dito kung hindi lang siya pinilit ng mga babaeng istudyante na taga section A, na classmate ni Yoshio na magcosplay na Sanji, kaya wala na siyang nagawa kundi umoo nalang. Hindi ko pa nga siya nakilala kanina nung madatnan ko siya sa bahay. Akala ko magnanakaw...

Magnanakaw ng puso..

Hahahaha! Anung nangyari sa'kin? (-..-)

"Kung ikaw si Sanji...malamang may lung cancer kana."Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko.  Ack! Takte! Totoo naman ang sinasabi ko. Mamamatay ka talaga kung araw-araw kang maninigarilyo.

"Kyaaa!~ Ang gwapo naman ng batang 'yon! <3__<3"Sabi nung mga lola na kabababa lang sa kotse nila.

Haay...sarap sabihan ng... "Lola, matanda kana. Child abuse yan~" Pero, alam ko naman ang paggalang sa matatanda.

Umalis na kami ni Riku sa parking lot at dumiretso na sa hallway papunta sa room ko. Marami naring istudyante ang bising bisi sa pagsasaayos ng room nila para sa mga bibisita sa school. May mga nakakasalubong pa kaming mga nakanurse outfit, taekwondo, may nakagown, may halloween, may naka army suit, cosplay at kung anu-ano pa.

Marami rin ang nagpapapiktyur kay Riku na mga istudyante dito samantalang ako naman ay natutulak na nila palayo kay Riku Sanji (-_=) hanggang tuluyan na nga kaming nagkahiwalay at kasabay nun ang pagguho ng aming mga pangarap. Wooooh! Drama! XD Wag niyo na kong pansinin.

Haaay.. inaantok pa'ko. Kung umuwi nalang kaya ako? Wala naman akong gagawin dito eh. (-..-)

Tumalikod na'ko para tumungo sa exit gate pero sa pagharap ko ay hindi daan ang nakita ko kundi dibdib... dibdib ng isang lalaki...na pahara-hara sa daraanan ko. -_=

Unti-unti kong inangat ang tingin ko papunta sa mukha nung lalaki dahil medyo matangkad ito sa'kin. Napakamalas na araw na'to.

"Alam ko gwapo ako kaya wag mo 'ko masyadong pagkatitigan. Nakakadiri."(=_=)

Ang kapal.

Pamilyar sa'kin ang ginagaya niyang anime char. at kung hindi ako nagkakamali...ang ginagaya niya ay si Luffy. Nakasandong pula na de butones kasi siyang damit, nakatokong na maong na medyo lagpas tuhod, nakatsinelas at nakasumbrelong pangmagsasaka.

Pfffft.  "BWAHAHAHAHAHAHAHAH!"Nakuha ko ang atensyon ng lahat ng istudyante dito sa hallway nang pagtawanan ko si Yoshio.

"Para kang tanga. Anu bang nakakatawa!?"Nanggagalaiting sabi ni Yoshio sa'kin kaya maslalo pa 'kong humalakhak.

"IKAW! MUKHA KANG MAGBOBOTE!"Halos pasigaw kong sabi habang natatawa tawa ako sa kanya. "Punta ka sa bahay. May mga bote ako ng mantika do'n! XD"  Hindi lang ako ang natawa kundi pati narin ang mga nakarinig at nanunuod sa'min, pero napatigil din naman sila sa pagtawa ng daanin sila sa tingin ni Yoshio. Sus, bakit ba takot na takot sila sa lalaking to?

Lumapit siya sa'kin at bumulong sa tenga ko.

 "Masyado mo ng inuubos ang pasensya ko. Humanda ka, asong walang dibdib."Umalis na siya matapos niyang sabihin yun sa'kin. Di ko alam kung maaasar ba ako sa pagkasabi niyang "asong walang dibdib" o matatakot sa "humanda ka" na tonong pagbabanta, pero ang alam ko lang ay tumawa ako ng tumawa sa kanya ng umalis siya. Yung atensyon ko kasi eh dun parin sa porma niya. Mukha naman kasi talaga siyang magbobote.

"Hoy!" Hmm? Napalingon ako sa likod ko ng may kumalabit sa'kin. Pagharap ko...hindi ko inaasahan ang sasalubong sa'kin. Napasinghap ako sa gulat. Narinig ko namang nagtatawanan na ang lahat habang tinuturo ako. Halatang aliw na aliw sila sa itsura ko.

Tiningnan ko ng masama itong babaeng nasa harap ko na nakakimono na naghagis ng banana pie sa muka ko. Kilala ko siya...sa mukha. Siya yung nasaposter sa main gate ng school at sa bulletin board na nagsasabing muse ng school na'to. Oo...masasabi ko ngang maganda siya pero PANGIT naman ng ugali niya!!!

Siya rin yung nakita ko sa isang kilalang brochure na nakita ko kay Lei nung mag-order siya ng pabango sa  classmate namin.

Yung ...anu ba 'yon? Ivon? Avon? Ahh oo.. Avon nga. Yung.. "Avon, pinaganda mo ang buhay ko!~"

Siya yung Model ng bra at panty do'n.

(-_-メ)

"Subukan mo ulit pagtawanan ang  boyfriend ko...hindi lang 'yan ang ipapatikim ko sa'yo."Nginisian niya 'ko at naglakad na paalis. Mas nakaramdam pa'ko ng inis ng banggain niya pa'ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. Muli na naman akong nakatanggap ng malalakas na tawanan. Syempre, hindi naman ako papayag na ganun ganun nalang. Kilala niyo naman ako diba? Hindi ako yung taong hahayaan nalang akong api-apihin. Gusto ko ako mismo ang nang-aapi. Nang-aapi sa mga tulad niyang saksakan ng kademonyohang ugali!

Kaya, heto ako ngayon...tumatakbo...tumatakbo papalapit sa pinagmamalaki nilang muse! Na girlfriend daw(?) ni Yoshio!

"HOY! AVON! TIGEEEEL!!!"Sigaw ko sa kanya para patigilin siya sa paglalakad kaya't napatigil naman siya at paharap na sana sa'kin pero hindi na niya natuloy nang bigla akong sumampa sa likod niya at sinabunutan siya agad. Yeah, Avon na ang tawag ko sa kanya. Tutal hindi ko naman alam ang pangalan niya kaya yun nalang.

"Aaaaaaa! O-ouch! Bumaba ka! Anu ba! Aray!"Hindi ko siya pinakinggan at sinabunutan ko lang siya. May mga istudyanteng natulala sa ginawa ko sa muse nila at may ilan naman na inaawat na 'ko. Maraming kakampi ang babaeng 'to. "Asar kang babae ka! Kakalbuhin kita!"

"Aray! Aaa!"Pilit niyang inaalis ang kamay ko sa buhok niya pero hindi ako magpapatalo. Masyado talaga akong naasar sa ginawa niya kanina sa'kin. Akala niya ba papalagpasin ko nalang 'yon? Hindi!

Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakakapit ng hita ko sa bewang niya.

"Parehas kayo ng boyfriend mo! Mga panget ang ugali! Dapat sa inyo kinakalbo!"Sabi ko at sinabunutan ko pa siya ng major major.

"Sh.t,  Stop it Ash!"Rinig kong sigaw ng taong nasa likod ko at hinawakan ang magkabilaang braso ko. Halos pahagis niya akong tinanggal sa pagkakasampa sa likod ni Avon. Buti nalang talaga at nasalo ako ni Riku na nasa likod ko lang pala. Kung hindi ay malamang dumiretso na'ko sa lapag.

"Yoshio."Mabilis na pumulupot si Avon sa braso ni Yoshio at umiyak. Ayos ah. Anggaling umarte.

Tumingin sa'kin ng masama si Yoshio."Wala kana talagang magawang matino! Pati ba naman girlfriend ko pinapakealaman mo!"

What the!

"Hoy! Hindi ko naman gagalawin 'yang syota mo kung hindi ako tinapalan ng pie sa mukha!"Tinuro ko ang mukha ko. Pinamukha ko sa kanya yung mukha kong punung puno ng pie at malagkit narin. Naramdaman ko yung hawak ni Riku sa mga braso ko. Pinipigilan akong sumugod.

"Totoo ba'yon?"Tanong niya kay Avon.

"Hindi. Ang totoo nga *sob* niyan...napatid lang ako kaya hindi ko sinasadyang matapal sa mukha niya yung pie na ginawa ko para sa'yo. *sob* Nagsorry ako ng nagsorry sa kanya pero *sob*hindi niya tinanggap at ...at *sob* ...nagulat ako ng sampalin niya ako at sabunutan..."Napanganga ako sa babaeng 'to. Kulang nalang ay pumalakpak ako sa sobrang pagkamangha sa kanya. Ang galing niya kasing umarte!!! 

Sinampal daw? Napatid? Nagsorry?

Kailan yun? Wala akong natatandaan na nangyari 'yon?!

"Sinungaling ka!"

"Tumahimik ka na!"Sigaw sa'kin ni Yoshio. Padami na ng padami ang mga istudyanteng nanunuod sa'min.  Naramdaman ko naman na humigpit ang mga hawak ni Riku sa mga braso ko.

"Subukan mo ulit na saktan siya h-"Hindi na natuloy ni Yoshio ang sasabihin niya nang biglang magsalita si Riku na nasa likod ko lang.

"Ano, Yoshio? Sasaktan mo siya? Heh. Alalahanin mo kung sino ang sinasabihan mo."Yun lang ang sinabi ni Riku sa kanya habang sila ay nagtititigan. Alam ko naman kung anung ibig sabihin niya do'n. Pinapaalala niya lang kay Yoshio na anak ako ng pinuno nila.  "Tch!"Reak ni Yoshio.

Natuon ang atensyon namin ng sumingit tong babae na'to. Nahihilo daw siya kaya't nagpasama siya kay Yoshio sa clinic.

Pinaalis naman ni Riku yung mga istudyanteng nanunuod sa'min. Tumingin ako kina Yoshio at Avon na naglalakad na palayo sa'min ngunit nagulat ako at nainis din nang lumingon si Avon sa direksyon ko at nginisian ako.

Napayukom ako. Gusto ko siyang sabunutan ulit at sapakin ang mukha niya hanggang sa mabali ang bungo niya. Nakakairita ang babaeng 'yon! Bagay na bagay nga sila. Mga hunghang!

"Ano ba kasi ang nangyari?"Seryosong tanong sa'kin ni Riku. Sinabi ko naman yung totoong nangyari kanina. Napabuntong hininga nalang siya. "Pagpasensyahan mo nalang si Yoshio. Pagdating talaga kay Francine wala 'yang pinaniniwalaan kung di siya lang. Ako na ang nagsosorry, Miro-Hime."Francine pala.

 Pagpasensyahan huh!? Meron ako nun pero ubos na ubos na. Hindi nalang ako nagsalita sa sobrang pagkabadtrip ko sa dalawang 'yon. Buti pa'to si Riku sobrang bait sa'kin.

"Halika. Linisin natin 'yang mukha mo."Hinawakan niya ang  kamay ko at hinila ako papunta sa 10th floor ng building 7. Ang silid kung saan madalas na tambayan daw nilang apat nila Yoshio. Pagpasok ko sa loob ay hindi ang inaasahan kong mga desk, upuan at blackboard ang makikita ko, kung hindi sofa set, flatscreen na tv at kung anu ano pa na karaniwang makikita mo isang bahay. Akala ko tanging sa silid lang ng principal dun sa building 1 ang may ganito. Pati din pala sa pinakahuling palapag ng building 7 meron din. Teka nga, ako ang amo ng apat na'to kaya dapat meron din akong gantong silid..diba?

(-_+)

Andaya.

Pumunta na'ko sa cr ng room na'to at naghilamos. Binigyan narin ako ng pampalit na damit ni Riku, dahil nadumihan nadin ito ng pie. Tinanong ko naman siya kung sa'n niya nakuha 'tong tshirt na'to na mukhang sa babae pa ata, kasi may print na "I took his virginity" (=__=) na may arrow pa na nakaturo sa kaliwa. Eh saktong nasa kaliwa si Riku. Natawa naman siya at sabing "Naiwan 'yan ng isa sa mga babae ni Shiro,haha!"What the eeeeef!

Babalik na sana ako ng cr para magpalit ng damit dahil masnandidiri pa'ko sa damit na'to nang pigilan ako ni Riku. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. 'Wag na daw akong magpalit at tiisin ko nalang daw muna kaysa naman suotin ko 'yong damit kong may mantsa na ng pie. Langgamin pa'ko. Atsaka, ito nalang daw yung damit na nandito wala na daw iba kaya pagtyagaan ko nalang. Psh!

Pinaupo na muna niya 'ko at tumakbo siya papunta sa kwarto ng silid na'to. Magpapalit lang din daw siya ng damit at init na init na siya sa suot niya.

Habang naghihintay ako, nagbasa muna ako ng libro na nakuha ko sa minni bookshelf dito. Sumasagi din sa isip ko yung nangyari kanina. Hindi ko akalain na marunong palang umibig yung taong may dalaw na'yon. Ni ngayon ko nga lang nalaman na may girlfriend pala 'yon. Iniimagine ko na kung pa'no maging sweet si Yoshio kay Francine. Napangiwi ako sa naimagine ko. Yuck. Hindi bagay sa mukha niya ang maging sweet. Nakakatawa lang kung iisipin. Muka siyang natatae na ewan.

Pero, pano kung si Riku may girlfriend na pala, tapos hindi ko pa alam. @#&#*@!!@&@! Aaaaa! Bakit ko ba iniisip 'yon? Kader der ka Ash. Kung anung pumapasok sa utak mo! (-.-)

 Ilang sandali lang ay naaninag ko na umupo sa tabi ko si Riku kaya naman napatingin ako sa kanya. At bakit nakangiting aso to?

Tinuturo niya yung damit na suot suot niya habang ngingiti ngiti at taas baba pa ang kilay sa'kin. Tiningnan ko 'yon. Halos mag-init ang mukha ko at umusok ang ilong ko sa bwiset na lalaking 'to.

Binatukan ko siya. "MAGPALIT KA!"Sigaw ko. Panu ba naman kasi ang nakasulat sa tshirt niya eh "I took her virginity"at may arrow din 'to na nakaturo sa kanan...sa'kin. (-.-x)

"Ahahahahahahh!"Tinawanan lang niya ako ng tinawanan. Nyemas! Bastos 'tong hayop na'to. Hindi na'ko ginalang.

"Magpalit ka! Sasapakin talaga kita!"Banta ko sa kanya pero tawa parin siya ng tawa.

"Wag mo kasing bigyan ng malisya yung nakasulat sa tshirt natin. Bakit, may nangyari ba?...;)"Tanong niya na may pagngisi pa. Nagulat ako dun kaya nabatukan ko nanaman siya.

"Wa-wala. Pero magpalit kapa rin!"Mautal utal kong sabi at mabilis na tumingin sa librong binabasa ko.

"Oh yun na pala eh. Kaya tara na at wag mo nalang pansinin 'to."Tinutukoy niya yung nakasulat sa tshirt namin. Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa tenga ko at nanlaki ang mata ko sa ibinulong niya"Mag react ka kung talagang may nangyari sa'tin."hinipan niya ang tenga ko na ikinainit lalo ng mukha ko. Tumawa na naman siya ulit ng makita niya ang namumula kong mukha.

Hindi ko alam pero nakaramdam talaga ako ng hiya. Shet!

Umalis na kami sa building 7. Naiirita ako kay Riku dahil pilit talaga siyang pumupwesto sa kaliwa ko para matapat sa kanya yung arrow sa damit ko. Nyeta!

Maraming napapatingin sa'min, lalong lalo na sa damit naming dalawa. Eh kabastos bastos naman kasi 'tong damit na'to. Bastos kasi yung may ari nito eh! Talagang Shiro na'yon wala 'kong masabi. Patay talaga 'yon sa'kin. Ihahambalos ko sa kanya 'tong damit na'to ng di oras.

"Pre, tingnan mo.">.>

"Saan?"<.<?

"Tanga, dito."=_=

"Hala, may nangyari na sa kanila? Di nga?"O.o

"Girl, hindi na virgin si Riku."(´Д`。)

"Whaaaat? Naunahan tayo?!"

At nagsunud sunod pa ang mga bulung bulungan tungkol sa'min.

"Pfffft. pfft."X)Nagpipigil ng tawa si Riku.

Isang malakas na siko sa tiyan ang ginawa ko kay Riku. Nagagawa niya pa talagang matuwa sa mga naririnig niya. Utak mani talaga 'tong lalaking 'to!

"Manahimik kayo! WALANG NANGYARI SA'MIN!"Sigaw ko sa kanila at tumakbo na para pumunta sa room. Bwiset naman oooooh!!!

† Third Person's Pov †

Sa isang sikat na Hospital na pagmamay-ari ni Ginoong Miko Takagi....

"Sigurado kaba sa sinasabi mo?"Hindi makapaniwala si Ashton sa sinabi ni Miko Takagi. Kararating lamang nito galing Japan para puntahan si Takagi sa Hospital, nang makatanggap siya ng text message galing dito. Kung hindi lang naman kasi tungkol sa kanyang anak ang mensaheng 'yon ay hindi siya mag-aabalang pumunta dito.

"Oo. Resulta yon ng pagkapalo at pagkauntog ng ulo niya. Kahit ako ay nagulat din. Hindi ko inaasahan na maaalala niya pa'ko."Saad ni Miko na may pilyong ngiti sa mga labi at naglagay ng redwine sa baso ni Ashton at sa kanya. Nakaupo lamang ang dalawa sa kulay puting sofa dito sa loob ng silid ng Hospital. Isang silid kung saan laging namamalagi ang Doktor na si Tagaki, ang main office ng kaisa-isang doktor na kinikilala at iginagalang sa Pilipinas at sa bansang Japan.

Info.

Name: Miko Takagi.

Age: 33

Gender: Male

Clan: Hanoji-gumi

Position: Wakagashira(The first lieutenant of the Clan)

Nationality: 25% Filipino - 75% Japanese

"Tch. Mas mabuti pang wag ng bumalik ang alaala niya kaysa...."Sabi ni Ashton na nakakunot noo. Mas mabuti na ngang wag ng bumalik pa ang alaala ni Miro kaysa maalala pa nito ang mga bagay na makakaapekto sa buhay niya. Ang tanging gusto lang ni Ashton sa anak niya ay mamuhay ng tahimik. Ayaw niyang maging magulo ang buhay ng anak niya. Ayaw niyang magaya ang buhay ng anak niya sa buhay niya ngayon....buhay na walang katahimikan..... buhay na puro gulo....at buhay na nalamatan na ng dugo.

"*smirk* Kaysa ano, Ashton?"Tanong ni Miko sabay inom ng alak. Natatawa talaga siya pagnakikita niyang nagkakaganto ang kababata niya pagdating sa inaanak niya. Gantong ganto rin kasi ang awra ng mukha ng kaibigan niya noong makita nilang may kasamang ibang lalaki si Kaori nung nasa High school palang sila, at ang mas nakakatawa pa do'n ay nung malaman nilang bakla pala yung kasama ni Kaori. Natawa nalang siya ng bahagya ng maalala niya 'yon.

"Nani ga son'nani okashi no?(What's funny?)"Tinitigan siya ng seryoso ni Ashton.

"Wala naman."Mangiti-ngiti naman niyang saad dito. Kinuha niya ang wine glass niya at pinaikot ikot ang pulang likido dito habang ito'y pinagmamasdan.

"Huwag mong sabihing...natatakot ka na maalala niya ang mga bagay na'yon?"Tanong pa niya kay Ashton.

Oo..natatakot siya. Natatakot siya dahil maaaring 'yon ang magtulak kay Miro para maging isa sa kanila.

Imbes na sagutin niya si Miko ay inubos nalang niya ang alak sa wine glass niya.

"Aren't you happy for your daughter to be one of us? *Chuckle* Infact, she have a ability to fight, like her sist--"Hindi na natapos ni Miko ang sasabihin niya ng ihagis ni Ashton ang wine glass nito sabay sigaw....

"SHUT THE F.CK UP!"

"Hinding hindi mangyayari 'yon."Muling saad ni Ashto.

Bakit ba may mga taong pilit na itinutulak ang anak niya sa ikapapahamak nito? Hindi ba nila naiiintindihan ang nararamdaman niya ? O siya lang talaga ang nag-aalala sa kaligtasan ni Miro? Bakit ba mas tuwang tuwa pa sila na maging Yakuza si Miro? G.go ba sila!?

"Pwede bang huminahon ka muna?"Saad ni Miko. Gusto niya sanang sabihin dito sa kumpare niya na napakaO.A nito magreact at may pabasag basag pa ng baso nalalaman kaso wag na dahil baka magbasag na naman ito ng baso. Kung nandito lang ang asawa niyang si Shane, tiyak na tatalakan at bubugbugin siya nito dahil pinabasag niya lang ang baso kay Ashton. Nakikiinom na nga lang babasagin pa ang baso niya.

"At pa'no naman ako hihinahon kung ganyan pa ang maririnig ko sa'yo! Hindi ko nga alam kung sino ang mas kinakampihan mo sa'min dalawa ng matandang 'yon. Tch."Sabi ni Ashton habang hinihilot hilot ang gilid ng kanyang noo.

Natawa naman si Miko sa sinabi niya."Pare, nagseselos kaba? Don't you worry~ mas love kita kaysa kay  papa~ Halika ka nga dito~ヾ(*´∇')ノ"Malambing na sabi ni Miko at akmang yayakapin siya nito pero agad na tinadyakan siya ni Ashton.

 "Gag. !Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!"Panggagalaiti nito kay Miko. Alam naman niya kasing inaasar na naman siya nito.

Tinawanan lang siya ni Miko.

"Hahahahha! Ah, Onga pala."Sabi ni Miko na para bang may naalala. Tumayo ito at may kinuhang envelope sa mesa niya.

Hinagis niya ito sa center table na iniinuman nila. Napakunot noo naman si Ashton.

"Ano to?"Tanong ni Ashton.

"Tingnan mo."Sabi ni Miko at umupo na sa sofa na katapat lang sa kinauupuan ni Ashton.

Napangisi si Miko sa reaksyon ng mukha ng kaibigan matapos makita ang mga litrato. Halatang hindi ito makapaniwala sa nakita.

"Hangang hanga talaga ako sa anak mo, Ashton. *Chuckle* She never fails to amaze me."

*********************************

Takai Toraburu(Trouble High): Kabanata 28

*********************************

Author's Note:

Luuuuh!~ Σ(゜ロ゜;) Anu kaya 'yon?

May namumuong pag-ibig between Ashton and miko?!

Aaaah~ (*..*)  Bromance na ituuu~ wahahah!

XD

Enewey, XD Lol...musta mga tropa? Miss ko na kayo! ;>

Pinangarap kong maging seryoso ang storyang to pero bakit di ko magawaaaaa!? (;´Д`ヘ)

Tsk.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...