IMAGINES ft. BeaDdie [EDITING]

By heiheidarooster

161K 3.1K 692

BEADDIE ONE SHOTS THIS IS A WORK OF FICTION. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesse... More

Halaga (BeaDdie)
Bea As A Girlfriend
This I Promise You
Imagination
Family
Is It A Yes or A No?
Perfect
Mad Madzilla
Our Greatest Love Story
Happier
Nothing
Jealous
True Love
Our Love Story
The Game
Stay
Back
What Happened In Cebu
We Will 'Cause We Can
With You, I Am Me
Fate Won
Begin Again
Jealous BEAst
Our Love Story II
Jealous BEAst... Again.
BdL with a block!
All Too Well
This Time
It's A Date!
Happier... You Look Happier
Sad Beautiful Tragic...
Finale
My Baby
I'm Sorry
Tudududun
Lucky
F*ck These Bashers
"am I?"
Siblings, huh..
This Will Last
Just Another Day With BeaDdie [Republished]
Insecurities
😅
Call It What You Want
We Were Both Young
🌈
YBWM???
The Moment I Knew
TOSOTD
Firsts of Last
Good Cop, Bad Cop
You and Me
You and Me II
Madzilla with a block!
The Fighter, the player, and the gorgeous. ALL IN ONE!
No One Asked For This.
Crashing
I Love The Way You Love Me
Isa Pa!
[B E A D D I E]
JhoDdie... wut?!
PRIDE MONTH! 🏳️‍🌈
Marry Me
BEADDIE PA RIN.
BD Universe ✨
From Ateneo to Here
Pagsuko
17 And More
Pebble
Partner
Best Duo For Life
LQ
Through Ups and Downs
The Twist
Love
Water Bottle
:)
With You
"you are my partner, everyone knows that"
Is It Over Now?
IT'S NOT OVER!!!!
Promises, promises, promises...

Madeleine Yrenea ni Isabel Beatriz

3.1K 49 5
By heiheidarooster

Since tawang tawa or should I say, kinikilig talaga ako sa "Madeleine Yrenea ni Isabel Beatriz" na yan kasi tunog classic couple sila nung panahon ni Rizal, I decided to make a one shot about it.

In this story, babalik tayo sa nakaraan. Back in Spanish era here in the Philippines. 😁 August ngayon, mag Filipino tayo. (Kahit ang hirap) 😂

---------
"Yrenea, hintayin mo 'ko" sigaw ni Isabel na nakatawag sa pansin ng dilag.

Lumingon si Yrenea sa hinihingal na Isabel.

"Sabay na tayong pumasok sa Ateneo" saad ni Isabel

"Doon ka rin pumapasok?!" maligayang tanong ni Yrenea.

"Oo. Sinabay ako ni kuya Luis noong nagpunta sya sa Ateneo. Pumayag naman si Papà kaya magiging magkaklase na tayo!" kwento ni Isabel

"Nakakatuwa nga yan, Isabel! Akala ko mag isa lang akong papasok dun kaya medyo malungkot ako. Pero ngayong nandito ka na, ang saya ko na! Tara na at baka mahuli tayo sa klase." aya ni Yrenea

Nagtungo na sila sa kanilang paaralan.

"Magandang araw mga señorita." bati sa kanila ni Jose Rizal. (A/N: Atenean rin si Rizal eh kaya sama na natin sa story. 😂)

"Magandang araw rin sa inyo, Ginoo." ganting bati ni Yrenea, si Isabel naman ay tumango lamang. Iba kasi talaga ang pakiramdam nya kay Jose. Para bang ito'y may malalim na iniisip palagi at higit sa lahat, parang may gusto ito kay Yrenea.

"Mas maganda pa kayo sa umaga. Nakakamangha ang inyong mga katangkaran. Ako nga pala si Jose Protacio Rizal" pagpapakilala ni Rizal na yumuko pa at tinanggal ang kanyang sumbrero.

"Nagagalak kaming makilala ka, Jose. Ako si Madeleine Yrenea Madayag.." pagpapakilala ni Yrenea. Tiningnan nya naman si Isabel ngunit parang wala yata itong planong magpakilala, kaya sya na ang nag salita para dito. "..at ito naman si Isabel Beatriz de Leon"

"Kaya pala ang tatangkad ninyo. Kayo ay mga mestiza." parang namamanghang saad ni Rizal na nakapako pa rin ang tingin kay Yrenea.

"Pumasok na tayo. Ayokong mapagalitan ni maestro." aya ni Isabel sabay hila kay Yrenea.

Tumango naman si Jose sa kanila.

"Si de Leon.. Anak sya ng alferez, (A/N: alam nyo naman yung alferez diba? Yung chief ng mga guardia civil).  Makapangyarihan ang kanyang pamilya. Si Madayag, galing sa angkan ng mga mayayamang intsik na mangangalakal.. Napakaganda nyo mga binibini. Nakakalungkot lang isipin sa aming mga ginoo na hindi kami ang magpapasaya sa inyo." makahulugang turan ni Rizal habang nakatanaw sa dalawang dilag na naglalakad palayo.

Matalino si Jose kaya madali nyang mapansin ang mga nasa paligid nya. Alam nyang may iba dun sa dalawa. Nalulungkot man sya na wala na syang pag asa sa dalawang dilag, ngunit ipinapanalangin nya pa rin na sana ay magkaroon sila ng maganda at maligayang buhay sa piling ng kanilang mga iniibig.

Samantala..

"Parang iba ang tingin sa iyo ni Jose. Di kaya ay may gusto sya sa iyo?" tanong ni Isabel

"Malabo iyan. Ang sabi sa akin ng kaibigan kong si Teresa ay may iniibig na iyang si Jose." sagot ni Yrenea.

Nagdadalawang isip man ay tinanong pa rin ni Isabel ang nasa isipan nya.

"Kung wala ba syang ibang iniibig ngayon, magugustuhan mo rin ba sya?" tanong ni Isabel. Natatakot sya sa maaaring isagot ni Yrenea ngunit hindi nya malalaman ang sagot kung hindi sya magtatanong.

"Maayos naman si Jose. Kahit sinong babae ay mapapaibig nya ngunit hindi ako kabilang roon. Hindi kami maaari. Sa tangkad pa lang ay parang hindi na kami pwede." sagot ni Yrenea.

"Pati pala katangkaran ay kasama sa iyong mga pinagpipilian. Napakapihikan mo naman. Ano ba ang katangkarang iyong hinahangad para sa iyong magiging katipan?" tanong ulit ni Isabel. Gusto nyang malaman ang mga gusto ni Yrenea.

"Ang nais ko ay yung kasingtangkad ko. Ayaw ko ng masyadong matangkad o masyadong maliit." sagot ni Yrenea

Parang nabuhayan naman ng loob si Isabel. Tila ba nagpaparinig si Yrenea sa kanya! (A/N: Panahon pa lang ng Kastila, medyo conceited na itong si Isabel. 😂)

"Ahh. Mabuti nga 'yan. Tama nga naman." yan lang ang tanging naisagot ni Isabel. Mali man ang umasa ngunit gusto rin naman ito ni Isabel.

Pumasok na sila sa kanilang silid aralan.

A/N: Fast forward.. (Ano ba sa Filipino yang fast forward? 😂)

Makalipas ang ilang buwan ay naging mas malapit pa ang dalawa. Tila ba'y nakasanayan na nila ang presensya ng isa't isa palagi.

Dapit hapon na at naglalakad ang dalawa pauwi. Nakatingin sila sa papalubog na araw.

"Yrenea, may nais sana akong sabihin. Alam ko na ikaw ay maaring magalit at lumayo ngunit wala akong pagsisisihan kung mangyari man iyon." pag uumpisa ni Isabel.

Napagdesisyonan nyang sabihin na ang lahat kay Yrenea. Pagod na syang magtago.

"Kung ano man iyan Isabel, baka naman maintindihan kita. Sabihin mo lamang ang iyong nais. Handa naman akong makinig." saad ni Yrenea

Huminga ng malalim si Isabel.

"Yrenea, hindi ko alam kung normal lamang ba itong nararamdaman ko. Tila ba'y mahal na kita. Alam kong hindi ito normal sapagkat parehas tayong dilag ngunit ano ba ang magagawa ko? Iniibig na yata kita at kung lumayo ka man sa akin, mauunawaan ko. Hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa iyo." nakayukong saad ni Isabel.

"Si Jose." umpisa ni Yrenea

Parang nawalan naman agad ng gana si Isabel. Akala nya ba ay hindi magugustuhan ni Yrenea si Jose?

"Wag ka munang mag isip ng kung ano. Si Jose, tama sya." pagpapatuloy ni Yrenea

"Ano ang ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Isabel

"Si Jose. Kinausap nya ako noong nakaraang buwan. Sinabi nya sa akin na mukhang wala ka rin naman daw balak sabihin sa akin yung totoo kaya sya na lang ang nagsabi. Sinabi nya na alam nyang mahal mo ako. Nahalata nya ito noong una natin syang nakita. Hindi ako naniwala noong una ngunit ipinaliwanag nya lahat sa akin at ngayon, alam ko na. Totoo nga." pagtatapos ni Yrenea

Nagulat naman si Isabel sa narinig.

"Ano? Ngunit bakit di mo ako nilayuan? Hindi ka ba nandidiri?" tanong ni Isabel

Umiling naman si Yrenea

"Bakit naman ako mandidiri kung una pa lang ay 'yun na ang pangarap ko? Matagal na kitang iniibig Isabel." saad ni Yrenea

Laking gulat ni Isabel sa narinig.

"Totoo ba iyan, Yrenea?!" - Isabel

"Oo, Isabel. Akala ko nga ay di ko na masasabi sayo ang mga salitang ito. Mahal kita, Isabel Beatriz." saad ni Yrenea

Hindi makapaniwala si Isabel sa mga tinuran ng kausap nya.

Agad nyang niyakap si Yrenea dahil sa tuwa.

"Salamat sa pagsabi ng katotohanan, Yrenea. Mahal kita. Mahal na mahal." saad ni Isabel.

Humiwalay sila sa yakapan. Nagkaharap sila.

Hinahaplos ni Isabel ang mukha ni Yrenea.

Hanggang sa unti unting nagkalapit ang kanilang mga mukha at naglapat ang kanilang mga labi.

Naghahalikan sila sa gitna ng kalsada at tila ba ay nakalimot na ang kanilang pag iibigan ay hindi angkop sa lugar at panahong kanilang ginagalawan. (A/N: Isang oras kong inisip 'tong paragraph na 'to. 😂😂)

"Kalapastanganan! Ano ito, Isabel?!" umalingawngaw ang sigaw ng isang lalaki.

Agad natigil ang dalawa dahil sa narinig. Sa boses pa lang, kilala na agad ito ni Isabel.

"Papá" sabi ni Isabel at saka humarap sa lalaking nagsalita.

"Isabel! Ikaw ba ay nahihibang na?! Napakalapastangan ninyo!" sigaw ng ama ni Isabel, si Ernesto.

"Ngunit papá, nagmamahalan kami ni Yrenea." pagtanggol ni Isabel. Handa syang suwayin lahat ng batas para sa iniibig.

"Nasisiraan ka na talaga ng bait! Babae kayo! Damputin 'yang babaeng iyan at ikaw Isabel, sumama ka sa akin sa bahay! Doon tayo magtutuos!" ma otoridad na utos ni Ernesto.

At bilang alferez, agad syang sinunod ng mga guardia civil.

"Hindi! Hindi nyo sya maaaring kunin!" pagharang ni Isabel. Ngunit malalakas ang mga guardia kaya nadampot pa rin nila si Yrenea na kanina pa tahimik at tila ba'y alam na na ganito ang mangyayari.

"Dalhin nyo si Isabel sa bahay!" utos ni Ernesto at agad naman nilang dinampot si Isabel.

Sinubukan nyang pumalag ngunit wala syang nagawa. Sa huling pagkakataon, tiningnan nya si Yrenea na isinasakay sa karwahe.

Nakayuko lamang ito. Mayaman naman ang pamilya ni Yrenea at alam nyang makakalaya rin ito agad kung hindi mangingialam ang ama nyang alferez.

Nakarating na sila sa kanilang tahanan at pag pasok pa lang ay agad syang nakatikim ng malakas na sampal mula sa kanyang ama. Napatumba sya dahil sa lakas.

"Napakalapastangan! Hindi ka ba nag iisip na 'pag nakita ng mga indio ang inyong ginawa ay mawawalan sila ng respeto sa akin?! Nakakahiya!" galit na sigaw ng ama nya.

Tahimik na naiyak si Isabel. Hindi dahil sa sakit kundi dahil sa iniisip nya ang kalagayan ni Yrenea ngayon.

Nagpatuloy ang ama nya sa kakapangaral ngunit hindi na nya ito inisip. Si Yrenea ang nasa isipan nya ngayon.

Samantala..

Dinala ng mga guardia civil si Yrenea sa Intramuros.

Sa buong biyahe papunta roon ay wala syang angal. Alam nya na mangyayari ito. Binalaan sya ni Jose tungkol dito.

Sya ay ibinilanggo sa Intramuros. Maliit lamang ang kulungan at gasera lamang ang nagsisilbi nyang ilaw.

Mahal nya si Isabel. Walang duda roon. Handa nya itong ipaglaban kahit buhay man nya ang maging kapalit.

Nakakalungkot lamang isipin na hindi pa nga nagsisimula ang kwento ng kanilang pag iibigan ay mukhang magtatapos na ito agad.

Malalim na ang gabi. Alam ni Yrenea iyon sapagkat naririnig na nya ang huni ng mga kuliglig.

Habang sya ay nasa gitna ng pag iisip, narinig nya na may bumubukas ng kanyang selda. Hindi nya ito maaninag sapagkat ang ilaw ng gasera ay hindi ganoon kalakas para mailawan ang nasa labas.

Kinabahan si Yrenea. Sa ganitong oras ng gabi ay wala na dapat ang makapasok sa mga kulungan.

"Yrenea?" bulong ng taong nagbukas ng selda.

Unti unti itong lumapit sa kanya at naaninag na nya ang imahe ng taong iyon.

"Isabel?" nag aalangang tanong ni Yrenea.

Agad syang niyakap ni Isabel.

"Yrenea, nandito ako para itakas ka. Tumakas na tayo. Magpakalayo layo tayo dito." saad ni Isabel.

Nagbitaw na sila sa yakapan.

"Paano ka nakapasok dito?" nagtatakang tanong ni Yrenea

"Pumuslit ako. Tulog na sila papá kaya ako'y nakatakas" paliwanag ni Isabel

"Tumakas na tayo." aya ni Isabel at hinila na palabas si Yrenea

Dahan dahan silang naglakad palabas nang mapansin nila ang isang pamilyar na pigura sa loob ng isang selda.

"Jose?" tanong ni Yrenea.

Agad silang lumapit dito.

"Jose, bakita ka nandito?" tanong ni Yrenea

"Dinakip ako ng mga kastila." sagot ni Jose

"Maaari ka naming itakas. Sumama ka na lang sa amin." saad naman ni Isabel at bubuksan na sana ang selda ni Jose.

"Huwag. Tanggap ko na ganito ang mangyayari. 'Wag na kayong mag abala na isipin pa ako. Humayo na kayo. Tandaan ninyo na ang lakas ng pagmamahal ay mas matindi sa kahit anong pwersa dito sa mundo. Ipaglaban nyo ang pagmamahalan nyo at kung hindi man kayo magtagumpay sa ngayon, tadhana ang gagawa ng paraan para magkasama kayo." saad ni Jose sa dalawa.

"Salamat Jose. Maaaring ito na ang huli nating pagkikita. Mi ultimo adios, amigo." saad ni Yrenea.

"Gracias, Jose. Adios." paalam ni Isabel.

Lumakad na sila palayo at lumabas na.

"Mi ultimo adios." saad ni Jose ng pabulong.

Nasa labas na ang dalawa at tinatahak ang daan palayo sa kanilang mga tahanan. Desidido na silang magpakalayo layo.

Habang tumatakbo sila ay hindi inaasahang nakita sila ng isang guardia civil. At dahil hindi nito maaninag na si Isabel ay isang anak ng alferez, agad itong nagpaputok ng baril.

Nataranta ang dalawa kaya mas tumakbo pa sila. At dahil akala ng guardia civil ay mga naghihimagsik ito laban sa España, binaril nya ang mga ito ulit.

Sa kasamaang palad, natamaan si Yrenea sa likod. Agad itong napadapa sa lupa.

"Yrenea! Yrenea!" tawag ni Isabel.

"I--i-isabel, m-mahal kita. Kung h-hindi man ito a-ang p-panahon natin, 'w-wag kang mag-alala." saad ni Yrenea.

Inakay sya ni Isabel.

"Huwag mo akong iwan. Nagmamakaawa ako." iyak ni Isabel.

Tumatakbo na papalapit sa kanila ang mga guardia civil at alam ni Isabel na wala ng pag asa.

Nalaglag ang kamay ni Yrenea mula sa paghaplos nito sa mukha ni Isabel.

"Lumaban ka. Mahalin mo sya higit pa sa buhay mo. Ipagpatuloy mo ang naudlot na kwento. Protektahan mo sya dahil yun ang hindi ko nagawa. Wag mong hayaang maulit ang kwentong 'to. Mahalin mo sya higit pa sa kung ano."

Tumingala si Isabel sa kalangitan na tila ba ay may kinakausap.

Niyakap nya ang walang buhay na katawan ni Yrenea at sa huling pagkakataon, hinalikan nya ang ulo nito bago umalingawngaw ang putok ng baril at bumulagta sya sa lupa katabi ng kanyang minamahal.

----------
(A/N: And that's how it ends.. Charot lang)

"Wag mong hayaang maulit ang kwentong 'to. Mahalin mo sya higit pa sa kung ano"

"Wag mong hayaang maulit ang kwentong 'to. Mahalin mo sya higit pa sa kung ano"

"Wag mong hayaang maulit ang kwentong 'to. Mahalin mo sya higit pa sa kung ano"

"Yrenea. Yrenea!"

"Babe, wake up.. Hey babe!" saad ng isang babae.

"Yreneaaaaa!" sigaw ni Bea at nagising. Hinihingal sya.

"Hey. What happened? Why are you shouting my name? Is there any problem, babe? Are you okay?" nag aalalang tanong ni Maddie.

"You.." Bea said and faced Maddie

"Me?" Maddie asked. She's confused on what's happening with Bea.

"I love you." Bea said as she caressed Maddie's face.

"Awww. My babe's making lambing ah. Too early for that but I love it anyway. I love you more, babe." Maddie answered and kissed the tip of Bea's nose.

Bea hugged Maddie. She remembered her dream. It's like binilin sa kanya si Maddie. It's like binilin sa kanya ang kwento na naputol.

Maddie's confused with what's happening with Bea but she shrugged the thought.

"Your mom called me pala kasi 'di ka naman daw sumasagot. She invited us for dinner mamaya sa inyo. She said she misses me na daw." Maddie said.

Napailing na lang si Bea. Well, close naman na kasi talaga si Maddie sa family nya at sya rin naman sa family ni Maddie. Parang gusto pa nga ng mga magulang nila na magpalitan na lang ng anak eh.

"Ikaw lang talaga yung namiss?" tanong ni Bea while she's still hugging Maddie.

"Yep. She said nga na 'Maddie, baby, dinner kayo later ni Bei dito sa bahay ha? I miss you na kasi. Let's have more kwento later.'" Maddie explained at ginaya pa yung pagkakasabi ni tita Det sa kanya.

"Well, it's okay with me as long as you and mom get along together. That makes me happy na." Bea said.

"Tara na. Breakfast is ready na and our teammates are waiting for us. Come on, captain!" aya ni Maddie kay Bea.

"Can we cuddle pa?" Bea pouted trying to convince Maddie.

"Nope. Isabel Beatriz, get your lazy ass up na. Now. Our teammates are waiting na." Maddie ordered.

And Bea being the UNDERstanding captain.

"Okay.. Okay, babe." she gave up.

"Good. That's my baby beast." Maddie smiled.

Lumabas na sila ng kwarto while holding each other's hand.

While Maddie's busy playing with their intertwined hands, Bea looked at her with all the love.

"I will love and protect you, Madeleine Yrenea, at all cost." she thought.

-----------
Okay.. Kung pangit man, o pangit talaga. Sorry na agad. 😁 Peace out!

Continue Reading

You'll Also Like

19.4K 146 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
205K 5.8K 30
What would you do when you accidentally fall for your best friend? Kaya mo kayang ipaglaban ang totoong nararamdaman mo? Paano mo aaminin sa kanya...
761K 13.1K 106
Love means No Rush. No limits. No Conditions. No Age Requirements. No Anything. Just You and the person you love. No Other things can get through to...
91.2K 1.8K 38
Wattysph top 6! Naniniwala kaba sa age doesn't matter? o sa gender doesn't matter? Hey guy's please read my new story starting Vice Ganda and Jacqu...